Share

Chapter 24 – Between Two Fires

Author: sweetjelly
last update Last Updated: 2025-08-31 23:16:38
Ayaw ko man pero hindi ko maiwasang mapatitig sa kanya. Mas humakbang pa siya palapit sa akin. Napaatras ako.

“May kinunsulta…” Sasagot na sana ako pero natigil. Bigla kasing bumukas ang pinto ng lobby.

Pumasok ang isang lalaki. Si Jyrone, may hawak na bouquet ng lilies, ngiting-ngiti na para bang ang saya niya nang makita ako.

Para naman akong binuhusan ng malamig na tubig. Hindi ako makagalaw, nanlaki lang ang mga mata ko nang iabot niya sa akin ang mga bulaklak.

“Hi, Anessa,” sabi niya, puno ng tuwa ang tinig.

“Jyrone? Anong ginagawa mo rito?” halos pabulong kong tanong. Tinanggap ko ang bulaklak at niyakap ’yon.

“It’s been two weeks since the party…” Nag-pause siya sandali, at ngumiti. “I missed you…” Titig na titig siya sa akin habang nagsasalita.

Para namang nanuyo ang lalamunan ko. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin. Pinagtitinginan na kasi kami ng dumadaan.

“I want to be with you… have dinner with you.”

Ayon na naman ang bahagyang ngiti niyang parang laging nang-aakit. P
sweetjelly

Tuloy-tuloy po tayo. And'yan pa ba kayo?

| 5
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (2)
goodnovel comment avatar
Irene Merced Laxamana
pls wait lng po jyrone kc iddivorce niya nman c Bart n walang puso at puro lng pagkukunwari at psakit.
goodnovel comment avatar
Nan
Rpaliwanag mo kay Jerome ang tungkol sa inyong relasyon ni Bart na kasunduan lang ng mga magulang ang inyong kasal
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • She Was My Wife, Never My Love—Until I Lost Her...   Chapter 28 – Fractures at the Hacienda

    BARTPara akong nahimasmasan nang maramdaman ang marahang haplos sa likod. Napasinghap ako. Sandaling natigilan, at sa isang iglap, sumilay ang ngiti sa labi ko.Naisip ko kasing si Anessa ang nasa likuran ko. Bumalik siya. Mahal nga niya ako, kahit ilang ulit ko siyang tinulak, kahit gaano kalamig pa ang pakikitungo ko at kahit itinuring ko lang siyang secretary, hindi niya ako kayang iwan.Hinanda ko ang ngiti ko. Lumingon, pero laking dismaya ko nang hindi siya ang nakita ko. Si Kyline.Para akong nanlata. Nanghina ang mga tuhod ko. Nawala rin ang matamis na ngiting hinanda ko.“Bart?” Bakas ang pagtataka sa mga mata ni Kyline. “What’s wrong? Who are you looking for?” Napalinga-linga siya.Umiling lang ako. Wala akong lakas sumagot. Lumakad ako palayo, mabagal. Wala akong panahon na sagutin ang tanong niya.Patakbo naman siyang sumunod. Humawak siya sa braso ko, diniin ang pisngi niya roon—isang gesture na pamilyar, matagal nang ginagawa niya. Na laging hinahayaan ko lang, kahit hi

  • She Was My Wife, Never My Love—Until I Lost Her...   Chapter 28– The Weight of Two Envelopes

    Mahigpit ang hawak ko sa dalawang sobre. Pero ang tingin ko ay nasa pinto kung saan lumabas si Anessa. Gusto ko siyang pigilan. Gusto ko siyang kausapin, pero wala akong lakas ng loob. Pakiramdam ko, wala akong karapatan.Napatingin ako sa dalawang sobreng hawak ko. Ang gaan lang nito, pero pakiramdam ko ang bigat. Parang sumikip ang dibdib ko sa bigat ng mga salitang nakasulat roon.Mas matagal akong napatitig sa puting sobre—’yong binuksan ko kanina, ’yong iniabot ng mailman sa condo. Hindi ko man lang binigyan ng pansin. Akala ko isa lang ’yon sa mga summon ng project na palpak na naman. Initsa ko lang sa corner table at agad umalis.Ngayon, halos makuyumos ko na ang sobre. Paulit-ulit kong nahagod ang buhok ko, parang gusto kong bunutin lahat para lang maibsan ang bigat na nararamdaman.Hindi ko alam kung anong mas mabigat—ang laman ng sobre o ang katotohanang iniwan na ako ni Anessa. Magtatapos na ang lahat sa amin. Napangiti ako nang mapait. Dapat masaya ako. Kasi tama naman si

  • She Was My Wife, Never My Love—Until I Lost Her...   Chapter 27 – Two Letters, One Freedom

