THREE
Halos isang oras ding nanatili si Andrei sa bahay. We talked about random stuffs. Nai-kwento niya sa akin ang mga karanasan niya habang kahalubilo ang mga normal habang kinwento ko naman ang mga nakakatawang nangyari sa akin sa community high.
"Nakakainis. Buti ka pa pwedeng-pwede mong i-compell ang teacher mo para ipasa ka. Ako hindi ko magagawa dahil bampira silang lahat." Untag ko.
Ngumisi siya. "Nagawa ko 'yon mga dalawang beses kaso no'ng nalaman nila Daddy hindi ko na inulit."
"Matalino ka naman. Sigurado hindi ka mahihirapan sa community high. Sana nga kasing talino ko na lang si kuya Wesley. Minamani lang niya ang mga komplikadong subjects sa school kaya minsan sa kanya ko ipinapagawa ang assignments ko." Tugon ko.
Magsasalita pa sana si Andrei nang bumukas ang pinto at pumasok ang naka-headphones kong kapatid. Nakatutok ang atensyon niya sa binubuo niyang five by five rubics cube. Nang mapansin niyang may tao sa sala ay inangat niya ang tingin niya para tignan kami.
Nang makita niya si Andrei ay mabilis na kumunot ang kanyang noo. Sinulyapan niya ang kanyang wrist watch saka niya inalis ang kanyang headphones at sinukbit ito sa leeg niya.
"Gabi na. Hindi ka pa ba hinahanap sa inyo?" Seryosong tanong ni kuya kay Andrei.
"Six pa lang naman, kuya." Sagot ko.
Nabaling ang tingin sa akin ni kuya. Naningkit ang mga mata niya sa akin saka niya inigting ang kanyang panga. "Gabi na, Milly. Mabuti pa tulungan mo na lang si Mom msghanda ng hapunan."
Binuksan ni kuya ang main door saka niya dinuro si Andrei. "Ikaw. Uwi na. Hindi pa pwedeng ligawan kapatid ko."
"Kuya!" Suway ko.
Tumaas ang kilay niya sa akin. "What, Milly?"
Humarap sa akin si Andrei. "Okay lang, Millana. Kita na lang tayo ulit bukas. Ah, teka." Aniya saka dinukot ang phone niya sa kanyang bulsa. Nang iabot niya ito sa akin ay may ngiti na sa labi niya. "Tawagan kita mamaya. Kunin ko number mo."
Kinagat ko ang ibaba kong labi saka ako tumango. "Sige."
Kinuha ko ang phone mula sa kanya pero tinitipa ko pa lang ang number ko ay mabilis nang humakbang palapit sa amin si kuya. Napaawang ang bibig ko nang bigla niyang hablutin mula sa akin ang phone ni Andrei saka niya binura ang tinipa ko. Kumunot ang noo ko nang makitang ibang number ang nilalagay niya saka niya padabog na binigay kay Andrei ang phone.
"Go. Now." Mariin nitong utos. Halos hindi na mapinta ang inis sa mukha niya.
Walang nagawa si Andrei kung hindi ang sundin ang sinabi ni kuya Wesley. Kumaway siya sa akin bago siya dismayadong lumabas ng bahay. Nang makalabas siya sa pinto ay mabilis sinara ni kuya ang main door saka niya ako galit na pinasadahan ng tingin.
"Sana man lang nagpalit ka ng damit bago ka humarap sa kanya." Inis niyang kumento.
Napairap ako. "Kuya naman. Ano bang masama sa suot ko? Si Frida naka mini skirt at tank top hindi mo naman sinita. Di hamak namang mas maayos ang suot ko kaysa sa kanya."
"Frida is already seventeen while you're just fourteen. Isa pa, iba si Frida iba ka. Huwag mong kinukumpara ang sarili mo sa kanya." Asik niya.
Sumimangot ako dahil sa narinig. Humalukipkip na lamang ako saka ko siya nilayasan.
Oras ng hapunan na ako muling bumaba. Pagdating ko sa dining hall ay naroon na silang tatlo at ako na lamang ang hinihintay.
Naupo ako sa silyang katabi ni kuya, my usual spot during dinner. Tahimik na siyang kumakain pero ramdam kong naiinis pa rin siya. Bakas iyon sa kunot ng noo niya. Ang init ng ulo nito. Nakakahawa tuloy minsan.
Hinawi ko ang buhok ko patungo sa aking likod saka ko dinampot ang kubyertos. Dad and I had a few chit chats. Chinichismis pa ni Mom na dumalaw si Andrei kaya hindi ko maiwasang pamulahan ng pisngi. Of course my Dad, being the paranoid one like my brother, asked a lot of questions about Andrei and I.
