Share

Chapter: 4

Author: Mr. JR
last update publish date: 2026-04-25 18:49:17

Iyon ang unang beses na hinanap ni Aleya ang kanyang ina sa loob ng maraming araw. Hindi niya napigilan ang kanyang sarili, at naisip niyang tawagan ang kanyang ina.

Ngunit pagkadayal palang niya sa numero ng kanyang ina, bigla niyang naisip ang palalapit na pagkikita ng kanyang Tita Monica. Biglang naalala niya ang ugali ng kanyang ina, at tiyak na hindi siya papayagan nito na makipagkita sa Tita Monica niya.

Maaring hindi na niya makikita ang Tita Monica niya tulad ng dati. Nang maisip iyong ni Aleya, biglang nagbago ang mood niya.

Sa lungsod ng Valencia ay maaga palang tulog na si Mauren.

Ginising siya ng isang tawag mula sa anak niyang babae. Pagkagising niya, akmang sasagutin na sana niya ito ng biglang binaba ng bata ang tawag nang may galit.

Kahit na isinuko na ni Mauren ang pag-aaruga sa bata kay Samuel ayon sa kasunduan ng kanilang diborsyo, ay hindi maitatangging anak pa rin niya ito, at may pananagutan parin siya dito.

Malaking pagkabahala ang naramdaman ni Mauren sa kanyang anak dahil sa biglaang pagtawag at pagbaba ng telepono nito, hindi niya lubos maisip kung ano ang nangyayari kaya't tinawagan niya muli ito.

Nang makita ng bata ang isang tawag mula sa kanyang ina, agad niyang iniwas ang kanyang mukha, at tumanging sumagot.

Mas lalong nag-alala si Mauren at agad na tinawagan ang telepono ng Villa doon.

Agad namang sinagot ni Manang Lita ang telepono matapos itong makinig sa kanya.

"Ayos lang naman po si Aleya madam, napagod siya kagabi dahil sa matagal na pagtulog, kaya ngayon ay tanghali narin siyang nagising. Hayaan niyo't pupuntahan ko siya at tatawagan nalang kita muli." mahinahong wika ni Manang Lita.

Gumaan ang pakiramdam ni Mauren matapos marinig ang sinabi ng kasambahay at mahinahon niyang sinabi, "Sige, salamat sa iyong tulong." 

Nang umakyat si Manang Lita sa palapag ng hagdan, eksakto namang kakatapos lang maligo ng bata mula sa banyo.

Matapos ipaliwanag ni Lita ang sitwasyon, nagmumog siya habang nakayuko at halos pabulong na sinabi, "Hindi ko sinasadyang mapindut iyon." 

Sa walang pag-aalinlangan matapos makita ang batang nagsisipilyo, ay agad na bumaba si Lita upang ipaalam ito kay Mauren mula sa tawag.

Tinitigan ni Aleya ang kasambahay, umismid, at agad na nakaramdam ng ginhawa.

Sa kabilang linya, agad na nakahinga ng maluwag si Mauren matapos marinig ang sinabi ng kasambahay.

Ngunit dahil sa biglaang pagkagising, ay nagtagalan pa bago siya muling makatulog. Kinaumagahan, nang bumangon siya para pumasok sa trabaho, wala sa mood si Mauren.

Mula nang makatanggap ng tawag si Samuel mula kay Monica nang araw na iyon, hindi na nito muling pinansin ang sobreng naglalaman ng kasunduan sa diborsyo na ibinigay niya.

Sa araw ng pag-uwi, inilagay ni Samuel ang huling dokumento sa kanyang maleta. Nang matiyak na wala nang naiwan, lumingon siya at kalmadong bumaba ng hagdan.

"Maayos na ang lahat, tayo na!" ang sabi pa nito.

Mabilis na umalis ang mahabang sasakyan sa Villa at nagtungo sila sa paliparan.

Samantala, tila ba isang malalim na katahimikan ang bumabalot sa puso ni Mauren. Wala siyang kaalam-alam sa pagbabalik nina Samuel sa Valencia kung saan kasama ang mga kaibigan niya. Ni isa ay walang nagsabi sa kanya.

Kalahati na ng isang buwan mula ng lumipat siya sa Villa. At sa loob ng kalahating buwan na iyon, ay unti-unti na siyang nasanay na mamuhay ng tahimik at maginhawang pamumuhay ng mag-isa.

