Share

Chapter 2

"Then play a song. That's part of checking a guitar," hamon niya kaya napapoker face ako. Hindi naman kami close ni Torn pero parang matagal na kaming magkakilala dahil sa pag-uusap namin. Ang gaan niya kasing kausap.

"I only know the basic chords," sagot ko.

"That's okay. Just play one," pagpupumilit niya.

"Okay but in one condition," sabi ko at hindi siya sumagot. Hinintay niya lang ang sasabihin ko. "You should play that guitar too," turo ko sa hawak niyang electric guitar.

"But I'm not buying anything."

"Then I'm not playing this now." maglalakad na sana ako papunta sa counter nang magsalita si Torn.

"Okay fine. But you play first," aniya kaya napangisi ako.

"I hope you have one word," I mumbled then started playing the guitar. I played With a Smile by Eraserheads because this is my favorite song. After I played, I looked at Torn and saw his sweet smile, as if I played it so well. "Was that good?" I asked.

"Yes, you're good. Are you sure, you only know the basic chords?" he asked.

"Yea, you know, I don't have a guitar at home. I usually borrow my classmate's guitar whenever they bring theirs to school." natatawang sabi ko. May iilan pa nga na ayaw na akong pahiramin kasi kapag nasimulan ko na tumugtog, bigla na lang daw akong nawawala sa classroom dala ang gitara. The reason why I disappeared was because I don't like to practice in a noisy place. Who wants though? Kaya heto, bumili na ako ng sarili kong gitara. "Oh wait, don't change the topic, Torn. Play that, come on!" pinilit ko pa siyang patugtugin iyong gitarang hawak niya at pumayag naman na siya kahit hindi siya bibili. Kanina pa kasi siya tingin nang tingin ng gitara e. Mukhang marunong siya. No! Crap that! MAGALING SIYA!

Nang matapos siyang tumugtog, halos malaglag ang panga ko dahil sa galing niya. Gusto ko magheadbang bigla. Charot. Nagsitinginan din sa kanya ang mga costumer — malamang, nabigla nang may tumugtog. "Was that good?" natatawang tanong ni Torn habang binabalik ang gitara sa lalagyan nito. Napakamot pa siya ng ulo at mukhang nahihiya siya. Nagsisialisan na rin ang ibang nakakita pero naririnig ko ang bulungan nila na ang galing daw ni Torn.

"Good? Sort of. But you have to practice more, I guess." kinalmahan ko lang ang pagsasalita ko as if I didn't droll when he started playing.

"Thank you. That's what I've been doing at home. But I'm using acoustic than electric," nahihiyang sabi niya at nagsimula na kaming maglakad papunta sa counter. Seriously, he's really shy that's why I can't help myself but to laugh.

"Are you shy?" natatawang tanong ko na pinagtaka niya at hindi man lang siya sumagot. "I mean, don't be shy. I was just kidding you that you have to practice more. You don't need to, Torn. You're as good as rockstar!" sabi ko pa sabay tapik ng balikat niya. Ang tangkad niya e. Nasa 6 feet siguro siya. Ako naman ay nasa 5'8. "Are you a member of a band in Thailand?" tanong ko pa.

Bahagya siyang natawa at umiling. "Too much compliments, Lemon. But I'm not joining a band." sagot niya.

"But why? You have to. If I just have that kind of talent, I will join. As in! Because music for me is my escape. This makes me happy, but this makes me sad as well."

"You wanna learn the different way of playing the guitar?" nakangiting tanong niya kaya agad akong tumango na parang batang excited. Nilapag ko na sa counter ang gitara at binayaran ito.

"I can tutor you if you want?" he asked.

"Seriously?" nakangiting tanong ko habang binabalik ang wallet sa bag ko. Sinakbit ko na rin sa balikat ang strap ng bag ng gitara at saka hinarap si Torn. "We're not friends though. Unless, you want?"

Ngumiti siya at nagkibit-balikat. "Do you like long distance friendship?"

