Share

Kabanata 6

Penulis: Eu:N
last update Terakhir Diperbarui: 2024-09-26 19:08:45

"Senyorito, anong ginagawa niyo rito—"

"I'm hungry..." Putol ng binata. Bumaba ang tingin nito sa lantad niyang mga hita, ngunit mabilis naman nitong iniwas ang tingin at tumikhim. "Feed me," supladong utos nito.

"Sige, po. Magpapalit lang ako ng damit," agad na tugon ni Ligaya at sinara ang pinto. Agad siyang napahawak sa kanyang mga pisngi nang manginit iyon dahil sa malagkit na tingin ni Dmitri sa kanyang mga hita. 

"Umayos ka, Ligaya. Huwag kang haliparot!" saway niya sa kanyang sarili.

Pagkatapos pakalmahin ang sarili ay nagpalit ng mas maayos na damit si Ligaya, manipis na t-shirt at shorts lang kasi ang suot niya kanina, mabuti na lang din at hindi muna siya nagtanggal ng bra dahil tumawag muna siya sa kanila.

Mas presentable na si Ligaya nang lumabas ng kanyang kwarto. Tinulungan niya si Dmitri na bumalik ng kwarto nito, pagkatapos ay siya na ang bumaba para maghanda ng hapunan nito at nang maluto ay bumalik din agad siya sa kwarto ng binata dala ang pagkain nito.

"Senyorito, dala ko na po ang hapunan niyo." Bungad ni Ligaya pagpasok ng silid ni Dmitri. Inilapag niya sa side table  ng kama ang pagkain, pagkatapos ay tinulungan niya ang binata sa wheelchair nito. Tinulak niya ito tungo sa harap ng malinis na nitong study table, saka niya isa-isa na nilapag sa harap nito ang kanin, ulam at corn soup na nahabol pa niyang lutuin.

"Gusto niyo bang subuan ko kayo?"

"Hindi na kailangan," kaswal na sagot ng binata at kinuha ang kutsara sa tabi ng dinner plate nito.

"Tikman niyo po ang soup, ako ang nagluto," presenta ni Ligaya at ngumiti ng matamis. Inusog pa niya ang bowl ng soup palapit sa dinner plate ng ni Dmitri. Hindi naman tumanggi ang binata, sumandok ito ng soup at humigop. 

"Ano, masarap hindi ba?"

"Mhmm…"

Tipid na ngumiti si Ligaya.

"Senyorito, gusto ko lang sanang malaman kung narinig niyo ba ang usapan namin ng senyora," pagbubukas ni Ligaga ng paksa. Halata kasi sa mga kilos nito kanina na may narinig itong hindi nagustuhan.

"Ilang taon na ang anak mo?" 

"Ho?" Hindi inaasahan ni Ligaya ang pag-iwas ni Dmitri sa tanong niya, at lalong hindi niya inasahan ang tanong nito. "A-ang anak ko? Ah… Maglilimang taon na siya."

"Nasaan na ang tatay niya?" tanong muli ng binata. Hindi agad nakasagot si Ligaya kaya nag-angat ng tingin si Dmitri at sinalubong ang mga mata ng dalaga. "Hindi mo sinagot ang tanong ko."

Nag-iwas ng tingin si Ligaya. "Hindi ko alam."

Nagkunot ng binata ang noo. "Anong ibig mong sabihin?" Ibinaba nito ang hawak na kutsara at itinuon ang buong atensyon kay Ligaya. "Hindi mo kilala ang tatay ng anak mo?"

Tumango si Ligaya. "Ang totoo ay nakilala ko lamang siya sa isang mixer at…"

"So it's a one-night stand." Muli nitong kinuha ang kutsara at kumain. Itinuon nito ang atensyon sa sariling pinggan.

"Ganun na nga po, Senyorito."

"What a pity. Nagpadala ka sa panandaliang kasiyahan, ngayon ay nagdurusa ka dahil sa naging maling desisyon mo."

