“KING, HINDI na talaga namin siya mahanap,” ani ng kaibigang si Gio.
Apat na araw na silang naghahanap sa kasintahan nitong si Cia. Apat na araw na rin itong nawawala matapos ang balitang pagkamatay ng mga magulang nito sa isang aksidente na hindi alam ang tunay na dahilan.Hindi na nagawang makausap ng binata ang dalaga dahil sa naging frustrations din nito sa nangyari. Hindi nila ito inaasahan. Sa tingin niya ay may kasalanan siya. No, baka nga talagang kasalanan niya ang lahat ng nangyari. Pinoproblema niya ngayon kung paano mahahanap ang nobya para makausap ito at makapagpaliwanag man lang sana pero, parang huli na siya.“Wala ka na bang alam na puwede niyang puntahan?” tanong pa ng isa pa niyang kaibigang si Paulo. Napaupo na ito sa gilid ng kalsada dahil sa labis na pagod sa paghahanap.“No, wala siyang sinasamahang kaibigan. Hindi ko rin alam kung saan pa siya puwedeng puntahan.”Pagod na rin ang binata sa paghahanap pero hindi siya puwedeng tumigil. Hindi niya puwedeng sukuan ang babaeng hindi sumuko sa ugali niya noon. Napasabunot na ito sa kaniyang buhok at napaupo na rin sa kalsada.“King, sa school niya pumunta tayo, baka may alam iyong mga kaklase niya o iyong mga teachers,” suhestiyon ni Gio.“Galing na ako kahapon doon. Hindi na siya pumapasok, hindi rin makontak ng mga teacher niya. Ang sabi nila, kinuha daw ng tiyahin niya pero hindi alam kung saan dinala.”Ini-report na nila sa pulis ang nangyari pero wala ring naitulong ang mga ito. Hindi pa rin nila nahanap ang babae. Isa lang ang pinaghihinalaan nilang may pakana ng lahat—ang pagpatay at ang pagkawala ni Cia. Ang kaaway nilang Gang—ang Phoenix.♡ ✿ ♡ ✿ ♡HALOS MALUKOT ko ang kontratang kahapon ay pinirmahan ko nang mabasa ko kung ano ang mga kalokohan ang nakasulat doon. Ang laki kong engot dahil hindi man lang ako nag-effort na magbasa kahapon bago ako pumirma. Boyfriend's Duty:1. Fetch you when you need to.2. Hold, hug, and kiss you anytime you want to.3. Be with you everytime you need him.4. Cook for you.5. Watch movies with you.6. Help you to do your tasks.7. Guide you in any aspect of your life.8. Protect you in ANY FVCKIN' TIME.9. Love you.10. Do all of his duties. Girlfriend’s Duty:1. Never leave. Oo, kailangan ko ng trabaho para sustentuhan ang sarili kong buhay pero isn’t it too much?Walang nakalagay kung hanggang kailan ako magpapanggap bilang girlfriend niya. At alam ninyo kung ano ang mas weird na napansin ko sa contract na ito? Lumalabas na ako ang kinuha niya para bayaran to act as his girlfriend pero siya itong magiging utusan ko. Napaka sakit sa ulo!Natigil ako sa pag-iisip nang may narinig akong busina ng kotse sa labas. Tumanaw ako sa bintana ng inuupahan kong apartment at may nakahintong mamahaling sasakyan sa tapat. Kaniya-kaniyang bulungan ang mga kasama ko rito sa loob kung kanino raw bang bisita iyon.“Ako na’ng titingin, Ate Rosa,” sabi ko.Wala ni isa sa amin ang nag-eexpect ng mayamang bisita ngayon. Baka naman kasi naligaw lang ang isang ito rito. Ipinuyod ko ang hindi ko pa nasusuklayang buhok saka kinuha ang tuwalyang nasa upuan para ipantakip sa sarili kong walang suot na bra.“Sino po ang hinahanap?” tanong ko pagkatapos kong katukin ang bintana ng sasakyan.Mula sa kinaroroonan ko ay tanaw na tanaw ko ang pagsilip ng mga kasamahan ko. Curious siguro kung sino ang isang ito.Bumaba ang bintana ng sasakyan.“You.”Napatanga ako nang ilang segundo nang marinig ko ang boses na iyon.“Ano ang ginagawa mo rito!?” tanong ko sa kaniya. Para ko siyang sinisigawan nang pabulong. Baka kasi mahalata ng mga kasama ko sa loob na kakilala ko ang isang ito.Bumukas ang likod na pinto ng sasakyan at saka lumabas si Ken at nakipag-face to face sa akin.“Papasukin mo ako sa bahay mo,” utos niyang ikinanganga ko naman sandali. “Narito ako para sunduin ka.”