"You mean LDF?" Tanong ko at nagsimula na kaming maglakad palabas ng store. "You're leaving?"

"Yea. I can teach you but in just only a week starting today. My Mom and I went here because she's attending her friend's wedding. And I asked to come because I want to have a short vacation. In fact, this is the first time that I went here in Philippines."

"Vacation? So you're a student?" tanong ko pa at tumango naman siya. "Well, that's kinda obvious. So how old are you now?"

"I'm 18. And you?"

"Same age. I'll be turning 19 this coming December," natatawang sabi ko. Masyado lang talaga akong advance mag-isip. Feeling ko, kapag nagshift na ang taon, malapit na rin ang birthday ko kahit nasa dulo ito mismo ng taon.

"You're also December?" tumango ako. "I was born in December too."

Napalingon ako sa kanya. Naglalakad kami nang mabagal papunta sa kung saan. Malapit na ito sa foodpark e. "Really? We have the same birth month?" excited kong tanong.

"Yea. Between Christmas and New Year." nakangiting sagot niya.

"What the! 28?"

"No." umiling siya. "27. So I guess, yours is 28?"

"Yea. You're one day older than me." pareho na lang kaming natawa. Magkasunuran lang pala ang birthday namin. Ang galing? Did I plan for this? No.

"So how can I contact you?" tanong niya naman at saktong may bumundol sa'kin. Sa sobrang lakas, muntik na akong matumba. Mabuti na lang, nahawakan ni Torn ang braso ko. Aba, gago 'yun ah! Hindi man lang nag-sorry. Ni hindi man lang ako nilingon.

"Aba, makabunggo ka sana sa poste!" inis na sigaw ko pero hindi siya lumingon. Dire-diretso lang siya sa paglalakad at mukhang nagmamadali. Nakablack hoody siya at nakapamulsa dito kaya hindi ko siya nakilala.

"You okay?" tanong ni Torn sa'kin kaya muli ko siyang tiningnan.

"Yea yea, I'm okay. I was just pissed because of that creature!" inis na sabi ko. "Anyway, is it okay if we see each other..." naghanap ako ng p'wedeng waiting area at nakita ko ang foodpark. "There? Tomorrow. If that's okay with you?" pag-iiba ko ng usapan.

"Yea, that's okay with me. Actually, we checked in to that hotel." tinuro niya ang mataas na gusali na hindi nalalayo sa foodpark. Ang lapit lang pala. Hindi niya na kailangan pang bumyahe.

"Oh there. So let's meet in the morning, 9:00? Don't worry, I'm not a late comer. I'll come in time." paniniguro ko at nang humakbang ako pagilid, may natapakan akong papel na nakafold. Pinulot ko ito para tingnan. May print kasing Lemon sa papel. Mukhang para sa'kin.

'I'm watching you.'

Threat na naman? Malamang, galing ito doon sa bumunggo sa'kin kanina.

"You okay again?" tanong na naman ni Torn. Tiningnan niya iyong papel na hawak ko agad ko itong tinupi at nilagay sa bulsa ng uniform ko.

"I'm okay. Anyway, you go to your hotel na," pinilit ko nang pinilit si Torn na umuwi na at hindi ko pinahalatang nag-aalala ako. Ayoko lang kasing may madamay na tulad niya in case something happened to me. Sanay naman na akong makatanggap ng death threat lalo na sina Mama at Papa dahil sa nature ng trabaho nila. Hindi na nga nila inirereport pa sa pulis kasi wala naman daw ginagawa. Puro pananakot lang. Minsan, maglalagay ng bomba sa sasakyan pero hindi naman sasabog. Dati, sinabi ko sa kanila na nakatanggap ako kaya takot na si Mama humawak ng mabibigat na kaso. Muntik pa siyang magresign. I know how she loves her job that's why the second time I received a death threat, wala na akong sinabi. Tinago ko na lang. Lahat ng letter na meron ako, tinatago ko na lang.

