LOGINMarami ang nakisimpatya kay Maliah matapos mailabas ang nangyari, kabaliktaran naman si Ma'am Patty. Sa halip na humingi ng paumanhin dahil sa masasakit na sinabi nito'y sinisi pa siya. Hindi raw siya marunong mag-handle ng relasyon kaya siya ipinagpalit sa iba.
"Sarap ibitin ng patiwarik ni Ma'am. Bakit ba galit na galit sa iyo si Ma'am Patty? Ikaw na nga ang biktima, ikaw pa ang lumabas na masama. Ayst!" Inis na inis si Yna. Naghihimutok pa rin ang kalooban nito. Bahagya siyang natigilan at napaisip. Bakit nga ba? Pero, wala siyang natatandaang nagawang pagkakamali rito. Ni hindi nga niya ito kilala nang lubusan. Tanging si Yna lamang ang close niya sa mga ka-office mate at ngayon ay si Donna. Nagpakawala na lang siya ng hangin sa dibdib. "Hayaan na natin siya, kumain na lang tayo." Kasalukuyang nasa canteen sila at sabay na nananghalian. Sumabay na rin sa kanila si Donna. "Hindi yata marunong tumingin ng tama si Ma'am. Pero grabe ang ginawa sa iyo ng best friend mo, Maliah. Siguro'y inggit --" Maagap niyang pinigilan ang sasabihin ni Donna. Nakita niyang paparating si Pamela, kasama nito si Jacob. Mukhang masaya ang dalawa. "Oh, kumakain pa pala kayo. Pakibilisan lang ha, baka kasi mawalan ako ng gana," taas-kilay nitong sabi. Nakapamaywang pa, animo'y reyna. "Tss. Hindi ba dapat kami ang mawalan ng gana dahil nandito ang ahas!" mapanuyang sagot ni Yna. Muling tumaas ang isang kilay ni Pamela. "At sinong tinutukoy mong ahas?" Hindi talaga nagpapatalo. "Malamang ikaw!" Lumakas ang boses ni Yna, napatayo pa ito. May history ito ng panloloko, hindi ito pinanagutan ng kasintahan dahil may piniling pakisamahan ang babaing nakilala lang sa social media. "Awat na, Yna," pigil niya rito't hinila ang braso para umupong muli. "Kumain na lang tayo. Bilisan natin. Marami pa tayong tatapusing trabaho." Muli namang umupo si Yna at binalikan ang kinakain. "Oo nga, Yna," segunda ni Donna. "Huwag mo nang pag-aksayahan ang higad na anacondang marites na nasa tabi natin. Nagpapakalat ng maling balita. As if namang magpapakamatay si Maliah kapag hindi binalikan." Tumirik ang mata nito, halatang naiinis din. "What do you mean? Anong sinasabing nagpapakalat ng maling balita? Sino?" "Ang hina mo naman palang maka-gets, Sir. Malamang na ang jowa mong ahas ang tinutukoy ko!" Inihinto ni ni Yna ang pagkain, at isinandal ang likod sa sandalan ng bangko at matapang na nakipagtitigan sa dalawa. Pansin niya ang pagtalim ng titig ni Jacob kay Pamela. "Ano ba ang sinasabi nila? Alam mo ba ito?" "Huwag kang maniwala sa kanila, baby. Sinisiraan lang nila ako." Sinungaling na pala ang best friend niya ngayon... Sabay na tumawa si Donna at Yna na ikinailing niya. "Tumigil na nga kayo," saway niya sa dalawa. "Hayaan niyo na kung ano ang gustong gawin niya." "Sus! Masyado ka kasing mabait, Maliah. Kaya ka iniiputan sa ulo at mismong bets friend mo pa," tinig ni Yna. "Kung sa akin nangyari 'yan, mata lang niya ang walang latay." "Ah, talaga ba? Kaya pala iniwan ka ng tatay ng anak mo!" Nakaagaw ng pansin sa ibang nandoon ang boses ni Pamela, napalingon sa kanila ang mga taong kumakain din sa canteen. Hindi talaga ito nagpapatalo. Hanggang may butas ay pilit na lulusot. Naningkit ang mata niya, palaban talaga ito, hindi tulad niya. "FYI, Ma'am!" Tumayo ito na kuyom ang kamao. "Magkaiba ang sitwasyon natin. Kung ako iniwan, ikaw nang-ahas ng boyfriend ng iba at mismong best friend mo pa ang 'yong tinalo. And now, ipinagkakalat mo pa sa group chat na naghahabol si Maliah, saan ka kaya humuhugot ng kakapalan ng mukha? Well, shame on you!" sarkastikong litanya ni Yna. "How dare to say that to my girlfriend?" Matalim ang titig ni Jacob kay Yna. Hindi naman kinakitaan ng takot ang dalaga, bagkus ay taas-noo pa itong nakatitig din sa binata. "Ano rin ang karapatang panghimasukan