"Baka naman nililigawan ka na hindi pa namin alam, Millana?" Tanong ni Daddy.
Umiling ako. "Hindi nga Dad. Bata pa ako di ba? Hindi pa ako pwedeng magpaligaw."
"Buti alam mo." Bulong ni kuya bago niya sinubo ang huling piraso ng patatas sa plsto niya.
Sinuntok ko ang braso niya sa inis ko. Kanina pa 'to nakakapikon na.
"Millana, ano ba 'yan? Kumakain ang kapatid mo." Sita ni Daddy.
Sumimangot ako. "Kanina pa siya eh. Nakakainis na."
"What? Wala akong ginagawa sayo. Guilty ka lang talaga." Depensa ni kuya Wesley. Tumayo siya at inayos ang silya pabalik. "Sa kwarto na po ko. Aayusin ko lang mga dadalhin ko."
"Go ahead, son." Ani Daddy.
Tumango lang si kuya Wesley bago kami iniwan sa dining hall. Sinundan ko lang siya ng tingin hanggang sa tuluyan siyang pumanhik ng hagdan.
Nabaling ang tingin ko kina Daddy pagtapos. Inilapag ko ang tinidor ko saka ako kunot-noong nagtanong. "Bakit, Dad? Saan pupunta si kuya?"
Nagkatinginan silang dalawa ni Mom. Mayamaya'y bumuntong hininga si Mom bago siya humarap sa akin.
"Your kuya Wesley is moving to Clamence City to study engineering." Ani Mom.
Lalong nalukot ang aking noo. "Bakit sa Clamence pa may college naman dito?"
"Your brother received an offer at Clamence University. Kilala at mahusay ang university nila. Specialty nila ang engineering courses. Wesley wanted to pursue his dream so we decided to let him accept the offer." Paliwanag ni Dad.
Hindi ko alam pero kahit na aso't-pusa kami lately, nalungkot ako. Nasanay na akong palaging nandiyan ang kapatid ko.
"That's too far. Saan siya titira? Is he gonna travel everyday from here?" I mumbled.
"No, sweety. Your brother will be staying at the university dormitory." Ani Mommy.
"Hindi ba siya mahihirapan doon? Mahirap mag-isa di ba?" Nag-aalala kong tanong.
"Kaya ng kuya Wesley mo 'yon. Matalino siya at madiskarte, remember?" Nakangiting ani ni Mommy.
Bumagsak ng tuluyan ang mga balikat ko. Ininom ko na lamang ang natira kong juice saka ako nagpasyang umalis ng dining hall.
Habang paakyat sa second floor, hindi ko maalis ang bigat ng loob ko. Aalis pala siya hindi man lang niya sinabi sa akin. I feel betrayed. I'm his sister. I'm his first friend and now he's just by-passing me.
Dumiretso ako sa kwarto ko at pinilit iwaglit sa isip ang sama ng loob ko pero hindi ko talaga magawa. Ramdam ko 'yong bigat ng dibdib ko dahil sa nalaman ko. Hindi ko matanggap na parang hindi man lang niya naisip na tanungin ako kung papayag ba ako samantalang ako kung makeelam siya sa buhay ko mas matindi pa siya kina Daddy.
Lumipas ang mga oras at hindi talaga ako dinalaw ng antok. Hindi ako mapakali dahil sa sama ng loob ko. Gusto kong malaman kung bakit hindi man lang niya sinabi sa akin.
Sa huli, nagdesisyon akong lumabas ng kwarto at pumunta sa silid ni kuya Wesley. Hindi na ako kumatok dahil nararamdaman kong gising pa rin siya.
Pinihit ko ang door knob saka dahan-dahang binuksan ang pinto. Nang sumilip ako ay naabutan ko siyang nakaupo at abalang maglaro ng xbox. Nang mapansin niyang nakasilip ako ay tinigil niya ang paglalaro saka niya sinenyas ang ulo niya para pumasok ako.
"Tara. Laro tayo." Untag niya saka niya mahinang pinalo ang pwesto sa tabi niya.
Tumango na lamang ako. Lumapit ako sa kanya at naupo sa pwestong katabi niya. Dinampot ko ang isa pang controller at hinintay na mai-set niya ang laro.
"Kapag nanalo ako gagawa ka ng pan cakes." Nakangisi niyang sabi habang nakatitig sa screen ng TV.
Malungkot ko siyang tinignan. How could he act so cool when he's about to leave us?
Tumango na lamang ako saka ibinalik ang tingin sa screen. "Kapag nanalo ako dito ka lang." I murmured.
Hindi niya ako sinagot. The game started and he played casually while I played it as if my life depends on the game. I tried so hard to win against him but he's just so good at this. Nang patapos na ang game at alam kong matatalo na ako tuluyan kong naibaba ang controller. Kinagat ko ang ibaba kong labi saka ko sinimulang humikbi.
