Share

Chapter 5

Auteur: Writer Zai
last update Dernière mise à jour: 2025-08-01 20:52:40

Nakayuko habang naglalakad si Maliah. Magpahanggang ngayon ay hiyang-hiya pa rin siya sa nangyari. Hindi halos dalawin ng tulog sa nagdaang gabi, ayaw patahimikin ang isipan niya. Nagdalawang-isip din siya kung papasok ba ngayong araw. Pero kung hindi, tiyak na masesermunan siya ni Ma'am Patty.

"Hayst! Bakit ba hindi ko man lang tiningnan ang pinasukan kong restroom?" Napahinto siya sa paglalakad. Ang mukha ay parang iiyak na sa labis na pagkayamot. "What if tanggalin ako ng bagong CEO? Mukha pa naman siyang masungit. Huwag naman sana. Ang hirap pa namang maghanap ng trabaho ngayon. Bakit? Hindi ba puwedeng magkamali? Pero, hindi rin pala ako nag-lock ng pinto. Hayst! Kainis!" Nagpapadyak siya, animo'y batang musmos na iiwan ng ina.

Tiningala niya ang asul na kalangitan. Umaga pa lang ay mainit na ang panahon. Iwinaglit niya ang anumang nasa isipan at ipinagpatuloy ang paglalakad.

Bago sumapit ang opisina ng administrator ay may naraanan siyang mga kababaihan. Titig na titig ang mga ito sa kaniya, titig na may halong pangungutya. Bigla siyang kinutuban.

"May mali ba sa akin?" tanong ng isipan niya. Pasimple pang sinuri ang sarili.

Hindi pa man siya tuluyang makapasok ng office ay nakasalubong niya si Pamela, tulad kahapon ay may kasama na naman ito.

"Bodyguard ba nito ang babaing palaging kasama?" Hindi niya naiwasang tanungin ang sarili. Dati isa lang ang kasama nito, ngayon ay tatlo na. Mukhang masisira nga ang araw niya ngayon.

Hinarangan ang daraanan niya ng alipores ni Pamela. "Oy, nandito na pala ang best friend ko!"

Umikot ang itim ng kaniyang mata. Malamang na nandito siya dahil dito ang trabaho niya. "Kauumpisa pa lang ng araw ko, ikaw agad ang sumalubong sa akin. Ano na naman ba ang problema mo, Pamela?"

Ngumisi ito't humakbang palapit sa kaniya. Sinuri siya, from head to toe. "Wala naman. Gusto lang kitang batiin ng magandang umaga."

"Anong maganda sa umaga kung ikaw ang makikita ko?"

"Oh, highblood ka agad. Kaya ka ipinagpalit ni Jacob e. Palagi kang bad mood."

Sa pagkakataong 'yon ay siya naman ang ngumisi. Pumantay siya at taas-noong tumitig dito. "Kahit hindi yata ako palaging bad mood tulad ng sinasabi mo, wala pa rin akong panama sa isang tulad mong ahas." Hinawakan niya ang kuwelyo ng suot nito at kunwaring inayos. "Ahas na, linta pa! But wait, ano na naman pala ang ipinagpuputok ng butsi mo? Hindi ba't naagaw mo na sa akin si Jacob? Gumigiling ka pa nga sa ibabaw niya , hindi ba?" Hindi na niya nakontrol ang sarili. "Bakit ngayo'y parang ang bitter mo naman masyado?" Muli siyang ngumisi, saka'y nilampasan ito. Hindi pinansin ang titig at bulungan ng iba pang employee na naraanan niya.

"Good morning," bati niya nang marating ang mesa.

"Maliah..."

Nahinto siya sa akmang pag-upo. "Yes?"

Lumapit sa kaniya si Donna, isa sa kasamahan niya at tinaguriang dakilang tsismosa. "Nabasa mo na ba ang news?"

Nagsalpukan ang kilay niya. "Anong news?"

"May kumakalat na balita sa group chat," sabi nitong muli, parang binibitin pa siya.

"Ano nga kasi 'yon?"

"May nagpapakalat na hindi mo raw matanggap na hiniwalayan ka ni Sir Jacob. Palagi mo raw ginugulo si sir at ang bago niya."