ang buhay ng iba ng ahas mong girlfriend, Sir?" "Baby, puwede mo bang tanggalin ang babaing 'yan sa trabaho?" Mahina pero narinig niya ang sinabi ni Pamela Sa pagkakataong 'yon ay mabilis siyang napatayo at hinarap ang dating matalik na kaibigan. "Anong karapatan mong hilingin ang bagay na 'yan?" ganti niya rito. "Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin maintindihan kung ano ang ikinagagalit mo sa akin, Pamela. Hindi ako nag-eskandalo sa ginawa niyo ng dati kong boyfriend sa akin, pero hanggang dito ba naman sa trabaho ay pinipeste mo pa rin ako! At bakit pati ang mga taong malapit sa akin ay pinupunterya mo? Dahil lang ba sa natamaan ka sa sinabi niya kaya gusto mo siyang mawalan ng trabaho? Nasaan ang konseniya mo?" litanya niya habang marahang inihahakbang ang paa palapit dito. "Now tell me, panganib ba ang dating ko sa iyo?" Mula sa isang payapa ay unti-unting naging mabagsik ang kaniyang mukha. Pareho lang ito ng ugali ni Ma'am Patty. Wala siyang ginagawang masama pero pilit siyang hinihila pababa. Hindi ito nakasagot kaya't mabilis niyang nilampasan, nasagi pa ang balikat nito. Narinig niya ang pagsimpatya sa kaniya ng mga taong nakarinig sa debate nila ni Pamela. "Go, Maliah! Nasa likod mo kami!" ani ng isang babaing naraanan niyang kumakain ng spaghetti. Spaghetti sa tanghalian? Ipinagkibit-balikat na lamang niya 'yon at ngitian ito. Hinabol siya ng mga kasama. Nagtuloy sila hanggang sa restroom, ngunit napahinto siya nang mapagtanto ang nagawa. "Bakit?" buong pagtatakang tanong ni Yna. "Sayang 'yong pagkain. Hindi ko pa pala nauubos." Nagkatinginan na lamang si Yna at Donna, at sabay na napailing.Matalim ang ipinupukol na titig ni Maliah sa lalaking napipilitang umupo sa bangkong yari sa plastic. Mahinang klase raw ang upuan niya, kaya halos umusok na ang ilong niya sa inis, dahil niyuyurakan nito ang mga gamit na pinaghirapan niyang bilihin. Tulad na lamang ng bangkong yun, binili niya ito sa palengke sa halagang isang daang peso. Hindi lang ang bangko ang pinulaan nito, maging ang silid na tinutuluyan niya, masayado raw maliit. "Palibhasa kasi mayaman kaya hindi problema ang pera," ingos niya. "Ano bang ginagawa ng taong ito sa tinutuluyan ko?" "Don't you see, I'm eating!" Umikot ang itim ng mata niya, narinig pala nito ang mga sinasabi niya. Ilang sandali pa naging busy na ito sa pagkain ng niluto niyang sopas. "It's delicious! I didn't know, puwede pala ang milk sa macarani." Umikot ang itim ng mata niya. "Kailan ba ito ipinanganak? Sopas lang ay hindi pa alam," bulong niya. Pinagmasdan niya ito, Hindi halos kumukurap. Bawat subo ng kutsarang may pagkain ay inilal
Nagngangalit ang bagang ni Blake. Matulin pa rin ang pagpapatakbo niya sa sasakyan patungo sa tinutuluyan ng dalaga. Magpahanggang sa kasalukuyan ay hindi pa rin niya nakukuha ang hustisya para kay Olivia. Hindi pa rin niya natatagpuan kung sino si Tiger, pero alam niyang kabilang ito sa mundo ng mafia. May nakalap siyang impormasyon, kaya nag-utos siya sa tauhan na pumasok sa kalabang mafia. But unfortunately he was caught. Napakatagal ng panahon na inilaan niya para makapagpalakas. Simula nang magkamalay siya sa hospital nang mangyari ang insidente ay nangako siyang maghihiganti. Pumasok siya sa isang organisasyon, pero hindi niya nagustuhan ang palakad ng kanilang pinuno. Hindi kalaunan ay tumiwalag siya. Nagkataon na ibinigay na ng kaniyang papa ang paumumubo sa Montecielo at doon ay unti-unti siyang bumuo ng organisasyon at ngayon ay isa na siya sa kinatatakutan. Hindi lang siya basta isang CEO, kabilang din siya sa mataas na mafia. Sino siya? Siya si Primo. But no one kn