Iba nga ako kompara sa mga kaedad ko. Sila, love letter ang natatanggap at tinatago. Ako, threat. Nasasanay na rin ako. 14 pa lang ako, nangyayari na 'to. Pero hindi ko pa rin maalis iyong takot. What if mamatay ako nang maaga?

Kaya hindi ako nagbibigay ng personal info kapag hindi ko kilala. Hindi ko na nga rin binigay kay Torn iyong contact number ko. Inalis ko na rin lahat ng social media account ko kasi noon, pati private messages ko, may mga death threats. Ayoko na silang bigyan ng pagkakataong takutin pa ako. Gusto kong kapag nasa bahay na ako, maging mahimbing na ang tulog ko. I want my home to be my safe place.

Dahil hindi alam nina Mama na nakakarecieve ako ng death threats, hinahayaan nila akong makapunta sa mga lugar na gusto kong puntahan long as nag-iingat ako. Always naman. At hinahayaan nila ako magcommute. Dagdag pollution kasi kapag nagpapahatid-sundo pa ako from school to house. Hindi naman ganun kadalas may magpadala sa'kin ng death threats. Minsan, 5 times a year na lang. Minsan, twice a month. Nasasanay na rin ako.

Nakarating ako sa bahay nang maayos. Na hindi nag-aalala. Wala naman kasing nananakit sa'kin. Puro lang sila pananakot. Malapit na akong maimmune.

Nang buksan ko ang pinto ng bahay, nagulat ako nang may pumutok na something malapit sa ulo ko. Agad akong napatakip ng mga tainga ko habang nakapikit nang mariin. Nanginginig ang buong katawan ko dahil sa gulat. May kaunting ingay akong naririnig at tawanan pero hindi ganun kalakas. Parang nabingi ako.

"Hoy, Lemon! Ayos ka lang? Nagulat ka ba?" natatawang tanong ni Jack nang hawakan niya ako sa balikat ko. Isa-isa kong tiningnan kung sino ang nandito. Sina Jack, Misty at Trina pala na mga kaibigan ko sa college. Nagkalat din ang confetti na pinasabog nila. Unti-unting kumalma ang puso ko nang makita ko silang nakangiti sa'kin pero may pagtataka dahil sa inakto ko. "Congratulations ulit!" masayang bati ni Misty sabay hila sa'kin papunta sa sala at may kaunting mga pagkain doon na mukhang dala nila. Hindi ko pa rin mabawi ang gulat ko. Natakot ako. Akala ko, may bumaril sa'kin.

"Nagulat ka talaga 'no. Ang OA mo dun," natatawang sabi ni Jack kaya napapoker face na ako at tiningnan siya nang masama.

"Seriously, what are you doing here ba?" inis na tanong ko. "At anong congratulations? For what, aber?" agad kong kinuha ang isang cupcake na kulay blue at pinapak ito. Para man lang mabusog ako sa panggogoodtime nila.

"Gusto lang talaga naming mag-overnight dito. Gumagawa lang kami ng excuse," seryosong sagot ni Trina sabay kain ng pizza. Hindi healthy ang handa nila ha!

"What kind of excuse? And why they let you in here?" tanong ko pa.

"Grabe, parang ayaw mo kaming nandito ha. Tara na nga!" umaktong nagtatampo si Misty sabay ligpit ng mga pagkaing nandito sa sala pero mabilis ko siyang pinigilan.

"Stop it, nga. I was just asking. Ginulat niyo 'ko e!" I shouted a little.

"Well well well balong malalim. Pinayagan kami ni Tita kasi sabi namin, ikaw ang may pinakamataas na GWA sa klase kaya kailangan natin mag-celebrate. So here we are na nga! Katatapos lang ng hellweek so we need to relax." sagot ni Jack sabay kumpas ng dalawang kamay para ituro kaming lahat na nandito. "Anyway, kailan ka pa nagkagitara?" tanong niya kaya napatingin ako sa gitarang katabi ko.

