Pagkapasok nila ay agad silang lumuhod sa harapan ni Eloisa na may malinaw na layunin.
"Nakikiusap kami, iligtas mo kami, Miss Ferrer! Hindi na namin kaya ang pambubugbog nila! Binayaran mo kami para gawin ito sa simula pa lamang... Huwag mo naman sana kaming baliwalain na lang!" Napakunot noo si Eloisa at napahakbang paatras. “Ano bang pinagsasabi ninyo? Ni hindi ko nga kayo kilala.” Naguguluhan siya sa nangyayari pero kahit ganoon ay pilit niyang pinagtagpi-tagpi ang mga pangyayari. Kung sakaling kinuha niya talaga ito, hindi naman siya ganoon lang katanga para tawagan sila para lamang sa isang kalokohang plano. Nagngangalit ang ngipin ng pinaka-leader ng mga ito dahil sa galit. Agad-agad nitong inilabas ang mobile phone sa bulsa niya. "Miss Ferrer, nandito lahat ng impormasyon patungkol sa ating mga call records at chat records. Itatanggi mo pa rin ba ito? Noong nakaraang araw ay nag-transfer ka ng 100,000 pesos sa akin gamit ang pangalan ng pamilyang Ferrer. Kung gusto mo, pumunta tayo ngayon agad sa bangko para tingnan ang transaction records." Dumilim ang mukha ni Khalil dahil sa galit. “Khalil, pasensiya na sa ginawa ng kapatid ko. Nagawa niya lamang iyon dahil sa sobrang pagmamahal niya sa iyo.” Agad na paghingi ng pasensiya ni Cara. “Humihingi po ako ng paumanhin sa iyo at kay Samantha dahil sa ginawa ng kapatid ko. Umaasa akong hindi na ito mauulit pa. Gagawin namin ang lahat upang mabayaran namin si Samantha kahit anong kabayaran basta gugustuhin niya.” Mas lalo pang nagalit si Khalil nang marinig ang tinuran ni Cara. Awtomatikong napatingin si Khalil kay Eloisa habang mapanuyang nakangising hinarap ito. “Talagang may paraan ka para lusutan ito, tama? Kung wala siguro ako, maaaring na-frame up mo na si Samantha hanggang sa mamatay!" Napakamanghang natawa si Eloisa sa narinig nito. Tumingin siya sa kinaroroonan ni Cara, na puno ng kabutihan na may mapanuyang mga mata. "Hindi pa natapos ang usapan pero agad-agad humingi ka na ng paumanhin? Sabik ka bang tulungan akong umamin sa isang salang... hindi ko ginawa? Natatakot ka bang lumabas ang katotohanan na hindi ako ang gumawa ng bagay na ito?” Agad na nanlaki ang mata ni Cara at ilang segundo lang ay nagsibagsakan ang luha nito. “Ate naman, gusto lang talaga kitang tulungan… bakit masama lagi ang tingin mo sa akin?" Nagpupuyos sa galit ang ina nilang si Jess nang harapin nito si Eloisa. “Gumawa ka talaga ng eksena sa mismong welcome party ng kapatid mo? Isang napakahirap na desisyon para sa kapatid mo na tulungan kang malutas ang problemang ito. Ano pa ba ang dahilan para hindi ka makuntento? Magiging masaya ka ba kapag nakita mong luluhod sa harap nilang lahat ang kapatid mo para aminin ang kasalanang nagawa mo?" Si Kenneth, panganay na anak ng mga Ferrer naman na nasa tabi nila ay napabuntong-hininga na lang. "Eloisa, kung may nagawa kang mali ay umamin ka na agad. Nandito lang naman kami para tulungan ka," wika ng Kuya Kenneth niya. "Kung tutuusin, isang hangal lang ang gustong tumulong sa iyo para ayusin ang mga kalat mo. Napakabait ni Cara sa iyo," sambit ng ama na si Carlos bilang pagsang-ayon. Tulungan siya? Nagpapatawa ba ang mga ito. Hindi nga nila iniisip kung ano ang pagkakaiba ng mali sa tama at agad siyang inakusahang siya ang gumawa nito. Kahit sanay na siya sa ganitong uri ng kawalan ng tiwala, nasasaktan pa rin siya. "Hindi ba't ang kinakailangan