LOGIN"Asawa niya ako, pero hindi kailanman minahal." Sa loob ng isang taon, tiniis ni Anessa ang malamig na pagtrato ni Bart Divinagracia—ang CEO na asawa niyang itinuring siyang wala. Isang kasal na itinali ng obligasyon, hindi ng pag-ibig. Isang pusong tahimik na nasasaktan, umaasang mamahalin din siya balang araw. Pero hanggang kailan siya maghihintay? Nang siya’y tuluyang iwan, doon lang napagtanto ni Bart ang halaga ng babaing dati’y hindi niya pinansin. Ngayon, handa siyang bawiin ang pusong sinayang niya—pero may babalikan pa ba kaya siya? O huli na ang lahat?
View MoreJYRONENapangiti ako habang nakatingin kina Anessa at Bart na karga-karga ang kambal. Ang saya-saya nilang isinasayaw ang mga bata. ’Yong tawa nila, abot hanggang mata. Kita mo agad na totoo ang kasiyahan nila.At masaya akong naging bahagi ng lahat… Naging saksi sa malungkot at masayang yugto ng buhay nila, at masaya rin akong naging ninong ng kambal.Binyag ng mga bata kanina, kaya heto, nandito kami sa mansyon nila Bart. Nagtipon-tipon ulit kami matapos ang anim na buwan.Ang laki na ng mga bata. Parang kailan lang, ang liit-liit pa nila. Ngayon, ang bibibo na. Mas malakas pa ang tawa nila kaysa tugtog mula sa speaker.“Jyrone…”Napalingon ako nang marinig ang boses na ’yon. Boses ni Ferly.Isa rin siya sa mga ninang. Dahil siya ang OB ni Anessa, naging close na rin sila sa isa’t isa.“Anong ginagawa mo rito?” tanong niya habang nakatanaw din kina Bart at Anessa.“Nagpapahangin lang… in-enjoy ang magandang tanawin.”Ngumiti siya at sumandal sa railing katabi ko. “Magandang tanawin…
BARTNanginginig ang mga kamay at tuhod ko habang nakatayo sa harap ng malaking pinto. Hindi ko alam kung ilang beses ko nang nabigkas ang salitang “Diyos ko, gabayan mo ang asawa ko. Sana ligtas sila…”Ito na kasi ‘yon, ang araw na pinakahihintay namin—ang araw ng panganganak niya.Kanina pa siya sa loob. Kanina pa ako naghihintay na makarinig ng iyak. Pero dalawang oras na ang lumipas, wala pa rin akong naririnig.“Bart… umupo ka nga muna…” sabi ni Mama Bettina. Katabi niya si Mama Anelita na katulad ko ay tahimik ding nagdadasal.Rinig na rinig ko ang sinabi niya, pero parang lutang ako na hindi ‘yon maintindihan. Puro si Anessa at ang kambal ang laman ng utak ko.“Relax ka lang, Bart,” sabi na naman ni Mama Bettina. “Paano po ako mag-relax, dalawang oras na…” Nahagod ko ang buhok ko. “Kakayanin ni Anessa… malakas at matapang ang anak ko,” sabi ni Mama Anelita.Tama… malakas at matapang si Anessa. Pero kahit na, hindi ko pa rin maiwasan na mag-alala. I did my research, alam kong m
ANESSA“Good morning, Mrs. Divinagracia…” Napangiti ako nang marinig ang boses ni Bart. Medyo paos, pero malambing. Ramdam ko ang braso niya sa dibdib ko, mabigat pero ang sarap sa pakiramdam. Ito kasi ang unang araw na magising ako bilang Mrs. Divinagracia, hindi lang sa pangalan, kundi sa puso niya.“Good morning, Mr. Divinagracia,” bulong ko pabalik at humarap sa kanya.Medyo antok pa ako kanina, pero ngayong nakita ko na ang gwapo niyang mukha—gising na gising na ako. Ngumiti siya, kumislap rin ang mga mata gaya ko.“Binuhat mo na naman ako kagabi?” tanong ko habang nililibot ang paningin sa buong silid.“Yeah… ang peaceful ng tulog mo, kaya hindi na kita ginising…” Dinampian niya ako ng mabilis na halik sa labi at saka umupo sa gilid ng kama, hinaplos ang tiyan ko. “Go back to sleep. Alam kong pagod ka… kasi ikaw ang nagmaneho kagabi…”“Bart!” Hinampas ko siya. Pero pilyong ngiti lang ang sagot niyang humihimas na sa hita.“Ang galing mong magmaneho… alam mo ba ’yon?”“Tumigil k
ANESSAKita ko sa gilid ng mga mata ko na lumapit na rin ang ibang mga bisita. Sumasayaw na rin sila, pero kami ni Bart, parang nalulunod pa rin sa sarili naming mundo.Ni saglit, hindi maalis ang tingin namin sa isa’t isa. Hindi rin maalis ang mga ngiti. ‘Yong para bang hindi kayang sukatin ang saya na pareho naming nararamdaman.Maya maya ay inilapit niya ang mukha niya sa tainga ko.“You look unreal tonight,” bulong niya, sakto sa pagdampi ng mainit niyang hininga sa pisngi ko.“Are you saying I don’t look real on normal days?” pilya kong tanong.Tumawa siya. “I’m saying, you don’t look like you belong to this world.”“Gano’n? Eh, saan ako belong?”“With me… in my world… in my heart, my love…”Napaangat ako ng ulo. Pakilig ‘tong asawa ko… Nakagat ko tuloy ang labi ko. “Masyado ka nang cheesy… baka maihi ako…”“Ayos lang, maihi ka lang… kasi mamaya, sa honeymoon natin, hindi mo na magagawa ‘yan…”“Hoy, Bart!” gigil kong sita, sabay kurot ng palihim. “Wala nang ibang laman ‘yang utak
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Ratings
reviewsMore