Sabado ng araw, medyo nahuli ng gumising si Mauren.

Pagkatapos niyang maligo, binuksan niya ang mga kurtina at nakita ang maliwanag na sikat ng araw mula sa labas ng bintana. Nag unat-unat siya, dinidiligan ang mga halamang inaalagaan niya, at akmang magluluto na sana siya ng isang simpleng almusal ay bigla tumunog pindutan ng pinto.

Si Miss Teressa pala, ang kapitbahay niya na nakatira malapit sa tapat niya.

"Miss Mauren, naabala ba kita?" nahihiyang tanong nito.

"Ah...hindi naman gising na ako" mahinahong sagot ni Mauren.

"Mabuti naman, ito oh may pansit at dumpling na inihurno ng pamilya namin kanina lang umaga, ipinadala namin ito para matikman mo rin." masayang sabi ni Teressa. 

"Naku, salamat dito, nag-abala ka pa, ang bait-bait mo naman." muling sabi ni Maurene.

"Tungkulin ko na 'yan, pasasalamat ko rin sayo dahil sa pagligtas mo kay Natalia nitong mga nakaraang araw, hindi ko alam kung anong mangyayari sa kanya kung nakagat siya ng asong iyon, sa katunayan gusto na kitang pasalamatan, pero abala kami sa pagtatrabaho ng asawa ko kaya't ngayon lang nakahanap ng oras. Nahihiya talaga ako..." masiglang wika pa ni Teressa.

"Naku, Miss Teressa, maliit na bagay lang naman iyon, ikaw naman masyado kang mabait." ani Mauren.

Pagkatapos ng ilang sandaling pag-uusap, agad ding umalis si Teressa pabalik ng kanilang tahanan.

Bumalik rin si Mauren sa kanyang silid at kumain ng agahan habang pinagmamasdan ang kanyang binabasa na kamakailan lang niyang pinag-aaralan.

Nang hapon, isang balita tungkol sa ika-isang daang taong anibersaryo ng Unibersidad ng St. Veritas, ang lumitaw sa kanyang cellphone.

Napahinto si Mauren at tinitignan ang petsa, at saka niya naalala ang kaarawan ng Unibersidad.

Tinignan ni Mauren sa kanyang internet ang ibat-ibang mga maiinit na balita tungkol sa #Unibersidad ng St. Veritas Centennial Celebration.

Ang tagumpay ng selebrasyon sa Unibersidad ngayong taon ay hindi lamang dahil sa pagiging nangungunang Unibersidad sa Valencia, kung hindi dahil sa mga taong nakatutok nito. Kung kaya't maraming tanyag ng alumni, ang siyang nagdagdag ng sigla at kahalagahan sa selebrasyon.

Ang mga inimbita na alumni ay pawang mga kilalang personalidad sa kani-kanilang larangan. Paulit-ulit na ring sinipat ni Mauren ang mga ito.

Nang makita niya sa camera ang ilang pamilyar na mukha, bahagyang nanghihina ang kanyang mga kamay na nakahawak sa cellphone.

Sunod-sunod na nagbalik sa alaala ni Mauren ang mga araw niya sa paaralan, dahilan upang makaramdam siya ng kalituhan at panghihina.

Naisip niya na kung hindi siya kaagad nag-asawa matapos niyang makapagtapos ng kolehiyo, marahil ay isa na rin siya sa mga tanyag na alumni na inaanyayahan sa pagdiriwang ngayong araw. Isang malaking katanungan ang sumagi sa isipan ni Mauren.

Isinara niya ang kanyang laptop, nag-isip ng ilang sandali. Ilang sandali ay agad siyang nag maneho patungo sa Unibersidad St. Veritas, sa mga oras na iyon ay hapon na.

Marami sa mga kilalang tao na inaanyayahan na bumalik sa paaralan para manuod ng seremonyo at kabilang sa kanila ay nakaalis na. Ngunit marami paring tao sa loob ng campus, parang nag-uumpay parin ang sigla ng selebrasyon.

Si Mauren ay nagpasyang maglakad-lakad sa loob ng campus ng mag-isa, tila walang patutunguhan. Nang makarating siya sa baba ng pamilyar na gusali ng experimento, tinawag siya ng isang pamilyar na boses.

"Mauren Piñeda?" sigaw ng babae.

