Diane’s P.O.V.
Hindi ako pwedeng makita ng mga kapatid ko sa ganitong kalagayan kung kaya’t dali-dali akong dumiretso sa loob ng kuwarto ko. Hilam ang mukhang hinubad ko ang punit-punit kong damit at patuloy pa ring umiiyak na naligo sa banyo.
Paulit-ulit kong kinuskos ng sabon ang buong katawan ko sa pagpupumilit na matanggal ang bahid ng mga nakadidiring halik at haplos ng taong gumawa sa akin ng kahayupan na iyon. Sa sobrang gigil ko nga ay hindi naiwasang mamula ng balat ko.
Hindi na nga nakapag-isip pa nang maayos ang utak ko dahil maski ang shampoo ay natatarantang ibinuhos ko na rin sa katawan ko. Desperado akong tanggalin ang mga pulang marka kahit na alam kong mananatili pa ang mga iyon ng ilang araw sa balat ko.
Hindi ko na alam ang gagawin ko hanggang sa tulala akong napaupo sa malamig na tiles habang ang tubig sa shower ay rumaragasa pa ring bumubuhos sa aking hubad na katawan. Nakadilat lang ang aking mga mata na animo’y nabubulag sa tubig na aking nakikita.
No matter what I do, things would still remain the same. I could no longer change the fact that in just a blink of an eye, I was entirely ruined and broken. Some things would no longer change no matter how unfair they were.
Muli na naman akong humikbi hanggang sa wala na akong tigil sa pag-iyak. Bakit kailangang mangyari sa akin ito? Bakit sa lahat ng tao, bakit sa akin pa? Buong buhay ko ay naging mabuti akong tao. Ano bang nagawa kong masama?
It was my eighteenth birthday yesterday. It was my debut—kung saan ang isang babae ay nagiging ganap nang dalaga tapos ito pa ang nangyari sa akin? Deserve ko ba ang ma-rape?
Losing my virginity on the night of my debut was damn real hard to accept! I just wanted to die and end everything here.
How could I receive justice when that rapist was possibly rich? We didn’t have enough money to file a complaint, pay a lawyer, and I didn’t want this scandal to stain my name. I had a well-known reputation in the university. I didn’t want anyone to know about this.
But I just didn’t get it! Nag-aabang lang naman ako ng bus na masasakyan ko kagabi! Maayos naman ang aking pananamit at lalong hindi naman ako mukhang babaeng bayaran. Ni wala nga akong makeup! Bakit ako pa ang dinukot nila? Bakit ako pa?
My lips couldn’t stop quivering as I continued to shed painful tears. I was still sobbing my heart out while sinking myself in the shower when my bathroom door opened and Mom strode in.
Dali-dali niya akong sinugod ng yakap at bakas sa kanyang mukha ang labis na pag-aalala. Basang-basa na rin siya bago pa niya mapihit pasara ang shower knob. “Anak, anong nangyari? Kagabi pa kami nag-aalala. Teka, bakit ka umiiyak? Saan ka ba nagpunta?”
Hindi ko alam kung saan ako huhugot ng lakas para sagutin ang mga katanungan niya. Pakiramdam ko ay masyado na akong nanghihina, kung kaya’t dahan-dahan ko na lang siyang niyakap habang wala pa ring tigil sa pag-iyak.
“M-Mama, sorry po. Kung hindi po sana ako umalis, h-hindi mangyayari sa akin ito. Ma, dinukot po ako kagabi at… at…” hindi ko na nakayanan pang ituloy ang mga sasabihin ko sana sa kanya nang bigla na lamang akong mawalan ng malay.
Nagising ako na nasa loob ng isang puting kuwarto na para bang napakabigat idilat ng mga mata ko. Naririnig ko rin na may kung anong mga aparatong tumutunog sa gilid ko.
Hindi ko pinansin ‘yon at tahimik ko lamang na inikot ang aking mga mata sa kisame. Nakatulala lang ako roon nang marinig kong bumukas ang pinto. Ipinikit kong muli ang aking mga mata at nagkunwaring natutulog.
“Mrs. Rivera, I found traces of laceration as well as genital and extra-genital injuries sa maselang parte ng katawan ng anak ninyo.” Narinig ko ang mahinahong boses ng isang babae. Mukhang si Mama ang tinawag niyang Mrs. Rivera.