nating gawin sa oras na ito ay malaman kung sino talaga ang may kasalanan? Gusto niyo ba talagang malamang mali ako? ‘Yun ba ang gusto niyo?” turan nito sa malamig na boses. Tumigil sa pagsasalita si Carlos, at ang kaniyang dalawang pares ng maitim na mata ay agad na tumigil sa nanginginig na si Samantha. Agad na humarang si Khalil upang harangan ang masamang tingin ni Carlos kay Samantha. "Halata namang hindi niyo kami hahayaang umalis. Inosente si Samantha at humingi na kayo ng tawad na minasama niyo siya. Humingi ka na ng tawad para tapos na ang lahat. Ang engagement natin ay mananatili pa rin." Magkaiba ang ekspresyon ng bawat isa. Hindi nila inaasahan na pagkatapos ng lahat, handa pa rin si Khalil na magpakumbaba at pakasalan si Eloisa. Bahagyang lumiit ang mga mata ni Samantha, halatang hindi sangayon. "Hindi ko aaminin ang isang salang hindi ko naman ginawa." Paninindigan niya. Napasulyap siya sa lahat na naroon. "Pinapaalam ko sa lahat ng narito, na ang engagement namin ni Khalil Cabiles... ay tuluyan nang nakansela. Mula ngayon, mamuhay siya sa paraang gusto niya at gano’n rin ako. Mamumuhay kaming hindi na pakikialaman pa ang bawat isa." Paraang huminto ang lahat na nasa paligid ni Khalil. Nakatitig lang ito sa bawat pagbuka at pagsara ng bibig ng mapupulang labi ni Eloisa at nakatuon sa mga salitang lumalabas dito at tuluyang nagbago ang ekspresyon niya dahil sa mga sinabi nito. Hindi maiwasang humanga ni Josh sa mga sinabi ni Eloisa. May kakaibang ekspresyon na lumitaw sa mga mata nito na hindi maipaliwanag. Ngunit saglit lang ang ekspresyon na yon at agad na nawala. Sa kaloob-looban ay natuwa si Samantha, pero nanatili itong tahimik. Agad nitong hinawakan ang kamay ni Khalil para magmakaawa. "Khalil, nagkamali ako at inubos ko ang pasensiya ni Eloisa. Humihingi ako ng despensa dahil sa nangyari kanina. Kung papatawarin niya lang ako, maglalaho ako na parang bula dito at hindi na babalik kahit kailan." Nagmadali namang lumapit si Carlos kay Eloisa at hinila ito. "Eloisa, kahit ngayon lang ay maging masunurin ka naman. Humingi ka ng tawad." Pinilit siya ni Khalil, pati na rin ng pamilya niya para humingi ng tawad sa isang kasalanang hindi naman niya ginawa. Wala na siyang iba pang pinanghahawakan at pinaniniwalaan kagaya noon. Hindi na siya katulad dati na hindi isusuko ang pamilya at pagmamahal. Sumuko na siya ng paulit-ulit at paulit-ulit ring nagdurusa sa kakulangan ng katarungan. Yon ang iniiwasan niyang maulit pa. Kinuha niya ang kaniyang cellphone at iniwagayway yon sa ere kasabay ng kaniyang mapanuyang tawa. "Dahil inosente si Samantha at na-agrabyado, tumawag ako ng pulis para humingi ng hustisya sa kanila. Nagkataon lang na nalapag-record ako ng ilang kawili-wiling bagay sa cellphone ko. Hayaan natin na ang mga pulisya na ang tumukoy sa totoo at hindi... at hindi ang pag-akusahan ang sinumang inosenteng tao." "Huwag!" Malakas na tanggi ni Samantha nang hindi nag-iisip, at medyo matalas ang tono niya dahil sa pagkabalisa. Nag-panic siya at sinubukang bumawi, nanginginig at walang magawa ang tono niya. "Ate, huwag mo sirain ang reputasyon ng pamilya natin," bulong ni Cara na nasa tabi ni Jess bilang hindi pagsang-ayon. "Mas mabuti pang... makipag-deal ka na lang sa kanila. Humingi ka na lang ng tawad kay Samantha para matapos na ito," dagdag nito habang nakatitig kay Eloisa na may pag-alala ang