Share

Chapter 3

last update Terakhir Diperbarui: 2025-12-01 22:55:36

MIREA

“MIREAAAA! ANG NAPAKAGANDA KONG PRENI!” 

Napangiti ako habang naglalakad papasok sa driving range, dahil sa masayang pagsalubong sa akin ni Dhana. 

What a beautiful morning, as beautiful as her presence. Sigurado ako, may ichi-chika siya sa akin. 

“Kumusta? May puksaan ba kahapon dito?”

Nagtataka ko siyang tiningnan. Siguro’y napansin niya na hindi ko na-gets ang sinabi niya kaya tumawa na lang ito ng mahina. 

“Grabe! Meeting with seminar pala ‘yung kahapon kaya inabot ako sa oras ng out ko. Hindi ako na-inform ‘don! Mabuti na lang pumasok agad si E-M, ‘no? Tournament pa naman.”

“Oo nga, eh. Kawawa nga ‘yon, panigurado ay na-stress siya kahapon dito,” seryoso kong imporma. 

“Siya lang?” may pagtataka ang kanyang tono. “Saka si E-M mai-stress? Imposible. Maning-mani lahat d'on, eh.”

“Eh, ano bang meron kahapon? Bakit parang buong araw naman?” tanong ko. 

“Marami kaming napag-meeting-an, in-orient na rin kami. May biglaan kasing event dito bukas. Pa-welcome party para sa half brother ni Sir Rex from Switzerland.”

May kapatid pala siya . . . 

“Meeting din pala tayo nila E-M mamaya, huh? Kailangan ko kayo ma-inform about sa flow ng program.”

Hindi pala ako makakapag day-off bukas. Marami pa naman akong aasikasuhin. 

“Paano ang rest day natin?”

“Isa pa ‘yan. Kailangan natin i-adjust ang schedule. Next day ka na mag off, Preni! Biglaan kasi talaga.”

Nagkibit-balikat ako. I was about to speak when she suddenly spoke again. 

“Nga pala, ikaw muna rito. Punta lang ako sa restroom. Aayusin ko 'tong pang bruha kong buhok. Feeling ko ngarag na ako, eh. Babalik ako agad,” paalam niya. 

Umisang tango ako. 

Pansin ko nga na magulo ang buhok niya buhat nang dumating ako. Para bang pagkarating na pagkarating dito ay dinumog agad siya ng customers.

“Excuse me, Miss. Can I have a glass of water?”

Tumikhim ako bago dinaluhan ang isang naka golf attire na lalaki. 

“Sorry, Sir, we don't have serving water. But I can offer you bottled water.”

“Yes, please.”

Kumuha agad ako mula sa ref, saka inabot sa kanya. Matapos nito magbayad ay siyang dating naman ni Rex. 

Hindi ko alam kung paano siya babatiin. Nag aalangan ako, ‘pagkat ayaw nito magpatawag ng sir sa akin. Ayoko naman siyang tawagin sa pangalan lang dahil baka may ibang makarinig at maging issue pa.

“Good morning,” mahina kong bati. 

Dumagundong ang dibdib ko nang maalala ang iniutos niya sa akin! 

Bakit ba kasi sa dami niyang iaatas, iyon pa! Ano ba’ng akala niya sa akin, lahat ng kausapin ko ay bibentahan ko ng katawan? 

“Sorry, kinailangan ko lang mag-assist. Walang iba,” paliwanag ko. 

Pakiramdam ko tuloy ay may kasalanan akong ginagawa sa kanya! 

“Tawagan mo ako mamaya.” Kinuha ko ang inaabot niya sa akin. 

Isang calling card. 

Tumango ako sa kanya, itatanong ko pa sana kung anong oras ako pwedeng tumawag. Ngunit, hindi na ako nakapagsalita nang biglang dumating si Dhana. 

“Okay na ‘ko!” 

Sandaling tumahimik ang paligid nang mapansin niyang nakatayo si Rex sa harap namin. 

