Share

Chapter 2

last update Terakhir Diperbarui: 2025-12-01 22:55:01

MIREA

Mabangong aroma ang sumalubong sa akin, nang makarating sa aming departamento gamit ang isang golf cart. 

Ganito rito, pwedeng magpahatid kung malayo ang lalakarin. 

“Hi, Mirea. Good morning!” 

Ngumiti ako sa isang guest na bumati sa akin. 

“Good morning po!” tugon ko. 

Nagpatuloy ako sa paglakad, hanggang marating ko ang coffee station kung saan ako nakapwesto. 

“Hay, salamat. Dumating ka na rin!” bungad sa akin ni Dhana. 

Nagtataka ko siyang tiningnan. 

“Kasi naman . . . kanina ka pa pinatatawag ni Sir Rex, Te!” aniya sa mahinang boses. 

Anong trip niya? Nagsabi ako sa kanya kahapon, after lunch ako pupunta sa opisina niya ngayon. 

“Bakit daw?” tanong ko habang nagsusuot ng apron. 

“Ewan ko,” kibit balikat niyang tugon. 

Nangunot ang noo ko. 

“Speaking . . .” Sinundan ko kung saan ito nakatingin. 

I swallowed when I saw Rex, while playing golf. 

Seriously?

Mag-iisang taon na’kong nagtatrabaho rito sa driving range, pero ito ang unang beses na nakita ko siyang pumalo rito. 

“Alam mo pansin ko lang, parang first time ni Sir Rex mag driving range. Napakagaling kaya niyan pumalo kaya hindi ‘yan nagagawi rito!”

Seryoso akong tumingin kay Dhana. 

Mas nauna siya sa akin magtrabaho sa golf course na ito. Sa pagkakaalam ko'y apat na taon na siya, kasabay ng isa pa naming kasama— si E-M. Tama ako, ito ang unang beses ni Rex malagi rito. 

“Baka naman bored siya,” salita ko habang nag i-inventory. 

“Hmm, ‘di siguro. Sa dami ng negosyo niyan at sports na alam, hindi mabo-bored ang isang Rex!”

Nagpatuloy ako sa aking ginagawa. 

“Nga pala, Mir.” Nag-angat ako ng mukha sa kanya. “Ikaw muna humawak nitong radyo. Baka may mga guest na magpa-order mula sa ibang departamento. Nagpatawag kasi ng meeting ang HR sa office, kailangan ko na pumunta,” dagdag niya. 

I nodded once. 

“Walang problema.” Kinuha ko iyon at nilapag sa tabi ng sinusulatan kong papel. 

“Hey, Good morning!”

“Good morning, Ma’am,” magalang kong bati sa isang magandang babae na naka golf attire. 

“One toffee nut latte, please!”

“Ako na,” sambit ni E-M. 

“Nandyan ka na pala. Nanggugulat ka naman,” tinapik ko siya sa balikat.

“Kinabahan ka ba?” tumawa siya. “Sorry na!” dagdag niya. 

Tahimik nitong in-assist ang babae. 

“Pasado alas-otso pa lang. Maaga ka yata ngayon? Hindi ba't closing ka?” tanong ko nang matapos siya sa kanyang ginagawa. 

“Oo, matatagalan kasi yata sa meeting si Dhana. May tournament ngayon, hindi ka pwede mag-isa,” tugon niya.  

“Grabe, sobrang dedicated mo talaga.” 

“Naman!” 

Ngumiti ako sa kanya. 

“Kanina pa ba umalis si Dhana?” tanong niya. 

“Hindi naman. Tamang-tama lang sa pagdating mo,” binigyan ko siya ng mapanuksong tingin. “Miss mo na agad, ‘no?”

“Hindi, ano ka ba!” 

Natawa ako nang mapansin ang pamumula niya. Aasarin ko pa sana siya pero natigilan ako nang may magsalita sa radyo. 

“Driving, driving, T1!”

Kinuha ko ito. 

“Go ahead, T1,” tugon ko. 

“May order po si Sir Cruz.”

Mabilis kong kinuha ang order pad. 

“Go ahead,” muli kong sabi. 

“Isang coffee americano, dalawang spanish latte, isang ice blended caramel, at dalawang loghouse special.”

Binasa ko ang sinulat ko. 

