Share

Chapter 6

Author: Eloisahjean
last update Huling Na-update: 2024-12-04 19:43:37

"Hello, police officer. May kahina-hinalang taong naglagay ng druga sa loob ng silid na siyang dahilan ng pagkahilo ng mga taong nasa loob at tangkang panghahalay. Maari bang pakitingnan niyo ang crime scene at paki-imbestigahan na ‘rin."

Nang ibinababa na ni Eloisa ang telepono, kapansin-pansin niya ang nanginginig na kamay ni Cara habang nakahawak sa dulo ng kaniyang skirt.

Maagang natapos ang welcome party ng mga Ferrer dahil sa hindi inaasahang pangyayari, kaya nararapat lamang na managot ang maysala.

Nang makita ng mga police si Eloisa, agad siya nitong kinausap patungkol sa nangyari.

“Alam na namin ang lahat na nangyari, pero pilit kang itinuturo ng biktima na may kinalaman ka sa krimen. Kaya inaanyayahan ka namin sa police station para makipag-cooperate sa imbistigasyon.”

Hindi hahayaan ng pamilyang Ferrer ang pagkakataong makaalis ang maysala nang malinis. Sinira nito ang okasyon na ginawa nila.

May sasabihin sana si Khalil kay Eloisa pero hindi na niya itinuloy. Nanginginig naman ang katawan ni Samantha na nasa tabi ni Khalil dahil sa takot.

Binuhat ni Khalil si Samantha na parang isang prinsesa at iniwan si Eloisa na walang pagdadalawang-isip. Saglit pa niya itong tinapunan ng tingin bago tuluyang lumabas.

Sa malamig na gabi, saka pa naramdaman ni Eloisa ang napakalamig na simoy ng hangin na tumatama sa likod niya.

Ibinaba ni Josh ang bintana ng kaniyang sasakyan habang nakatingin sa police car na kakaalis pa lang. Marahan niyang hinawakan ang kaniyang relo at tumingin sa oras na naroon. Nakatingin lamang siya sa isang partikular na bagay kaya't napakahirap hulaan ang mga iniisip niya.

"Hindi muna tayo babalik ng España.”

**

Sa Police Station.

“Miss Ferrer, naiintindihan ko ang sitwasyon mo. Mas mabuti pang mag-piyansa ka na 'lang at humingi ng tawad sa kliyente ko. Huwag kang mag-alala, ang mga Cabiles na ang mag-pi-piyansa at hihingi ka 'lang ng tawad kay Miss Rodriguez. Pagkatapos mong humingi ng tawad ay tapos na ang lahat. Hangga't maaari ay magiging pribado ang paghingi mo ng tawad,” wika ng abogado ng pamilyang Cabiles na naunang nagsalita.

"Ang ibig sabihin 'lang nito ay pinabayaan ng mga Cabiles ang mga Ferrer, at ang kasal nina Khalil at Eloisa ay mananatili,” wika ng kabilang partido.

Si Carlos naman na hinihintay 'lang na sabihin ‘yon ng kabilang partido, sa wakas ay nakapag-relax siya. “Kilala ko na talaga si Khalil, noon pa man ay mabait na siyang tao. Eloisa, humingi ka ng tawad on behalf of Ferrer.”

“Hindi ako hihingi ng tawad. Hahayaan kong manghimasok ang pulisya sa kasong ito upang linisin ang pangalan ko."

Matapos 'yung sinabi ni Eloisa, nagbago agad ang eskpresyon ng lahat na naroon. Nadismaya ng husto si Kenneth dahil sa inasal ng kapatid niya kaya malakas niyang hinampas ang mesa.

“Eloisa, p’wede ba, umiwas ka naman sa gulo? Maraming mga matang nakatingin sa ‘yo. Huwag mong idamay ang reputasyon ng mga Ferrer." Marahang napasinghap si Kenneth. “Masyado ka nang spoiled brat sa bahay. Kung kay Cara ito nangyayari, natitiyak naming hindi niya kami hahayaang mapahiya at pati na 'rin ang buong angkan ng Ferrer."

Napangiti si Eloisa sa kaloob-looban ng kaniyang puso.

Tama sila, hindi nga siya katulad ni Cara. Upang sirain siya, kailangan pa talaga ng mga ito ng kasuklam-suklam na paraan.

Pinikit ng abogado ng pamilyang Cabiles ang kaniyang mga mata at muling dumilat ilang sandali ang makalipas, may banta sa mga mata nito.

“Kung igiit mo na hindi ka hihingi ng tawad, hindi ka na bibigyan pa ulit ng pagkakataon na makapag-piyansa. Itutuloy na 'rin namin ang demanda ng tangkang panghahalay kay Miss Rodriguez.”

