Halos hindi ako nakatulog ng maayos sa kakaisip kay Theo at sa mga bagay na sinabi niya doon sa rooftop kahapon. Sa tuwing iniisip ko kasi 'yong mga sinabi niya mas lalo lang akong na-curious sa pagkatao niya. He always wear his jacket kahit hindi naman malamig, tapos palagi pa niyang tinatago ang mukha niya sa pamamagitan ng pagyuko at pagpapanatili niya sa mahaba niyang bangs. At hindi lang 'yon napansin ko ding hobby na niyang magpaalipusta na lang kung kani-kanino.
Ang buong akala ko talaga kaya hindi siya nalaban sa Kenneth na 'yon ay dahil takot siya pero nang makita ko ang nangyari sa party ni Tita Anastasia kahapon ay napagtanto ko na hindi niya talaga pinaglalaban ang sarili niya.
He's weird and mysterious.
"Sweetheart, you're alright? Kanina ka pa nakatulala and you're not eating your food. What's the matter? Ayaw mo ba sa school mo? I could still transfer you to another school if you want," Dad worriedly said. He's always been like that kahit pa noong bata pa lang ako.
"I'm alright, Dada. Kulang lang 'yong tulog ko, medyo nahirapan po kasi akong matulog kagabi," pagdadahilan ko na lang sa kaniya.
I started eating para hindi na mag-alala pa sa 'kin si Dada kahit wala akong ganang kumain. Knowing him, hindi siya titigil sa kakatanong sa 'kin hangga't nakikita niyang parang wala ako sa wisyo.
Habang tahimik akong kumakain may bigla akong naisip. I'm sure, Dada knows Henry. Kung kilala kasi ni Tita Anastasia 'yong Henry siguradong kilala din iyon ni Dada.
"Dada, you know Henry? Iyong kaibigan ni Tita Anastasia?" He looked at me with a creased forehead then he put his spoon and fork down.
"Yeah I know him. Why? May nakita ka bang ginawa ni Henry kay Anastasia kagabi?" he asked as he get his glass and poured water in it.
I shook my head. "No, Dada. It's not like that uhm, I just got curious about him kasi parang close na close sila ni Tita Anastasia."
Kinuha na ni Dada ang kutsara't tinidor niya na nilagay niya sa gilid ng plato niya kanina at pinagpatuloy na niya ang pagkain. Habang ako naman ay nag-iisip pa ng pwede kong idahilan para magawa kong pakwentuhin si Dada tungkol sa Henry na 'yon.
I desperately want to know Theo and I mean it.
"They are highschool best friends. That's why they're so close," he simply replied.
There's something wrong with my Dada today. He's a very talkative man when he's with me pero parang ngayon gusto na niyang matapos na agad ang usapan namin.
"Uh, anyway Dada may asawa na ba 'yong Henry?" Tumingin ulit sa'kin si Dada at ngayon masama na ang tingin niya sa 'kin.
"Don't tell me you have a crush on that jerk?"
"Of course not!"
"You seem very interested about him.. Why?"
"I'm interested about him kasi I want to know if he's fit to be Tita Anastasia's next boyfriend," I reasoned out then I rolled my eyes.
What an excuse Meadow! My God!
"What? He can't be Anastasia's boyfriend. May asawa na 'yon and he's not a good man. You wouldn't want a jerk of a boyfriend for your Tita Anastasia right?"
"Of course Dada! Tinatanong ko lang naman po. Why you're so angry? May galit ka ba doon sa Henry na 'yon?"
My Dad just remained quiet the whole breakfast after our conversation. I'm sure he just want me to drop the topic. Ano bang meron sa Henry na 'yon? Pati tuloy siya iniisip ko na rin.
Pagkatapos naming kumain agad na akong naligo at nag-ayos. I set the alarm early para mahaba pa ang oras ko para makapag-ayos at kumain.
Nang maayos na ako ay bumaba na ako kaagad at lumabas na ng bahay. Kaagad kong nakita si Dada na nasa loob na ng kotse at hinihintay ako.
Napagkasunduan kasi namin ni Dada na ihatid sundo niya ako. Hindi naman kasi ako marunong mag-commute at isa pa, nangangapa pa kasi ako sa school.