“Kayo pala, Sir. Good morning po!” magalang niyang bati. 

Hindi ko alam kung pinansin siya nito, dahil tinuon ko ang aking mga mata sa inventory sheet na nasa harapan ko. 

“Gumalaw ka na, wala na si Sir Rex,” pabulong na tudyo sa'kin ni Dhana. 

“Pinagsasabi mo riyan?” sabi ko habang nagkukunwaring may hinahanap sa isang drawer. 

“Sus! Kilala kita, Mirea Devastro, huh!”

Seryoso akong tumingin sa kanya. 

“Ano ba, magtrabaho na nga lang tayo—”

“Ba't ba ang damot mo sa'kin? Magkwento ka naman—”

“Wala akong iku-kwento, Dhana Zee. Kaya manahimik ka riyan. Nagtanong lang ng tubig ‘yon si S-Sir.”

Matalas niya ‘kong tiningnan. 

“Alam mo, hindi ka magaling magsinungaling,” mahina siyang tumawa. 

“Pwede ba, Devastro. Huwag ako, huh! Matagal na kaya ako rito. Hindi ‘yan gawain ni Sir Rex! Boss natin? Magtatanong ng tubig sa'yo?” patudyo siyang ngumiti. “Anong tubig ba ‘yan, huh?”

I rolled my eyes. 

“Alam mo rin kayong dalawa ni E-M, itutuhog ko na kayo sa stick ng barbeque ‘pag hindi kayo tumigil!”

“Hmmm, ang sarap naman!” tudyo niyang muli. “So, ibig sabihin ay pati si E-M . . .”

Inirapan ko siya. 

“Let's work,” asar kong sabi. 

“Sige na nga, maghihintay na lang ako ng tamang panahon— na kusang magkukwento ‘yung isa riyan!”

Hindi na ako kumibo. Mang-aasar lang ito lalo kapag pinansin ko pa. 

“Hey!” si E-M. 

“Mabuti naman nandito ka na,” ani Dhana. 

“Guys, may bagong bukas na coffee shop diyan sa labas. May mga pasta rin sila. Try natin mamaya? Walking distance lang naman,” aya ni E-M. 

“Pwede, sahod naman ngayon,” tugon ni Dhana. 

“Hindi ako pwede mamaya. P-Pupunta akong ospital,” pagdadahilan ko.

“Oo nga pala, kumusta na si Tita? Naoperahan na ba siya?” tanong ni Dhana sa akin. 

Tumango ako. 

“Sabi ng doktor, kailangan pa raw mag-antay ng tatlong araw bago palabasin.”

“I see. Dasal lang, magiging maayos din ang lahat.”

Ngumiti ako sa kanya. 

“Nga pala, sana pwede kayo next sunday,” anito. 

Nangunot ang noo ko, “Anong meron?”

“Birthday ng lola ko. Sixty-nine na siya kaya magpapa-cater ako,” tugon niya. 

“Gano'n ba, sige pupunta ako.”

“Ako rin, syempre. Panigurado may shanghai d'on!” salita ni E-M. 

Inayos ko ang relo na suot ko. Wala pa rin masyadong tao kaya nagpaalam muna ako kay Dhana na mag-CR. 

Kinuha ko ang pouch na nasa bag ko. Tahimik akong naglakad. Buti na lang ay nasa likod lang ng coffee station ang restroom. 

Nag-retouch ako matapos kong umihi. Naglagay ako ng powder foundation, pagkatapos ay nag blush-on ako. Dinagdagan ko rin ang pula ng labi ko gamit ang isang lip tint. 

Hindi ako mahilig sa make-up, pero nag-aral ako kung paano i-apply ang mga ‘to, dahil kailangan ko maging presentable sa trabaho ko. 

Palabas na sana ako ng pinto nang biglang makaramdam ng nerbyos, dahil sa lalaking humawak sa braso ko. Nanlaki ang mga mata ko nang buong lakas niya akong hilahin papasok sa isang pinto ng bathroom. 

