Mag-log inAhva POVMaaga akong nagising kinabukasan. Wala pa ngang araw sa langit, gising na agad ako. Sinadya ko ito dahil may kailangan akong gawin. Pagkatunog na pagkatunog ng alarm clock ko, bumangon na ako at nag-ayos.Habang nag-aayos ako ng sapatos, pumasok si Eryx, suot ang itim na training outfit niya. Ngayon ko lang napansin na wala na nga pala siya sa tabi ko nung magising ako.“Gising ka na rin pala,” sabi niya habang nag-i-stretch. Sa tingin ko, magkasunuran lang kaming nagising. “Tamang-tama, mag-jogging tayo. Kaya din ako maagang nagising ay para magpalakas.”Napangiti ako. “Nauna lang ako ng ilang minuto sa ’yo. Hindi ko alam na magkapareho pala tayo nang naiisip gawin ngayong araw.”“Hindi mo naman ako sinabihan kasi,” sabi niya, kunwari’y nagtatampo pa.“Eh, akala ko kasi magpupuyat ka kagabi,” biro ko, kahit ang totoo ay sabay naman kaming natulog pagkatapos magplano.Natawa siya kasi alam niyang nagbibiro ako sa sinabi ko. “Baliw, magkasabay tayong nahiga at natulog bago mag
Ahva POVPagkababa ko mula sa kuwarto namin ni Eryx, damang-dama ko ang sakit ng katawan ko. Ang sakit pa rin ng mga sugat na natamo ko sa last na naging labanan.Pag-ibaba ko sa ibaba, nagtaka ako kung bakit ang tahimik ng paligid. Wala ni isang tauhan ni Eryx sa paligid kahit pa madalas, laging may nagbabantay sa bawat kanto ng mansiyon. Medyo kinabahan ako, akala ko may nangyari na namang masama.Pero nang makarating ako sa garden, napahinto ako.Halos hindi ako makapaniwala sa nakita ko. May mga ilaw na nakasabit sa mga sanga ng puno. Sa gitna ng garden, may lamesa na sakto lang para sa dalawang tao, may puting mantel, may mga kandila at nakapatong ang dalawang baso ng red wine. Sa paligid naman nito ay may mga bulaklak.At doon ko nakita na nakatayo si Eryx. Naka-black slacks siya, may suot pa na dark blue polo na nakatupi ang manggas. Ang guwapo niya nung makita ko siya.“Anong… ginagawa mo?” halos pabulong kong tanong.Lumapit siya sa akin, hinawan ang kamay ko, at marahan akon
Ahva POVHindi ko alam kung ilang minuto na kaming tumatakbo sa loob ng gusali ni Giapson. Ang naririnig ay puro mga hakbang na halos sabay-sabay. Lahat mabilis, lahat din ng madadaanan ay malabo dahil sa mga putok ng baril. Ang amoy ng pulbura ay parang usok na ayaw nang umalis sa ilong ko. Kawawa ang may hika dito, tiyak na maninikip ang dibdib.“Ahva, sa kanan!” sigaw ni Eryx.Agad akong tumalon at nagtago sa likod ng metal cabinet, sabay sunod ng dalawang putok sa lalaking may hawak na espada. Bumagsak naman siya agad, pero bago pa man ako makahinga ng maluwag, may sumabog sa kabilang pader.Parang nilamog ang tenga ko sa lakas ng tunog na iyon. Nahagip ako ng mga debris, kaya ramdam ko agad ang hapdi sa braso ko na parang napunit, pero hindi naman malala. Dumapa ako sa sahig at gumapang papunta sa kinaroroonan ni Eryx.“Damn it,” mura ko. “Ang dami pala nila rito!”Sumilip si Eryx mula sa kanto, pinaputukan ang tatlong assassin na sumusugod. “Hindi ko akalaing ganito sila karami.
Ahva POVHindi ako umaalis sa tabi ni Eryx simula pa kagabi. Wala akong balak umalis dahil maging ako ay natatakot sa maaaring mangyari sa akin. Hindi ako aalis at maglalalabas ngayon, hindi habang alam kong nasa kamay ng halimaw na si Giapson ang mga kaibigan ko.Simula kagabi, wala pa akong maayos na kain at tulog. Wala akong gana dahil sa nangyari. Lalo na nang mabalitaan ko pa kay Eryx na natagpuang patay si Miss Belinda. Napakawalangya ni Giapson dahil pinaghiwa-hiwalay pa ng mga assassin niya ang katawan nito. Basta, tinarantado nila ang mabuting tao na si Miss Belinda. Nagpagaling pa man siya sa ibang bansa para sa sakit niya pero ganoon lang pala ang sasapitin niya.Nasa malawak na opisina kami ni Eryx sa ikalawang palapag, nakaupo siya sa harap ng mahaba niyang lamesa. Nakabukas ang mga monitor na puno ng mapa, larawan ng mga sasakyang ginagamit ng mga tauhan ni Giapson, at ilang listahan ng lokasyon ng mga hideout nito.Sa gilid, may mga nakahilerang baril, mga granada, at m
Ahva POVGamit ang baril na hawak ko, isa-isa kong pinaputukan ang mga kalabang nakita ko sa daan. Kitang-kita ng mga mata ko kung paano inubos ng mga magagaling na tauhan ni Giapson ang mga mahihinang klase ng student sa school namin. Kitang-kita ko rin kung paano lamunin ng apoy ang bawat classroom ng school.“Ahva, tulungan mo ako!” sigaw ni Nyra nung makita kong duguan ang buong mukha niya habang hila-hila siya ng tatlong assassin.“Tigil, tang-ina ninyo, tigil! Bitawan ninyo si Nyra!” sigaw ko habang pinapatamaan ko sila ng baril, pero ni isa sa mga bala ng baril ko ay walang tumama sa kanila. Tuluyan nilang natangay ang kaibigan kong si Nyra.Hahabulin ko sana sila pero sigaw naman ni Cael ang sunod kong narinig sa may gilid ko. “Tang-ina, ang sakit, bitawan ninyo ako!”Pagtingin ko kay Cael, dugong-dugo rin ang katawan niya na para bang kung titignan ay parang mamamatay na.“Bitawan ninyo ang kaibigan ko!” sigaw ko sa kanila habang nakatutok ang baril ko sa kanila. Bago pa man
Ahva POV“Oh, anong ginagawa ninyo dito, Ahva at Kara?” tanong ni Miss Belinda pagpasok namin sa loob ng office niya.Nandoon na rin sina Eryx, Tito Sorin at Tito Zuko.“Ano nang mangyayari ngayong patay na si Solomon? Ano na sa tingin ninyo ang gagawin ng mafia boss na may hawak sa kaniya? Sa tingin ninyo ba, titigil pa ang mafia boss na iyon pabagsakin ang mga school na gaya nito kung ang target naman pala niyang kolektahin ay ang mga magagaling na assassin student?”Tinignan ni Eryx si Miss Belinda. “Anumang oras o araw, puwedeng lahat ng nandito ay maging abo sa isang iglap. Tiyak na gagawa at gagawa si Giapson ng paraan para makakuha ng mga student dito.“Giapson?” tanong bigla ni Kara, kaya napatingin kaming lahat sa kaniya.“Oo, Giapson ang pangalan ng mafia boss na may hawak kay Solomon. Siya ang mafia boss na gustong-gustong kumukuha o dumudukot ng mga student na assassin at matagal na ikukulong sa imperyo niya para palakasin at para gawing tauhan niya balang-araw. Iyon ang i






