Share

Chapter 40

Magtatakipsilim na nang umalis sina Miranda at Agustino at hanggang dinner namin, napag-uusapan namin si Liwanag.

"Ang usap-usapan sa talipapa'y hindi naman talaga kilala rito si Binibining Liwanag. Nabantog lamang siya dahil sa mga naglibot na Guardia Civil," ani Maria.

"Nang dumalo kami ni Berto sa kaarawan ni Catalina, hindi naman napag-uusapan doon si Liwanag. Mukhang nakalimutan na nila. Maski ang isang Prayleng nakakakilala kay Liwanag, parang nakalimut na rin," sabi ko. Ayoko nang maungkat ang kasong 'to. Gusto kong hayaan nila akong mag-isang lutasin 'to. Ayoko munang ipaalam sa kanila ang kasinungalingan ko. One problem at a time.

"May nakakakilala kay Liwanag sa inyong pinuntahan?" gulat na tanong ni Lino at tumango kami ni Berto.

"Isang Prayleng mas maliit ng kaunti kay Padre Roque ngunit mukhang mas mabait siya kumpara sa nabanggit kong Prayle," natatawang sabi ni Berto. "Nais ko lamang sana itanong, Mon. Saan ka ba nanggaling kahapon at bigla

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status