“Rex!” pabulong na sigaw ko dahil sa gulat. 

Lumunok ako nang ikulong niya ‘ko sa kanyang bisig. 

“Anong ginagawa mo?” iningatan ko ang makagawa ng ano mang ingay. 

“Hindi ako nakatulog ng maayos kagabi.”

So? Kasalanan ko? 

Salubong ang kilay ko nang tingnan ang braso niyang puno ng tattoo. Itutulak ko sana siya ngunit hindi ko na nagawa pa dahil sa mabilis nitong pagsiil ng halik sa akin. 

“Rex . . .” 

Hindi ko alam kung paanong sa pagdaing nauwi ang dapat na pagsuway sa kanyang ginagawa! 

Matagal niya akong hinalikan. Ramdam ko ang pag-ikot ng kanyang dila sa loob ng aking bibig, dahilan ng pag-init ng aking katawan. 

Hindi ito pwede! 

Kinagat ko ang labi niya na nagpatigil sa ginagawa niya. 

“Kung gusto mong magparaos, ‘wag dito, please!” 

He smirked. 

“Sino ka para manduhan ako?” 

Tinapangan ko ang tingin sa kanya. Nakipag titigan siya sa akin. Hindi ko alam kung ano ang mayroon sa mga mata niya, ang alam ko lang ay hindi ko kayang makipagsabayan sa kanya. 

Nakatawag pansin sa akin ang isa sa mga disenyo ng marka nito sa kanyang braso. ‘Mi amas vin’ parang bago lang ito dahil sariwa pa. 

Natigilan ako sa pag-iisip, nang makarinig ng ingay sa labas. 

Nanlaki ang mata ko! 

“Is it under maintenance?” salita ng babae nang itulak niya ang pinto na naka-lock kung nasaan kami ni Rex. 

“I don't think so. They'll put a notice if it is under maintenance, right?” sagot ng isa. 

“Whatever!”

Nawala ang mga ito makalipas ang ilang minuto. Hindi ako nag-aksaya ng oras, pumiglas ako mula sa pagkakayakap ni Rex. 

“Kailangan ko na bumalik sa trabaho,” panigurado ay nagtataka na si Dhana at E-M dahil sa tagal ko. 

“Ayokong male-late ka mamaya,” mariin niyang sabi. “You'll castigate,” dagdag niya. 

Napabuga ako ng hangin nang pakawalan niya ako. Tinitigan ko muna siya saka ko padabog na binuksan ang pinto. 

Nagmadali ako sa paglalakad habang inaayos ang sarili ko. 

“Oh, saan ka nanggaling? Mahaba ba ang pila sa CR?” bungad sa'kin ni Dhana. 

Hindi na'ko nakasagot dahil napukaw ang atensyon niya sa pagdaan ni Rex. 

Napatingin ako kay E-M nang ngumisi ito. 

Bahagya akong yumuko nang makaramdam ng kakaiba sa kilos niya. Hinawakan ko ang ballpen at pakunwaring nagsulat, nang pati si Dhana ay magbago ang ekspresyon ng mukha. 

Marahil ay nagtataka sila. Lalo't kapansin-pansin ang bagay na mapula sa labi ni Rex. 

Bakit ba hindi niya muna iyon tinanggal o hinugasan man lang? Nananadya ba siya? 

“Miss, pahingi naman ng water.” 

Nakahinga ako ng maluwag nang may dumating na customer.

Fuck! This golfer saved me! 

“Sorry, Sir! Wala po kaming serving water,” ani Dhana. 

“Bakit wala?” 

Napatingin ako rito dahil sa pagtaas ng boses niya. 

“Pasensya na po kayo, Sir. Hindi po nagpo-provide ang range para sa serving water dahil mayroon po ritong bottled water,” paliwanag ni Dhana. 

