Share

CHAPTER 8

Unti-unti kong iminulat ang aking mga mata. Kinusot-kusot ko pa.

What happened?

Nasa clinic ako ng RAO. Naalala kong natamaan nga pala ako ng bottle ng wine. Napabuntong-hininga na lang ako.

Ginawa ko 'yon dahil sa iisang rason. Napailing na lang ako. Napakadesperada ko na nga talaga. Hindi ko na mahanap pa ang dating ako.

"Mabuti naman at gising ka na."

Agad akong napalingon sa may pinto.It's Edrick. Mabuti naman at nandito siya. Buong akala ko ay hindi ko na naman siya mamamataan dito.

Bumangon ako at naupo kahit nahihilo pa rin ako.

"Anong sumagi sa isipan mo at sinalo mo ang bottle gamit ang noo mo ha? Nag-iisip ka ba talaga, Xandra?"

"You asked me to take good care of Crisha, diba? Kung hindi ako ang natamaan ay malamang na siya."

Nagtagis naman ang kanyang panga. "Pero hindi ko sinabing ipahamak mo ang sarili mo."

"Hindi nga. Sa tingin mo ba kung siya ang natamaan no'n ay nandito ka ngayon at kinakausap ako ha? Malamang siya na naman ang kasama mo, siya ang binuhat at inalaga
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status