    Palabas na sana ako ng kwarto nang may kumatok sa pinto. Pero napahinto na lang ako sa bungad nang makita ko si Bart na naglakad papunta roon. Bahagya pa siyang lumingon sa akin, mabilis lang, saka agad binuksan ang pinto.Kita ko na isang mailman ang nasa pinto, may iniabot na sobre. Natanaw ko pa sandali na may pinirmahan si Bart, pero bago pa matapos, bumalik na ako sa loob. Wala na akong balak makialam, o alamin kung ano ’yong sulat na natanggap niya.Nagbihis ako. Walang pagmamadali. Saglit akong humarap sa salamin at ngumiti. Buo na ang desisyon ko—ano mang mangyari, isusumite ko na ang resignation letter ko.Napalingon ako sa maliit na luggage sa gilid ng closet. Ang huling maleta ko na naglalaman ng natitira kong gamit.Paglabas ko ng kwarto, wala na si Bart. Gaya ng nakasanayan ko, katahimikan ang bumungad. Napangiti naman ako. Ito rin kasi ang gusto ko—ang umalis nang walang gulo, walang argumento, walang sagabal.Nilibot ko muna ang paningin sa buong silid na naging saksi s

  • She Was My Wife, Never My Love—Until I Lost Her...   Chapter 26 – I Waited Long Enough

    Sa lamesang ilang buwan ko ring kasama, nakapatong ang isang sulat na magbabago ng lahat. Nanginginig ang mga kamay ko habang dinadampot ang papel. Paulit-ulit kong binasa ang mga linyang isinulat ko.Sir,Please accept this letter as formal notice of my resignation, effective two days from the date of this letter.I have served this company with dedication and loyalty, just as I have served my position beside you.But I have waited long enough. Waited for acknowledgment. Waited for respect. Waited for love I thought would grow—if I just held on a little longer.I now understand that no title, no proximity, and no loyalty can ever earn something that was never freely given.Thank you for the opportunity to be part of Divenagracia Enterprises.Sincerely, Anessa LacosteBahagya akong natawa matapos basahin iyon. Hindi lang ito resignation letter para sa trabaho. Para na rin itong pagbibitiw ko bilang asawa ni Bart.Alam kong hindi tama na isama ang personal na isyu sa trabaho, pero b

  • She Was My Wife, Never My Love—Until I Lost Her...   Chapter 25 – Kiss of Fury

    Hindi na pinilit ni Jyrone ang tanong tungkol kay Bart at sa akin. Para bang pinili niyang hayaan akong magsalita nang kusa kaysa siya ang bubungkal sa sugat na tinatago ko.“Lagi mo lang tandaan na nandito ako. Handang intindihin ka, damayan, at tulungan sa lahat ng bagay. Gano’n kita kamahal…”Tahimik lang akong nakinig, parang nakabitin ang hininga, at sa huli, ako na mismo ang nag-aya. “Uwi na tayo. Gabi na.”Agad siyang tumayo. Ever the gentleman, inalalayan niya akong tumayo, hinawakan ang siko ko para igiya palabas ng restaurant hanggang sa parking. Pinagbuksan niya ako ng pinto ng kotse. Sumakay ako, wala pa ring imik, nakatanaw lang sa labas ng tinted window. Tulala.Hindi pa rin nawawala sa isip ko ang mga salitang narinig ko kanina mula sa kanya.Nalilito rin ako. Dapat ko na bang aminin ang totoo tungkol sa amin ni Bart? O itatago ko pa rin ang katotohanang ’yon sa kanya?Narinig ko ang pagbukas ng driver’s seat. Napalingon ako. Pumasok si Jyrone, may ngiti sa labi, na par

  • She Was My Wife, Never My Love—Until I Lost Her...   Chapter 24 – Between Two Fires

    Ayaw ko man pero hindi ko maiwasang mapatitig sa kanya. Mas humakbang pa siya palapit sa akin. Napaatras ako. “May kinunsulta…” Sasagot na sana ako pero natigil. Bigla kasing bumukas ang pinto ng lobby.Pumasok ang isang lalaki. Si Jyrone, may hawak na bouquet ng lilies, ngiting-ngiti na para bang ang saya niya nang makita ako. Para naman akong binuhusan ng malamig na tubig. Hindi ako makagalaw, nanlaki lang ang mga mata ko nang iabot niya sa akin ang mga bulaklak.“Hi, Anessa,” sabi niya, puno ng tuwa ang tinig. “Jyrone? Anong ginagawa mo rito?” halos pabulong kong tanong. Tinanggap ko ang bulaklak at niyakap ’yon. “It’s been two weeks since the party…” Nag-pause siya sandali, at ngumiti. “I missed you…” Titig na titig siya sa akin habang nagsasalita.Para namang nanuyo ang lalamunan ko. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin. Pinagtitinginan na kasi kami ng dumadaan. “I want to be with you… have dinner with you.”Ayon na naman ang bahagyang ngiti niyang parang laging nang-aakit. P

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status