“Ah, binebenta? Grabe naman kayo, business is business!” sabay alis nito. 

“Si bakla naman, kaloka! Golf gusto, bottled water ‘di makabili?”

Natawa ako sa sinabi ni Dhana. At gano'n din si E-M. 

“Ikaw E-M ‘wag ka talaga tumawa riyan. Dito ka muna. Mag-aayos kami ni Mir ng magulong table at chair.”

Sumunod ako kay Dhana. 

“Mabuti na lang hindi pa masyadong matao. Ang dami talagang mayaman pero walang manners, eh!”

Nginitian ko siya. 

“Hayaan mo na ‘yon. Baka hindi masarap ang ulam kanina,” sabi ko.

Tahimik kaming bumalik sa pwesto matapos naming mag-ayos ng mga nagulong lamesa at bangko. 

“Badtrip!” ani Dhana. 

“Tissue,” pagalit na kinuha ni Dhana ang inabot ni E-M sa kanya. 

Infairness, may natural na atraksyon silang dalawa. Matagal ko nang napapansin ang mga panakaw na sulyap ni E-M kay Dhana. 

Hindi ko siya masisisi. Bukod sa mabait ay napakaganda ni Dhana. Simple pero dyosa. 

Grabe ang face card! 

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • Sevañas Obsession   Chapter 5

    MIREANAPABALIKWAS AKO MULA SA AKING KAMA, NANG MARINIG ANG MALAKAS NA ALARM NG CELLPHONE KO. Pilit kong dinilat ang mabibigat kong mga mata. Gusto ko pa sana bumalik sa pagtulog dahil dama ko ang bigat ng aking pakiramdam, pero hindi pwede ‘pagkat kailangan ako sa golf ngayon. Isang beses ako humikab bago kunin ang phone ko, iinat pa sana ako pero natigilan ako nang makita ang oras. “Ha?” Nanlaki ang mga mata ko. “Shit!” Pasado alas-otso na! Napakagat ako sa aking ibabang labi, nang napagtanto kong hindi ito ang unang beses na nag-alarm ang cellphone ko. Kanina pa pala ito tunog nang tunog, sa lalim ng aking tulog ay hindi ako nagising. “Shit, shit!” Napahilamos ako sa aking mukha nang makita ang missed calls ni Dhana. Sinubukan ko siyang tawagan, pero hindi ito sumagot. “Panigurado, busy na ‘yon.”Hindi ako nag-aksaya ng oras, agad akong tumayo sa kama saka dumiretso sa CR. Binilisan ko ang aking kilos. Pagkabihis ay agad akong nag-book ng motor upang makarating agad sa co

  • Sevañas Obsession   Chapter 4

    MIREA“Ikaw na muna ang bahala kay Nanay, Keeth. Kung may kailangan ay sabihan mo ako agad para magawan ng paraan.”“Okay, Ate.”“Salamat.”Pinatay ko ang tawag matapos kong malaman ang kalagayan ni nanay sa ospital. Hindi ako nakapunta sa kanya, kaya nakibalita na lamang ako sa aking kapatid. “Ang lamig naman dito,” Niyakap ko ang aking sarili. Nandito ako ngayon sa condo unit ni Rex. Mainit kanina kaya manipis na long sleeve lang ang sinuot kong pang itaas at maong short naman ang pang ibaba. Tahimik akong umupo sa couch nang marinig ang pagbagsak ng tubig na nagmumula sa CR. Habang naghihintay ay iginala ko ang aking mga mata sa paligid. Napangiti ako nang makatawag pansin ang kakaibang mga painting na nakadikit sa pader. Mahilig pala siya sa ganito.Tumayo ako saka umikot. Naaliw ako sa isang golden tree painting. Para itong tunay. “Hey.”Umikot ako para hanapin ang pinanggalingan ng boses na iyon. Tumikhim ako saka pinilit na magsalita nang matanaw si Rex. “P-Pasensya n