“Kailangan mo ba talagang gawin ito? Hindi ba may trabaho ka?”Pinisil niya ang magkabilang pisngi ko. “Do you really need to ask a lot? Let’s just go inside your house. Come on.”Hinarangan ko siya gamit ang mga kamay ko na naging dahilan ng pagkahulog ng tuwalyang ipinantakip ko sa dibdib ko. Sakto pa sa pagkalaglag ng tuwalyang iyon ay ang pag-ihip ng malamig na hangin. Kaagad akong napatingin sa dibdib ko at mabilis na nilingon si Ken. Napansin kong napatingin din siya roon kaya naman kaagad kong pinulot ang tuwalya at muling itinakip sa akin.T*ngina nakakahiya.Napatalikod na lang si Ken at napakamot sa batok niya. Napansin ko ang pamumula ng tainga niya. Jusko naman, bakit kasi nakisama pa itong hangin na ito, nanigas tuloy sila Dina at Donna!Para mawala ang awkwardness ay kaagad akong tumikhim.“H-Hindi ka puwedeng pumasok sa apartment dahil hindi lang naman ako ang nakatira rito. Magagalit ang landlady namin kapag may lalaking pumasok. At saka, tingnan mo iyong mga taong nakasilip mula roon sa loob . . . ”Nakita ko ang pagtapon niya ng tingin doon sa mga tinutukoy ko pagtapos ay ibinalik niya rin naman kaagad sa akin ang atensyon niya.“Ano ang mayroon?” nakaangat pa ang isang kilay na tanong niya.“Iisipin ng mga iyan na magkakilala tayo. Malamang sa malamang ay magtatanong ang mga iyan tungkol sa atin.”“And what’s the problem with that?”“Ayokong ma-issue, Ken. Baka malaman pa ng mga iyan na binabayaran mo ako para magpanggap na girlfriend mo. Mahirap ako pero hindi ako ganoon kababang babae. Kaya please lang, pumasok ka sa loob ng sasakyan mo at sa coffee shop na tayo magkita.”“No, sabay tayong pupunta roon.”“At bakit?” tanong ko pa.“Nakakalimutan mo na yatang naka-kontrata ka sa akin mula pa kahapon. So, ibig sabihin lang niyon ay kahapon pa kita naging girlfriend kaya dapat lang na magkasabay na tayong umaalis at umuuwi kung kinakailangan,” pagpapaalala pa niya sa akin.Napasapo na lang ako sa noo ko.“But don’t worry, magpa-park ako sa malayo para hindi ka na ma-issue.”“Then go, bilisan mo na.”Kaagad naman siyang umalis. Pumasok na rin ako sa loob para mag-ayos ng sarili ko.“Kakilala mo ba iyon, Cia?” tanong pa sa akin ni Julia—kasamahan ko rin dito.Umiling ako. “Naligaw lang iyon, may hinahanap na tao, hindi naman tagarito.”Kaagad kong hinanda ang uniform ko at dumeretso na sa banyo para maligo. ♡ ✿ ♡ ✿ ♡“ALAM MO, hindi talaga kita ma-gets,” napapakamot sa ulong sabi ko. Narito na kami ngayon sa loob ng sasakyan niya. “Linawin mo nga sa akin, bakit kailangan mo pang maghanap ng magpapanggap bilang girlfriend mo? Mukha namang na sa iyo ang mga katangiang magugustuhan ng mga babae, bakit hindi ka manligaw ng iba? In that way, hindi mo na kailangang magbayad pa ng pera.”“Money is not an issue for me, Love. At isa pa . . . ligaw?” Bahagya pa siyang napatawa nang sabihin niya iyon pero kaagad ding naging seryoso ulit ang mukha niya. “That’s not my thing. Babae ang humahabol sa akin.”“Ang sabihin mo, hindi ka marunong manligaw,” umiirap na sabi ko. “O baka naman bakla ka talaga at gagawin mo lang akong panakip-butas diyan sa pagkatao mo? For your information, Mr. Alvarez, never kong pinangarap na maging cover girl.”“Gay? Really?” inis na sabi niya—na-offend siguro sa sinabi ko.“Malay ba natin,” kibit-balikat pang sabi ko.Binabaybay na namin ngayon ang daan papunta sa coffee shop. Actually, alas-otso pa lang. Alas-dose ng tanghali pa naman ang klase ko kaya may oras pa ako para tumambay sa coffee shop niya at pag-usapan ang pagpapanggap na gagawin ko. Driver niya ang nagda-drive para sa amin ngayon.“Kaya kong mapa-oo ang mga babae kung gugustuhin ko. Ayoko lang gawin kasi wala naman akong nagugustuhang iba.”“Ah, so gusto mo ako?” pang-aasar ko sa kaniya. “Na-love at first sight ka ba sa akin kahapon kaya ako ang ginirlfriend mo?”