"Ngayon lang. We can go out tomorrow, Saturday naman ah." ang aarte talaga nitong tatlong 'to. Buti, pinayagan sila ng parents nila magpunta rito. Si Misty pa naman, strict much ang parents. Nakasched ng 9am ang usapan namin ni Torn kasi iniisip ko na baka biglang magyaya sina Jack pero nauna na pala rito.

"Dito ni Jack gusto para raw makapagpakatotoo siya. Tsaka may date bukas si Misty," sagot ni Trina. Bahagya akong napatango at iniba na ang usapan. Hindi pa kasi naga-out si Jack. Kapag may ibang tao, nagpapanggap siyang straight. Ako ang nahihirapan para sa kanya pero hindi ko naman siya p'wedeng piliting mag-out kasi hindi ko naman pagkatao iyon. At mukhang mahirap nga naman talaga mag-out. Hindi natin alam kung ano ang magiging reaction ng mga tao. Kung may magbabago ba after? Nakakatakot kasi ang pagbabago.

Si Misty naman, hindi pa rin legal ang relationship with her boyfriend. 'Yung parents kasi ni Anthony at parents ni Misty ay may past alitan. Nagkalaban sila sa politika sa lugar nila at hanggang ngayon, magkagalit pa rin. Hindi ko alam kung bakit ang hilig nilang magtanim ng galit. Hindi uso ang move on? I dunno rin what's their past problem but I hope that they ended it ASAP kasi nadadamay sina Misty.

Napagpasyahan naming magpunta sa garden at doon na lang kami nagpicnic. Naglatag lang kami ng mga comforter at naglagay ng mga unan. So here we are, nakahiga sa ilalim ng kalawakan. Kung anu-ano lang ang pinag-uusapan namin.

"Hoy, itali niyo agad!" sabi ko nang makita kong tinapon lang ni Jack sa isang tabi iyong supot ng junk food. Napasimangot siya pero sinunod niya pa rin ako. Masyado kasi akong mahigpit sa kanila when it comes to cleanliness. Kapag kumakain kami sa caf, hindi ko sila hinahayaang umalis sa mesa na hindi namin inaayos iyong table. Ang pangit kasing iwan ang mesang magulo. Tsaka para mapadali na rin ang trabaho ng crew.

"Ikaw, masyado ka nang naiimpluwensyahan ni Fourth, ha!" inis na sabi ni Jack at nilagay niya na sa isang tabi ang mga supot ng pinagkainan namin. Tinatali namin ang mga supot para hindi liparin ng mga hangin in case na kumalat ito sa daan kapag ginulo ng mga pusang panay halukay ng b****a sa b****ahan. At para hindi rin agad mapuno ang b****ahan. But much better if we reduce using plastics kasi sobrang tagal nitong mabulok. Kung susunugin naman, dagdag air pollution pa. Ang init-init na ng panahon today, 'no!

"Buti na 'yun, good influence siya." kontra ni Trina kaya tumango-tango ako habang nakangiti nang todo. Halos maningkit na ang mga mata ko kasi natutuwa ako na siya ang pinag-uusapan namin ngayon. He's my crush e. Mwehehehe!

"Paano naman ni Third?" tanong ni Misty kaya nawala agad ang mga ngiti ko sa mukha. Hays. "Ang tagal niya na gustong manligaw sa'yo ha." dagdag niya pa.

"Why don't you just give it a try kasi!" ani Jack. Okay, ang sama na talaga ng feslak ko ngayon. Ayoko siyang pag-usapan.

"I don't like him nga. And I'm not yet ready to commit. Tsaka ang yabang niya." nakabusangot na ang mukha ko at mas lalo akong nagugutom kaya panay na naman ang kain ko. Medyo narurumihan na nga ang uniform ko kasi hindi pa ako nakakapagpalit ng damit simula nang makauwi ako samantalang sina Jack, Misty at Trina ay nakabihis na. Parang pambahay na nila ang soot nila. May mga dala silang bag na iniwan lang namin sa sala. Wala namang mangingialam dun kasi may CCTV. Mahuhuli rin.