Nagtaas-baba ang dibdib ni Eloisa dahil sa narinig.

Walang puso talaga si Khalil. Hindi talaga ito papayag na papaalisin 'lang si Eloisa ng walang anumang kabayarang matatanggap.

Pero hangga't hindi pumapayag si Eloisa sa gustong mangyari ni Khalil, wala 'ring magagawa ang mga Ferrer para piyansahan siya.

Ngumisi si Eloisa at mataas ang kumpiyansang nag-angat ng ulo sabay sabing, “Hindi ko ito kagagawan, kaya wala dapat akong pananagutan. Kung gusto niyong tuloy pa 'rin ang engagement, ibinigay niyo sa 'kin ang surveillance camera ngayong araw.”

Biglang nagbago ang mukha ni Carlos nang marinig ang sinabi ng anak na si Eloisa.

“Matagal na simula nang kinuha ni Khalil ang surveillance footage sa silid na ito. Ang sabi niya, kapag gumawa ka ng hindi kaaya-ayang bagay ay i-le-leak niya ang video,” wika ni Carlos.

Naging malamig ang mga mata ni Eloisa sa lahat. Para siyang binuhusan ng yelo dahil sa kaniyang napagtanto.

“Kahit isa man lang sa inyo ay hindi naniniwala na hindi ko ’yon ginawa? Wala ni isa man lang ang nagtangkang tingnan ang nilalaman ng surveillance camera,” dismayadong sabi ni Eloisa.

“Kapakanan mo lang ang iniisip namin. Nag-alala kaming lahat sa ’yo, pero heto ka at pilit na iginigiit na tama ka,” naiinis na wika ni Kenneth.

Nakaramdam ng pagkapagod si Eloisa. Pagod na siyang ipaglaban ang sarili niya.

“Kung gano’n ay umalis ka na. Kahit kailan ay hindi ko na tatanggapin ang piyansa mo at hindi mo na ako kailangang pilitin pa,” mahinahon ngunit naiiritang sabi ng attorney ng mga Cabiles.

Nagbago ang mga ekspresyon ng mga taong naroon. Unang umalis ang abogado ng mga Cabiles kaya naiwan sila roon.

“Hindi mo talaga alam kung ano ang makakabuti sa ’yo!” bulyaw ng kaniyang mga kamag-anak na naroon. “Tingnan natin kung hanggang kailan ka magmatigas—at sa huli, kami pa rin ang lilinis ng mga kalat mo.”

Bumukas-sira ang mga labi ni Eloisa sa pagkagulat.

Kahit mamatay siya ngayon, hindi niya hahayaan na may kokontrol sa kaniya.

Hindi niya alam kung ilang sandali pa ang lumipas sa katahimikan hanggang sa maramdaman niyang may paparating.

“Miss Eloisa Ferrer, puwede ka nang umalis. Mayroong nagbayad na ng piyansa mo,” wika ng isang pulis.

Pilit na iniisip ni Eloisa ang mga taong malapit sa kaniya na maaaring magpiyansa sa kaniya, pero hindi niya mahulaan kung sino talaga ang nag-piyansa.

May isang Pagani ang nakaparada sa labas ng stasyon at isang bulto ng tao ang nakatayo sa tabi nito.

Nakaharang ito sa sinag ng araw, lalong nagbibigay-diin sa kakisigan ng lalaki. Malamig ang awra nito, na mas lalong pinapaganda ang postura.

Pero bahagyang natigilan siya nang makilala ito.

Ang tiyuhin ni Khalil... Si Uncle Josh.

“Mr. Cabiles..." tawag niya rito.

“Ako nga." Bahagyang tumango si Josh. “Sumakay ka na sa kotse.”

Medyo hindi komportable si Eloisa, ngunit masunurin pa rin siyang sumakay. Wala siyang masyadong contact sa taong namamahala sa pamilya Cabiles.

Kadalasan ay nasa ibang bansa ito at namamahala sa napakalaking pamilihan. Ang paminsan-minsang pagkikita ay sa hapunan lamang ng pamilya Cabiles.

Tila ba isang alamat sa mundo ng negosyo si Josh. Kahit mahigit tatlumpung taong gulang na siya, nandoon pa rin ang kanyang personality charm at hindi pa siya naeskandalo.

Takot din si Khalil sa tiyuhin niyang ito. Sa katunayan ay si Josh din ang tagapagmana ng mga Cabiles, at hindi si Khalil.

“Ang pamilya Cabiles ay may utang sa iyo sa pagkakataong ito. Anong kabayaran ang gusto mo?”

“Po?”

Halos akala ni Eloisa ay mali ang narinig niya.

