Share

Kabanata 38

“ATE, SA kuwarto ko na lang din ikaw matulog, please?” Nagtatatalon pa si Kate habang nakikiusap siya sa akin. Nang malaman niya kasing dito ako mag-stay sa loob ng tatlong araw ay hindi na niya ako tinantanan na pakiusapan na sa tabi na niya matulog.

“Kate, hindi kayo kasya ng Ate Ciashet mo roon. Single bed lang ang kutson mo at sa sobrang likot mo pang matulog, baka mamaya ay masipa mo pa siya o kung hindi man, maitulak pababa sa kama,” sabi sa kaniya ni Tita Babs habang nag-aayos kami ng gamit dito sa kuwarto ni Ken sa bahay nila.

“Mommy, gusto ko tabi kami, dito na lang din ako matutulog sa kuwarto ni Kuya, sige na please?” pagpupumilit pa niya.

“Ang laki-laki mo na, tatabi ka pa? Doon ka na lang matulog sa kuwarto namin ng Daddy mo kung gusto mo,” suhestiyon pa ni Tita.

“Ayoko nga,” sumimangot pa siya. “Ang dikit-dikit ninyo parati, eh. Makakaistorbo lang ako. Kahit sa harap ko, nagyayakapan kayo ni Daddy.” Naramdaman ko ang paghawak ni Kate sa magkabila kong palad. “Please, Ate
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status