“H-Hindi ko ho kayo maintindihan. A-Ano ho bang ibig niyong sabihin, Doktora? ‘Yon ho ba ‘yong mga pulang marka ni Diane sa katawan?” nag-aalalang tanong ni Mama sa kausap. Doon ko napagtantong isinugod ako sa ospital at ang kausap ni Mama ay walang iba kung hindi isang doktora.
“I’ll get straight to the point, pero huwag ho sana kayong mabibigla. What happened was so unfortunate to accept… but I was afraid that Diane was raped, Mrs. Rivera. Those red marks on her body are bruises known as hickeys or kiss marks.”
Nang marinig ko ‘yon ay mapait akong napangiwi at napalunok. Nanginig na naman ang buong katawan ko kung saan nagtaasan din ang mga balahibo ko. Kasabay niyon ang unti-unting pangingilid ng mga luha sa mga mata ko kahit na nakapikit pa rin ako.
“Ho? Pero—” tutol ni Mama na wari’y ayaw niya pang tanggapin ang mapait na sinapit ko. Naputol ang dapat sanang sasabihin niya nang ipinasya kong dumilat at dahan-dahang bumangon mula sa aking pagkakahiga.
“Mama…” mahinang usal ko. Nagtataas-baba rin ang dibdib ko sa lakas ng kabog ng puso ko.
Hindi ko na napigilan ang sarili kong labis na umiyak dahil alam kong sa mga sandaling ito ay hindi lamang panaginip ang lahat at kahit kailan ay hindi na mababago pa ang kahindik-hindik na nangyari sa akin.
From being a freshman beauty queen and a respected female Cadet Lieutenant Colonel of Reserve Officer Training Corps or ROTC, I now became a disgraceful rape victim. Kumbaga sa gulong, ang buhay ko noon ay laging nasa ibabaw kahit mahirap lang kami. Ngayon, ang buhay ko ay nasa ilalim.
Sa isang iglap lang, kinuha ng taong ‘yon ang kinabukasan ko. Sa isang iglap lang, nasira ang buhay ko. Sa isang iglap lang ay nawasak ang lahat ng mga pangarap ko. Napahilamos ako sa sariling mga palad at saka lalo pang humagulgol.
Now, I was deprived of making my dreams come true.
What now? My body was not only ruined once, but for so many rounds I could no longer count! What will I do now?
“Anak, kumusta na ang pakiramdam mo? Okay ka na ba? May masakit ba sa’yo? Teka, bakit ka umiiyak?” sunod-sunod na tanong ni Mama na maingat na tinanggal ang mga palad ko sa mukha.
Tiningnan ko lamang siya at saka isinubsob ang mukha sa dibdib niya, pero hindi ako sumagot sa kanya. Mamayamaya lang ay bumaling naman sa akin ‘yong doktora.
Tipid lamang itong ngumiti sa akin ngunit kinakitaan ko naman ng totoong simpatiya ang mga mata niya. “Diane, ako si Dra. Ava Manuel. May itatanong lang sana ako sa’yo, ha? Naaalala mo ba kung anong nangyari sa’yo kagabi?” mahinahon niyang tanong sa akin na para bang ingat na ingat siyang may masabi na kung anong lalo lamang na makapagpapa-iyak sa akin.
Kasabay nang pagtango ko sa kanya ang impit na daing at hindi mapigilang pagbuhos ng mga luha sa magkabila kong pisngi. Ayoko nang balikan pa ang masalimuot na alaalang ‘yon na patuloy lamang na nakapagpapabigat sa aking dibdib.
“Maaari mo bang ikuwento sa akin?” tanong niya ulit pero umiling lamang ako at isinubsob ko na lamang muli ang ulo sa dibdib ng Mama ko. Hindi ko alam pero natatakot ako. Hindi ko kayang magkuwento.
“Okay lang kung ayaw mo munang ikuwento, hija. Pero kapag ready ka na, nandito lang si doktora ha? Handa kaming makinig ng Mama mo sa’yo.”
Nahihiya at nanginginig na tumingin lamang ako sa kanya at nakita kong bumaling siya kay Mama. Kulang na lang ay magdugo ang ibaba kong labi sa diin ng aking pagkagat.
