Share

CHAPTER 6: PROPHECY

LIANNE

Sa isang hindi kilalang lugar kung saan malayo sa pamilya, malayo sa buhay na kinagisnan, malayo sa mga taong alam mong nand'yan sa oras ng pangangailangan, matapang kong sinuong. 

Kahit hindi ako sigurado kung kailan ako tatagal, kung mahahanap ko ba ang sagot sa mga tanong na tumatakbo sa utak ko araw-raw, kung maaabot ko ba ang inaasam na tagumpay, matapang kong sinuong.

Pikit ang mga mata sa mga bagay na hindi ko maintindihan, nakasara ang mga tenga sa mga huni ng katatakutan, nananatiling nagmamasid sa gilid, nag-aabang ng impormasyong hihinto at makikipag-usap sa akin. Ngunit sa pagkakataong 'to, aking napagtanto, kailangan kong basagin ang luma kong pagkatao upang makasabay sa malakas na agos dito sa impyerno. 

Kailangan kong isuot permanente ang maskarang hindi sa akin, hindi ko aakalain. Panahon na upang gumising at lumaban. Panahon na upang bumangon at tanggapin ang katotohanang, hindi na ako ang mahinang ako, hindi na ako ang mabait na ako, hindi na ako ang Lianne na hahayaang apihin ninuman.

Ngunit~

Paano ko iyon magagawa?

Hindi kung hindi na ako humihinga?

-------------------------------

"You're here again. Sasabihin ko itong muli, hindi ito ang lugar para sa iyo. Gumising ka, hangga't may natitirang buhay sa 'yong katawan. Lumaban ka, hangga't may natitirang lakas sa iyong kalamnan. Abutin mo ang hustisyang iyong hinihingi, singilin mo ang dapat na singilin," ani no'ng isang Lianne na kausap ni Kuya dati. Nagising akong siya ang nakita. Hindi ko alam kung bakit naririto ako at ang tanging hula ko lang ay marahil nagpaalam na ako sa mundo. Pinilit kong bumangon at laking gulat ko no'ng wala akong maramdamang kirot mula sa aking napuruhang braso.

"What should I do to go back? Bakit ba kita nakikita?" takang tanong ko. Tumayo siya't inakay rin ako. "I'm your~~" Hindi na niya natapos pa ang kan'yang sasabihin dahil bigla itong naglaho. Yumanig ang paligid dahilan upang mapaupo ako habang mariing tinatakpan ang aking mga tenga. Tumagal ito ng minuto at ang sumunod na nangyari ay ang paglitaw nitong muli sa aking harapan. May dala na itong dalawang bato at may nakukit sa mga ito. Sinubukan kong haplusin ang ibabaw ng bato at sa mga sandaling humalik ang palad ko, may naramdaman akong kakaiba. Tila may bumuhos at yumakap sa bawat sulok ng katawan ko na siyang labis kong ikinasiya.

"Close your eyes, tanggapin ang propesiyang sa iyo'y inihanda." Kaaagad na sumara ang aking mga mata, pinakinggan ko ang kan'yang sinasabi habang hinahabol ang mahabang sinulid na hindi ko alam kung saan tutungo. "Namnamin, pakiramdaman, habulin ang sinulid ng tadhana. Kapag narating mo na ang dulo nito, iyong haplusin ang bungo kung saan ito nakadikit, at doon mo malalaman kung ano ang iyong magiging tadhana sa loob ng purgatoryo," ani 'to.

Totoo nga ang kan'yang sinabi. Sa dulo ng sinulid, may bungo akong nakita. Ginawa ko ang kan'yang sinabi, and the moment na nahawakan ko ang bagay na iyon, may mga ala-alang pumasok sa utak ko.

Nakita ko kung paano pinatay si Kuya. Pilit siyang hinila ng tatlong nilalang na hindi ko makita ang mukha. Pinagsasaksak nila ito, at hindi pa sila nakuntento dahil pagkatapos nilang masigurong hindi na ito humihinga, pinutol nila ang bahagi ng kan'yang katawan. Ulo, kamay, binti, dibdib, tyan. Ang lahat ng ito'y pinalapa nila sa mga aso. 

