MasukSi Mauren ay tila nahihirapang magsalita habang nakatingin sa seryusong mukha ni Diego. Para bang naghihinatay ito ng isang malinaw na kasagutan habang pinagmamasdan siya. Hindi naman sa ayaw niya, ngunit dahil sa napakabilis na pag-unlad ngayon ng larangan ng INTELEX.
Anim na taon na siyang nawala sa industriya, natatakot siyang hindi na niya maabutan ang mabilis na pag-unlad ng panahon, at lalong hindi na niya kayang pangunahan ang lahat tungo sa pinaka asenso ng industriya tulad na lamang ng dati.
Matagal na panahon na ring pala noong huling nagkita sina Diego at Mauren. Pero sa isang beses na muling nagkita sila, napansin niya ang pagiging kakaiba nito, kumpara sa babaeng masigla na nakilala niya noon.
Nang maisip niya ang isang Mauren noon, hindi niya inakala na darating ang araw mararananasan pala ng babaeng ito ang pakiramdam ng pagiging hindi karapt-dapat.
Wala ring kaalam-alam si Diego patungkol sa kasal nila ng lalaking si Samuel.
Ngunit may kaunting kaalaman siya sa katotohanan. Bagama't may mga hinala siya, pinili niyang huwag na lamang itong ipahayag. Sa halip, sinabi niya kay Mauren nang may pagkaseryoso: "Hindi hadlang ang pagiging huli, ang iyong kakayahan ay natatangi. Mauren, hanggat may pagnanais ka pang magpatuloy, hindi pa huli ang lahat." mahinahong wika ni Diego.
"Tandaan mong ikaw ang pinakanagpasaya sa akin bilang guro sa lahat ng taon kong pagtuturo." dagdag pa nito.
Nakinig si Mauren at bahagyang ngumiti, "Kung maririnig ito ng guro, natatakot ako na tatawanan niya lang ako at sasabihin na napilitan siyang maging pinakamataas sa mga mababa." Aniya.
Nang maisip niya ang elegante at matalas na dila ng kanyang dating guro, bahagyang nawala ang mga ngiti sa labi ni Mauren, "Nakita ko nga pala sa balita, na bumalik din ang guro para makilahok sa selebrasyon. Kumusta na kaya siya?" tanong niya.
"Maayos naman, pero kaming mga estudyanteng laging nagpapahiya sa kanya, ay panay ang paglitaw sa harap niya kaya labis ang pagkainis niya." birong sabi pa ni Diego.
Napatawa ng malakas si Mauren, isang tawa na puno ng lungkot at paggunita. Naalala niya ang mga araw na puno ng presyon, ang mga araw na kailangan niyang magsulat ng mga papel sa ilalim ng kanyang mahigpit na patnubay ng kanyang mentor.
"Bumalik ka na, Mauren." bulong ni Diego ang kanyang mga mata ay puno ng pag-aalala.
Mahigpit na nakahawak si Mauren sa kanyang tasa ng tsaa, malalim na humugot ng hininga at marahan niyang sinabi, "Okay, sige."
Mula sa pagkabata, si Mauren ay nakatuon na lagi sa pag-aaral ng INTELEX isang larangan na tunay niyang minamahal.
Mahigit anim o pitong taon na ang nakalipas mula nang iniwanan niya ang kanyang mga ideyal, lahat para sa kanyang pag-ibig kay Samuel.
Ang kanyang pagkawala sa loob ng anim o pitong taon ay nagdulot ng malaking agwat na kailangan niyang bawiin. Ngunit, nanatili ang kanyang paniniwala na sa pamamagitan ng masigasig na pagsusumikap, lahat ay maayos sa tamang panahon.
"Kailan ka ulit babalik?" tanong muli ni Diego.
"Kailangan ko pa kasing maipasa ang aking trabaho sa iba, kaya't natatakot akong medyo matagalan pa." mahinahong sagot naman ni Mauren.
Naisip rin ni Diego na hindi rin naman niya kailangang magmadali, gayun pa't ano mang oras ay makakabalik si Mauren.
Nagkwentuhan pa sila ng ilang sandali. At maya-maya, tinignan ni Diego ang kanyang orasan at sinabi, "May ipapakilala sa akin ang mga nasa baba, isang henyo sa sistema. Sabi nila, kakauwi lang daw nito sa Buenavista mga ilang araw na ang nakaraan. Meron kaming appointment ngayon, dahil nandito kana rin, sasama ka ba para kilalanin siya?"
Umiling si Mauren, "Hindi ko kasi alam kung sino yung mga tao sa ilalam mo, siguro sa susunod na lang." aniya.
Tumango si Diego at eksaktong pag-alis niya, nakita ni Mauren ang kapatid ni Samuel na si Arlene, na papalapit.
Nakita na rin niya ito sa isang balita, pero mas hindi inaasahan ni Mauren na makita niya ito ng hindi sinasadya. "Arlene." masayang pagbati ni Mauren.