Napangiwi siya sa narinig. "Phew! Kailan pa ako naghabol sa sira-ulong 'yon? Dapat pala'y kinuhaan ko sila ng video para may ebidensiya ako sa kanilang kahalayang ginawa," angil niya sa sarili.

"Marami na ang nakabasa, galit na galit nga si Ma'am Patty. Kung anu-ano ang pinagsasabi sa iyo. Wala ka raw delikadesang babae."

Natampal niya ang sariling noo. Hinusgahan agad siya, hindi man lang tinanong ang side niya, sabagay, dati pa namang mainit ang ulo nito sa kaniya, at kahit anong gawin niyang mabuti, para rito ay mali. Ngayon ay nakahanap na ito ng mas ikagagalit sa kaniya, tiyak na katakot-takot na sermon ang aabutin niya. Naagaw ang pansin nila nang humahangos na pumasok si Yna. Sa table agad niya ito dumiretso.

"Nabasa mo na ba?"

"Hindi pa pero sinabi na ni Donna sa akin. Ang kapal ng pagmumukha nila. Kaya siguro iba ang tingin ng ibang kasamahan natin sa trabaho dahil sa maling balitang kumalat."

Hindi pa man nangangalahati ang araw at hindi pa nagsisimula ang trabaho ay sira na ang araw niya. Gusto niyang matahimik pero sadyang kaakibat yata niya ang magulong mundo dahil kay Pamela ay Jacob. Muling nagsalpukan ang kilay niya sa naiisip.

"Sino ang nagpapakalat ng news na iyan?"

Nagkatinginan si Yna at Donna. Magsasalita na sana ang huli nang may nagsalita sa may pinto.

"Nauna na palang dumating ang babaing walang delikadesa!"

"Ikaw nama'y palabentang--"

Maagap niyang siniko si Yna para pigilan sa pagsasalita, mabuti't mahina ang pagkakabigkas nito, hindi 'yon narinig ng ginang.

"Good morning, Ma'am Patty!" bati nilang lahat sa ginang.

"Anong maganda sa umaga?" singhal nito sa kanila. Lumalaki pa ang mata nitong nakatutok sa kaniya. "Ano 'yong nabasa ko sa group chat?"

"Ma'am, wala pong katotohanan ang nabasa mo sa--"

"Ikaw ba ang tinatanong ko?" asik nito kay Yna.

Hinawakan niya ang kamay ng katabi, at nagkatitigan silang dalawa. Pino siyang ngumit, nagpapahiwatig na okay lang siya at siya na ang magpapaliwanag sa ginang.

"Hindi ka na nahiya kay Sir Jacob, ang kapal talaga ng mukha mo!" bulyaw nito.

Hindi na niya nakontrol ang sarili. Pakiramdam niya'y umakyat sa ulo ang dugo niya. "Huwag po kayong one sided, Ma'am."

"Aba't--"

"Let me explain, Ma'am Patty." Hindi niya hinayaang muli siya nitong sermunan at ipahiya sa harap ng kaniyang mga katrabaho. Hindi siya papayag na alipustain ng sinuman. "Totoong hiwalay na kami ni Sir Jacob." Nakarinig siya ng bulungan, pero hindi niya pinansin, nagpatuloy siya sa pagsasalita. "Nahuli ko po siyang may kaulayaw na babae sa condo niya kaya ko siya hiniwalayan, hindi siya ang nakipag-break at may palagay ako na ang itinuring kong matalik na kaibigan ang nagpakalat ng maling balita, dahil siya lang naman ang babae ng dati kong kasintahan. And never akong nanikluhod para lang makipagbalikan sa kaniya. Now, na-explain ko na po sa inyong lahat, maari na po ba tayong magtrabaho at huwag nang pag-usapan pa ang personal kong buhay. Nag-mo-move on na po ako sa sakit na idinulot nilang dalawa. Okay na po ba?"

