Share

Starting to Feel

CHAPTER 3

Nakasimangot si Prim habang nakatingin sa bintana ng kotse.

“Just accept these gifts, Primrose.”

“No.”

“Yes.”

“It’s an apology gift.”

“You’re fixing it naman na kaya no need na.” natahimik si Ian.

“Wala ka na bang ibang kailangan? Need pirmahan? If wala na, then aalis na ‘ko. Thanks.” Akmang lalabas na si Prim sa sasakyan nang inunahan ito ni Ian para tumakbo sa kabilang side ng sasakyan at pagbuksan si Prim ng pinto.

Primrose is trying to be nonchalant as much as she can, dahil ayaw niyang aminin sa sarili niya na sa edad niyang ganito, ngayon lang siya kinilig sa isang lalaki.

“Are you going somewhere? Pwede kita sundan, just for me to know na safe ka makararating sa---”

“Wait. Why would you do that?” hindi makasagot si Ian.

“Nothing. I just---”

“No. I can manage. Bye.” She coldly said at sumakay na sa sasakyan niya atsaka impit na tumili at pinagtatampa ang manubela.

Walang ideya si Ian kung gaano ka-grabeng pagpapanggap na hindi apektado si Prim sa presensya nito. Natigil lang siya sa kilig niya nang katukin ni Ian ang bintana ng sasakyan niya.

She composed herself bago ibinaba ang bintana ng sasakyan. Halos tampalin niya pa ang sarili niya bago

“Yes?”

“These." itinuro niya ang mga hawak niyang paper bags. "I’m serious… please accept them.”

“Malay ko ba kung collection pala 'yan ng Mom mo tapos ibibigay mo sa akin?” Nakita ni Prim ang pagtaas ng kilay ni Ian.

“Do you really think I’m using my parents’ wealth, at this age, to buy my wants and needs?” pagak itong natawa.

“Well, why not? They’re loaded and I don’t see you working at all---”

"Oh, really..." he looked hurt.

"Why? Are you working ba? How come you can go on and off somewhere anytime you want?" Prim raised her right eyebrow at nakita naman niya ang pagp-poker face ni Ian sa kaniya.

"Are you being serious right now?" tumango si Prim na animo'y hinahamon si Ian ng away.

Maya maya biglang inalis ng binata ang kamay niyang nakapatong sa bubong ng kotse ni Prim at lumayo nang kaunti.

"Ian... right?"

"Yes."

"Just do your thing. Fix the mess you made and leave me alone." sabi ni Prim at akmang itataas na niya ang bintana niya ulit nang biglang nagsalita si Ian.

“You know what? Never mind. I’ll donate these bags somewhere na may makaka-appreciate. I thought you were better than this.” Sabi nito at umalis bigla na parang hindi ito namimilit sa kaniya kani-kanina lang.

Hindi tuloy alam ni Prim kung anong mararamdaman niya, dahil nakita niya ang tampo sa mga mata ng Ian Letran na 'yon.

Napasandal si Prim sa sasakyan niya nang ilang minuto bago nagdesisyong umalis at magdrive papunta sa shooting venue nila. Pagdating niya ron, nagtrabaho lang kaagad siya. Kitang kita niya kung paano siya pag-usapan sa gilid ng ibang mga staff, pero hindi niya nalang pinansin dahil kahit ano pang tsismis ang ikalat nila, mas mataas parin ang sahod niya sa lahat ng mga 'yon.

Nang matapos siyang magtrabaho, kaagad niyang kinuha ang phone niya sa assistant niya na kasama ni Abi, dahil nagpaalam si Abi na male-late siya. Kinausap pa kasi siya ng management. Ayaw na kasi ni Prim na nakikiharap sa mga higher ups ng management niya, dahil magiging usapin na naman 'yon sa family reunion nila.

Unfortunately, na acquire ng Tita ni Primrose ang ownership ng management, kaya ngayon, akala ng iba, may nangyaring nepotism. When in fact, bago pa man mamayapa ang dating owner ng Kinley Entertainment na naging asawa ng Tita niya,

"Ate Tanya, wala na naman po akong ibang gagawin 'di ba?" tanong ni Prim sa assistant niya, sabay tinignan nito ang iPad na hawak-hawak niya para tignan kung meron pa siyang need na matapos na work.

"So far today, wala na..." sabi nito kay Prim kaya naman napangiti ito at napasandal sa inuupuan niyang portable chair.

Nakakapagod din maging artista. Akala ng iba, pa-acting acting lang tapos after, princess treatment na— no. It’s more than an 8-5 job. Lahat naman kasi ng trabaho may struggle, kaya dapat matatag ang puso’t isip lagi.

Primrose asked Tanya for a favor.

"Direk, would it be okay if aalis na si Miss Primrose since clear naman na ang mga need niyang gawin ngayong araw?”

Birthday ng Mom ni Prim at kailangan niyang puntahan ito, dahil kung hindi, magtatampo ang Mom niya na queen of all queens sa pagtatampo.

“Sure. As long as makababalik naman siya tomorrow morning since may need tayong i-shoot sa Batyawan.” sagot ng director.

Nagligpit na si Prim ng mga gamit niya na dadalhin sa condo, mostly essentials lang and importanteng gamit, dahil babalik pa naman sila rito. three-hour-drive rin kasi ‘yung shooting place nila mula sa condo niya kaya if pauwi-uwi, sobrang nakakapagod at gahol sa oras.

Habang pumipili si Prim ng bibilhin niyang cake para sa Mom niya, napapansin niyang palakas nang palakas ang bulungan ng mga tao sa likuran niya. Tumagal din sila ng 10 minutes doon bago tuluyang umalis sila sa cake shop at mabuti naman at nakabili sila.

After an hour drive, nang dahil sa heavy traffic, kaagad na dumiretso si Prim sa kwarto niya at humiga. Nang ma-realize niya na pinawisan siya kanina, buamangon siya para maligo muna para makapagpahinga na. Bukas na kasi niya pupuntahan ang Mom niya.

Sanay na sanay na siyang mag-isa, dahil bata palang siya, mag-isa na talaga siya. Her parents weren’t really there for her noong mga panahong kailangan niya ng kalinga. Ngayong nakakaluwag-luwag siya dahil sa paga-artista niya, doon sila lapit nang lapit sa kaniya na parang isang jowang sobrang clingy.

Hindi na nakapag-dinner si Prim dahil tinamaan siya ng antok.

Ilang araw din kasi siyang puyat, dahil hindi siya makatulog nang maayos every night sa tent nila. Need din nilang maagang magising to get ready.

Bago siya makatulog, nakita niya na nag-message si Ian sa I*******m.

Ian Letran: I’m sorry if I somehow invalidated you not taking gifts from me. See you around soon.

Hindi tuloy mapigilan ni Prim na mapangiti bago tuluyang makatulog.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status