Bahagyang ibinaling ni Josh ang kanyang ulo upang tingnan siya. Ang kanyang mga mata ay singkit at malalim, tulad ng isang pool ng malalim na tubig—kaakit-akit ngunit nakakatakot.

“Alam ko ang lahat tungkol kay Khalil. Ang pamilya Cabiles ay magbibigay sa iyo ng paliwanag, at ipinapangako ko na ang babaeng iyon ay hindi na muling lalabas na kasama siya.” Lumingon ang gulat na Eloisa kay Josh. Bigla niyang naintindihan ang ibig sabihin nito.

Hindi tanga ang pamilya Cabiles. Pagkatapos ng lahat, siya pa rin ang panganay na anak na babae ng pamilya Ferrer.

Paano man siya hindi pinapaboran, mas maigi na siya kaysa kay Sam na walang pagkakakilanlan o background.

Si Sam ay walang pamilya, at ang kanyang edukasyon ay karaniwan. Hindi man lang siya kwalipikado na maging kasambahay sa pamilya Cabiles.

Kung talagang pakakasalan siya ni Khalil, magiging biro ito para sa pamilya Cabiles.

Mula sa makatuwirang pananaw, dapat siyang sumang-ayon. Patuloy na protektahan ang malaking puno ng pamilya Cabiles para sa pamilya Ferrer.

Ngunit...

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • Seduction: The Scumbag Uncle Kiss Recklessly   Chapter 95

    Nanatiling nakatayo si Carla, hindi maitago ang kaba sa mukha niya."Josh!" tawag niya, halatang desperado ang boses.Doon lang dumating si Kenneth. Katulad ng dati, kalmado pa rin ang itsura nito at may kabaitan pa rin sa kilos. Maingat nitong itinaas ang salamin sa mata."Nagpapasalamat kami sa pamilya Ferrer na handa kayong tumulong," mahinahon niyang simula. "Pero mas makakabuti siguro kung sa amin na lang manggaling ang pag-aayos nito. After all, ang kahihiyan ng pamilya ay hindi dapat inilalantad sa publiko. I hope you understand."Bahagyang ngumiti si Josh, pero malamig pa rin ang dating. "So, ibig sabihin ba no’n, Kenneth, you’ll investigate it thoroughly?"Medyo nanigas ang panga ni Kenneth pero pinilit pa ring panatilihin ang ngiti sa labi. "Natural," sagot niya.Tumango si Josh, tapos ay tumingin kay Eloisa bago tuluyang tumalikod. Nagtagpo ang mga mata nila, at ramdam ni Eloisa kung anong damdamin ang gustong iparating ni Josh sa kanya. Mahina siyang napabuntong-hininga.M

  • Seduction: The Scumbag Uncle Kiss Recklessly   Chapter 94

    Naalala ni Jess. Nung time na 'yon, kasabay pa niyang pinapabalik ang anak na si Eloisa sa kwarto para kausapin at bigyan ng gamot.Hindi man alam ng iba ang buong nangyari, pero siya, sigurado siya. Paano pa makakapag-text si Eloisa sa ibang tao sa ganitong oras?Obvious na obvious na imbento lang ang sinabi ng lalake.Oo, totoo, hindi talaga gusto ni Jess ang ugali ng anak na si Eloisa dahil parati itong sumusuway. Umabot pa siya sa punto na muntik na niya itong talikuran, all just to save her own reputation. Pero kahit ganon, hindi ibig sabihin noon na papayag silang samantalahin ng ibang tao ang pamilya nila at basta na lang palabasing may kasalanan si Eloisa.Napansin ni Carla ang kakaibang reaksyon ni Jess, at bigla siyang nakaramdam ng kaba."Tanga talaga ang lalaking ito!" Sa isip-isip ni Carla.Lumapit si Carla sa ina. "Ma, parang may mali. Parang hindi si Ate ang may gawa nito. Kahit sabihin mong may pagkukulang siya, hindi ganon kababa ang standards niya sa lalaki.”Kahit a

