Nararamdaman ni Lance ang bigat ng bawat salita mula sa kabilang linya. Ang mga pangalan na binanggit ng investigator ay parang martilyong tumatama sa kanyang isipan—Eric Yu, William Lim, Raul Martinez, at iba pa. Hindi niya kayang tanggapin ang ideya na si Apple, ang babaeng minahal niya, ay maaaring nagtataksil. Ngunit mas lalong hindi niya kayang lunukin ang katotohanang wala siyang tiwala sa kanya.
Napalunok siya, pilit na iniipon ang lakas ng loob upang magtanong pa. "Anong klase ng mga litrato ang meron kayo?" tanong niya, malamig ngunit nanginginig ang tinig.
“Mga litrato nilang magkasama sa iba’t ibang lugar—dinner sa mamahaling restaurant, paglalakad sa park, at may mga pagkakataong magkahawak sila ng kamay,” sagot ng investigator.
Lalong bumigat ang kanyang dibdib. Para bang nawalan ng hangin ang buong silid. “Padala mo na sa akin ngayon ang mga iyon,” utos niya bago ibinaba ang tawag.
Sa kabilang banda, si Apple ay tahimik na nakaupo sa sahig ng maliit na apartment na inupahan niya. Hawak niya ang lumang litrato nila ni Lance noong masaya pa sila. Ang mga alaala ng kanilang masasayang araw ay tila nagtutulak ng higit pang sakit sa kanyang puso.“Bakit ganito, Lance?” bulong niya sa kawalan, habang unti-unting tumutulo ang luha sa kanyang mga mata. “Bakit hindi mo ako kayang paniwalaan? Lahat ba ng pagmamahal ko sa’yo, wala bang halaga?”
Pinilit niyang tumayo at hinawakan ang tiyan niya. "Anak, pangako, gagawin ko ang lahat para sa'yo. Kahit na wala na ang papa mo, kakayanin natin."
Ang kalooban niyang pilit niyang pinatatatag ay unti-unting nagiging mas matibay. Subalit sa kaloob-looban niya, alam niyang mahal pa rin niya si Lance, kahit gaano kasakit ang kanyang ginawa.
Sa kabila ng sakit na nararamdaman, pilit na inihanda ni Apple ang kanyang sarili para sa hinaharap. Huminga siya nang malalim, pilit na pinapatibay ang kalooban habang tinitingnan ang mga kahon ng gamit na nakatambak sa sulok ng kanyang maliit na apartment.“Hindi ito ang katapusan,” bulong niya sa sarili. Alam niyang maraming hamon ang naghihintay sa kanya, pero ang bawat hakbang ay para sa anak na nasa kanyang sinapupunan.
Ngunit kahit anong gawin niyang pagtatatag ng loob, ang sakit ng pagkakahiwalay kay Lance ay bumabalik sa kanya tuwing naaalala niya ang mga masasayang alaala nila. Ang mga araw na magkasama silang tumatawa, ang mga plano nilang magkasama, at ang mga pangakong binitiwan nila sa isa’t isa—lahat ng ito’y tila ba nagiging isang masakit na panaginip.
Sa pagdaan ng mga araw, nakatanggap si Apple ng tawag mula sa kaibigan niyang si Mia.
"Apple, kumusta ka diyan? Nabalitaan ko na ang nangyari," sabi ni Mia, puno ng malasakit sa boses.
Hindi agad nakasagot si Apple. Pilit niyang iniipon ang kanyang lakas para sagutin ang tanong ng kaibigan. “Okay lang ako, Mia. Masakit, pero kailangan kong maging matatag para sa anak ko,” sagot niya, pilit na pinipigilan ang pagluha.
“Apple... sigurado ka ba na hindi mo siya kakausapin ulit? Baka naman kaya niyo pang ayusin. Minsan, kailangan lang ng pagkakataon para magkaintindihan.”
Napailing si Apple, kahit alam niyang hindi ito nakikita ni Mia. "Hindi na siguro, Mia. Kung hindi siya nagtiwala sa akin ngayon, paano pa siya magkakatiwala sa akin sa hinaharap? Hindi ko kayang bumuo ng pamilya sa ganoong sitwasyon."
Samantala, si Lance ay hindi mapakali. Ang mga huling sinabi ni Apple bago ito umalis ay paulit-ulit na tumutunog sa kanyang isip.“Lance, sana kahit minsan lang, nagtiwala ka. Hindi ko alam kung ano pa ang pwede kong gawin para patunayan sa’yo kung gaano kita kamahal.”
Ang mga salitang iyon ay tila isang sugat na hindi gumagaling. Sa kabila ng galit at pagdududa, naroon ang isang bahagi sa kanya na nagsasabing nagkamali siya. Ngunit masyado nang malalim ang sugat na kanilang iniwan sa isa’t isa. Nakatanggap siya ng kumpirmasyon mula sa investigator, ngunit ang mga litratong sinasabing patunay ay tila hindi nagbibigay ng kasiguraduhan. Lalo lang niyang nararamdaman ang bigat ng kanyang pagdududa.