Wala ni-isa sa amin ni Dada ang nagsalita sa buong byahe. Halos naririnig ko na nga ang bawat paghinga namin sa sobrang tahimik. Mas lalo tuloy akong napaisip. Sino ba kasi iyong Henry? Imposible naman kasing magalit na lang si Dada ng walang dahilan hindi ba? Atsaka, Dada called him jerk. That must've mean something, dahil hindi gano'ng klase ng tao si Dada na bigla na lang magsasabi ng masama tungkol sa isang tao.
"Ba-bye, Dada. I love you, and tell Mom I love her." I kissed his cheek and I went outside the car.
"I will, I love you too sweetheart. You take care. I'll pick you up later." I just nodded my head then wait for his car to move forward. Nang makita kong wala na ang kotse ni Dada ay napabuntong-hininga na lang ako.
Dada goes to Mom's graveyard everyday, sa katunayan nga halos doon na tumira si Dada sa sementeryo e. Every morning pinupuntahan niya si Mommy. Wala pa akong natandaan na hindi niya pinuntahan si Mommy kahit pa masama ang pakiramdam niya.
Kung minsan naaawa na rin ako kay Dada. I know that the pain of mom's death is still hurting him every night when he's alone. Kaya nga halos gawin na niyang pangalawang bahay 'yong sementeryo. Nakakalungkot lang isipin na kaming dalawa na lang talaga ni Dada ang magkakampi, tapos wala pa akong magawa para maibsan ang sakit na nararamdaman ni Dada.
"Hoy Meadow! Bakit ka nakatulala?"
Napahawak ako sa d****b ko nang bigla na lang sumulpot si Honey sa tabi ko.
"Nakakagulat ka naman!" bulalas ko sa kaniya.
"Naglalakad ka kasi nang wala sa wisyo. Para kang tangang naglalakad nang walang patutunguhan. Tignan mo nga 'yang daan na tinatahak mo! Papunta kaya 'to sa building ng Juñior High," sabi niya sabay turo sa dinaraanan ko.
Tinignan ko ang dinaraan ko at doon ko lang napagtanto na tama nga siya, mali ako ng dinaraanan.
My goodness Meadow Rain!
"Ano ba kasing problema mo?" Hinila ako ni Honey sa braso at dinala ako sa tamang daanan papunta sa building namin.
"Wala naman. Kulang lang ako sa tulog," pagdadahilan ko na lang sa kaniya.
Hindi naman na siya nagsalita pa at nagpatuloy na lang kami sa paglalakad. Napansin ko ding hindi siya nakasuot ng school uniform. Naka-white t-shirt siya na may print na: fuck off. Naka-skinny jeans din siya at nakasuot ng white sneakers at makapal din ang make up ni Honey ngayon.
Napaisip tuloy ako kung paano siya nakapasok ng gano'n ang itsura niya e mukhang mahigpit ang mga gwardiya dito sa school.
Tumingin ako sa paligid para tignan kung may estudyante bang naka-civilian pero lahat naman naka-school uniform. Hay naku, ang pasaway talaga kahit kailan ni Honey.
"Honey, bakit nga pala hindi ka nakasuot ng school uniform?" tanong ko sa kaniya.
"Second day pa lang naman pwede pang mag-civilian, sadyang mga excited lang kayong mag-uniform," sagot niya sabay irap sa akin.
Napa-iling na lang ako. Kung sabagay si Honey nga pala ang kausap ko, 'yong babaeng walang pakielam sa rules.
"Ah, Honey. Mauna ka na."
"Bakit?" kunot noo niyang tanong sa akin.
"Naiihi na kasi ako e," sagot ko sa kaniya sabay pinag-krus ko ang aking binti para magpigil.
"Sure ka? Baka maligaw ka?" naninigurong tanong sa akin ni Honey.
"Oo kaya ko na, salamat."
Tinanguan ako ni Honey pagkatapos ay lumiko na siya para umakyat sa second floor. Naalala ko kasi 'yong sinabi sa 'kin ni Honey na malinis daw ang comfort room dito sa first floor kaya naman dito na lang ako iihi.
Naglakad na ako papunta sa comfort room at nang makapasok na ako ay laking pasasalamat ko na walang tao sa loob.