“One coffee americano, two spanish latte, one ice blended caramel, two loghouse special, tama ba?” pagkokompirma ko. 

“Yes po,” sagot ng nasa radyo. 

“Okay. Padala na lang po r'yan,” sabi ko. 

“Thank you.”

Mabilis na hinanay ni E-M ang mga basong kakailanganin sa orders. Bawat isa ay mayroon nang sulat o palatandaan kung anong flavor ng coffee. 

“Galing mo talaga!” sabi ko sa kanya. 

“Syempre, ako pa!” tugon niya. 

“Tulungan pa ba kita?” tanong ko. 

“Itabi mo, ako na,” masaya niyang sagot. 

Umayos ako ng tayo nang may umupo sa harapan namin. Hindi kalayuan kung saan kami nakapwesto. 

“Good morning! Will order later, E-M.” 

Si Mr. Chang. Isa sa regular customers dito. Isa siyang chinese pero fluent mag-english. 

“Good Morning, Sir. No problem,” magalang na tugon ni E-M. 

Nakangiti ako habang nakatingin sa kanya. 

“Swerte natin, medyo payapa pa. Wala pang gaanong umo-order.” 

Tumingin ako kay E-M. 

“May napapansin ka ba rito kay Mr. Chang?” 

Natawa siya sa tinanong ko. 

“Ofcourse, lalaki rin ako, ‘no. Bukod sa tournament, adik din ‘yan sa'yo,” He tsked. “Umuupo lang ‘yan diyan kapag nandito ka, eh.” Ngumisi ito sa akin. “Ingat ka, ah!” dagdag niya pa. 

Natigilan kaming dalawa nang biglang may magsalita sa radyo. 

“Driving.”

Sumeryoso ako nang makilala ang pamilyar na tinig na ‘yon. 

“Go ahead, Sir,” sabi ko. 

“Who's this?” 

“Mirea po,” mabilis kong sagot. 

Sandaling tumahimik ang linya. 

“Umakyat ka sa office ko, ngayon na.”

Tumingin ako sa lugar kung saan ko siya nakita kanina. Wala na nga ito roon. 

Infairness, para siyang maligno. Bigla-bigla na lang nawawala. 

Nag-init ang mukha ko nang hindi nakatakas sa aking paningin ang mga matang nakatingin sa akin. 

Bakit hindi? Buong golf ay nakaririnig sa amin. 

“C-Copy, Sir,” nauutal kong sagot. 

Abot langit ang hiya ko. Bigla akong natakot sa posibleng isipin ng mga tao rito sa course. Lalo nang makita ang tila nang-aasar na mukha ni E-M. 

Kailangan ba kasi talagang radyo ang gamitin niya? 

“Ako na rito, pumunta ka na kay Sir Rex,” tila nanunudyong sabi ni E-M. 

Tumango ako sa kanya saka nagpasalamat. 

Nagpahatid ako sa isang golf cart attendant. Medyo may kalayuan din kasi sa range ang office ni Rex. 

“Good morning,” bati ko nang makapasok sa opisina niya. 

Napalunok ako nang mapansin ang madilim niyang mukha. 

Anong nangyari sa kanya? Daig niya pa ang natalo sa pustahan! 

“Hindi ko dadalhin ang upuan diyan sa'yo.” Ang tono niya ay tila kasing lamig ng nyebe. 

Lumapit ako nang mapagtanto ang kanyang sinabi. 

Tahimik akong umupo sa harapan niya. 

“Take it.”

Isang papel na katulad ng iniaabot niya sa akin kahapon. 

Kinuha ko iyon. Aware ako na ito ang pera na napagkasunduan namin. 

Ipapasok ko na ito sa isang envelop, nang bigla akong matigilan. 

Kumurap ako dahil baka naduduling lang ako. 

“Five hundred thousand pesos?” Nanlaki ang mga mata ko. 

“The hospital bill where your mother is confined has also been paid.”

Natulala ako. 

Totoo ba'to? 

Pero bakit? 

Hindi ba't masyadong malaki ang halaga at pabor na ito para sa isang beses na nangyari sa amin? 

Nag-angat ako ng tingin sa kanya, nang mapagtanto iyon. 

“Ano'ng kapalit nito?” tanong ko. 

Lumalim ang tingin niya sa akin. 

