Ang mag-asawa, dapat may pagmamahalan. Kahit kaunti lang, sapat na sana para simulan ang araw. Pero sa amin ni Bart, ni pormal na kasunduan nga sa setup ng lihim naming kasal, wala. Ang tanging malinaw lang ay ang katahimikan. Isang katahimikang unti-unting pumapatay sa natitira kong pag-asa.Sa opisina, perpektong CEO si Bart—professional, sleek, commanding. Walang espasyo para sa drama. Lalo na para sa personal na emosyon. Lalo na kung tungkol sa akin. Ako, na sa paningin ng buong kumpanya ay isa lamang ordinaryong empleyado.“Miss Lacosta, recheck the minutes from last week’s board meeting. I don’t want a single typo,” malamig niyang utos, ni hindi man lang ako tiningnan. Wala rin siyang paliwanag kung anong late meeting ang inatenan niya kagabi, o kung bakit isang linggo na siyang hindi umuuwi. At wala rin naman akong karapatang magtanong.“Yes, sir,” mahinang sagot ko. Kagat ko ang dila, pilit pinipigilan ang sarili. Kahit asawa niya ako, hindi ako pinahihintulutang makialam. Ba
Last Updated : 2025-07-31 Read more