"Excuse me?" Napatayo si Ligaya mula sa pagkakaupo sa gilid ng kama ni Dmitri. "Siguro nga mali ang desisyon ko na ibigay ang sarili ko sa lalaking kakakilala ko pa lang, pero may karapatan ba kayong husgahan ang pagkatao ko? Hindi niyo naman ako kilala, wala kayong alam sa buhay ko. Oo, nagdusa ako nang hindi ako panindigan ng tatay ng anak ko pero blessing para sa akin pagdating ni Ruslan sa buhay ko," mahabang lintana ni Ligaya. Sobra siyang na-offend sa sinabi ni Dmitri. Kahit kailan hindi niya naisip na naging pabigat sa buhay niya ang anak, ni minsan 'di niya naisip na nagdurusa siya dahil sa pinili niya na ipagpatuloy ang pagbubuntis niya.

"That's not what I meant—"

"Hindi niyo kailangan na magpaliwanag," putol ni Ligaya. "Tapos na po ba kayong kumain?" pag-iiba niya ng topic at lumapit sa lalaki. Naubos na ang inihinain niyang soup, ang kanin at ulam nito ay konti na lang ang natira.

"Yes, you can get the dishes," tugon ng binata at inatras ang wheelchair nito palayo sa study table. Agad naman na niligpit ni Ligaya ang pinagkainan nito ng tahimik.

"Ilalabas ko na po ang mga ito, may ipag-uutos pa ba kayo?" tanong ni Ligaya nang harapin si Dmitri. Dala niya ang tray ng mga hugasin. 

Umiling si Dmitri bilang tugon sa tanong niya kaya agad na tumalikod si Ligaya, ngunit hindi pa siya nakalabas ng silid ng binata nang muli itong magsalita.

"I'm sorry, kung na-offend kita sa sinabi ko." Natigilan si Ligaya. "Alam kong nahirapan ka, hindi madaling maging isang single mom. Alam na alam ko iyan dahil katulad mo iniwan ng papa si mama, naging saksi ako sa mga naging sakripisyo ni mama para lang mapalaki ako ng maayos at maibigay sa akin ang lahat ng mga pangangailangan ko."

Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ni Ligaya, pagkatapos ay nakangiti niyang binalingan ang binata.

"Nauunawaan ko…"

"Teka, sandali lang." Muling pigil sa kanya ni Dmitri nang akma na naman siyang lalabas ng silid. "Ang tanong mo kanina. Narinig ko nga kayo ni mama, ang totoo ay hindi ko nagustuhan ang ginawa niya at na-offend ako sa sagot mo."

Nakunot ni Ligaya ang noo.

"Ang ibig kong sabihin iyong agaran mong pagtanggi. Ang dating kasi sa akin ay ayaw mo sa akin dahil ganito ang kalagayan ko, pero nagpapasalamat rin ako na sinabi mo kay mama na bigyan ako ng kalayaan na pumili." Impit na ngumiti sa kanya si Dmitri. Hindi naman na iwasan ni Ligaya na pamulahan ng mukha.

"W-wala lang 'yon," utal niyang saad.

"Kung nagkataon ba na iba ang sitwasyon mo, kung wala kang anak na priority ngayon, gagawin mo ba ang request ni mama? Are you going to seduce me? Curious lang ako."

Nag-angat siya ng tingin. Ngunit hindi kinaya ni Ligaya na salubungin ang mga ng binata kaya muli siyang nag-iwas. "Sa totoo lang… Baka ganun pa rin ang maging tugon ko. Sasabihin ko pa rin sa mama niyo na bigyan kayo ng kalayaan na pumili ng babaeng pakakasalan niyo."

"Dahil ba may kapansanan ako?"

"Huh? H-hindi, senyorito! Walang kinalaman sa naging sagot ko ang pagkakaroon niyo ng kapansanan—"

"Makakaalis ka na."

Bumuka ang bibig ni Ligaya para sana magpaliwanag sa binata, pero pinagulong na nito ang wheelchair patungo sa balcony kaya napabuga na lamang siya ng hangin.

