Mag-log in"I think, she's inggit sa 'yo."
Sinulyapan ni Maliah ang nagsalitang si Missy. Slang kung magsalita at may kaya sa buhay, kaya may kaartehang taglay. Bago lang ito sa company. Maganda, mas mataas sa kaniya at slim ang katawan. Madalas niya itong titigan dahil na-a-amaze siya sa katawan nito. "Oo nga, Maliah," sang-ayon ni Donna, may hawak na namang chichirya. "Feel ko rin 'yon." "Pero, bakit?" "We don't know e. But I feel it, Maliah. Ganyan din kasi ang nangyari sa friend ko." "Pero best friend ko siya." Hindi niya matanggap na nang dahil sa inggit ay nagawa siyang traydorin. "Mas marami nga ang ahas sa magkakaibigan, Maliah," kumento ni Yna. Naghihimutok pa rin ang kaniyang kalooban, ayaw tanggapin ng sistema niya. Since pagkabata ay magkaibigan na sila ni Pamela, ito ang tagapaligtas nito sa nambu-bully sa kaniya nang sila ay nasa elementary pa lamang. Lampa siya noon, mahina, kaya malimit ay inaalipusta ng mga kaklase. Hindi niya matanggap na ang dating tagapagligtas, ngayon ay kaaway na niya. Hindi lang basta kaaway, kinatalo pa siya. Inagawan ng pag-ibig at ngayon ay sinisira sa mata ng marami. "You know what, mabuti na rin na nangyari sa iyo 'yan, kasi dati, hindi ka namin malapitan. Ilag kami sa iyo, feeling namin ay ang taas-taas mo dahil boyfriend mo si Sir Jacob." "Agree ako sa iyo, Donna." Nag-thumbs si Missy sa dalaga. "Yeah! You're right, Missy," segunda rin ni Yna. "Huwag kang manghihinayang sa taong tulad ni Pamela at Jacob, hindi sila nararapat na mahalin mo dahil mga ahas sila. Tandaan mo ring kapag may umalis, may darating at isa na kami roon. Kami ang mga bago mong kaibigan," puno ng siglang pahayag nito, idinipa pa ang braso. Nangingiting umiling siya. Ramdam din niya 'yon dati. Walang gasinong lumalapit sa kaniya ay dahil boyfriend niya si Jacob, kaya nga siguro galit na galit sa kaniya si Ma'am Patty. "Oh, start na ng work." Napasulyap siya sa relong nakasabit sa wall. "Let's go na sa office," yaya niya sa mga ito. Sabay silang nagtungo sa office, kalakip ang malaking ngiti. Napag-isip-isip niyang tama ang kaniyang mga kasama. Kapag may umalis ay may darating at para kay Pamela, siguro nga'y nahalina lang ito sa nakitang pagmamahal na inalay ni Jacob sa kaniya. Pero kailan man ay hinding-hindi na mabubura ang kanilang pinagsamahan. Iingatan niya ang maganda nilang nakaraan. At para sa nakita sa condo at sa kaalamang inagaw nito ang ex-boyfriend niya, ipapagsa-Diyos na lang niya ang lahat. At kung tunay na nagmamahalan silang dalawa, she will be happy for them. Pagkapasok sa office ay naging busy na sila, ang lahat ay nakatutok sa computer. Malapit nang sumapit ang ika-lima ng hapon, pinatawag si Ma'am Patty sa head's office. Mahigit isang oras itong wala. Ang katabi niyang si Yna ay maya't maya ang tanong. "Marites ka na rin ngayon," biro niya rito. "Curious lang ako 'no! Paano kung mamaya pa bumalik si Ma'am? Meaning, mamaya pa rin tayo uuwi?" Napaisip din siya. May patakaran ang administrative manager nila na kapag hindi pa ito lumalabas— ganoon din sila. Sabay silang napabuga ng hangin ni Yna. "Nag-promise pa naman ako sa 'king bulinggit na maaga akong uuwi." Sumimangot ito. "Ngayon pa lang ay mag-chat ka na sa nanay mo, ipaalam mo na mali-late ka ng uwi." "Ano pa nga ba ang gagawin ko?" Inapuhap nito ang phone at nagsimulang magtipa. "Ibibili ko na lang siguro ng suhol ang bulinggit ko." Natawa siya na ang mata ay nakatutok sa computer. "Bilihan mo na lang ng doughnut." "Pinagbabawalan ng doktor na kumain iyon ng masyadong matamis." "Bakit?" Napasulyap siya sa katabi. Ibinaba na nito ang phone sa mesa. Kita niya ang picture ng anak nito. And he's so cute. "Nagiging hyper kasi." "Ah," naitugon na lamang niya at muling itinutok ang paningin sa computer. Ilang sandali pa ay naging busy na muling