Share

43 - Pagbabago

"Ate, Si Zacky gustong maligo sa dagat!" napasulyap ako sa plywood na bintana para makita si Zaji at Zacky.

"Huwag mong papayagan, inuubo na yan kagabi dahil naligo kahapon," sambit ko at bumalik sa pagkakaupo.

Kumuha ako ng damit sa tabi ko at tinupi, hindi ko pa natutupi ng maayos nang marinig ang iyak ni Zacky habang papalapit. Kasunod nito si Zaji na nakasimangot.

Kahit hindi magsumbong si Zaji ay alam kuna. Hindi ko alam kung saan nagmana ang anak ko, ang tigas ng ulo niya. 

"Mama, Ligo sa dagat!" Umiiyak na sambit nito. Lumapit ito sa akin bago umakyat sa sofa at niyugyog ang balikat ko.

"Ako na bahala rito, tapusin mo na yung assignment mo," sambit ko kay Zaji, tumango lang ito bago lumabas.

Binalingan ko si Zacky at kinurot ng mahina ang pisngi nito.

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status