'Ang hirap naman kausap ang lalaking ito, daig pa ang babaeng may dalaw,' asik ni Ligaya sa pahinang boses at lumabas ng silid ni Dmitri.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • Señorito, The Baby Is Your Child   Kabanata 10

    Nanginginig ang mga kamay ni Ligaya habang isa-isang tinatanggal sa pagkakabutones ang pang-itaas na kasuotan ni Dmitri. Hindi siya makatingin sa mukha ng binata at napakabilis ng tibok ng puso niya. Unti-unting lumantad sa mga mata ni Ligaya ang hubad na katawan ni Dmitri at nang matagumpay niyang nahubad ang pang-itaas nitong kasuotan, sunod niyang inalis ang pajama ng binata. Napalunok ng malaki ang dalaga sabay iwas ng tingin nang unti-unting sumilip mula sa hinihila niyang pajama, kasama ng itim na boxer ni Dmitri, ang nagtatago nitong alaga.“Bakit nag-iiwas ka ng tingin? Akala ko ba’y walang epekto sayo ang katawan ko kahit na maghubad ako sa harap mo?” Umigting ang bagang ni Ligaya. “Hindi ako naapektohan,” walang emosyon na tugon ni Ligaya.“Then, don’t look away.”“Hindi ko gustong maasiwa ka.”“Nope.tinatanggal sa pagkakabotones ang pang-itaas ng damit ni Dmitri. Hindi siya makatingin sa binata at sobrang bilis ng tibok ng kanyang puso. Alam niyang hindi ito ang unang bese

  • Señorito, The Baby Is Your Child   Kabanata 9

    "Balita ko'y crush mo raw ako, Ligaya?""Kaya ba buong araw kang nagpapa-cute sa akin?"Kinilabutan si Ligaya nang maalala ang mga sinabi ni Dmitri sa kanya. Napailing siya. Crush? Ano sila teenagers? Napakatanda nila para sa ganung kalokohan, napag-iwanan na yata ito dahil sa kinasangkutan na aksidente, feeling siguro ni Dmitri ay nasa High School lamang sila. At kailan naman siya nagpa-cute dito? Ibang klase din talaga ang lakas ng tama ng binata. Saan naman kaya nito napulot ang ideya na crush niya ito, mukhang masyado na itong nagiging komportable sa kanya at ang lakas na man trip."Bilib din talaga ako sa lakas ng loob niya," saad ni Ligaya sa sarili habang nakatitig sa salamin ng sink.Nasa banyo siya at katatapos lang maligo at katulad ng nakasanayan niyang gawin sa gabi pagkatapos maglinis ng katawan ay nag-skincare muna siya. Syempre, hindi rin niya pweding kalimutan ang sunscreen matapos mag-apply ng kung anong mga cream at serum sa mukha. Ang totoo ay hindi siya mahilig mag

  • Señorito, The Baby Is Your Child   Kabanata 8

    "N-nagseselos ka?" Sobrang bilis ng kabog ng d*bdib ni Ligaya. Tama ba ang narig niya? Nagseselos si Dmitri? Pero bakit? May gusto ba ito sa kanya? Sandali, baka naman nag-overthink lang siya. Imposible naman kasing magkaroon ng interes sa kanya ang binata ng ganun lang."Of course, sino ba naman ang hindi? Dahil sa kapansanan ko hindi na ako nakapag-gym, hindi ko magawa ang mga ehersisyo na madalas kong ginagawa noon. Wala na ang abs na pinaghirapan ko noong nag-aral pa ako, medyo pumayat na rin ako. I'm so jealous of your ex because of that. Kung hindi lang siguro ako nagkaganito marahil ay na maintaine ko ang katawan ko."Napangiwi si Ligaya sa mga sentimyento ni Dmitri. Ang excitement na pumukaw sa dugo niya ay unti-unting kumalma. Ang buong akala niya'y nagselos ito dahil sa kanya, dahil kinumpara niya ito sa kanyang ex, na nagalit ito dahil mas pinili niya ang kanyang ex laban dito, iyon pala'y naiinggit lang ang binata, inggit sa sarili nitong emahe na tumatak sa isip ni Lig