Binuksan ko muna lahat ng pintuan sa loob ng comfort room bago ako namili. Iyong nasa unahan lang ang malinis, iyong dalawang sumunod na palikuran ay masangsang ang amoy at madumi.
Pumasok na ako sa may unahan at umihi na ako. Binilisan ko na rin ang pag-ihi ko dahil baka ma-late ako sa klase. Second day na ngayon siguro naman mag-u-umpisa nang mag-lesson 'yong mga teacher.
Pagkalabas ko ng comfort room nakita kong wala nang masyadong estudyante sa corridors. Kaya naman kaagad na bumilis ang tibok ng aking puso sa kaba.
Tatakbo na sana ako kaso may biglang humila sa aking braso.
"Meadow.. Please kausapin mo ako."
Kilalang-kilala ko ang nagmamay-ari ng boses na 'yon. Bakit kailangan ko pang marinig ang boses niya ulit? Hindi pa ako handa.
Hindi ito pwede. Bakit siya nandito? Imposible! Hinding-hindi siya papasok sa isang public school. Bakit kailangan ko pa siyang makita? Bakit?
"S-Sorry may klase pa kasi ako." Sinubukan kong hilahin ang braso ko sa pagkakahawak niya pero masyadong mahigpit ang kapit niya sa 'kin kaya naman hawak niya pa rin ang braso ko.
"Hindi, dito ka lang, mag-uusap tayo," pagmamatigas niya sa akin.
"Wala na tayong dapat pag-usapan, Kenneth. Aalis na ako."
Naramdaman ko ang pagluwag ng kapit niya sa akin kaya agad ko nang hinila ang braso ko mula sa kaniyang kapit at nagmadaling umalis.
"Hay grabe! Ang bilis ng araw. Akalain mo 'yon limang buwan na pala ang lumipas," sabi ni Rachelle habang humihikab.She's right. Napakabilis nga ng oras at ng mga pangyayari. Hindi pa rin ako makapaniwalang limang buwan na pala ang lumipas. Gano'n siguro talaga kapag nage-enjoy ka.I could still remember my first day here. Hindi ko talaga inisip na magkakaroon ako ng kaibigan dito sa school. I'm not really approachable and I don't know how to start a conversation.Kaya naman sobra akong nagpapasalamat na kinausap ako noon ni Honey. Bago ko pa man makita si Rachelle sa comfort room ay sapat na sa akin noon kung si Honey lang ang maging kaibigan ko ngunit hindi ko akalaing may dadagdag pang isa which is Rachelle.I'm thankful that I have the best dad ever. Kung hindi dahil sa kaniya siguro hindi ko nakita ulit si Rachelle at hindi ko magiging kaibigan si Honey. Mabuti na lang at hindi talaga sinunod ni Dada si Mamu. Speaking of Mamu, pupunta nga pala kami
Inilagay ni Theo ang cellphone niya sa loob ng bulsa ng khaki short niya at naglakad siya patungo sa akin. Hindi ko tuloy alam kung tatakbo na ako paalis o iyuyuko ko na lang ang ulo ko. Kahit kailan talaga si Honey! "Hi," he murmured shyly. I gave him a smile. "Hi, uhm, sorry si ano kasi-" Napatigil ako sa pagsasalita nang tinawanan niya ako. "Okay lang. Pauwi ka na?" Pauwi na ba ako? Gusto ko na nga bang umuwi? Wala rin naman akong gagawin sa bahay at wala rin tao ro'n. Okay naman sigurong sumama ako kay Theo di ba? "Uhm, sana... Pero may kasama ka ba ngayon?" "Palagi naman akong mag-isa." "Ah, sorry nakalimutan ko." "Ano'ng meron sa 'yo ngayon at sorry ka yata ng sorry?" He smile at me and I feel butterflies dancing on my stomach. How can he manage to look handsome without even trying? "Huwag ka ngang ngumiti ng ganyan!" He laughed. "Bakit ano'ng masama sa pag-ngiti ko? Atsaka