"Baka ganun lang talaga ang ugali niya. Hindi mo pa nga nakikilala. Palakaibigan lang 'yung tao" kalmadong sabi ni Trina.

"Oo nga. Mabait naman siya e. Tsaka kung mayabang, hindi niya kami papansinin, 'no." ani Jack.

"Why not? You guys are nice naman, ah! And don't bugaw me nga doon." naiinis na sabi ko.

"You know conyo friend, hindi ka namin binubugaw. Gusto lang naming maging mabait ka dun sa tao. Halatang pinagtataguan mo e. Nakakahalata rin siya, ayaw niya lang ipahalata." ani Misty. "Magpakatotoo ka nga. Ayaw mo pa magcommit o gusto mo makipagcommit sa iba?"

Huminga ako nang malalim at pilit kinalma ang sarili. Mauubusan ako ng dugo sa mga 'to. "Okay, listen up, guys! Nakakainis lang kasi. Hindi pa talaga ako handa magcommit." ang dami ko pang dapat isipin lalo na 'yang mga death threats na 'yan. "Kasi marami pa akong plano sa buhay. Hindi sila kasali dun. Second, I like Fourth but I don't want to commit. He's just one of my inspiration to be a good person tsaka kakambal siya ni Third. Nagiging sensitive lang ako sa mararamdaman nilang dalawa. Third, ayan, si Third! Nayayabangan ako sa kanya. Sabihan ba naman akong tomboy just because I don't like him? So kapag ayaw sa lalaki, tomboy agad? Can't he realize that I just don't like him?" naiinis na sabi ko.

"Oh..." sabay-sabay nilang sabi at tumahimik na sa pangungulit sa'kin. Wala namang masama sa pagiging tomboy, 'no, same as walang masama sa pagiging babae, lalaki o bakla. Ang sa'kin lang, namimisinterpret niya iyong pagkatao ko dahil lang wala akong gusto sa kanya o ayaw ko sa kanya. Palibhasa, nasanay siyang nakukuha niya lahat ng babaeng nagugustuhan niya. Kaya ayoko sa kanya. Baka isa lang ako sa mga collections niya in case na bigyan ko siya ng chance. Noooo way! Para lang namang ako si Jack. Naooffend din si Jack kapag iniisip ng mga lalaki na gusto sila ng mga bakla. Like duh? Ang kakapal naman ng apog niyo! Hindi naman kagusto-gusto.

"I'll just take a nap," I mumbled as I closed my eyes. I'm so sleepy na kasi tapos sila, ang dami pang natitirang energy para magdaldalan. Buong week yata akong puyat dahil sa exams and other requirements. Iniisip kasi nila, matataas ang grades ko, nageexcel ako sa class. But before I get those, jusko! Hindi nila alam kung ano ang hirap na pinagdadaanan ko sa pag-aaral. Palagi akong puyat, puro kape, hindi makagala with friends. Music lang talaga ang escape ko. Kapag nadidrain na ako sa kakaaral, lumalabas ako ng k'warto at nagpupunta sa piano room para tumugtog. By that, narerelax na ang isip ko.

'Wala akong kasalanan! Wala kayong karapatang ako'y paratangan! Huwag niyo akong husgahan! Ito'y kasalanang hindi ko alam! Wala akong kasalanan! Hangad ko'y katarungan!'

"Lemon? Lemon?"

Nagising ako sa yugyog nina Jack, Misty at Trina. Habol hininga ako kaya napahawak ako sa dibdib ko.

"Binabangugot ka yata," ani Trina pero hindi ako nakakibo.

Bakit ang linaw ng boses niya sa isip ko? Was she asking for justice? Was she shouting at me? Ako ba? Pakiramdam ko, ako ang sinasabihan niya. Nakaramdam ako bigla ng... konsensya?

To be continued... 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status