Ahva POVMaaga pa lang, bago pa tuluyang magising ang araw, nagising na rin ako. Hindi ko alam kung dahil ba sa nakasanayan kong maaga ring gumising sa school o dahil masaya lang ako sa mga nangyari kahapon. Medyo malamig pa ang umaga, at ramdam ko ang lamig ng tiles habang nakapaa akong naglakad papunta sa kusina, hindi ko kasi nakita ang pambahay kong sandal, siguro ay nasuotng isa sa mga kaklase kong makukulit kagabi.Pero ang hindi ko inasahan, may nauna na pala sa akin na magising ng maaga. Nakita ko si Amon, nakasuot pa ng simpleng puting t-shirt at shorts, abala sa kusina. May apron pa siyang sinuot na parang props lang dahil hindi ko siya ma-imagine magsuot ng ganoon.Napakunot-noo ako at napahinto sa pinto ng kusina. “Hoy, Amon,” tawag ko sa kaniya, na halos hindi makapaniwala. “Anong ginagawa mo? May mga kusinero naman dito, ah.”Nilingon niya ako, saka ito bahagyang ngumiti at ipinagpatuloy ang pagsalok ng sabaw mula sa maliit na kaserola. “Gusto kong ipagluto kayo ng almus
Ahva POVSabi ni Eryx, walang masyadong gagawin ngayong hapon, kaya inudyukan niya akong igala ang mga kaibigan ko.Kaya, ngayong hapon, pinili kong mag-focus sa mga taong alam kong tunay na kasama ko, sina Amon, Cael, Nyra at Penumbra. Mga naging totoong kaibigan ko sa school.“Halika na kayo,” aya ko sa kanila habang palabas kami ng gate ng school. Hindi na ako nag-alinlangan pa. Ngayon na exposed na ang pagkatao ko, wala na akong dahilan para itago ang mundo ko sa kanila. “Sasama ko kayo sa mansion namin.”“Sure ka ba, Ahva?” tanong agad ni Nyra, na excited. Akala ata ay nandoon si Kuya Miro. “As in... mansion? Iyong mansion ng mga Tani?”Tumango ako at ngumiti. “Oo. Pero mansiyon ko lang, sariling mansiyon ko. May kani-kaniya kasi kaming bahay. May sarili ng pamilya si Kuya Miro, kaya nakahiwalay na sila. Ang mama at papa ko naman ay busy sa ibang bansa. Ako lang ang nandito sa Pinas. Sina lolo at lola naman ay nasa New york, ilang buwang nandoon para sa business. Kahit mga may ed
Ahva POVKakatapis lang naming mag-almusal sa BG or big dorm. Lahat kami ay nakagayak na rin para pumasok. Paglabas ko mula sa Big Dorm, napansin ko na parang lahat ng estudyante ay nakatingin sa akin. Hindi ko pa alam kung bakit, pero ramdam kong may nangyayari.Habang naglalakad ako papunta sa training field, napalingon ako sa isa sa mga malalaking screen na nakapaskil sa bawat sulok ng campus. Napatigil ako. Nanlaki ang mga mata ko.Ang mukha ko. Ang pangalan ko.“Ahva Tani.”Parang tinusok ng libo-libong karayom ang dibdib ko habang pinapanuod ko ang bawat detalye na inilalabas ng screen. Hindi lang basta achievements ko bilang student ang pinapakita roon, kundi pati na rin ang buhay at pinagmulan ko.“Ahva Tani, mula sa pamilyang Tani, isang kilalang pamilya sa buong Pilipinas na ang reputasyon ay nakaukit sa kasaysayan ng mga mandirigma, assassin, at mga taong walang kapantay sa laban. Ang kuya niya, si Miro Tani, ay dating mafia boss na kinatatakutan sa underground world…”Hind
Ahva POVPagbukas pa lang ng pinto ng Italian restaurant, ramdam ko na agad ang kakaibang kilig na pumipintig sa dibdib ko. Para akong high school girl na ngayon pa lang makakaranas ng first date, kahit na ang totoo, hindi naman ito basta ordinaryong date lang, ito ang first dinner date namin ni Eryx bilang opisyal na mag-syota.Nang lingunin ko siya, muntik pa akong mapatulala. Ang guwapo niya ngayong gabi. Hindi ko alam kung dahil ba nakasuot siya ng navy blue polo na bagay na bagay sa broad shoulders niya, o dahil ang buhok niya ay maayos na naka-wax, parang bagong gupit pa. Sanay kasi akong makita siya sa school na pawisan, rugged, minsan basa pa ang buhok dahil galing sa gym ng school. Pero ngayong naka-ayos siya, grabe, para siyang ibang tao. Parang artista.“Stop staring, baka ma-conscious ako,” biro niya habang nakangiti, at doon lang ako natauhan na nakatitig ako sa kaniya ng ilang segundo. Parang namasa ata ang ibaba ko bigla, seryoso, sobrang pogi niya pala lalo kapag nag-a
Eryx POVNang ang laban namin ni Lucien, pareho kaming pawisan at hingal, pero ngumiti siya bago bumagsak sa lupa. Siya na ang kusang sumuko. “Ang hirap mo palang talunin, Sir Eryx,” sabi niya, medyo may halong inis at respeto pa rin siyempre.“Magaling ka rin, Lucien,” sagot ko. “Kung ipagpapatuloy mo pa, baka balang araw, malampasan mo ako. Karapat-dapat ka sa rank mo.”Nakita ko namang natuwa si Lucien sa narinig sa akin. Deserve niyang mapuri, totoo naman kasing magaling siya.At siyempre, hindi pa man ako nakakapagpahinga ay hinamon na rin ako ni Amon. Si Amon na tila atat akong makalaban.Sa unang pag-atake niya, nagpakitang gilas agad. Narinig ko tuloy ang ilan sa mga nanunuod na student na tila napahanga agad sa pagpapapansin niya.Malakas siya, parang bundok na hindi kayang basta-basta gibain. Ang bawat hampas niya ng espada ay may bigat na parang tinatamaan ka ng malaking bato. Ilang ulit akong napaatras, at halos mawalan ng balanse. Kung hindi ako sanay sa bilis, baka kanin
Eryx POVPagkagising ko ng umagang iyon, parang ang gaan ng pakiramdam ko. Napangiti ako, ngayon ko na lang ulit ito naramdaman. ‘Yung gigising ka at nag-iisang babae lang ang biglang papasok sa isip ko. At si Ahva iyon.Sa wakas, matapos ang ilang linggo o araw na pagkalito ko sa nararamdaman sa kaniya, tuluyan na ngang nahulog ako sa batang babaeng iyon. Nung una, wala e, kahit pa umaamin siyang may gusto sa akin, hindi ko lubos maisip na papatulan ko siya. Pero tila ang tadhana na ang naglaro sa amin. Isang araw, bigla na lang may kung anong pumintig sa puso ko. Sa kakakulit, sa sobrang tigas ng ulo niya at sa sobrang pagpapapansin niya, heto, nahulog na rin ako ng tuluyan sa kaniya. Hindi na ako nakatakas. Kahit pa iniisip kong sobrang laki ng agwat ng edad namin.Kahapon, nung ligawan ko siya, sinagot na niya agad ako. Kami na. Hindi ko maipaliwanag kung gaano ako kasaya ngayon. Pakiramdam ko, bumata ako ng ilang edad. Pakiramdam ko, para akong nagbalik sa pagiging student.Kaya