Makalipas ang dalawampung minuto, sa isang teahouse malapit sa Unibersidad. 

Isang tasa ng tsaa ang inihanda ni Diego (kasamahan niya dati sa trabaho) para kay Mauren, "Kumusta ka na?" tanong ng lalaki.

"Ayos lang naman ako." mahinahong sabi naman ni Mauren.

"Ano nga pala ang plano mo sa susunod? Balak mo bang bumalik sa kompanya?" sumunod na tanong sa kanya.

"May plano naman ako, pero..." putol na pag-iisip ni Mauren.

Hindi alam ni Diego ang mga inaalala ng babae, ngunit seryoso niyang sinabi, "Mauren, kailangan ka ng kompanya, at may bahagi ka rin dito, sana'y bumalik ka para pangasiwaan ang lahat." Anito.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • She Was Never the Billionaire's Choice-Until She Left   Chapter 6: P1

    Kinabukasan.Nang makarating si Samuel sa kompanya, nakasalubong niya si Mauren. Hindi pa alam ni Mauren na nagbalik na pala sa Valencia ang lalaki kasama ang anak nilang babae.Biglang napatigil si Mauren nang makasalubong niya ang lalaking sa loob ng kumpanya, at ganoon din si Samuel, ang inakala nga niya'y kakabalik lang nito galing sa isang business trip kaya't hindi na ito nag-isip pa ng kung ano-ano.Walang anumang makikitang ekspresyon sa mukha ni Samuel, sa halip ay agad siyang dumiretso sa silid ng kanyang opisina, parang isang estranghero lamang ang tingin niya kay Mauren.Kung nuon, talaga namang magugulat at magugulat pa si Mauren sa biglaang pagbalik nito sa Valencia.Ngunit sa sitwasyong kung saan kahit hindi niya magawang yakapin ang lalaki, tititigan pa rin niya ito ng masaya at masigla, habang ang mga mata'y puno ng pagmamahal sa kanya. Kahit malamig ang pakikitungo ni Samuel sa kanya, ngingitian pa rin niya ito at babatiin niyang "Magandang umaga." Ngunit ngayon, ha

  • She Was Never the Billionaire's Choice-Until She Left   Chapter 5: P2

    Kahit na gustong-gusto ng anak ni Arlene ang luto ni Mauren, sa kanyang puso, minumukha siya nitong isang katulong. Halos utusan lamang siya ng bata, na parang isang yaya.Noon, dahil kay Samuel, mabuti ang pakikitungo ni Maurene sa anak niya. Hindi niya nga pinapansin ang kawalang galang ng bata. Ngunit dahil sa nakapaghanda na si Mauren sa diborsyo nila ni Samuel, ayaw na niyang magkompromiso para sa kanya.Kaya diretsyong tumanggi si Luna at sinabi, "Pasensya na Arlene, ngunit wala akong bakanteng oras bukas." Isang malinaw at matatag ang kanyang mga salita.Dahil babalik na siya sa kanyang propesyon, mas ilalaan niya ang lahat ng kanyang oras para sa hinaharap na negosyo.Kahit na si Samuel man o si Arlene, ay wala na siyang pakialam sa kanila pagkatapos ng diborsyo. Wala na siyang balak pang sayangin ang kanyang oras para sa kanila.Gayunpaman, hindi inaasahan ni Arlene sa unang pagkakataon ay tatanggihan siya ni Mauren.Sapagkat noon, pinilit ni Arlene na ibaba ang kanyang sari

  • She Was Never the Billionaire's Choice-Until She Left   Chapter 5: P1

    Si Mauren ay tila nahihirapang magsalita habang nakatingin sa seryusong mukha ni Diego. Para bang naghihinatay ito ng isang malinaw na kasagutan habang pinagmamasdan siya. Hindi naman sa ayaw niya, ngunit dahil sa napakabilis na pag-unlad ngayon ng larangan ng INTELEX.Anim na taon na siyang nawala sa industriya, natatakot siyang hindi na niya maabutan ang mabilis na pag-unlad ng panahon, at lalong hindi na niya kayang pangunahan ang lahat tungo sa pinaka asenso ng industriya tulad na lamang ng dati.Matagal na panahon na ring pala noong huling nagkita sina Diego at Mauren. Pero sa isang beses na muling nagkita sila, napansin niya ang pagiging kakaiba nito, kumpara sa babaeng masigla na nakilala niya noon.Nang maisip niya ang isang Mauren noon, hindi niya inakala na darating ang araw mararananasan pala ng babaeng ito ang pakiramdam ng pagiging hindi karapt-dapat.Wala ring kaalam-alam si Diego patungkol sa kasal nila ng lalaking si Samuel.Ngunit may kaunting kaalaman siya sa katotoh