“Hindi ako naniniwalang walang kapalit—”

“Lumayo ka sa lahat ng lalaki maliban sa akin. Walang pwedeng kumausap sa'yo. Ako lang.”

I laughed, mentally. 

Ayos lang ba siya? Alam niyang sa klase ng trabaho ko'y imposible kong masunod ang inuutos niya! 

“Hindi maaaring kalimutan ko na boss kita. Kailangan ko ang trabaho ko. Pero hindi ba't sobra na ‘yang hinihingi mong pabor sa akin? Alam mo na karamihan sa players at guests dito ay mga lalaki—”

“Wala akong pakialam.”

Nadiin ko ang kuko sa daliri ko nang mapansin ang paggalaw ng kanyang tatagukan. 

Bahagya akong yumuko nang makita kong tila lalong nagdilim ang mukha niya. 

Tinitigan ko ang cheque na nasa kamay ko. 

Kailanman ay hindi pa ako nakahawak ng ganito kalaking halaga. Hindi rin biro ang gastos sa ospital lalo't sa private na-confine si nanay, pero sinagot niya lahat. Tinulungan niya ‘ko ngayon gipit na gipit ako’t walang malapitan. 

“Masusunod,” sabi ko. 

Muli ay huminga ako ng malalim. 

“Pero kung ako lang ang tao sa station, hindi ko maipapangako na hindi ako makakapag-assist—”

“Ako ang boss dito,” mariin niyang sabi. 

Aware naman ako. 

“Alam kong—”

“Gawin mo kung anong inuutos ko. Kung ayaw mong magpakilala ako sa lahat ng lalaking kumakausap at lumalapit sayo.”

Hindi ako nakararamdam ng kaba buhat nang makaharap siya, pero ngayon ay para bang gustong mangatog ng mga tuhod ko dahil sa nerbyos. Tila may mga daga na nag-uunahan dito, ‘pagkat hindi ako sanay sa ganitong pakitungo nito.

Binibili niya ba ang pagkatao ko? 

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • Sevañas Obsession   Chapter 5

    MIREANAPABALIKWAS AKO MULA SA AKING KAMA, NANG MARINIG ANG MALAKAS NA ALARM NG CELLPHONE KO. Pilit kong dinilat ang mabibigat kong mga mata. Gusto ko pa sana bumalik sa pagtulog dahil dama ko ang bigat ng aking pakiramdam, pero hindi pwede ‘pagkat kailangan ako sa golf ngayon. Isang beses ako humikab bago kunin ang phone ko, iinat pa sana ako pero natigilan ako nang makita ang oras. “Ha?” Nanlaki ang mga mata ko. “Shit!” Pasado alas-otso na! Napakagat ako sa aking ibabang labi, nang napagtanto kong hindi ito ang unang beses na nag-alarm ang cellphone ko. Kanina pa pala ito tunog nang tunog, sa lalim ng aking tulog ay hindi ako nagising. “Shit, shit!” Napahilamos ako sa aking mukha nang makita ang missed calls ni Dhana. Sinubukan ko siyang tawagan, pero hindi ito sumagot. “Panigurado, busy na ‘yon.”Hindi ako nag-aksaya ng oras, agad akong tumayo sa kama saka dumiretso sa CR. Binilisan ko ang aking kilos. Pagkabihis ay agad akong nag-book ng motor upang makarating agad sa co

  • Sevañas Obsession   Chapter 4

    MIREA“Ikaw na muna ang bahala kay Nanay, Keeth. Kung may kailangan ay sabihan mo ako agad para magawan ng paraan.”“Okay, Ate.”“Salamat.”Pinatay ko ang tawag matapos kong malaman ang kalagayan ni nanay sa ospital. Hindi ako nakapunta sa kanya, kaya nakibalita na lamang ako sa aking kapatid. “Ang lamig naman dito,” Niyakap ko ang aking sarili. Nandito ako ngayon sa condo unit ni Rex. Mainit kanina kaya manipis na long sleeve lang ang sinuot kong pang itaas at maong short naman ang pang ibaba. Tahimik akong umupo sa couch nang marinig ang pagbagsak ng tubig na nagmumula sa CR. Habang naghihintay ay iginala ko ang aking mga mata sa paligid. Napangiti ako nang makatawag pansin ang kakaibang mga painting na nakadikit sa pader. Mahilig pala siya sa ganito.Tumayo ako saka umikot. Naaliw ako sa isang golden tree painting. Para itong tunay. “Hey.”Umikot ako para hanapin ang pinanggalingan ng boses na iyon. Tumikhim ako saka pinilit na magsalita nang matanaw si Rex. “P-Pasensya n