Gusto kong imulat ang aking mga mata dahil hindi ko kinakaya ang tanawing nakikita, ngunit hindi ko ito magawa. Laking pasalamat ko no'ng nagbagong muli ang lugar. Isang naka maskarang babae na may hawak na chainsaw ang tumatakbo patungo~~~

SA AKIN?

Tumakbo ako nang mabilis, sa sobrang takot pakiramdam ko mauuna pa akong atakihin sa puso kesa mapatay ng hindi kilalang nilalang. "Ahhhh," bulalas ko no'ng sumabit ang paa ko sa bato dahilan upang mapasubsob ako sa lupa. Pinilit ko kaagad na tumayo ngunit tumama na sa aking binti ang talim ng chainsaw. Sumigaw ako nang malakas, ngunit tanging kami lang dalawa ang narooon kaya imposibleng may tumulong sa akin. Tila mababaliw ako no'ng tumalsik sa aking harap ang naputol na binti. Pinaghalong pawis at dugo ang siyang umaagos sa aking balat. Hindi ko mahawakan ang pinagputulan dahil nakatapak doon ang kan'yang paa.

Labis na kilabot ang nararamdaman ko ngayon. Akala ko ba ito'y panaginip lamang? Ngunit bakit abot-abot ang sakit na aking nababatid?

"AHHHHHHHHHHHH!!!!" walang humpay kong sigaw no'ng pilit niyang inilalapit sa aking bibig ang dulo ng hawak niyang armas.

Patuloy akong umiiyak, nagmamakaawa na huwag niyang gawin kung ano man ang kan'yang binabalak. Ngunit hindi niya ako pinakinggan, sarado ang kan'yang tenga sa mga hiyaw na pinakawalan ko, at tila hindi man lang siya kinilabutan sa tanawing natatanaw niya sa ibaba habang ipinapasok niya ang talim ng chainsaw sa aking bunganga. Nagkalasog lasog ang aking bibig ngunit hindi niya ito itinuloy noong malapit na itong dumampi sa aking leeg. Gusto niya akong makitang nahihirapan, gusto niya akong magdusa nang matagal. Hindi na ako makasigaw at tanging pag-iyak na lang ang nagagawa ko sa ngayon. 

Saglit siyang tumigil at dinaganan ang aking dibdib. Isa-isa niyang tinuro ang natitirang bahagi ng aking katawan. Tila ba naglalaro siya upang malaman kung ano ang kan'yang isusunod.

EENIE MINNIE MINEY MOE

ANONG BAHAGI ANG ISUSUNOD KO?

KAMAY, BINTI, TIYAN, O ULO?

ALIN SA MGA ITO ANG PUPUTULIN KO?

Isang malagim na halakhak ang yumanig sa aking pagkatao. Tumapat ang kan'yang kamay sa aking tiyan. Labis-labis na takot ang siyang aking naramdaman. Tumayo na ito't sinimulan na naman niya ng paandarin ang chainsaw. Tila tunog ng kamatayan ang tumataginting sa aking tenga.

Ayaw ko na~~~

Ayaw ko na~~~

Kung panaginip man ito, gusto ko nang magising!

Parang-awa na, gisingin naua sa bangungot na ito.

Kinain ng mahabang patalim ang aking tiyan, nagkalasog lasog ang aking mga bituka at tumilapon ito sa iba't-ibang lugar. May napunta sa aking dibdib, sa aking mukha, sa aking buhok. Hindi ko na kinaya pa ang nararamdamang sakit, hinihintay ko na lang na bawian ako ng buhay ngunit bakit tila hindi iyon mangyayari hangga't hindi niya napupuruhan ang aking puso? Kahit maraming dugo na ang nawala sa akin at patuloy na nawawala, hindi pa rin ako nanghihina. 

"Tapusin mo na ang paghihirap ko, parang-awa mo na," pakiusap ko doon sa nilalang. Kahit na sa loob ko lang iyon nasabi, sana naman sa pamamagitan ng aking namamagang mata, maintindihan niya kung ano ang aking gustong iparating. Matagumpay niyang naputol ang ibabang bahagi ng aking katawan at sana naman sapat na iyon sa kan'ya upang tumigil.