  • Seduction: The Scumbag Uncle Kiss Recklessly   Chapter 93

    "Ma, nagsisisi ka ba?"Natigilan si Jess saglit. Nang makita niya ang emosyong laman ng mga mata ni Eloisa, may kakaibang kaba agad siyang naramdaman.Nagiging mas unpredictable na ang ugali ni Eloisa lately, kaya mas mabuting kontrolin na muna ang sitwasyon.Pilit siyang ngumiti at muling lumingon kay Carla. "Magpatuloy ka na sa shooting, ako na ang bahala rito."Nag-alala si Carla, halatang hindi mapalagay. "Pero Ma, mukhang hindi okay si Ate. Kaya mo ba talaga mag-isa?"Kung hindi mo alam ang buong kwento, iisipin mong parang multo si Eloisa. Pinisil ni Jess ang kamay ng anak bilang pampalubag-loob.Pero si Eloisa, tahimik na nagsalita. "Don't worry. I just want you and our mother to meet someone. After that, kapag nasagot na ang tanong ko, saka niyo na ako dalhin kung gusto niyo. Bakit parang ang bilis niyong takpan ang bibig niyo? Natatakot ba kayo na may masabi akong nakakagulat?"Sunod-sunod ang pasabog ng mga comments online."Grabe, may topak na yata talaga si Eloisa. Nakakah

  • Seduction: The Scumbag Uncle Kiss Recklessly   Chapter 92

    Bumaha agad ng comments sa live broadcast.“Does this mean na break na si Eloisa at Khalil?”“Finally! Matagal ko nang iniisip kung paano napunta si Eloisa sa ganung klaseng relasyon. Buti na lang at hindi pala bulag si Khalil.”“Walang lalaking makakatagal sa ganyan. In the end, Eloisa will ruin herself dahil na rin sa sarili niyang mga ginawa.”“‘Wag niyo nang patagalin, pumasok na kayo! Gusto ko nang makita kung sino ‘yung lalaki! Hindi ako pumasok sa work today para lang dito. Excited na ako!”“Yes! Hurry up, pasukin niyo na. Naka-ready na ako to record this!”Sa tindi ng galit at paninigaw ni Khalil ay tuluyan nang nawala ang kahit anong guilt o init ng loob sa puso ni Jess. Hindi na siya nakapagpigil kaya sinampal niya si Eloisa ulit.“May ginawa kang kahiya-hiya, tapos may gana ka pang ibato ‘yan sa iba?”Oo, siya nga ang naglagay ng gamot. So what? Kaya niya lang ginawa ‘yon ay dahil si Eloisa ang unang nagkulang. Kung hindi lang siya nakipag-away kay Khalil ay hindi sana siya

  • Seduction: The Scumbag Uncle Kiss Recklessly   Chapter 91

    Halatang litong-lito pa rin si Khalil. Napakunot ang noo niya habang tanong niya, “Bakit hindi ako pwedeng nandito?”“Narinig kong hindi maganda pakiramdam ni Eloisa. May kailangan lang akong tapusin kahapon kaya napaalis ako agad. Ngayon lang ako nakabalik para kumustahin siya. Bakit, may nangyari ba?”Agad namang may pinadala ang program team para magpaliwanag, pero halatang kabado si Carla at hindi alam ang gagawin. Pilit niyang ngumiti habang tanong, “So... Khalil, hindi mo pala nabisita ang ate ko kagabi?”Lalong lumalim ang pagdududa sa mga mata ni Khalil. “Oo.”Paglingon niya, napansin niya ang mga kakaibang tingin ng mga tao sa paligid. Parang bigla niyang naisip kung ano ang pinapahiwatig ng mga ito. Bumigat ang expression niya, at ang gwapong mukha niya ay biglang dumilim.Nagkunwaring kalmado si Carla. “Khalil, huwag kang mag-alala. Naniniwala akong hindi magagawa ng ate ko ang ganiyang bagay. Siguro may hindi lang pagkakaintindihan. Baka nalasing lang siya kagabi. Hintayin

  • Seduction: The Scumbag Uncle Kiss Recklessly   Chapter 90

    Kinabukasan ng umaga, mas maaga kaysa dati nagising si Eloisa.Napabalikwas siya ng bangon, hawak pa ang kumot habang tulala ang tingin sa paligid. Walang laman ang isip niya, parang na-reset ang buong sistema ng katawan niya.Gusot ang mga sapin ng kama, magulo ang ayos ng suot niyang damit, at katabi pa rin niya si Josh na mahimbing na natutulog.Mapula-pula pa rin ang balat niya sa ilang parte, lalo na sa leeg at balikat. Mga halatang bakas ng nangyaring hindi niya matandaan. May mga manipis pang gasgas sa may abs ni Josh, halatang galing sa mga kuko niya.Napakabilis ng kilos niya habang tinakpan ang mukha gamit ang dalawang palad. Hindi siya makapaniwala. Parang may parte sa sarili niyang hindi niya makilala.Pinilit niyang balikan sa isip ang mga huling nangyari bago siya mawalan ng ulirat. Ang huli niyang maalala ay noong ikinulong siya nina Jess at Kenneth sa kwartong ito.Hindi lang siya ikinulong. Binigyan pa siya ng gamot. At pagkatapos nun, wala na. Blanko. Parang binura a

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status