kaniyang mukha. Kumurap si Eloisa at saka natawa dahil sa narinig nito. "Bakit ako natatakot? Dapat matakot ay ang pasimuno sa kaguluhang ito. Tama naman ako, hindi ba?" Maaari siyang makipagtulungan for drug testing, at ang mga ipinagbabawal na gamot sa kanyang katawan ay pisikal na ebidensya. Hindi nag-aalala si Eloisa. At gaya nga ng nahulaan niya, matapos marinig ang tawag sa pulis, tuluyan nang nataranta ang mga lalaking nasa harapan nila at pinagbibintangan siya. Sinenyasan ni Carlos ang bodyguard na nasa tabi niya. "Lasing na ng lasing si Eloisa at hindi malinaw ang kanyang isip. Dalhin mo siya sa kwarto para magpahinga. Tungkol naman kay Samantha, ako mismo ang pupunta sa bahay niya para humingi ng tawad." Kasabay ng boses ni Eloisa, naroon din ang tunog ng pag-dial niya sa mga pulis.Nanatiling nakatayo si Carla, hindi maitago ang kaba sa mukha niya."Josh!" tawag niya, halatang desperado ang boses.Doon lang dumating si Kenneth. Katulad ng dati, kalmado pa rin ang itsura nito at may kabaitan pa rin sa kilos. Maingat nitong itinaas ang salamin sa mata."Nagpapasalamat kami sa pamilya Ferrer na handa kayong tumulong," mahinahon niyang simula. "Pero mas makakabuti siguro kung sa amin na lang manggaling ang pag-aayos nito. After all, ang kahihiyan ng pamilya ay hindi dapat inilalantad sa publiko. I hope you understand."Bahagyang ngumiti si Josh, pero malamig pa rin ang dating. "So, ibig sabihin ba no’n, Kenneth, you’ll investigate it thoroughly?"Medyo nanigas ang panga ni Kenneth pero pinilit pa ring panatilihin ang ngiti sa labi. "Natural," sagot niya.Tumango si Josh, tapos ay tumingin kay Eloisa bago tuluyang tumalikod. Nagtagpo ang mga mata nila, at ramdam ni Eloisa kung anong damdamin ang gustong iparating ni Josh sa kanya. Mahina siyang napabuntong-hininga.M
Naalala ni Jess. Nung time na 'yon, kasabay pa niyang pinapabalik ang anak na si Eloisa sa kwarto para kausapin at bigyan ng gamot.Hindi man alam ng iba ang buong nangyari, pero siya, sigurado siya. Paano pa makakapag-text si Eloisa sa ibang tao sa ganitong oras?Obvious na obvious na imbento lang ang sinabi ng lalake.Oo, totoo, hindi talaga gusto ni Jess ang ugali ng anak na si Eloisa dahil parati itong sumusuway. Umabot pa siya sa punto na muntik na niya itong talikuran, all just to save her own reputation. Pero kahit ganon, hindi ibig sabihin noon na papayag silang samantalahin ng ibang tao ang pamilya nila at basta na lang palabasing may kasalanan si Eloisa.Napansin ni Carla ang kakaibang reaksyon ni Jess, at bigla siyang nakaramdam ng kaba."Tanga talaga ang lalaking ito!" Sa isip-isip ni Carla.Lumapit si Carla sa ina. "Ma, parang may mali. Parang hindi si Ate ang may gawa nito. Kahit sabihin mong may pagkukulang siya, hindi ganon kababa ang standards niya sa lalaki.”Kahit a
"Ma, nagsisisi ka ba?"Natigilan si Jess saglit. Nang makita niya ang emosyong laman ng mga mata ni Eloisa, may kakaibang kaba agad siyang naramdaman.Nagiging mas unpredictable na ang ugali ni Eloisa lately, kaya mas mabuting kontrolin na muna ang sitwasyon.Pilit siyang ngumiti at muling lumingon kay Carla. "Magpatuloy ka na sa shooting, ako na ang bahala rito."Nag-alala si Carla, halatang hindi mapalagay. "Pero Ma, mukhang hindi okay si Ate. Kaya mo ba talaga mag-isa?"Kung hindi mo alam ang buong kwento, iisipin mong parang multo si Eloisa. Pinisil ni Jess ang kamay ng anak bilang pampalubag-loob.Pero si Eloisa, tahimik na nagsalita. "Don't worry. I just want you and our mother to meet someone. After that, kapag nasagot na ang tanong ko, saka niyo na ako dalhin kung gusto niyo. Bakit parang ang bilis niyong takpan ang bibig niyo? Natatakot ba kayo na may masabi akong nakakagulat?"Sunod-sunod ang pasabog ng mga comments online."Grabe, may topak na yata talaga si Eloisa. Nakakah
