Share

Kabanata 33

Chapter • Thirteen

Palabas na ako ng classroom para sa huli kong klase nang tawagin ako ni Harley, ang leader ng group namin para sa research paper. Kunot-noo ko siyang nilingon. Halata namang natakot siya sa akin.

Nagkamot siya ng gilid ng kanyang ulo saka kinakabahang nagsalita. "Ano kasi, sa susunod na Saturday, mag-oovernight sana ang buong group sa bahay nina Nimpha. Doon sana natin gagawin 'yong project tutal tapos na tayo sa survey at basic steps. Pwede ka ba?"

Sandali ko siyang tinitigan. "Do I have to go?" Tinaasan ko siya ng kilay.

Biglang namutla ang kanyang mukha. "Ha? Uh... K-kailangan kasi." Natatakot niyang tugon.

Magsasalita na sana ako nang maramdaman kong may umakbay sa akin. Kaagad bumilis ang tibok ng puso ko nang maamoy ko ang pamilyar na pabango.

"She'll come. If it's for her grades then you have my word." He said softly.

Kaagad namula ang pisngi ni Nimpha. Pilit siyang ngumiti saka tumango.

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status