Naibaba ni kuya ang controller niya saka niya ko hinapit para yakapin. Hinaplos niya ang aking buhok habang hinahagod niya ang likod ko.
"Tahan na. Para namang mamamatay ako." He joked.
Sinuntok ko ang kanyang dibdib. "You lied."
"I didn't. Hindi ko lang talaga gustong ipaalam sayo habang hindi pa ako nakakaalis." He mumbled softly. A hint of guilt on his voice.
Kumalas ako sa yakap niya saka ko siya tinignan sa mga mata. "Ang sama ng ugali mo. Ibig sabihin talagang balak mong itago sa akin? Gusto mo talagang magalit ako."
Napangisi siya. Kinurot niya ang aking pisngi saka niya ginulo ang aking buhok. "I'm just saving myself from your dramas. Alam kong ngangawa ka lang kapag umalis ako."
"Ang kapal mo." Maktol ko saka ako suminghot. "Salbahe ka."
Marahas siyang bumuntong hininga. Mayamaya'y inakbayan niya ako saka niya dinampian ng halik ang tuktok ng aking ulo. "I'll go home every semestral break and holidays."
Lalo lang akong naiyak. Kung sabihin niya iyon parang hindi buwan ang bibilangin bago niya kami ulit makikita.
"Dito ka na lang kasi." Pakiusap ko.
"Sorry, sis but I really have to go. This is my dream...and it's time to turn that dream into a goal." He mumbled.
Humikbi ako saka ko siya tiningala. "Paano na assignments ko?"
He laughed with what I said. "Sinasabi ko na nga ba 'yan talaga ang rason mo kaya hindi mo ko gustong payagan."
"Hindi ah!" Depensa ko.
Ngumiti na lamang siya saka niya pinalis ang basa sa aking pisngi. "Intindihin mo na lang ako. I want to prove my worth. I want to get out of the family's shadow. I wanted to create my own name, Milly. Gusto kong sa oras na humarap ako sa mga magulang ng babaeng makakasama ko habambuhay, dala-dala ko ang sarili kong pangalan."
Kinusot ko ang aking mga mata saka ako sumimangot. "Matagal pa 'yon. Bata ka pa."
Matipid siyang ngumiti. Hinawi niya ang ilang hibla ng aking buhok patungo sa likod ng aking tenga.
"Yeah...at bata pa rin naman kasi siya..."
FOURMahigpit kong niyakap ang unan saka ko ibinaon ang mukha ko rito. I suddenly hated my ability. Nasa pangalawang palapag na ako ng kwarto pero naririnig ko pa rin kung paanong ipinapasok nina Daddy ang mga gamit ni kuya sa kotse.My brother keeps on asking where I am. Si Mommy na ang nagpapaliwanag na masama ang pakiramdam ko kaya hindi na ako makakapagpaalam sa kanya sa pag-alis niya papuntang university.Ang totoo ayaw ko lang talagang magpaalam. Like he said, he wanted to save himself from my dramas. I've been the typical drama queen these passed few days. Magang-maga na ang mga mata ko kakaiyak pero hindi talaga magpapapigil ang kapatid ko.When I heard the car door shut, I felt a tug in my chest again. Lalo kong binaon ang mu
FIVEPinagpag ko ang kamay ko matapos kong masagutan ang problem sa board. Matipid akong ngumiti sa teacher saka ko hinintay ang sasabihin niya.Sir Guilder checked my answer on the board then motioned his hand. "Well done, Miss Devonaire." He mumbled with a slight smile written on his lips.Andrei suddenlh clapped his hands then proudly shouted, "Hooh! Go Millana!"Nagtawanan ang mga kaklase ko dahil sa ginawa niya. Si Sir Guilder naman ay mahinang sinipat ang kanyang desk bago inayos ang kanyang salamin."Mr. Colton, if you think this is a cheering competition then you are in the wrong place." He mumbled.Umalingawngaw ang tawanan
SIXBumuntong hininga ako saka ako humarap sa veranda nang marinig ko na naman ang katok ng katulong sa pinto. Pangalawang balik niya na ito. Hindi talaga nila ako tatantanan kahit pa sinabi ko na ngang hindi ako sasabay kumain."Miss Millana, pinapasabi ng Daddy niyong kailangan niyo raw sumabay sa hapunan," ani ng kasambahay."I said I'm not hungry. Sila na lang ang kumain. Bababa na lang ako mamaya!" sagot ko kahit pa ramdam ko na ang pagkalam ng sikmura ko. Well, I'd rather starve. Kuya Wesley was the last man I expected to think of me that way. At ano ang ginawa niya?Napailing ako nang magsimula na namang kumulo ang aking dugo. Nakakainis na sa tuwing nagagalit ako sa kanya, may kung ano sa loob kong tila nais kumawala. I haven'
SEVENWhen Kuya left, it felt like a part of me had lost its purpose. My wolf became so aggressive that I became physically tired just by trying to keep it from taking control. Parang nawalan din ako ng ganang gawin ang maraming bagay. Naging matamlay ang katawan ko at kahit na anong pilit kong alisin si Kuya Wesley sa aking isip, hindi ko magawa."Tapos 'yon. Tawa kami ng tawa nina Spen dahil sa nangyari." Andrei chuckled. Halos maiyak na siya sa kakatawa habang ikinikwento ang kalokohang ginawa nila ng pinsan ko noong nakaraang linggo.Nang mapansin niyang wala pa rin ako sa mood kahit na kanina pa siya kwento ng kwento, napahinto siya sa pagtawa at nag-aalalang hinawakan ang balikat ko.
