"What are you doing here, Sir?" Pinakatitigan niya ang mukha ng lalaking ilang milya ang agwat sa kaniya. Ito nga ang bago nilang CEO. Pero, ano ang ginagawa nito sa lugar na 'to? May meeting ba itong dinaluhan? Base sa nakikitang suot nito'y tama ang hula niya. Bumalik sa huwisyo ang isipan niya nang magsalita ang lalaki."Ako ang dapat magtanong sa iyo niyan. What are you doing here? Don't tell me that your friends left you again."Pilit muna niyang pinakalma ang nagririgodong puso. Kahit papaano ang nakahinga na siya ng maluwag. Safe na siya. Magpapatulong na lang siya sa boss niya na hanapin ang pinanggalingang lugar. Hindi na siguro siya hahanapin ng mga lalaki, isa pa'y hindi sigurado kung namukhaan siya. She swallowed hard. Puwede naman siguro niyang sabihin sa boss niya ang nakita. "S-sir..." tumingin siya sa nakapinid na pinto. "M-may sasabihin po ako." Nakulot ang kilay nito. Sinundan pa ng tingin ang ginawa niyang pagbaling sa pinto. "Is there something wrong?" "M-may
Nang lumabas si Maliah sa restroom ay nagkamali siya ng napasukang pintuan. Sa halip na ang bumungad ay nagkakasiyahang mga tao, ang nasilayan niya ay pinahihirapang lalaki. Pababa ang lugar. Ilang baitang na hagdan ang nakikita niya. Nasa itaas ang puwesto niya, kaya naman kitang-kita niya ang nangyayari sa ibaba. Mukhang exclusive ang lugar at para lang yun sa VIP. Napamulagat siya sa nakikita at itinulos siya sa kinatatayuan.. Hindi agad nakakilos. Nanindig din ang balahibo sa nakikita. Dalawang tao ang sumusuntok sa isang lalaki nakasuot ng itim na jacket, may isa pang lalaki, pero nasa gitna ito at pinapanuod lamang ang ginagawa ng dalawang lalaki. Tila tuwang-tuwa pa sa nakikita. Walang nagawa ang lalaking patuloy na pinahihirapan. Pinakatitigan niya ang taong binubugbog. Napamulagat siya, pamilyar ito sa kaniya. Pilit niyang inaalala kung saan ito nakilala o nakita. Pero sadyang hindi niya maalala. Hindi pa siya napapansin ng mga lalaking nasa loob. Gustuhin man niyang ihakba
Agaw-eksena ang pagpasok ni Pamela, kasama nito si Jacob. Pero hindi yun ang pinagtatawanan ni Maliah at Monet, kundi ang suot nito. "Saan kaya nito napulot ang damit na 'yan?" "Hayaan mo na," saway niya kay Monet. "Huwag mo na lang pansinin. Tapusin na lang natin ang ating kinakain." Pero ang kalooban niya'y humahagalpak na ng tawa. Sino ba naman kasi ang hindi matatawa? Dinaig pa ang suot ni Ms. Catriona Gray sa Miss Universe. Halos makita na ang kaluluwa. Okay lang naman ang magsuot ng ganoon, pero sana ibagay sa okasyon. Oo nga't pormal pero huwag naman sana ang tulad ng suot ni Pamela. Nabaling ang atensiyon nila nang magsalita si Aling Nina. "Hindi ba't si Pamela yun?" Itinuro pa nito ang babaing proud na nakikipag-usap sa isang babae. "At si Jacob--" Hindi na nito naituloy ang iba pang sasabihin. Nagtatanong ang matang tumitig ito sa kaniya.Tumango siya. "Mahabang paliwanagan po, Aling Nina," naitugon niya sa ginang. Nakakaunawang tumango ang ginang at hindi na muli pang
Kinaumagahan, araw ng Sabado, habang naglalaba ay pinag-iisipan ni Maliah kung pupunta ba sa birthday party ng pamangkin ni Aling Nina, wala siyang maisusuot. Alam niyang pormal na okasyon ang pupuntahan niya, isa pa'y may umuusbong na kaba sa dibdib niya. Hindi mawari kung bakit. Ganito rin ang naramdaman niya nang pumunta siya sa bar. Matapos mai-hanger ng mga damit ay nagtungo siya sa kusina at nagbalak ng lulutuin para sa pananghalian. Naisipan niyang magluto na lamang ng ginisang sitaw. Nagsalang muna siya ng sinaing, saka ay ginayat ang lulutuing pang-ulam. Iginigisa na niya ang gulay, nang biglang nakarinig ng boses sa labas ng pinto. Boses ni Monet. Agad siyang nagtungo sa gitna ng pintuan at pinapasok ito. "Pumunta si Aling Nina kahapon, pinasasabing huwag ka raw mawawala bukas. Kasali yata tayo sa eighteen candles," pahayag nito na ikinabigla niya. "Ano?" bulalas niya. Hindi niya yun alam. Kung totoo ang sinasabi nito, walang hindi na pupunta siya. "Basahin mo kaya ang
Lumipas ang araw nang hindi namamalayan ni Maliah, araw na naman ng Friday. Hindi na siya sinisigawan ng kanilang head, kahit si Yna. Mahinahon na ang pagsasalita nito sa kanila. At si Pamela, araw-araw pa rin siyang binibuwisit sa tuwing magtatagpo ang landas nila. Tulad na lamang ng oras na yun, nasa restroom siya, kasama si Missy, biglang sumulpot ito at may kasamang dalawang babae. Kunwari itong nagulat, pero mas nagulat siya sa isiping bakit ang restroom na nasa floor nila ang gagamitin nito? Gayong may restroom sa itaas na kung saan ay nandon ang opisina nito. Hinubad nito ang suot na white blouse at humantad ang makurba nitong katawan. O baka'y sadyang ipinagyayabang. Black tube ang pang-ilalim nito at alam niyang wala itong suot na anumang bra maliban sa kapirasong tela. Nang gumalaw abg ulo nito'y mabilis niyang iniiwas ang paningin dito. "Ang ganda talaga ng katawan mo, Pamela," sabi ng isa sa kasama nito. "Kaya nga humaling na humaling si Sir Jacob diyan e, dahil sa maga
Tumaas ang dugo niya dahil sa naririnig. Hindi niya alam kung bulong ba o sadyang ipinaririnig sa kaniya ang usapan ng dalawang babae. Pasimple niyang inayos ang nagulong buhok, pinunasan ang pawis sa noo at saka ay nilingon ang nasa likuran niya. Tumahimik ang dalawa. Sinuri niyang mabuti ang hitsura ng mga babae, ang isa ay maliit at may katabaan, ang isa naman ay mataas ng kunti sa kasama ngunit payat."Lakas manglait! Kung makapagsalita ay kilalang-kilala ako," hiyaw ng kaniyang isipan. Pinigil na lamang niya ang sariling huwag patulan ang dalawa, isa pa'y huminto na ang elevator. Bago siya tuluyang lumabas ay muli niyang tiningnan ang dalawang babae, nginitian ang mga ito at humakbang na palabas. Marahas siyang huminga matapos sumara ang pinto, naiwan sa loob ang dalawang babae, marahil ay sa kasunod na floor pa ang punta nito. Malalaki ang hakbang na ipinagpatuloy niya ang paglalakad. Nagsunod-sunod muli ang pintig ng kaniyang puso matapos bumalik sa reyalidad ang kaniyang is