sila. Sumapit ang ika-anim, pero wala pa rin si Ma'am Patty. Natapos na niyang isa-isahin ang document na ipinasa sa kaniya. Pito silang nasa record keeping, kasama na ang intern na si Missy. They're organizing and maintaining documents, files, and databases of the company. "Hay, salamat, natapos na rin!" Inunat niya ang dalawang braso. "Sakit sa likod." "Me, too," segunda ni Missy, bahagyang hinilot pa nito ang likod. "I need masahe." "Guys, gusto niyo bang mag-happy-happy. Tara, gimik naman tayo!" biglang singit ni Carmen, kasama nila sa office administration. "Bet ko 'yan." Tumili si Donna. Nag-aayos na rin ito ng mga gamit, mukhang tapos na rin sa gawain. "Now ba?" "Sa Friday," sagot agad ni Carmen. "Ano? Game ba kayo?" "Go ako." Nag-thumbs up si Donna. "Gimik na gimik na ako." "Ikaw, Maliah?" "Pag-iisipan ko pa." "Alam niyo na siguro ang sagot ko," matamlay na tugon ni Yna. "Hindi ka puwede, dahil may bulinggit ka!" Halos nagkasabay pa sila sa pagsagot. Mayamaya pa ay sabay na nagkatawanan. Tumikom lang ang kanilang bibig nang pumasok si Ma'am Patty. "Tapos na ba kayo?" "Yes, Ma'am!" panabay nilang tugon. "Good. Pero bago kayo umuwi, may importante muna akong sasabihin. About ito sa new policy ng bagong CEO." Nagsimulang dumagundong ang dibdib ni Maliah. "Hindi kaya 'yon ang naganap n'ong nakaraang gabi?" kausap niya sa sarili. "Hindi naman siguro," sagot ng kabilang sulok ng isipan niya. Hindi na halos siya humihinga habang naghihintay sa sasabihin ng ginang. Baka ipinagkalat ng bagong CEO ang panty niya. "Nakakahiya!" Pikit-matang tinampal niya ang sariling noo. "Bakit ba kasi hindi ko muna tiningnan ang pinasukan ko?"Matalim ang ipinupukol na titig ni Maliah sa lalaking napipilitang umupo sa bangkong yari sa plastic. Mahinang klase raw ang upuan niya, kaya halos umusok na ang ilong niya sa inis, dahil niyuyurakan nito ang mga gamit na pinaghirapan niyang bilihin. Tulad na lamang ng bangkong yun, binili niya ito sa palengke sa halagang isang daang peso. Hindi lang ang bangko ang pinulaan nito, maging ang silid na tinutuluyan niya, masayado raw maliit. "Palibhasa kasi mayaman kaya hindi problema ang pera," ingos niya. "Ano bang ginagawa ng taong ito sa tinutuluyan ko?" "Don't you see, I'm eating!" Umikot ang itim ng mata niya, narinig pala nito ang mga sinasabi niya. Ilang sandali pa naging busy na ito sa pagkain ng niluto niyang sopas. "It's delicious! I didn't know, puwede pala ang milk sa macarani." Umikot ang itim ng mata niya. "Kailan ba ito ipinanganak? Sopas lang ay hindi pa alam," bulong niya. Pinagmasdan niya ito, Hindi halos kumukurap. Bawat subo ng kutsarang may pagkain ay inilal
Nagngangalit ang bagang ni Blake. Matulin pa rin ang pagpapatakbo niya sa sasakyan patungo sa tinutuluyan ng dalaga. Magpahanggang sa kasalukuyan ay hindi pa rin niya nakukuha ang hustisya para kay Olivia. Hindi pa rin niya natatagpuan kung sino si Tiger, pero alam niyang kabilang ito sa mundo ng mafia. May nakalap siyang impormasyon, kaya nag-utos siya sa tauhan na pumasok sa kalabang mafia. But unfortunately he was caught. Napakatagal ng panahon na inilaan niya para makapagpalakas. Simula nang magkamalay siya sa hospital nang mangyari ang insidente ay nangako siyang maghihiganti. Pumasok siya sa isang organisasyon, pero hindi niya nagustuhan ang palakad ng kanilang pinuno. Hindi kalaunan ay tumiwalag siya. Nagkataon na ibinigay na ng kaniyang papa ang paumumubo sa Montecielo at doon ay unti-unti siyang bumuo ng organisasyon at ngayon ay isa na siya sa kinatatakutan. Hindi lang siya basta isang CEO, kabilang din siya sa mataas na mafia. Sino siya? Siya si Primo. But no one kn