“Hinding-hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung mali ako,” bulong niya sa sarili habang nakatingin sa mga litrato nila ni Apple sa kanyang telepono.
Habang hinihintay ang email mula sa investigator, si Lance ay hindi mapakali. Dahil sa una, hindi siya makapaniwala; gusto pa niya ng ibang ebidensiya. Naglalakad siya paikot-ikot sa sala, pilit iniintindi ang kanyang nararamdaman. Galit? Oo. Pero higit sa lahat, naguguluhan siya. Ang mga tanong ay paulit-ulit na bumabalot sa kanyang isipan. Paano kung totoo? Paano kung niloko talaga ako ni Apple? Ngunit paano kung mali ako? Paano kung inosente siya?Tumunog ang kanyang telepono, hudyat na natanggap na niya ang mga litrato at recordings. Binuksan niya ang email at sinimulan ang pagtingin. Isa-isa niyang tiningnan ang mga litrato. Ang bawat imahe ay tila nagpapakita ng malinaw na relasyon ni Apple sa ibang mga lalaki. Ngunit may kakaiba. Ang bawat litrato ay tila walang malapitang pagkilos na romantiko, bukod sa isang litrato kung saan magkahawak sila ng kamay ni Eric Yu.
Napakunot-noo si Lance. Sinubukan niyang isiksik sa isip na sapat na ang mga ebidensyang iyon upang patunayan ang kanyang mga hinala, ngunit ang puso niya ay nagsisigaw ng kabaligtaran.
“Masyado bang madaling paniwalaan ang lahat ng ito?” bulong niya sa sarili.
Mahal kong mga mambabasa, Lubos ang aking pasasalamat sa inyong patuloy na pagsuporta sa aking mga akda. Bilang isang manunulat, malaking tulong ang inyong mga likes, comments, at gems upang maibahagi ko pa ang aking mga kwento sa inyo. Sana po ay mapagbigyan ninyo ako ng inyong suporta. Maraming salamat po!Merry christmas po at Happy new Year.
Nagsimula nang mangilid ang luha ni Apple. Tumayo siya mula sa kanyang kinauupuan, inilapit ang sarili sa kanyang ama, tila ba handang saluhin ang bawat salitang lalabas sa bibig nito.“Ang pinakamasakit sa puso ng isang ama ay ‘yung makitang ang anak niya ang gumagawa ng mga bagay na dapat siya ang gumagawa. Ikaw ang naging breadwinner. Ikaw ang nagtaguyod ng ating pamilya, Apple. Ako dapat ‘yon. Ako ang dapat nagsusuporta, nagbibigay, lumalaban para sa ‘yo. Pero ikaw ang tumayo sa lugar ko—sa batang edad, sa gitna ng pagkawasak ng negosyo, sa pagkawala ng nanay mo.”Napapahawak sa dibdib si Rodrigo habang pinipigil ang paghikbi.“Alam kong nagkulang ako. Alam kong hindi ko naibigay ang lahat ng gusto mo. Hindi kita nadala sa mga amusement park. Hindi ko nabili ang mga mamahaling gamit mo noon. At ngayong ganito na ako, sa wheelchair na lang, minsan makakalimutin pa, hindi ko alam kung paano ko pa mababayaran lahat ng pagkukulang ko sa’yo.” Tahimik ang lahat. Marami ang napapahid na
“Ikaw, Lance, tinatanggap mo ba si Apple bilang katuwang mo habang buhay—bilang asawa, ina ng inyong mga anak, at ilaw ng inyong tahanan?”“Yes, Father. Kahit magunaw pa ang mundo, kahit anong mangyari, tinatanggap ko siya—buong-buo.”Napahawak si Mia sa dibdib niya habang pinapahid ang luha. Si Amara ay nakangiti habang tinatapik ang braso ng kanyang Mommy.“Ibinibigay ko sa’yo ang singsing na ito,” wika ni Lance habang isinusukit ang singsing sa daliri ni Apple, “bilang tanda ng aking pag-ibig—na hindi mamamatay, kahit mamatay pa ang panahon.”Hawak ni Apple ang singsing, pinasok ito sa daliri ni Lance.“At tinatanggap ko ito,” malambing niyang sabi, “bilang tanda ng pagmamahal na hindi magmamaliw, habang may hininga, habang may tibok ang puso ko.”“Kaya’t sa ngalan ng Diyos...” sambit ng pari, “Ipinapakilala ko sa inyo, ang bagong mag-asawa—Mr. and Mrs. Lance and Apple Martin!”Nagpalakpakan ang buong chapel.Tumayo si Lance at marahang hinalikan si Apple sa harap ng altar. Isang h