Continuez à lire ce livre gratuitement
Scanner le code pour télécharger l'application
Commentaires (5)
goodnovel comment avatar
Ernesto P. Arcalas Jr.
good job maliah
goodnovel comment avatar
Val Erie
good job ka diyan
goodnovel comment avatar
hillary
sampal yun sa u maam patty
VOIR TOUS LES COMMENTAIRES

Latest chapter

  • She Married the Cold-Hearted CEO   Chapter 56

    Madilim ang awra ni Blake. Mabilis ang ginagawang pagpapatakbo sa mamahalin niyang sasakyan. Hindi alintana kung lumagpas na siya sa speed limit. Tumawag sa kaniya si Maliah, sinasabing may nahanap itong USB na napulot sa nabunggong lalaki. Ang lalaking yun— si Oliver, ang nagsilbing look out niya sa kalaban, pero minalas ito. Nang gabing makita ng dalaga ang sinapit nito, tumawag ito sa kaniya, sinabing may nahanap ba impormasyon, ngunit sa kasamaang palad ay napatay ito ni Darco, ang kalaban niyang mafia. Sagad ito sa kasamaan, kaliwa't kanan ay gina****sa nito, at ito rin ang numero unong drug lord sa bansa. He hates drugs, lalo na ang r*pist. Malaki ang atraso sa kaniya ng r*pist, dahi sa isang masaklap na nakaraang ayaw na niyang balikan. Subalit, hindi siya patahimikin ng konsensiya, umiikot sa kaniyang isipan ang nangyari walong taon ang lumipas. "Happy Anniversary, babe!" Nakangting bati ni Blake, sabay abot ng dalang regalo sa kasintahang si Olivia. Matamis na napangiti

  • She Married the Cold-Hearted CEO   Chapter 55

    Tulad ng inaasahan ni Maliah, tahimik ang buong byahe. Hindi kumikibo si Patrick, dahil pagkapasok nila'y nasabon ito ni Blake. Hindi naman niya makausap ang asawa, dahil magpahanggang ngayon ay salubong pa rin ang kilay nito. Halatang badtrip talaga. Nagsimula na naman siyang maghikab, tinatablan na naman ng antok. Pasimple niyang tiningnan ang katabing asawa, seryoso itong nagbabasa ng magazine. Naitanong niya bigla, hindi ba ito napapagod? "Oh, shit!"Hindi na naman niya napigil ang sarili, muli siyang napahikab. Kahit anong gawin ay hindi niya kayang labanan ang antok. Pansamantalang ipinikit niya ang mata, at hindi akalaing mabilis siyang makakaidlip. Nagising na lamang siya sa mahihinang tapik."Wake up, sleepy head!" Nakadama siya ng hiya. Nakahinto na ang sasakyan at nasa tapat na sila ng apartment niya. Bukas na ang pinto at nakatayo sa labas si Patrick, ito rin ang gumising sa kaniya. Ang katabing asawa ay deritsong nakatitig lang, pero alam niyang galit na naman ito. She

  • She Married the Cold-Hearted CEO   Chapter 54

    Naghihikab si Maliah habang tinatahak ang patungong elevator. Maiingay man ang mga kasama pero hindi hadlang para hindi siya tablan ng antok. Tapos na ang party at pauwi na sila, pero hindi pa rin siya makapaniwala na sa loob ng ilang oras ay napakarami na ng nangyari. Si Pamela, hindi na ito nakalapit matapos ang pagkikita nila sa may restroom. Marahil ay pinagbawalan na ni Blake at si Jacob, hindi na rin niya ito nakita matapos ang nangyari sa loob ng madilim na silid. "Ang saya ng party, sana maulit ito." Abot-tainga ang ngiti ni Donna. Nakatayo sila sa harap ng elevator at hinihintay na bumukas ang pinto. "Maliah, kailan masusundan ito?"Muli siyang naghikab, hindi naunawaan ang tinatanong ni Carmen. "Ang tagal naman, antok na ako," pabulong niyang sambit."Hoy!" Siniko siya ni Yna. "What?""Anong what? Kanina pa kami naghihintay ng sagot mo." Pinandilatan siya nito.Isa-isa niyang tiningnan ang mga kasama, ang lahat ay nakatutok ang paningin sa kaniya. Hanggang sa bunmukas ang