Diane’s P.O.V.“Oh, sorry… M-Mommy A. I honestly forgot but I remember it now,” atubili kong tugon. If my memory was right, I used to call her Mommy A before. The moment I struggled from being a rape victim, I suddenly had two mothers.That time, Dra. Ava was persistent enough at ayaw niya talaga na tinatawag ko siyang Doktora o Dra. Ava. I lived with her for a few months while continuing my psychotherapy sessions at kapag nga may nagtatanong kung bakit ako nakatira sa dating bahay niya, she would often joke around na anak daw niya ako sa pagkadalaga.“Perfect! I could say that you now fully remember me.” Dra. Ava pleasantly released me from her hug and diverted her attention to my best friend.“And also, Karen, right? I’m glad to meet you. Diane has been talking a lot about you over the phone. Please, make yourselves comfortable. You
Diane’s P.O.V.Glossy white walls surrounded with landscaped paintings, double-floating bridal staircases with exotic brown columns, sophisticated elevators, and high ceilings with cascading chandeliers and remarkable drapes, greeted us from the inside. All furniture varieties were properly placed at its own position creating a minimalistic style.The mansion’s interior bespoke amenities that were even imported from other countries. It was truly breathtaking and I could say that the mansion had more than ten enviable rooms in it, other than the living room space and what I pictured out to be a chef-inspired kitchen.There was still a huge space for decorations, and generally, the overall mansion provided a natural light and ventilation. What we were breathing was indeed fresh air and there was no need for an air-conditioner. Kahit sino naman ay bigla na lang mapapanganga sa l
Diane’s P.O.V.After buying some treats and fruits sa nadaanan naming convenience store, it didn’t take long for Karen and I to finally reach Dra. Ava’s house. But it was an understatement to only describe it as a house. Hindi na pala ‘yon ang dating duplex townhouse ni Dra. Ava and little did I know na mansiyon pala ang aming pupuntahan.It was indeed a celestial and luxury house of about five thousand square feet—built with three stories and it even had what I thought were some attic levels. The exterior alone of modern peach-colored bricks casts a shadow of lavishness and makes a sassy statement in the entire place.The terraces were boldly overlooking and could already satisfy a visitor, who was just eyeing the second and third levels. Sky-rocketing French-designed and prostyle-fiberglass columns were dominatingly crafted at their finest.Fr
Diane’s P.O.V.“Best, if you really have to pull-over for us to better talk about it, it’s fine with me. I can wait. Isa pa, hindi naman aalis si Dra. Ava sa bahay niya at makakapaghintay naman siya sa akin,” I told Karen while gently wiping the tears on her right cheek using my handkerchief.Karen just nodded and parked at the right side of the road kung saan walang gaanong tao at mga sasakyan. She then pushed the ‘hazard’ button, alerting those within the perimeter that we were on a hazard—either having a mechanical problem, a flat tire along the way, or whatever they think was wrong with us.In this case, Karen should pacify herself first. She was overwhelmed by too much emotions and it wasn’t good for her. Lalabo lang ang mga mata niya habang nagmamaneho and I couldn’t afford to be in another car accident. That was the last thing I could have ever
Diane’s P.O.V.“Don’t lie to me, sissy. More than anyone else that surrounds you—well, even your siblings—it was me who can read you from head to toe. I can see right through you. Malakas ang pakiramdam ko na alam mo ang totoong dahilan kung bakit nagkaganoon si Liam at hindi lang ‘yon basta allergy lang. Don’t worry, I’ll seal my lips and whatever you share will only stay between the two of us. Deal?” Tumitingin-tingin si Karen sa’kin ngunit agad namang bumabalik ang atensiyon niya sa daan.“In three-hundred meters, turn left.” It was the female voice of Qooqle map on Karen’s infotainment system.I pursed my lips because I should have known her better. Karen wouldn’t share any of her secrets nang walang kapalit. She was quite clever… and most of the time, unpredictable.But being my most trust
Diane’s P.O.V. “So, where are we going now?” Karen asked me while taking care of her car infotainment system—wiping it with some tissues at her hand. Ilalagay niya kasi roon ‘yong address na kailangan naming puntahan. Mahirap na, baka kung saan pa kami mapunta at bigla na lang kaming maligaw rito sa Batangas. “Here,” sagot ko. Pinakita ko naman sa kanya ang cell phone ko at agad niyang binasa ang address na nakalagay roon, habang nilalagay ‘yon sa touchscreen niyang car monitor. Hindi naman ako mapalagay dahil pagkatapos ng ilang taon ay madadalaw ko na rin ang doktorang naging malapit sa buhay ko noon. Namamasa rin ang mga kamay ko at bahagya pang nanginginig ang mga ito. Actually, kinakabahan talaga ako and I had to take a deep breath to be comfortable. Out of all people, I knew that Dra. Ava Manuel was the only person who could