“Oo.”Biro lang naman ang sinabi ko pero hindi ko inaasahan ang sagot niya. Masyadong direct to the point. And to think na kasing guwapo niya ang magkakagusto sa akin? Nakakaloka!“Baliw. Hindi ako fan ng love at first sight na iyan,” umiikot pa ang matang sabi ko. “Sa ginagawa mong ito, parang mas desperado ka pang magka-lovelife kaysa sa akin.”“It’s okay. Wala naman akong pakialam sa sasabihin ng iba.”“Whatever.”“Nangako ako kay Mommy na dadalhin ko ang girlfriend ko sa birthday niya. All of my cousins and friends who went there last year were with their own partners, except me. Hindi puwedeng maulit uli iyon ngayon.”I look at him with disbelief. “So, mas pipiliin mong magsinungaling sa mom mo para lang masabing natupad mo ang promise mo? Kaya ka nag-hire ng girlfriend, para lang doon? Beh, masyadong mababaw.”“Bahala ka kung ano ang gusto mong isipin. Ang mahalaga ay nakapirma ka na,” tipid na sagot niya.“You’re crazy,” napapailing na sabi ko. “Sa tingin mo ba ay magiging kapani-paniwala kung bigla mo na lang akong dadalhin doon at ipakikilalang girlfriend mo? For sure hindi ako kilala ng mga iyon.”“Kaya ka nga ipakikilala.”“Hindi ako magaling na artista so if I were you, tell them now that you’re single. Baka nga may ipakilala pa sila sayong babae na makakasama mo for a lifetime. Baka may kakilala sila. Malay mo doon mo makilala ang true love mo.”“Ayoko. Believe me, maniniwala sila sa atin.”“But—”“Wala nang pero-pero.”Napabuntonghininga na lang ako at pagkatapos ay napasandal na lang sa upuan ng sasakyan niya. “Hanggang kailan ba ito?”“Habambuhay.”“Paano kapag may nanligaw sa akin at nagustuhan ko siya? Siyempre karapatan ko ring magka-love life, ano. Iyong totoong love life.”“As long as you’re working with me . . . at humihinga pa ako . . . walang sinuman ang puwedeng pumorma sa iyo. They’ll be dead if they will try to court you.”Umirap na lang ako sa kaniya. Hindi na ako magsasalita, imposible namang may manligaw sa akin, nagpi-feeling lang talaga ako. Sa totoo lang, ako ang maraming nagugustuhang lalaki pero never namang na-crush back.“Here, take it.” May iniaabot siya sa aking susi na ang cute ng designs at may isang white envelope pang kasama.“Ano ito? Para saan?” may pagtataka kong tanong sa kaniya.“Para sa condo, katulad ng ipinangako ko sa iyo. Iyong susi para sa sasakyan, saka na kapag may napili ka na. Anyway, marunong ka na bang mag-drive?”“Hindi. Paano naman ako matututo, never naman akong nagkasasakyan?”“If you want to take a driver lesson first, sabihin mo kaagad sa akin. Ie-enroll kita.”“Alam mo, para kang sugar daddy,” natatawang sabi ko. “Saka, pinapasahod mo na ako kaagad, wala pa nga akong ginagawa.”“You deserved that. Anyway, mamaya sa condo ka na uuwi.”“Ha? Eh, hindi ko pa naaayos ang mga gamit ko.”“I’ll work on that don’t worry.”Ibinigay na niya sa akin iyong susi. Hindi ko naman mapigilan ang ngiti ko kasi naman na-e-excite talaga ako. Parang masyadong pang-fairy tales ang buhay ko. From rags to riches lang ang ganap.Ano kayang hitsura ng tutuluyan ko? Paniguradong mas maganda iyon kaysa sa kasalukuyan kong tinitirahan ngayon.“You look happy,” sabi niya nang hindi tumitingin sa akin. “Excited?”Tumango ako. “Sobra.”Nagulat ako nang bigla niyang hawakan ang kamay ko. Mahigpit ang pagkakahawak niya.“You don’t need to suffer anymore on that small place, My love. From now on, sa akin ka na titira.”“HOY, MARE!”That was Gwen—my bestfriend. Sa tinis pa lang ng boses niya ay nakilala ko na siya kaagad.“Bakit? Ang ingay mo,” sabi ko. Isinukbit ko ang bag ko sa upuan at saka naupo.“Nakita ko si Lawrence, ang bango pa rin tingnan gaya ng dati.” May paghampas pa siya sa braso ko na para bang kilig na kilig.Napakunot ang noo ko. Sa pagkakatanda ko, ako ang nagka-crush kay Lawrence dati at hindi siya.