  • She Married the Cold-Hearted CEO   Chapter 53

    Parang hangin sa bilis na nagtago si Maliah. Paanong natunton siya ng mga humahabol sa kaniya? May kasabwat ba ang mga ito? Imposible namang si Blake ang magsabi sa lugar na kinaroonan niya. Inapuhap niya ang cellphone, balak sanang tawagan ang asawa, ngunit nagulantang siya nang may boses na narinig mula sa likuran niya. Pakiramdam niya'y tumalsik ang kaniyang kaluluwa sa sobrang takot. "Anong ginagawa mo rito?" Dahan-dahan niyang nilingon ay may-ari ng tinig. "L-Limuel?" Nasapo niya ang dibdib, pilit na pinapakalma ang nagririgodong puso. "Ikaw lang pala!" "Ang putla mo ah!" puna nito. "Okay ka lang ba?" Kinalma niya ang sarili. Huminga ng malalim at pasimpleng nilingon ang kinaroroonan ng dalawang lalaki, subalit wala na siyang nakitang nakatayo roon, kundi ang grupo ni Pamela. "Ah, alam ko na. Pinagtataguan mo ba sila?" tanong ng binata na ang mga mat ay nakatuon din sa tila nagkakagulong mga babae. Para hindi na ito mag-isip ay um-oo na lamang siya. Hinanap ng mata niya an

  • She Married the Cold-Hearted CEO   Chapter 52

    Abot-abot ang paghinga ni Maliah dahil sa sobrang takot. Nakasandal ang likod niya sa malamig na pader, ang isang kamay ay hawak ng hindi pa nakikilalang lalaki at ang isa nitong palad ay nakatakip sa bibig niya. Hindi kaya ito ang isa sa lalaking humahabol sa kaniya? Mas lalong bumilis ang tibok ng puso niya sa mga naiisp. Papatayin na ba siya nito? Wala pang isang minutong hawak siya nito'y kung saan-saan na tumakbo ang isipan niya."Paano mo naging asawa ang CEO?"Nanlaki ang mata niya nang maulinigan ang boses. "J-Jacob?" Ang kaninang takot na nararamdaman ang unti-unting napapalitan ng pagkainis."Bitiwan mo nga ako!" Kahit papaano ay nakahinga siya nang maluwag. Ligtas pa rin siya sa kamay ng mafia.Subalit, mas humigpit ang pagkakahawak nito sa braso niya, na naging dahilan para mapangiwi siya sa sakit. "Jacob, nasasaktan ako, ano ba?!"Ipiniksi pa niya ang kamay, ngunit tila bakal na nakapulupot ang palad nito. Isa pang utos ang sinabi niya, ngunit bingi ito, sa halip na biti

  • She Married the Cold-Hearted CEO   Chapter 51

    Natuon ang atensiyon ng lahat nang nagsalita ang emcee. Ang lahat ay inutusang bumalik sa mesa, alam ni Maliah na iniutos yun ng CEO dahil nakatitig ito sa deriksyon niya. Tiyak na nakita nito ang ginagawang pangha-harrass ni Pamela. Hindi na niya pinag-aksayahan ng pansin ang dalagang matiim ang titig sa kaniya, iniwan na niya ito at tumuloy sa kinaroroonan ng mga kasama. Nang makabalik sa puwesto ay saka lang muling nagsalita ang babaing nasa gitna ng stage. In-announce nito ang mga nagwagi bilang most outstanding employees of the year, at ang team nila ang nanalo. Tinanggap ng kanilang head ang trophy, nagbigay din ito speech. Nagpasalamat sa mga namumuno, sa CEO at maging sa kanila. Nakakuha rin ng award ang team ni Limuel, na nasa 'di kalayuan ang puwesto. "Yehey! May award tayo," tili ni Donna. Parang batang ipinadyak pa nito ang paa at pumalak din."Hindi yan ang mahalaga sa akin," anas ni Yna. Ang mata ay seryosong nakatitig sa gawi niya. Mukhang alam na niya ang pinupunto n

Plus de chapitres
Découvrez et lisez de bons romans gratuitement
Accédez gratuitement à un grand nombre de bons romans sur GoodNovel. Téléchargez les livres que vous aimez et lisez où et quand vous voulez.
Lisez des livres gratuitement sur l'APP
Scanner le code pour lire sur l'application
DMCA.com Protection Status