Hindi agad sumagot si Arlene ng makita siya nito, at bahagyang nakatitig lamang ito sa kanya ng may pagdududa, "Anong ginagawa mo dito?" matigas na wika ng babae.
"Ipinagdiriwang ngayon ang anibersaryo ng St. Veritas, uhm... bumalik lang ako para tumingin." sagot ni Mauren.
Kung hindi iyon binanggit ni Mauren, malamang na nakalimutan na ni Arlene na siya rin ay nakapagtapos sa St. Veritas University.
Pero bukod sa mga guro at mag-aaral, ang bumalik sa paaralan ngayon ay karamihan mga pangunahing honorary alumni na inimbita ng paaralan.
Bakit nga ba naroon si Mauren, isang hamak na ordinaryong tao lang naman, para sumama sa kasiyahan? Bahala na nga. Bulong sa sariling isipan ni Arlene.
Hanggat hindi siya nagsasalita ng mga bagay na hindi nararapat, at nakakahiya sa pamilyang Varron, walang dapat na ikatakot si Arlene.
Ngunit habang iniisip iyon, at derikta niyang sinabi, "Nabanggit sa akin ni Khel, nagustuhan niya ang luto mo. Papupuntahin ko siya sayo at kay Samuel mamaya." wika ni Arlene.
Ang batang si Khel ay anak ni Arlene, at mas matanda ito ng isa o dalawang taon kay Aleya.
Sa katanuyan, hindi maganda ang relasyon nila ni Arlene at ng kasulukuyan nitong asawa. Sa nakaraang ilang taon, abala si Arlene sa trabaho at bihira niyang maalagaan ang kanyang mga anak. Dahil dito, lalong naging suwail ang mga anak nila sa nakalipas na dalawang taon, at nahihirapan na siyang kontrolin ito ngayon.
Kaya't noong nalaman ni Arlene na gustong-gusto ng anak niya ang luto ni Mauren, sinusubukan niyang ipadala ito sa kanila ni Samuel sa tuwing may pagkakataon sa nakalipas na dalawang taon.
Maliban na lang sa matandang ginang, walang sinuman sa pamilyang Varron ang seryoso sa kanya. Ang mga batang nagdadalaga't nagbibinata ay madaling matuto sa ibang tao.
Kinabukasan.Nang makarating si Samuel sa kompanya, nakasalubong niya si Mauren. Hindi pa alam ni Mauren na nagbalik na pala sa Valencia ang lalaki kasama ang anak nilang babae.Biglang napatigil si Mauren nang makasalubong niya ang lalaking sa loob ng kumpanya, at ganoon din si Samuel, ang inakala nga niya'y kakabalik lang nito galing sa isang business trip kaya't hindi na ito nag-isip pa ng kung ano-ano.Walang anumang makikitang ekspresyon sa mukha ni Samuel, sa halip ay agad siyang dumiretso sa silid ng kanyang opisina, parang isang estranghero lamang ang tingin niya kay Mauren.Kung nuon, talaga namang magugulat at magugulat pa si Mauren sa biglaang pagbalik nito sa Valencia.Ngunit sa sitwasyong kung saan kahit hindi niya magawang yakapin ang lalaki, tititigan pa rin niya ito ng masaya at masigla, habang ang mga mata'y puno ng pagmamahal sa kanya. Kahit malamig ang pakikitungo ni Samuel sa kanya, ngingitian pa rin niya ito at babatiin niyang "Magandang umaga." Ngunit ngayon, ha
Kahit na gustong-gusto ng anak ni Arlene ang luto ni Mauren, sa kanyang puso, minumukha siya nitong isang katulong. Halos utusan lamang siya ng bata, na parang isang yaya.Noon, dahil kay Samuel, mabuti ang pakikitungo ni Maurene sa anak niya. Hindi niya nga pinapansin ang kawalang galang ng bata. Ngunit dahil sa nakapaghanda na si Mauren sa diborsyo nila ni Samuel, ayaw na niyang magkompromiso para sa kanya.Kaya diretsyong tumanggi si Luna at sinabi, "Pasensya na Arlene, ngunit wala akong bakanteng oras bukas." Isang malinaw at matatag ang kanyang mga salita.Dahil babalik na siya sa kanyang propesyon, mas ilalaan niya ang lahat ng kanyang oras para sa hinaharap na negosyo.Kahit na si Samuel man o si Arlene, ay wala na siyang pakialam sa kanila pagkatapos ng diborsyo. Wala na siyang balak pang sayangin ang kanyang oras para sa kanila.Gayunpaman, hindi inaasahan ni Arlene sa unang pagkakataon ay tatanggihan siya ni Mauren.Sapagkat noon, pinilit ni Arlene na ibaba ang kanyang sari