  • Señorito, The Baby Is Your Child   Kabanata 7

    "Nakabalik na pala kayo Aling Maria," bungad ni Ligaya sa mayordoma. Inilapag niya sa ibabaw ng iland counter ang dalang tray. Pagkatapos ay tinulungan niya si Maria na ilabas ang mga pinamili nito sa grocery bag."Oo, iilan lang naman ang pinamili ko. Iyong alaga mo kumusta?" tanong ng mayordoma na hinanap pa sa sala si Dmitri."As usual, nasa pool na naman po nagmumuni. Hinatiran ko nga po siya ng meryenda niya ngayon lang. Saan po ito ilalagay?""D'yan lang sa ibabang cabinet," tugon ng mayordoma at tinuro ang ibabang cabinet sa gilid ng pantry. Tumalima agad si Ligaya para isalansan ang mga kagamitan para sa paglilinis. "Eh, itong mga to po?" tanong uli niya. Ang bags naman ng mga instant goods ang hawak."Ah, doon 'yan sa pinakamataas ng cabinet." Tinuro uli ng mayordoma ang pinaglalagyan. "Nga pala, iha. Pansin ko medyo mabait na sayo ang senyorito. May nangyari ba?""Wala naman po. Baka nagandahan lang sa akin kaya bumait," pagbibiro niya habang maingat na sinasalansan ang mga

  • Señorito, The Baby Is Your Child   Kabanata 6

    "Senyorito, anong ginagawa niyo rito—""I'm hungry..." Putol ng binata. Bumaba ang tingin nito sa lantad niyang mga hita, ngunit mabilis naman nitong iniwas ang tingin at tumikhim. "Feed me," supladong utos nito."Sige, po. Magpapalit lang ako ng damit," agad na tugon ni Ligaya at sinara ang pinto. Agad siyang napahawak sa kanyang mga pisngi nang manginit iyon dahil sa malagkit na tingin ni Dmitri sa kanyang mga hita. "Umayos ka, Ligaya. Huwag kang haliparot!" saway niya sa kanyang sarili.Pagkatapos pakalmahin ang sarili ay nagpalit ng mas maayos na damit si Ligaya, manipis na t-shirt at shorts lang kasi ang suot niya kanina, mabuti na lang din at hindi muna siya nagtanggal ng bra dahil tumawag muna siya sa kanila.Mas presentable na si Ligaya nang lumabas ng kanyang kwarto. Tinulungan niya si Dmitri na bumalik ng kwarto nito, pagkatapos ay siya na ang bumaba para maghanda ng hapunan nito at nang maluto ay bumalik din agad siya sa kwarto ng binata dala ang pagkain nito."Senyorito, d

  • Señorito, The Baby Is Your Child   Kabanata 5

    "Ho! Anong sinabi niyo?""You heard me Ligaya…""Tini-test niyo po ba ako, senyora? Kasi kung 'oo', hindi po ang sagot ko. Pure po ang intensyon ko at hindi ko sisirain ang tiwala niyo—""I'm being serious, Ligaya." Putol ng senyora sa kanya. "I want you to seduce my son and marry him.""Pero senyora baka nakakalimutan niyo, single mom ako. Hindi sa kinokonsidera ko ang offer niyo sa akin, pero 'di ba kayo bothered sa idea na may anak ako?"Tumayo ang senyora at lumapit kay Ligaya, kinuha nito ang dalawang kamay niya at mahinang pinisil. "It doesn't matter. Tulad ng sinabi ko na, gusto kita para sa anak ko Ligaya," tugon ng senyora at ngumiti.Isang malungkot na ngiti ang tugon ni Ligaya. "Salamat, po. Nakakataba ng puso na malamang ganyang ang tingin niyo sa akin, pero hindi ko po magagawa ang gusto niyo senyora.""Why, not?""Anak niyo po dapat ang dapat magpasya tungkol sa bagay na iyan." Pinagpalit ni Ligaya ang mga posisyon ng mga kamay nila. Siya na ngayon ang nakahawak sa dalawa

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status