Kabanata 8IT WAS THE MOST terrible training I ever experienced. Halos wala akong matutunan dahil puro away ang ginawa ng dalawang Alpha kaya nang magkagirian, dumating si Uncle Bjourne upang awatin ang dalawa."Well, he started it," angil ni Alpha Levi."Oh, yeah? Why don't you show me what you got, Grimmerson?" asik naman ni Alpha Pearce.Napasapo na lamang ng mukha si Perry habang si Spencer ay nakangisi lamang habang nakamasid si Uncle Bjourne. Nang mapansin niyang sumara ang mga mata ni Uncle saka ito humugot ng malalim na hininga, tumingin siya sa akin saka bumulong. "Now watch. This is the training that you need. You gotta see how to use the superiority of y
Sobrang sama ng loob ko kay kuya Wesley dahil sa phone call na iyon. Binigay ko kina Mom ang phone pero pinakita kong galit ako nang magtaka naman sila. Ayaw ko nang itago ang sama ng loob ko kay kuya. Alam ko namang may masama akong nasabi pero hindi na yata ito tama.Tinigilan ko ang pagti-text ko sa kanya. Ginawa kong busy ang sarili ko sa school at sa paglalaro ng baseball. Ni hindi ko na namalayan ang paglipas ng mga araw.Nang dumating ang sem break nina kuya ay sinundo siya nina Mon sa Clamence. Inalok ako ni Daddy na sumama sa kanila pero tumanggi ako. Naiinis pa rin ako kay kuya dahil sa phone call...at sa picture nila no'ng babae."Are you sure you don't want to come with us?" Tanong ni Daddy.
I stared at the fake butterflies on my ceiling as I kept on releasing sharp sighs. Simula noong nangyari ang dare, pakiramdam ko lalo kaming nagkaroon ng pader sa pagitan namin ni kuya Wesley. Like an invisible line nobody would want to cross.Kapag nagkakasalubong kami sa bahay, nakakaramdam ako ng pagkailang. Something inside me ache for him but my mind keeps on telling me it's wrong.Minsan ay siya na mismo ang gumagawa ng paraan para hindi kami magkita. Nagbakasyon nga siya pero halos maghapon naman siyang umaalis para puntahan ang mga kaibigan niya.Siguro kung katulad pa rin ng dati ang samahan namin, panigiradong magagalit ako ng sobra sa kanya pero sa mga panahong ito, ipinagpapasalamat kong siya na ang gumagawa ng paraan para lumaki ng lumaki ang pader na naghihiwalay sa amin.Hindi ko man direktang narinig kung ano ang ibig niyang sabihin sa katotohanang hindi ko maipagkakaila, pakiramdam ko, sa loob-loob ko ay naintindihan ko ito.I may
Did you ever regret not taking the same steps someone took away from you? His are backwards while yours are supposed to be towards him...I did...and still do.That night ended painfully. Umiyak ako ng umiyak hanggang sa tuluyan akong tinangay ng antok ko ngunit nang magising ako, wala na si kuya Wesley sa bahay.Bumalik siya ng Clamence ng mas maaga. Akala ko magiging maayos din kami pagkalipas ng ilang buwan. Inabangan ko ang pag-uwi niya sa semetral breaks at mga espesyal na okasyon ng pamilya namin pero hindi siya dumating.Huli na nang malaman kong nahanap pala siya ng mga kamag-anak ng tunay niyang daddy. Sabi ni Mommy nagcatch up sila sa mga taong hindi nila kasama si kuya Wesley kaya naman sa tuwing sumasapit ang holidays at sembreaks, hindi na siya sa amin umuuwi kung hindi sa pamilya Xavier.Pero kahit na ganoon, alam kong malaking parte ng pananatili niya kasama ng tunay niyang pamilya ay ang nangyari sa amin higit dalawang taon na