Si Mauren ay tila nahihirapang magsalita habang nakatingin sa seryusong mukha ni Diego. Para bang naghihinatay ito ng isang malinaw na kasagutan habang pinagmamasdan siya. Hindi naman sa ayaw niya, ngunit dahil sa napakabilis na pag-unlad ngayon ng larangan ng INTELEX.Anim na taon na siyang nawala sa industriya, natatakot siyang hindi na niya maabutan ang mabilis na pag-unlad ng panahon, at lalong hindi na niya kayang pangunahan ang lahat tungo sa pinaka asenso ng industriya tulad na lamang ng dati.Matagal na panahon na ring pala noong huling nagkita sina Diego at Mauren. Pero sa isang beses na muling nagkita sila, napansin niya ang pagiging kakaiba nito, kumpara sa babaeng masigla na nakilala niya noon.Nang maisip niya ang isang Mauren noon, hindi niya inakala na darating ang araw mararananasan pala ng babaeng ito ang pakiramdam ng pagiging hindi karapt-dapat.Wala ring kaalam-alam si Diego patungkol sa kasal nila ng lalaking si Samuel.Ngunit may kaunting kaalaman siya sa katotoh
Iyon ang unang beses na hinanap ni Aleya ang kanyang ina sa loob ng maraming araw. Hindi niya napigilan ang kanyang sarili, at naisip niyang tawagan ang kanyang ina.Ngunit pagkadayal palang niya sa numero ng kanyang ina, bigla niyang naisip ang palalapit na pagkikita ng kanyang Tita Monica. Biglang naalala niya ang ugali ng kanyang ina, at tiyak na hindi siya papayagan nito na makipagkita sa Tita Monica niya.Maaring hindi na niya makikita ang Tita Monica niya tulad ng dati. Nang maisip iyong ni Aleya, biglang nagbago ang mood niya.Sa lungsod ng Valencia ay maaga palang tulog na si Mauren.Ginising siya ng isang tawag mula sa anak niyang babae. Pagkagising niya, akmang sasagutin na sana niya ito ng biglang binaba ng bata ang tawag nang may galit.Kahit na isinuko na ni Mauren ang pag-aaruga sa bata kay Samuel ayon sa kasunduan ng kanilang diborsyo, ay hindi maitatangging anak pa rin niya ito, at may pananagutan parin siya dito.Malaking pagkabahala ang naramdaman ni Mauren sa kanyan
Ngunit ang hindi nila alam na ang ama ng kanyang anak ay ang pinakapunong tagapamahala ng kanilang kumpanya.Pagkatapos ng trabaho noong gabi, pumunta si Mauren sa pamilihan at bumili ng ilang gulay at ilang halamang itatanim na iuwi.Pagkatapos kumain ng hapunan, naghanap at nagbasa siya sa internet ng mga balita tungkol sa pagtatanghal ng mga makabagong teknolohiya.Matapos itong tingnan, tumawag siya sa telepono at sinabing: "Maaari po bang maglaan ng tiket para sa akin sa pagtatanghal ng teknolohiya sa susunod na buwan?""Sigurado ka ba?" malamig na tugon mula sa kabilang linya. "Dalawang beses ka na ring humiling na magtabi ako ng tiket para sa iyo noon, ngunit hindi ka naman dumating. Marami ang nagnanais na makakuha ng mga tiket na iyan, at sayang lamang ang mga iyon dahil sa iyo."Ang taunang pagtatanghal ng teknolohiya sa Valencia ay isang malaking pangyayari sa larangan ng teknolohiya, at hindi ito nakukuha ng sinuman lamang.Nakakuha rin ang kanilang kumpanya ng ilang puwes
Sa kabilang panig naman.Halos tapos na sa pagkain ng almusal ang mag-ama.Kahit alam ni Samuel na halos araw-araw ay tumatawag si Mauren sa kanilang anak sa ganitong oras, hindi naman siya laging nasa bahay, at wala rin siyang gaanong inaalala o pinapahalagahan tungkol dito.Ngunit ngayong araw, ay hindi tumawag si Mauren. Napansin agad ito ni Samuel ngunit wala pa rin itong halaga sa kanya. Pagkatapos kumain ng almusal, umakyat siya sa itaas upang magpalit ng damit.Para naman kay Aleya, lalong nagiging masyadong madaldal at mahaba ang usapin nila ng kanyang ina, kaya unti-unti na ring nawawalan siya ng gana na makipag-usap dito sa telepono.Dahil huli na at hindi pa rin tumatawag si Mauren, naisip niyang baka may ginagawa o may inasikaso itong ibang bagay.Mabilis na kumislap ang kanyang mga itim na mata, saka niya inagaw ang kanyang bag at tumakbo palabas ng pinto.Nang makita ito, mabilis na sumunod si Manang Lita at sinabing: "Binibini, maaga pa naman, makakarating ka pa rin kah