Bago kami pumasok ay tinanong pa ni Honey kung pwede daw ba ang aso sa loob ng bahay namin ang sabi ko ay okay lang naman. Mukha naman kasing walang issue si Dada pagdating sa mga aso. Binuhat ni Honey ang aso niya at pumasok na kami sa loob.Nang makapasok na kami sa loob ng bahay ay tinanggal na muna ni Honey ang tali na nakasabit sa collar ng puddle niya. Pagkatanggal ni Honey ay agad namang tumakbo ang aso niya."Nakakayamot talaga 'tong aso na 'to.""Hayaan mo nang magpagala-gala dito sa bahay. Wala naman siyang ibang lulusutan palabas kasi wala naman kaming ibang pinto na pwedeng labasan.""Hay naku, subukan lang talaga niyang tumae dito sa inyo ipapakain ko talaga 'yon sa kaniya.""Ang sama mo."She rolled her eyes again. "Joke lang. Sa mahal ng aso na 'yan makakaya ko bang patayin 'yan? Eh di mas una akong pinatay ng mama 'ko."Umupo muna kami ni Honey sa couch dito sa living room dahil hinahanda pa ang breakfast namin. Nag-us
The aroma of newly baked cookies run through my nostrils. Dahil doon tila ba kumalam na agad ang aking tyan. Amoy pa lang mukhang masarap na. Saan ba nanggagaling 'yong amoy na 'yon?"Sweetheart, wake up." Kumapa ako ng unan habang nakapikit pa rin ang aking mata. Nang makahanap ako ay kaagad ko iyong pinatong sa aking tenga.Ayaw ko pang tumayo sa kama. Gusto ko pang matulog ulit.Naramdaman ko ang ginawang pagtanggal ni Dada sa unan na nasa tenga ko."Gumising ka na. I baked cookies for you. C'mon, get up, sleepyhead.""I'm still sleepy," I mumbled."Alright maybe I'll just give these to Ivan. Kanina pa naman niya 'to gustong lantakan."Agad akong bumangon at sinimangutan ko si Dada. Doon ko lamang nalaman na may tray na nakapatong sa gilid ng kama kung saan nakalagay ang cookies at isang baso ng tubig. Kinuha ko ang baso ng tubig at ininom iyon."How was your sleep?" Pagkatapos kong uminom ay binalik ko iyon sa tray.
Pagka-send ko pa lang ng message ay nabasa na niya agad iyon. Wala sigurong ginagawa ang isang 'to.Nicholls Scott: Kailangan naming gumawa ng facebook account para sa mga subject teachers namin. At isa pa, mas gusto kitang asarin sa personal.I rolled my eyes. Kahit kailan basag trip talaga itong isang 'to. Pero kabog siya mag-type huh with right punctuation marks and capitalizations. Para lang siyang nagsusulat ng essay assignment.Meadow Fabiana: Oo na basag trip ka bakit ka ba kasi nagchat?Nicholls Scott: Gusto ko lang ipaalam na pwede mong labhan 'yong handkerchief pero hand wash lang dapat.Dyusko! Nag-message siya sa 'kin para lang ipaalala 'yon? Nagsayang pa siya ng oras hanapin 'yong account ko sa facebook para lang ipaalala na kailangan i-hand wash 'yong handkerchief! Grabeng effort 'yon huh.Salamat sa paalala huh! Hindi ba pwedeng mag-chat siya dahil gusto niya akong i-
While drying my hair using my favorite towel I couldn't stop myself from smiling. Para na akong tanga na nakangiti dito mag-isa sa kwarto ko. Nang tanggalin ko ang panyo na binigay ni Theo sa buhok ko kanina bago ako maligo ay nilapag ko iyon ng maayos sa kama ko. Kelan niya kaya ito ginawa? I never thought that he can paint.Marami pa talaga akong bagay na hindi alam tungkol kay Theo.Umupo ako sa may swivel chair pagkatapos ay binuksan ko ang laptop ko. Marami kasi akong kailangang i-search. Tinatambakan na talaga kami ng mga gawain. Binato ko ang tuwalya ko sa may kama pagkatapos ay nag-search na ako sa google.Basa pa ang buhok ko at hindi pa ako nagsusuklay pero hinayaan ko na lang na gano'n iyon. Marami pa naman akong gagawin atsaka isa pa hindi pa naman ako inaantok.Kinuha ko ang assignment notebook ko at ipinatong iyon sa study table. Chineck ko kung ano pang mga assignment ang kailangan ko pang gawin. 'Yong iba lang kasi ang natatandaan ko.