Hawak ni Lance ang ring pillow ni Lucien habang pinapatungan ito ng maliit na teddy bear para hindi mag-iyak ang bata.Nang tumugtog ang bridal march, nagsimula nang lumakad si Apple, hawak-hawak ang kamay ng kanyang ama. Mabagal ang bawat hakbang, bawat pulgada ay parang isang hakbang palabas sa sakit ng nakaraan at papasok sa yakap ng pag-ibig.Lahat ay napatingin.Si Lance ay naluha nang makita si Apple. Parang hindi siya makahinga.Nang makalapit si Apple sa altar, ibinaba ni Rodrigo ang kanyang kamay sa tuhod ni Lance.“Ingatan mo ang anak ko,” bulong niya.“Pangako po,” sagot ni Lance. “Sa habang buhay.”Nag-umpisa ang seremonya sa panalangin. Si Father Benjamin, ang pari na matagal nang kaibigan ng pamilya ni Lance, ang nagkasal.“Ngayong araw na ito, pinagbubuklod natin hindi lang dalawang tao, kundi dalawang pamilya. Isang babae na matatag, isang lalaki na totoo, at dalawang inosenteng batang naging bunga ng mga naunang kwento—si Amara at si Lucien.”Habang binibigkas ang vow
“Bes, gusto mo bang practice natin yung walk mo mag-isa?” alok ni Mia.Tumango si Apple. “Sige. Para ready na ako bukas.”Tumayo siya muli sa simula ng aisle. Inayos ni Mia ang train ng kanyang practice gown, habang si Amara at baby Lucien ay nakaupo sa gilid, pinapanood ang kanilang Mommy.Muling tumugtog ang instrumental music.Tahimik ang paligid habang si Apple ay dahan-dahang naglakad.Sa bawat hakbang niya, may alaala siyang bumabalik—ang dating si Apple na takot magmahal muli, ang mga gabing umiiyak sa unan, ang mga panahong mag-isa niyang pinapalakas ang sarili.At ngayon, bawat hakbang ay pagbitaw sa sakit at pagsalubong sa panibagong yugto.Pagtapak niya sa altar, sasalubungin siya ni Lance, ni Amara, at ni baby Lucien.Hindi man ito ang "traditional family," ito ang pamilyang pinanday ng pag-ibig.Pagkatapos ng rehearsal, nagyakapan ang buong entourage.“Tomorrow’s the big day,” ani Mia.“At ready na kami,” sagot ni Apple, “dahil pinaglaban namin ‘to—hindi lang sa altar, ku
Isang hapon bago ang kasal, nasa loob ng isang mala-fairy tale na events venue sina Apple, Lance, Mia, at ang wedding entourage para sa walk rehearsal. Ang araw ay maaliwalas, may kaunting hangin, at ang langit ay kulay lavender—tila ba ipinagdadasal na maging perpekto ang kinabukasan.Ang aisle ay dinisenyong may pa-arc na bulaklak, puting petals sa sahig, at hanging drapes sa magkabilang gilid. May maliliit na fairy lights na nakakabit sa paligid, at sa dulo ng aisle ay may altar na yari sa kahoy at ginto—simple pero elegante.“Ayos ba, bes?” tanong ni Mia kay Apple habang sabay nilang pinagmamasdan ang venue.“Para akong nananaginip,” sagot ni Apple, bahagyang kinakabahan. “Pero ngayon ko na-realize... ang layo na ng narating ko.”“Deserve mo ‘to,” sagot ni Mia habang pinisil ang kamay niya. “Kaya ngayon, practice tayo. Sa actual day, bawal mag-panic!”“Wait lang, nasaan sina Amara at baby Lucien?” tanong ni Apple, nag-aalala.“Doon sa gilid. Pinapractice na rin ni Lance,” sagot ni
Isang linggo bago ang kasal, abalang-abala si Mia sa pag-aasikaso ng once-in-a-lifetime wedding ng kanyang matalik na kaibigan at business partner—si Apple Imperial. Sa loob ng eleganteng showroom ng Wedding Imperial, isang bridal boutique na bunga ng kanilang pinagsikapan, masayang nagkukulitan ang dalawa habang sinusukat ni Mia ang wedding gown ni Apple."Mia, parang masikip yata 'to," reklamo ni Apple habang hawak ang baywang ng gown.“Taba lang ‘yan ng kilig!” sagot ni Mia, sabay pitik sa bewang ni Apple. “Huwag ka ngang maarte, konting diet lang, pasok ka diyan.”“Hoy! Hindi ako maarte, realistic lang,” natatawang sagot ni Apple habang nakatayo sa harap ng salamin, suot ang puting gown na may detalyeng lace at makintab na perlas.Hindi rin napigilan ni Mia ang mapatitig—para siyang naiiyak. “Grabe, Apple. Ang ganda mo. Hindi lang dahil suot mo ‘yan, kundi dahil... para kang bride na pinangarap kong bihisan mula noon pa.”"Drama mo na naman," biro ni Apple, pero kitang-kita sa mat