Madilim ang awra ni Blake. Mabilis ang ginagawang pagpapatakbo sa mamahalin niyang sasakyan. Hindi alintana kung lumagpas na siya sa speed limit. Tumawag sa kaniya si Maliah, sinasabing may nahanap itong USB na napulot sa nabunggong lalaki. Ang lalaking yun— si Oliver, ang nagsilbing look out niya sa kalaban, pero minalas ito. Nang gabing makita ng dalaga ang sinapit nito, tumawag ito sa kaniya, sinabing may nahanap ba impormasyon, ngunit sa kasamaang palad ay napatay ito ni Darco, ang kalaban niyang mafia. Sagad ito sa kasamaan, kaliwa't kanan ay gina****sa nito, at ito rin ang numero unong drug lord sa bansa. He hates drugs, lalo na ang r*pist. Malaki ang atraso sa kaniya ng r*pist, dahi sa isang masaklap na nakaraang ayaw na niyang balikan. Subalit, hindi siya patahimikin ng konsensiya, umiikot sa kaniyang isipan ang nangyari walong taon ang lumipas. "Happy Anniversary, babe!" Nakangting bati ni Blake, sabay abot ng dalang regalo sa kasintahang si Olivia. Matamis na napangit
Tulad ng inaasahan ni Maliah, tahimik ang buong byahe. Hindi kumikibo si Patrick, dahil pagkapasok nila'y nasabon ito ni Blake. Hindi naman niya makausap ang asawa, dahil magpahanggang ngayon ay salubong pa rin ang kilay nito. Halatang badtrip talaga. Nagsimula na naman siyang maghikab, tinatablan na naman ng antok. Pasimple niyang tiningnan ang katabing asawa, seryoso itong nagbabasa ng magazine. Naitanong niya bigla, hindi ba ito napapagod? "Oh, shit!"Hindi na naman niya napigil ang sarili, muli siyang napahikab. Kahit anong gawin ay hindi niya kayang labanan ang antok. Pansamantalang ipinikit niya ang mata, at hindi akalaing mabilis siyang makakaidlip. Nagising na lamang siya sa mahihinang tapik."Wake up, sleepy head!" Nakadama siya ng hiya. Nakahinto na ang sasakyan at nasa tapat na sila ng apartment niya. Bukas na ang pinto at nakatayo sa labas si Patrick, ito rin ang gumising sa kaniya. Ang katabing asawa ay deritsong nakatitig lang, pero alam niyang galit na naman ito. She
Naghihikab si Maliah habang tinatahak ang patungong elevator. Maiingay man ang mga kasama pero hindi hadlang para hindi siya tablan ng antok. Tapos na ang party at pauwi na sila, pero hindi pa rin siya makapaniwala na sa loob ng ilang oras ay napakarami na ng nangyari. Si Pamela, hindi na ito nakalapit matapos ang pagkikita nila sa may restroom. Marahil ay pinagbawalan na ni Blake at si Jacob, hindi na rin niya ito nakita matapos ang nangyari sa loob ng madilim na silid. "Ang saya ng party, sana maulit ito." Abot-tainga ang ngiti ni Donna. Nakatayo sila sa harap ng elevator at hinihintay na bumukas ang pinto. "Maliah, kailan masusundan ito?"Muli siyang naghikab, hindi naunawaan ang tinatanong ni Carmen. "Ang tagal naman, antok na ako," pabulong niyang sambit."Hoy!" Siniko siya ni Yna. "What?""Anong what? Kanina pa kami naghihintay ng sagot mo." Pinandilatan siya nito.Isa-isa niyang tiningnan ang mga kasama, ang lahat ay nakatutok ang paningin sa kaniya. Hanggang sa bunmukas ang
Parang hangin sa bilis na nagtago si Maliah. Paanong natunton siya ng mga humahabol sa kaniya? May kasabwat ba ang mga ito? Imposible namang si Blake ang magsabi sa lugar na kinaroonan niya. Inapuhap niya ang cellphone, balak sanang tawagan ang asawa, ngunit nagulantang siya nang may boses na narinig mula sa likuran niya. Pakiramdam niya'y tumalsik ang kaniyang kaluluwa sa sobrang takot. "Anong ginagawa mo rito?" Dahan-dahan niyang nilingon ay may-ari ng tinig. "L-Limuel?" Nasapo niya ang dibdib, pilit na pinapakalma ang nagririgodong puso. "Ikaw lang pala!" "Ang putla mo ah!" puna nito. "Okay ka lang ba?" Kinalma niya ang sarili. Huminga ng malalim at pasimpleng nilingon ang kinaroroonan ng dalawang lalaki, subalit wala na siyang nakitang nakatayo roon, kundi ang grupo ni Pamela. "Ah, alam ko na. Pinagtataguan mo ba sila?" tanong ng binata na ang mga mat ay nakatuon din sa tila nagkakagulong mga babae. Para hindi na ito mag-isip ay um-oo na lamang siya. Hinanap ng mata niya an







