Ilang segundo pa'y narinig ko ang mabibilis na yabag ni Lino at biglang nasa harapan ko na siya, nakaluhod at nag-aalala na naman.
"Anong nangyari, Liwan?" kinakabahang tanong niya at maski siya'y natatakot na hawakan ako.
Mabagal akong umiling. "W-wala. N-nasagi ko lang," natatakot na sabi ko sabay turo sa candle holder pero hindi siya naniwala kasi halata sa mukha ko na takot na takot na naman ako at nanginginig na naman ang mga kamay ko. "Nandiyan pa siya?" mahinang tanong ko.
"Umalis na siya. Natakot ka ba sa kanya?" mahinahong tanong niya na para bang bata ang kausap niya ngayon.
Lumalambot tuloy ang puso ko kapag pinapakita niya kung gaano niya kagustong alagaan ako. Hindi ko siya deserve. Masyado akong basag para alagaan niya. Baka siya pa ang masugatan dahil sa mga basag ko.
Umiling ako nang mabagal habang nakatingin sa mga mata niya. Hindi naman talaga ako natakot kay Padre Roque. Kamukha niya lang kasi at pakiramdam ko, nauulit na naman.
Habang nagdidilig, tinawag ako ni Agustino. "Mon," aniya kaya napalingon ako sa kanya na ngayon ay naglalakad palapit sa ‘kin habang nakakunot-noo. Napatingin siya sa kanang palad ko. "Anong nangyari riyan?" tanong niya pa at hahawakan niya sana ang kamay ko nang agad ko itong iiwas sa kanya at sakto ring nahawakan ni Lino ang braso ni Agustino.Napaatras ako ng hakbang at hinawakan ang mga kamay kong nanginginig na naman. Hindi maganda para sa ‘kin ang idea na may hahawak sa ‘king lalaki. Hindi ko alam kung bakit. Hindi naman ganito dati."Bakit?" tanong ni Agustino kay Lino."Maaari mo ba akong tulungang kumuha ng tubig sa likod?" tanong ni Lino na tinanguan ni Agustino at nagsimula na silang maglakad palayo sa ‘kin. Isinama rin nila si Lucio. Nilingon pa ako ni Lino na parang nag-alala sa nangyari kaya pinilit kong ngumiti."Anong nangyari riyan?" tanong ni Miranda na nasa tabi ko na pala."Nahulugan ng kandila," sagot ko
"Maaari naman tayo ritong mag-open forum," sabi ko kasi kami-kami na nga lang ang magkakakilala rito tapos mag-aaway-away pa kami. Ang pangit naman nun."Open forum?" kunot-noong tanong nila."Open forum. 'Yung parang, nakabukas ang mesa." tinuro ko ang mesang nasa gitna namin. "Maaari nating ilagay riyan lahat ng nais nating sabihin sa bawat isa. Maaari nating pangalanan o kaya'y hindi basta ang mensaheng sasabihin natin at alam niyang para sa kanya.""Maaari rin bang ilagay riyan ang mensahe ng pagkainis natin sa isang tao?" tanong ni Catalina na tinanguan ko na lang. Napapaos na kasi ako. "Kung gayon, nais ko nang mauna.""Paalam," sabat agad ni Agustino habang natatawa kaya sinamaan siya ng tingin ni Catalina."Hindi ka na nakakatuwa, Valencia," inis na sabi ni Catalina. "Alam ko namang kaya ka nagsusungit dahil akala mo'y sa masusungit ako nagkakagusto, hindi ba?" nakangising tanong ni Catalina."Tama," sabat agad ni Agustino habang tum
"Wala na," mahinang sabi ni Berto."Saan napunta?" tanong naman ni Lino."Napunta na sa pangangalaga ng gobyerno.""Iyan na muna sa ngayon," pagputol ni Lino sa usapan kaya agad akong lumabas sa office at nagkunwareng nag-aayos ng mga upuan.Hindi ko alam kung anong pinag-uusapan nila sa loob kasi iyon lang ang narinig ko at hindi ko naman sinasadyang marinig ang usapang iyon. Dalawang araw nawala si Berto kaya nagtataka na rin ako. Ang layo naman ng pinuntahan niya?"Mon..." sambit ni Berto nang makita ako rito sa sala. Nginitian ko siya."Ang tagal mong nawala. Nabili mo ba iyong pinabibili ni Lino?" I asked.Tumango siya at napatingin sa kanang kamay kong may benda. "Hindi ko agad nahanap kaya nagtungo pa ako sa ibang bayan," kumunot ang noo niya at muling binalik sa ‘kin ang tingin. "Napano ang iyong kamay?""Nahulugan ng lalagyan ng kandila pero ayos na 'to." tinanggal ko ang benda ng kamay ko at pinakita sa kanya ka
"Wala naman. Muntik ko na kasi siyang mabangga kanina dahil sa pagmamadali ko," sabi ni Agustino sabay tingin sa ‘kin. "Hindi ka ba napaano?" tanong niya kaya umiling ako. Napatango siya at agad na tumayo, tila nagmamadali at hindi mapakali. "Maaari ba kitang makausap sa labas?"Hindi pa ako nakakasagot nang magsimula na siyang maglakad palabas kaya no choice ako kundi mag-excuse kay Miranda para sundan si Agustino."May problema ba?" tanong ko.Nandito kami sa gilid ng hardin nila, malayo sa mga tao lalong-lalo na sa mga Guardia Personal. Kapag nakikita ko sila, naghahatid sila ng kilabot sa ‘kin. Naaalala ko kasi iyong mga humabol kay Liwanag."Sabihin mo, bakit kailangan mong magpanggap?" mahinang tanong niya na kinakunot ng noo ko. Napangisi siya at napasuklay ng buhok gamit ang mga daliri niya. "Mon, isa kang babae, tama ba?" mahinang tanong niya pa pero medyo tumataas ang boses niya. Nafufrustrate na ba siya?"Dahil sa kanina ba?"