EENIE MINNIE MINEY MOE

ANONG BAHAGI ANG ISUSUNOD KO?

KAMAY, BINTI, PUSO, O ULO?

ALIN SA MGA ITO ANG PUPUTULIN KO?

"PLEASE!!! KILL ME NOW!" pagsusumamo ko sa loob-loob ko. Hindi na ako makahiya at hindi na ako makapagsalita pa.

Tumapat ang kan'yang daliri sa aking kamay. Laking pagkabigo ang aking naramdaman dahil ayaw niya talaga akong tantanan.

Gaya ng dati, hinintay kong mawalan ng mga kamay at sa isang iglap lang ay nangyari nga ito. Humahapdi at lumalabo na aking paningin dahil sa dugong bumabalot sa ibabaw ng aking mga mata.

Kailan ba matatapos ang bangungot na ito? Sandali?

Paano kung hindi bangungot?

Paano kung totoong nangyayari nga ito sa akin?

Anong gagawin ko?

Anong gagawin ko?

EENIE MINNIE MINEY MOE

ANONG BAHAGI ANG ISUSUNOD KO?

WALA NANG KAMAY, WALA NANG BINTI, PUSO, O ULO?

ALIN SA MGA ITO ANG PUPUTULIN KO?

Nagbunyi ang aking kaluluwa nang sa wakas tumapat na ang kan'yang daliri sa aking puso. Ngunit hindi niya ito sinunod. Pinutol niya ang sarili niyang hintuturo at inulit ang pagpili. Gamit ang kan'yang hinlalato. Noong tumapat ito sa aking ulo ay nagtatatalon ito sa tuwa. Mariin kong ipinikit ang aking mga mata dahil ito na ang katapusan para sa akin.

Nagngangalit na kumiskis ang talim sa aking leeg at hindi man lang umabot ng dalawang segundo dahil humiwalay na ito sa aking katawan. Gumulong ang aking kawawang ulo palayo sa nakakatakot na tanawin ngunit ang inaakala kong katapusan ay hindi ko pa rin narating. Walang pakundangan niyang binutas ang aking dibdib habang masayang ninanakaw ang aking puso. Hindi ko maaninag nang mabuti ang lahat ngunit sapat na upang malaman kung ano ang ginagawa niya. Tinanggal nito ang kan'yang maskara dahilan upang pilitin kong imulat ang aking mga mata. Lumugay ang mahaba nitong buhok at ang mga susunod na nangyari ay talagang nagpagimbal sa akin.

Hindi siya nag-alinlangang kainin ang malansang bagay. Sabik siyang ginawa iyon at doon na nagtatapos ang lahat. Nagdilim na ang aking paningin at tapos na.

Tapos na.

"Is it done?" nakangiting tanong sa akin no'ng isang Lianne nang matagumpay kong naimulat ang aking mga mata. Sa sobrang takot, bigla ko itong hinagkan nang mahigpit.

Hinaplos niya ang aking likod at patuloy na pinapatahan.

"I--I thought I'm going to die. Akala ko katapusan ko na talaga na hindi na ako gigising na totoong nangyayari 'yon sa akin," nangangatal at puno ng takot na sabi ko. 

"Yah, totoo talagang mangyayari 'yon sa iyo. That's your prophecy afterall. Kung hindi ka kikilos, at hindi mo mahahanap kung sino ang maaaring gumawa nito sa iyo, katapusan mo na," ani 'ya.

Umiling ako ng ilang beses dahil hindi ako makapaniwalang iyon ang mgiging kamatayan ko. Ngunit sinong matinong nilalang ang kakain ng puso?

"Kaya ano pang hinihintay mo? Matatapos na ang palugit sa ating dalawa. Kumilos ka Lianne. Kalimutan mo ang ipinunta mo rito at magsimula ng bagong plano. Kung ayaw mong mangyari sa iyo ang nangyari sa Kuya mo, hanapin mo ang taong tatapos sa iyo, unahan mo siya, patayin mo siya." 

watashiwamusouka

Warning: This chapter contains detailed violence. If you think you can't handle it, SKIP THIS CHAPTER!

| Like

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status