Share

Ensnared in Chaos

CHAPTER 2

Primrose accepted Ian’s follow request.

Personal account niya ‘yon kaya naman iilan lang ang mga naka-follow sa kaniya.

Mostly, mga closest friends lang. Hindi nga kasama sa personal account niya ‘yung manager niya, kasi minsan, may mga lalaki siyang kasama na nilalagay niya sa i* story niya at iniiwasan niyang mapagalitan sa management.

Akala niya ay magc-chat si Ian, pero para siyang tangang naghihintay dahil walang message ang dumating.

“Ginagago ba ako ng lalaking ‘to?” tanong niya sa sarili niya habang naka-kunot noong nakatingin sa mga i* posts ng lalaki.

Bakas sa mga post niya kung gaano kayaman ang pamilya niya. Prim is kind of judgmental sa ganitong bagay lalo na kung alam niyang magastos ang tao, na hindi naman nila sariling pera ang mga winawaldas nila.

It irritates her.

Isa na rin siguro ‘yon sa mga rason kung bakit hinding hindi niya kayang masikmurang makipag-date. Kasi lahat nalang ng mga lalaking nagkakagusto sa kaniya, mga mayayabang na wala namang ipagmamayabang kung wala ang yaman ng mga magulang nila.

Hindi masisikmura ni Prim ‘yon, dahil siya, she worked hard for everything she has right now. Sa kaiisip at kaka-scroll sa feed ni Ian, nakatulog si Prim.

Paggising niya, nakita niya na sabog sa notification ang I*******m at f******k niya. Marami rin siyang tawag mula kay Abi--- actually, nagising siya mula sa tawag ni Abi.

“Hello?”

“Gumising ka na. Magtingin ka ng mga social media accounts mo, Primrose. Oh my gosh kang babae ka…”

“Huh?”

She immediately checked her phone, finding out na marami ng articles about sa kaniya at sa anak ni Ian Letran.

“Girl, anak ng mayor ‘yon, lumabas ka sa condo niya---”

“We did not do anything wrong. Hinatid niya lang ako sa parking space. Nothing more, nothing less.”

“Well, that’s the truth, pero hindi ‘yon ang ibabalita ng media. We both know that. Kaya for now, mag-isip isip muna tayong dalawa, dahil panigurado, tatalakan tayo ni Ma’am Ji.” Sabi ni Abi habang nakaharap sa laptop niya.

“Bakit ba naging balita ‘to? Ang dami ko namang ibang lalaking nakasama, bakit dito pa ako na-link nang ganito?”

“Eh sinong tangang magl-like ng post ng tao na two years ago pa sa I*******m?” bigla namang nanlaki ang mga mat ani Prim.

“Fuck!” mabilis na in-open niya ang I* app niya at nakita nga niya na naka-like ito sa topless photo ni Ian at ang isa naman ay ang naka tuxedo ito.

“His I*******m account is public, Prim. You’re a celebrity. What would you expect?” napapikit nalang si Prim at maluha-luhang pinatay ang tawag ni Abi, dahil wala na rin naman siyang magagawa sa dami ng mga articles.

Napahimas siya sa sintido niya. Maya maya, biglang nag-ring ang phone niya.

It’s Ian Letran, calling her, sa i*******m. Sinagot niya ‘yon, kahit na naiinis siya.

“What do you want?” sinadya niya talagang iparinig ang inis sa boses niya.

“I’m sorry. I just saw the news. I’m sorry I dragged you into this. I know how stressful your career alone is, so I'll take care of it. Don’t worry. I’ll update you once everything is cleared up.”

He did not even let Prim talk, he just ended the call and Prim was left dumbfounded for she never experienced that ever. Ngayon lang siya naka-encounter ng lalaking tatawag sa kaniya at bababaan siya nang biglaan.

“Really? After dragging me into this, bababaan niya lang ako nang ganon-ganon na lang?” napamura si Prim nang mahina habang di mapakali.

She did her morning routine at nag-film na ng mga brands na napirmahan niya ng kontrata para mag-promote. Usually, kasama niya si Abigail to do stuff like this, pero busy ‘yon panigurado ngayon lalo na’t may issue siya.

After shooting for brands, she hurried to drive straightly sana sa shooting venue nila for today, only to find Ian Letran beside her car sa parking lot ng condo kung saan siya nakatira.

“I need your help.” Bungad ng lalaki habang sa isang kamay nito ay may dala-dalang paper bag ng lacoste and LV.

Namutawi ang katahimikan sa dalawa habang nasa loob ng sasakyan. They’re both inside Ian’s car to discuss about the papers na dala-dala ni Ian.

Hindi maka-keep up si Prim sa mga nangyayari. One second, nai-issue sila na magkasama, ngayon naman nandito sila sa parking lot. He’s so random and… handsome?

“So you need me to sign these papers?” nakatitig lang si Prim sa mga bond papers na nasa harapan niya na dala-dala ni Ian, trying to distract herself sa mga naiisip niyang kadeluluhan.

“My attorney wanted me to talk to you first before fixing the issue. She wants you to sign those, para alam niyang nakausap kita since hindi siya available today.” Sabi nito habang humihigop sa kape niya.

Binasa niya ang nasa papeles and everything that was written there ay based lamang talaga sa sinabi niya. Walang labis, walang kulang.

“Are you going somewhere?” Ian asked matapos pirmahan ni Prim at ibalik sa kaniya ang mga papel. Tumango si Primrose sa tanong nito.

“I wanted to give you something,” inabot ni Ian kay Prim ang dalawang paper bag ng mga bags siguro ang laman.

“I don’t accept gifts---”

“Well, please do, kasi hindi ko alam paano ako magso-sorry for dragging you into this mess lalo na’t alam ko na mga kabang partylist ng Dad ko ang mga nagpakalat no’n.” seryosong sabi nito kay Prim.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status