  • Sevañas Obsession   Chapter 3

    MIREA“MIREAAAA! ANG NAPAKAGANDA KONG PRENI!” Napangiti ako habang naglalakad papasok sa driving range, dahil sa masayang pagsalubong sa akin ni Dhana. What a beautiful morning, as beautiful as her presence. Sigurado ako, may ichi-chika siya sa akin. “Kumusta? May puksaan ba kahapon dito?”Nagtataka ko siyang tiningnan. Siguro’y napansin niya na hindi ko na-gets ang sinabi niya kaya tumawa na lang ito ng mahina. “Grabe! Meeting with seminar pala ‘yung kahapon kaya inabot ako sa oras ng out ko. Hindi ako na-inform ‘don! Mabuti na lang pumasok agad si E-M, ‘no? Tournament pa naman.”“Oo nga, eh. Kawawa nga ‘yon, panigurado ay na-stress siya kahapon dito,” seryoso kong imporma. “Siya lang?” may pagtataka ang kanyang tono. “Saka si E-M mai-stress? Imposible. Maning-mani lahat d'on, eh.”“Eh, ano bang meron kahapon? Bakit parang buong araw naman?” tanong ko. “Marami kaming napag-meeting-an, in-orient na rin kami. May biglaan kasing event dito bukas. Pa-welcome party para sa half brot

  • Sevañas Obsession   Chapter 2

    MIREAMabangong aroma ang sumalubong sa akin, nang makarating sa aming departamento gamit ang isang golf cart. Ganito rito, pwedeng magpahatid kung malayo ang lalakarin. “Hi, Mirea. Good morning!” Ngumiti ako sa isang guest na bumati sa akin. “Good morning po!” tugon ko. Nagpatuloy ako sa paglakad, hanggang marating ko ang coffee station kung saan ako nakapwesto. “Hay, salamat. Dumating ka na rin!” bungad sa akin ni Dhana. Nagtataka ko siyang tiningnan. “Kasi naman . . . kanina ka pa pinatatawag ni Sir Rex, Te!” aniya sa mahinang boses. Anong trip niya? Nagsabi ako sa kanya kahapon, after lunch ako pupunta sa opisina niya ngayon. “Bakit daw?” tanong ko habang nagsusuot ng apron. “Ewan ko,” kibit balikat niyang tugon. Nangunot ang noo ko. “Speaking . . .” Sinundan ko kung saan ito nakatingin. I swallowed when I saw Rex, while playing golf. Seriously?Mag-iisang taon na’kong nagtatrabaho rito sa driving range, pero ito ang unang beses na nakita ko siyang pumalo rito. “Al

  • Sevañas Obsession   Chapter 1

    MIREA"What's wrong with you? Ito ba ang oras na pinag-usapan natin?” Iyon ang bungad sa akin ng boss ko, nang makapasok sa condo unit niya. “Pasensya na, kinailangan kasi ako ng kapatid ko sa bahay.” Si Keeth. Irish twins kung kami'y tawagin. Hindi kami kambal, pero pareho kaming ipinanganak sa iisang taon. January 1, 2002 ang birthday ko, siya naman ay December 7, 2002.“Take it off,” bulong niya habang nilalaro-laro ang strap ng dress na suot ko. Hindi ko napansin ang paglapit niya sa akin. “S-Sir Rex . . .” napaungol ako nang bigla niyang hawakan ang dibdib ko. Kasabay ng paghalik sa leeg ko pababa sa aking balikat. “Ayoko nang pinaghihintay ako . . .” Napapikit ako nang maramdaman ang init ng kanyang hininga sa aking tainga. “C'mon . . .” Hinila niya pababa ang damit na bumabalot sa aking katawan. “Ahhhh . . .” Hindi na'ko nakapagsalita dahil sa mabilis niyang pagdila sa aking dibdib. Minasa-masahe niya ang isa, habang pinaglalaruan ng kanyang dila ang isa. Napalunok ak

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status