Bumaha agad ng comments sa live broadcast.“Does this mean na break na si Eloisa at Khalil?”“Finally! Matagal ko nang iniisip kung paano napunta si Eloisa sa ganung klaseng relasyon. Buti na lang at hindi pala bulag si Khalil.”“Walang lalaking makakatagal sa ganyan. In the end, Eloisa will ruin herself dahil na rin sa sarili niyang mga ginawa.”“‘Wag niyo nang patagalin, pumasok na kayo! Gusto ko nang makita kung sino ‘yung lalaki! Hindi ako pumasok sa work today para lang dito. Excited na ako!”“Yes! Hurry up, pasukin niyo na. Naka-ready na ako to record this!”Sa tindi ng galit at paninigaw ni Khalil ay tuluyan nang nawala ang kahit anong guilt o init ng loob sa puso ni Jess. Hindi na siya nakapagpigil kaya sinampal niya si Eloisa ulit.“May ginawa kang kahiya-hiya, tapos may gana ka pang ibato ‘yan sa iba?”Oo, siya nga ang naglagay ng gamot. So what? Kaya niya lang ginawa ‘yon ay dahil si Eloisa ang unang nagkulang. Kung hindi lang siya nakipag-away kay Khalil ay hindi sana siya
Halatang litong-lito pa rin si Khalil. Napakunot ang noo niya habang tanong niya, “Bakit hindi ako pwedeng nandito?”“Narinig kong hindi maganda pakiramdam ni Eloisa. May kailangan lang akong tapusin kahapon kaya napaalis ako agad. Ngayon lang ako nakabalik para kumustahin siya. Bakit, may nangyari ba?”Agad namang may pinadala ang program team para magpaliwanag, pero halatang kabado si Carla at hindi alam ang gagawin. Pilit niyang ngumiti habang tanong, “So... Khalil, hindi mo pala nabisita ang ate ko kagabi?”Lalong lumalim ang pagdududa sa mga mata ni Khalil. “Oo.”Paglingon niya, napansin niya ang mga kakaibang tingin ng mga tao sa paligid. Parang bigla niyang naisip kung ano ang pinapahiwatig ng mga ito. Bumigat ang expression niya, at ang gwapong mukha niya ay biglang dumilim.Nagkunwaring kalmado si Carla. “Khalil, huwag kang mag-alala. Naniniwala akong hindi magagawa ng ate ko ang ganiyang bagay. Siguro may hindi lang pagkakaintindihan. Baka nalasing lang siya kagabi. Hintayin
Kinabukasan ng umaga, mas maaga kaysa dati nagising si Eloisa.Napabalikwas siya ng bangon, hawak pa ang kumot habang tulala ang tingin sa paligid. Walang laman ang isip niya, parang na-reset ang buong sistema ng katawan niya.Gusot ang mga sapin ng kama, magulo ang ayos ng suot niyang damit, at katabi pa rin niya si Josh na mahimbing na natutulog.Mapula-pula pa rin ang balat niya sa ilang parte, lalo na sa leeg at balikat. Mga halatang bakas ng nangyaring hindi niya matandaan. May mga manipis pang gasgas sa may abs ni Josh, halatang galing sa mga kuko niya.Napakabilis ng kilos niya habang tinakpan ang mukha gamit ang dalawang palad. Hindi siya makapaniwala. Parang may parte sa sarili niyang hindi niya makilala.Pinilit niyang balikan sa isip ang mga huling nangyari bago siya mawalan ng ulirat. Ang huli niyang maalala ay noong ikinulong siya nina Jess at Kenneth sa kwartong ito.Hindi lang siya ikinulong. Binigyan pa siya ng gamot. At pagkatapos nun, wala na. Blanko. Parang binura a