  • Sevañas Obsession   Chapter 3

    MIREA“MIREAAAA! ANG NAPAKAGANDA KONG PRENI!” Napangiti ako habang naglalakad papasok sa driving range, dahil sa masayang pagsalubong sa akin ni Dhana. What a beautiful morning, as beautiful as her presence. Sigurado ako, may ichi-chika siya sa akin. “Kumusta? May puksaan ba kahapon dito?”Nagtataka ko siyang tiningnan. Siguro’y napansin niya na hindi ko na-gets ang sinabi niya kaya tumawa na lang ito ng mahina. “Grabe! Meeting with seminar pala ‘yung kahapon kaya inabot ako sa oras ng out ko. Hindi ako na-inform ‘don! Mabuti na lang pumasok agad si E-M, ‘no? Tournament pa naman.”“Oo nga, eh. Kawawa nga ‘yon, panigurado ay na-stress siya kahapon dito,” seryoso kong imporma. “Siya lang?” may pagtataka ang kanyang tono. “Saka si E-M mai-stress? Imposible. Maning-mani lahat d'on, eh.”“Eh, ano bang meron kahapon? Bakit parang buong araw naman?” tanong ko. “Marami kaming napag-meeting-an, in-orient na rin kami. May biglaan kasing event dito bukas. Pa-welcome party para sa half brot

  • Sevañas Obsession   Chapter 2

    MIREAMabangong aroma ang sumalubong sa akin, nang makarating sa aming departamento gamit ang isang golf cart. Ganito rito, pwedeng magpahatid kung malayo ang lalakarin. “Hi, Mirea. Good morning!” Ngumiti ako sa isang guest na bumati sa akin. “Good morning po!” tugon ko. Nagpatuloy ako sa paglakad, hanggang marating ko ang coffee station kung saan ako nakapwesto. “Hay, salamat. Dumating ka na rin!” bungad sa akin ni Dhana. Nagtataka ko siyang tiningnan. “Kasi naman . . . kanina ka pa pinatatawag ni Sir Rex, Te!” aniya sa mahinang boses. Anong trip niya? Nagsabi ako sa kanya kahapon, after lunch ako pupunta sa opisina niya ngayon. “Bakit daw?” tanong ko habang nagsusuot ng apron. “Ewan ko,” kibit balikat niyang tugon. Nangunot ang noo ko. “Speaking . . .” Sinundan ko kung saan ito nakatingin. I swallowed when I saw Rex, while playing golf. Seriously?Mag-iisang taon na’kong nagtatrabaho rito sa driving range, pero ito ang unang beses na nakita ko siyang pumalo rito. “Al

  • Sevañas Obsession   Chapter 1

    MIREA"What's wrong with you? Ito ba ang oras na pinag-usapan natin?” Iyon ang bungad sa akin ng boss ko, nang makapasok sa condo unit niya. “Pasensya na, kinailangan kasi ako ng kapatid ko sa bahay.” Si Keeth. Irish twins kung kami'y tawagin. Hindi kami kambal, pero pareho kaming ipinanganak sa iisang taon. January 1, 2002 ang birthday ko, siya naman ay December 7, 2002.“Take it off,” bulong niya habang nilalaro-laro ang strap ng dress na suot ko. Hindi ko napansin ang paglapit niya sa akin. “S-Sir Rex . . .” napaungol ako nang bigla niyang hawakan ang dibdib ko. Kasabay ng paghalik sa leeg ko pababa sa aking balikat. “Ayoko nang pinaghihintay ako . . .” Napapikit ako nang maramdaman ang init ng kanyang hininga sa aking tainga. “C'mon . . .” Hinila niya pababa ang damit na bumabalot sa aking katawan. “Ahhhh . . .” Hindi na'ko nakapagsalita dahil sa mabilis niyang pagdila sa aking dibdib. Minasa-masahe niya ang isa, habang pinaglalaruan ng kanyang dila ang isa. Napalunok ak

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status