"Mon," rinig kong tawag ni Josefa kaya napaharap kami sa kanya. "Hinahanap ka na ni Doktor Fuentes. Ikaw rin po, Señor Agustino," dagdag niya kaya sumunod na kami ni Agustino pero bago pa man kami makapasok sa pinto ng bahay ay hinila ko si Josefa palabas habang dire-diretso lang si Agustino sa pagpasok na para bang sarili niya itong pamamahay.Nakasindi na rin ang mga lampara kaya maliwanag na sa loob ng bahay though medyo maliwanag pa sa labas."Bakit, Mon?" tanong ni Josefa nang makababa kami sa hagdan ng bahay."Kahapon... sinabi mo kasing hindi dapat ako hawakan ni Agustino. Bakit?" mahinang tanong ko habang nakakunot ang noo. Napalunok siya at umiling. Mukhang kinakabahan siya at hindi rin makatingin sa ‘kin nang diretso. "Josefa," sambit ko."Kasi... alam ko nang ikaw si Binibining Liwanag," nahihiyang sabi niya dahilan para maistatwa ako sa kinatatayuan ko.Expected ko nang ito ang magiging sagot niya pero umaasa pa rin akong w
Hindi pa ako tuluyang nakakalayo kay Josefa nang mahabol niya kaagad ako."May sasabihin lamang ako sa iyo, Mon," nahihiyang sabi niya na kinakunot ng noo ko. "Napansin ko kasing may hindi tama sa iyong mga kilos bilang isang Binibini.""Ano 'yun?"Ngumiti siya na parang nahihiya. "Marahil ay isa rin sa iyong nakalimutan. Hindi dapat diretsong tumingin ang isang Binibini o Binata sa isa't-isa kung walang namamagitan sa kanila dahil hindi iyon katanggap-tanggap. Hindi tayo maaaring hawakan ng binata kung hindi natin sila asawa. At... iyang mga paa mo, kitang-kita.""Bawal ba 'yun?" natatawang tanong ko. Napakaconservative naman nila."Oo, Mon," tumatangong sagot niya. "Iyon ang natutunan ko kay Señorita Catalina noong ako'y naninilbihan pa sa kanya."Oh no! Naalala ko iyong paghawak ko sa paa ni Catalina noong natapilok siya. LMAO. Kaya pala ganun niya na lang ako paluin ng pamaypay niyang malaki. Gosh! Medyo natawa ako at napailing da
Masyadong kakaiba para sa akin lahat ng nangyayari dito pero natutuwa ako kasi nang mapadpad ako sa panahong 'to, naramdaman ko kung gaano kasaya ang maging Pilipino. Fiesta ngayon at sobrang dami ng tao sa paligid. Tapos makukulay pa ang bandiritas na nakasabit sa itaas ng dinadaanan namin. May kaba sa ‘kin na baka isa sa kanila ang nakalaban ni Liwanag pero hindi maikakailang ang saya nilang tingnan.Lahat nakangiti, halos magkakakilala, nagbabatian. Wala kasi silang hawak na gadgets na nakakaagaw ng atensyon nila. Hindi sila mga nakayuko habang may kausap na iba. But of course, cellphones and other gadgets were made for communication purposes naman."Nais mo bang bumaba?" tanong ni Lino sa ‘kin nang makita akong sumisilip sa kurtina ng karwahe. May kurtina na kasi ito para raw hindi makita ang nakasakay sa loob. Which is me. "Maraming magtatanghal mamaya."Napalingon na ako sa kanya at nakangiti siya ngayon habang nakatingin sakin. Naalala ko tulo
"Tila naging maganda na ang iyong pakiramdam, Mon," puna ni Miranda na nilapitan ako rito sa labas ng bahay.Nasa sala sina Señor Manuel, Señor Galicia, Señor Magnus, Señora Rosana at Lino na umiinom ng tea ngayon. Nandun din si Berto at Agustino at kanina, nandun din kami ni Miranda pero nagpasintabi ako na hindi naman nila napansin kasi busy silang lahat. Maliban kay Lino na gusto sanang sumunod kaso pinigilan ako.Magtatanong lang 'yun kung kamusta ako at sinabi ko na sa kanya na gusto ko lang magpahangin sa labas dala itong tea ko."Bakit nandito ka sa labas? Baka hanapin ka dun," sabi ko at bahagyang sinilip sina Lino na nasa loob. I can't hear what they were talking about but based on their looks, seryoso na iyon."Abala sila sa isa't-isa. Hindi nila napansin na umalis ako," natatawang sabi niya habang nakatakip ang panyo sa bibig.One thing I learned during my stay here was, women used to cover their mouth wheneve