Madilim ang awra ni Blake. Mabilis ang ginagawang pagpapatakbo sa mamahalin niyang sasakyan. Hindi alintana kung lumagpas na siya sa speed limit. Tumawag sa kaniya si Maliah, sinasabing may nahanap itong USB na napulot sa nabunggong lalaki. Ang lalaking yun— si Oliver, ang nagsilbing look out niya sa kalaban, pero minalas ito. Nang gabing makita ng dalaga ang sinapit nito, tumawag ito sa kaniya, sinabing may nahanap ba impormasyon, ngunit sa kasamaang palad ay napatay ito ni Darco, ang kalaban niyang mafia. Sagad ito sa kasamaan, kaliwa't kanan ay gina****sa nito, at ito rin ang numero unong drug lord sa bansa. He hates drugs, lalo na ang r*pist. Malaki ang atraso sa kaniya ng r*pist, dahi sa isang masaklap na nakaraang ayaw na niyang balikan. Subalit, hindi siya patahimikin ng konsensiya, umiikot sa kaniyang isipan ang nangyari walong taon ang lumipas. "Happy Anniversary, babe!" Nakangting bati ni Blake, sabay abot ng dalang regalo sa kasintahang si Olivia. Matamis na napangit
Tulad ng inaasahan ni Maliah, tahimik ang buong byahe. Hindi kumikibo si Patrick, dahil pagkapasok nila'y nasabon ito ni Blake. Hindi naman niya makausap ang asawa, dahil magpahanggang ngayon ay salubong pa rin ang kilay nito. Halatang badtrip talaga. Nagsimula na naman siyang maghikab, tinatablan na naman ng antok. Pasimple niyang tiningnan ang katabing asawa, seryoso itong nagbabasa ng magazine. Naitanong niya bigla, hindi ba ito napapagod? "Oh, shit!"Hindi na naman niya napigil ang sarili, muli siyang napahikab. Kahit anong gawin ay hindi niya kayang labanan ang antok. Pansamantalang ipinikit niya ang mata, at hindi akalaing mabilis siyang makakaidlip. Nagising na lamang siya sa mahihinang tapik."Wake up, sleepy head!" Nakadama siya ng hiya. Nakahinto na ang sasakyan at nasa tapat na sila ng apartment niya. Bukas na ang pinto at nakatayo sa labas si Patrick, ito rin ang gumising sa kaniya. Ang katabing asawa ay deritsong nakatitig lang, pero alam niyang galit na naman ito. She
Naghihikab si Maliah habang tinatahak ang patungong elevator. Maiingay man ang mga kasama pero hindi hadlang para hindi siya tablan ng antok. Tapos na ang party at pauwi na sila, pero hindi pa rin siya makapaniwala na sa loob ng ilang oras ay napakarami na ng nangyari. Si Pamela, hindi na ito nakalapit matapos ang pagkikita nila sa may restroom. Marahil ay pinagbawalan na ni Blake at si Jacob, hindi na rin niya ito nakita matapos ang nangyari sa loob ng madilim na silid. "Ang saya ng party, sana maulit ito." Abot-tainga ang ngiti ni Donna. Nakatayo sila sa harap ng elevator at hinihintay na bumukas ang pinto. "Maliah, kailan masusundan ito?"Muli siyang naghikab, hindi naunawaan ang tinatanong ni Carmen. "Ang tagal naman, antok na ako," pabulong niyang sambit."Hoy!" Siniko siya ni Yna. "What?""Anong what? Kanina pa kami naghihintay ng sagot mo." Pinandilatan siya nito.Isa-isa niyang tiningnan ang mga kasama, ang lahat ay nakatutok ang paningin sa kaniya. Hanggang sa bunmukas ang
Parang hangin sa bilis na nagtago si Maliah. Paanong natunton siya ng mga humahabol sa kaniya? May kasabwat ba ang mga ito? Imposible namang si Blake ang magsabi sa lugar na kinaroonan niya. Inapuhap niya ang cellphone, balak sanang tawagan ang asawa, ngunit nagulantang siya nang may boses na narinig mula sa likuran niya. Pakiramdam niya'y tumalsik ang kaniyang kaluluwa sa sobrang takot. "Anong ginagawa mo rito?" Dahan-dahan niyang nilingon ay may-ari ng tinig. "L-Limuel?" Nasapo niya ang dibdib, pilit na pinapakalma ang nagririgodong puso. "Ikaw lang pala!" "Ang putla mo ah!" puna nito. "Okay ka lang ba?" Kinalma niya ang sarili. Huminga ng malalim at pasimpleng nilingon ang kinaroroonan ng dalawang lalaki, subalit wala na siyang nakitang nakatayo roon, kundi ang grupo ni Pamela. "Ah, alam ko na. Pinagtataguan mo ba sila?" tanong ng binata na ang mga mat ay nakatuon din sa tila nagkakagulong mga babae. Para hindi na ito mag-isip ay um-oo na lamang siya. Hinanap ng mata niya an