  • She Was Never the Billionaire's Choice-Until She Left   Chapter: 4

    Iyon ang unang beses na hinanap ni Aleya ang kanyang ina sa loob ng maraming araw. Hindi niya napigilan ang kanyang sarili, at naisip niyang tawagan ang kanyang ina.Ngunit pagkadayal palang niya sa numero ng kanyang ina, bigla niyang naisip ang palalapit na pagkikita ng kanyang Tita Monica. Biglang naalala niya ang ugali ng kanyang ina, at tiyak na hindi siya papayagan nito na makipagkita sa Tita Monica niya.Maaring hindi na niya makikita ang Tita Monica niya tulad ng dati. Nang maisip iyong ni Aleya, biglang nagbago ang mood niya.Sa lungsod ng Valencia ay maaga palang tulog na si Mauren.Ginising siya ng isang tawag mula sa anak niyang babae. Pagkagising niya, akmang sasagutin na sana niya ito ng biglang binaba ng bata ang tawag nang may galit.Kahit na isinuko na ni Mauren ang pag-aaruga sa bata kay Samuel ayon sa kasunduan ng kanilang diborsyo, ay hindi maitatangging anak pa rin niya ito, at may pananagutan parin siya dito.Malaking pagkabahala ang naramdaman ni Mauren sa kanyan

  • She Was Never the Billionaire's Choice-Until She Left   Chapter 3: P2

    Ngunit ang hindi nila alam na ang ama ng kanyang anak ay ang pinakapunong tagapamahala ng kanilang kumpanya.Pagkatapos ng trabaho noong gabi, pumunta si Mauren sa pamilihan at bumili ng ilang gulay at ilang halamang itatanim na iuwi.Pagkatapos kumain ng hapunan, naghanap at nagbasa siya sa internet ng mga balita tungkol sa pagtatanghal ng mga makabagong teknolohiya.Matapos itong tingnan, tumawag siya sa telepono at sinabing: "Maaari po bang maglaan ng tiket para sa akin sa pagtatanghal ng teknolohiya sa susunod na buwan?""Sigurado ka ba?" malamig na tugon mula sa kabilang linya. "Dalawang beses ka na ring humiling na magtabi ako ng tiket para sa iyo noon, ngunit hindi ka naman dumating. Marami ang nagnanais na makakuha ng mga tiket na iyan, at sayang lamang ang mga iyon dahil sa iyo."Ang taunang pagtatanghal ng teknolohiya sa Valencia ay isang malaking pangyayari sa larangan ng teknolohiya, at hindi ito nakukuha ng sinuman lamang.Nakakuha rin ang kanilang kumpanya ng ilang puwes

  • She Was Never the Billionaire's Choice-Until She Left   Chapter 3: P1

    Sa kabilang panig naman.Halos tapos na sa pagkain ng almusal ang mag-ama.Kahit alam ni Samuel na halos araw-araw ay tumatawag si Mauren sa kanilang anak sa ganitong oras, hindi naman siya laging nasa bahay, at wala rin siyang gaanong inaalala o pinapahalagahan tungkol dito.Ngunit ngayong araw, ay hindi tumawag si Mauren. Napansin agad ito ni Samuel ngunit wala pa rin itong halaga sa kanya. Pagkatapos kumain ng almusal, umakyat siya sa itaas upang magpalit ng damit.Para naman kay Aleya, lalong nagiging masyadong madaldal at mahaba ang usapin nila ng kanyang ina, kaya unti-unti na ring nawawalan siya ng gana na makipag-usap dito sa telepono.Dahil huli na at hindi pa rin tumatawag si Mauren, naisip niyang baka may ginagawa o may inasikaso itong ibang bagay.Mabilis na kumislap ang kanyang mga itim na mata, saka niya inagaw ang kanyang bag at tumakbo palabas ng pinto.Nang makita ito, mabilis na sumunod si Manang Lita at sinabing: "Binibini, maaga pa naman, makakarating ka pa rin kah

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status