“Saan mo naman nakita? Sino ang kasama?” tanong ko na lang sa kaniya kahit na alam ko naman na ang sagot doon sa pangalawa kong tanong.Crush ko noon si Lawrence Lucas. As in simula freshman year ko sa college ay gusto ko na siya. Nag-uusap naman kami pero hindi ko alam kung alam ba niyang may crush ako sa kaniya dati. Crush lang naman iyon, pinapalala lang nitong si Gwen. Sobrang loyal kasi ng lalaking iyon kay Maureen na girlfriend niya ngayon. Well, I am not sure kung girlfriend niya pa rin until now kasi on and off ang relationship nilang dalawa. Kahit ilang beses silang mag-away, si
“WE’RE HERE.”Napatingala ako nang husto nang marating namin ang isang mataas na building. Kilala ang building na ito dahil isa ito sa mga sikat na hotel hindi lang dito sa lugar namin kundi sa iba pa. Mga mayayaman kasi ang kadalasang guests dito at halos dito rin ginaganap ang mga special events sa buhay ng mga kilala at matataas na tao.“Dito ako titira?” tanong ko sa kaniya sa hindi makapaniwalang tono.Tumango siya sa akin. Hindi ko maitago ang excitement sa katawan ko habang pinapakatitigan ang hotel na tutuluyan ko simula sa araw na ito.“Grabe, para akong nananaginip habang nakadilat ang mga mata ko. Ni minsan nga ay hindi ko naisip na titira ako sa ganito kagandang lugar.”“Well, kailangan mo nang masanay dahil ito na ang palaging uuwian mo.” Naramdaman ko ang paghawak niya sa baywang ko. “Tara, dadalhin na kita sa unit mo.”Mula paglabas sa coffee shop hanggang sa marating namin ang hotel na ito ay hindi na kami ulit nag-usap ni Ken dahil sa naging pagtatalo namin kanina. Buo
“KING, IBA ang ngiti natin ngayon, ah,” pang-aasar sa kaniya ni Kobe—isa sa mga kaibigan niya. Inaya kasi siya nito maglaro ng basketball. At ngayon nga ay kasalukuyan silang nagwa-one on one.“I finally found her, Tanda,” sagot sa kaniya ng kausap.Hawak ni Ken ang bola. Inaagaw ito sa kaniya ni Kobe habang todo iwas naman sa kaniya iyong isa. Hindi tuloy makapaniwala si Ken kung paanong naging coach ng basketball ang kaibigan niya gayong hindi naman nito maagaw sa kaniya ang bola.“Sino?” tanong ni Kobe na ngayon ay tagaktak na ang pawis sa noo. Medyo hingal na rin ito.“Queen.”Humakbang paatras si Ken saka inihagis ang bola sa ere para mag-shoot. Pasok!Napahinto sa paglalaro si Kobe at hindi makapaniwalang tumingin sa kaniya “You mean . . . ”Tinanguan lang siya ng kausap habang nagpupunas ng pawis.“Wow, kailan mo pa siya nakita?”“Matagal na. Halos anim na buwan na rin simula noong una. Pero isang linggo mahigit ko pa lang siya ulit nakakasama. Pinauwi ko siya sa unit na dati pa
“KING, MY Love!”Sinalubong si Ken ng isang babae pagkapasok na pagkapasok nito sa loob ng kanilang bahay. Tumalon pa siya para lang yumakap sa kaniya. Bakas ngayon sa mukha ng lalaki ang pagkainis.“Bakit ba narito ka na naman?” naiiritang tanong nito sa babae.Pabagsak na umupo ang lalaki sa upuan saka isinandal doon ang kaniyang ulo. May pasa siya sa mukha dahil sa pakikipag-away kanina sa mga lalaking nagtangkang humarang sa daraanan nila.“Wala lang, miss kaya kita nang sobra.” Tumabi sa kaniya ang babae at ipinulupot sa braso niya ang mga kamay nito. “May pasa ka na naman! Nakipag-away ka na naman sa labas, ano?” panenermon pa nito sa kaniya.“Pakialam mo ba? Umalis-alis ka nga sa harapan ko dahil nabubuwisit ako sa mukha mo. Hindi pa ba sapat sa iyo na pinilit mo akong maging boyfriend mo at buong buhay ko pa ang ginugulo mo?” asar na tanong na naman sa kaniya ng lalaki.“Hindi naman kita ginugulo, ah! Aalis na rin ako maya-maya lang, gusto lang talaga kitang makita,” nakanguso
NASA SASAKYAN na kami. It’s already 6:30PM nang magdesisyon na si Ken na umuwi dahil nga ang usapan ay 7 p.m. ay dapat nasa bahay na kami.Nakahawak lang siya sa kamay ko all throughout the ride at hindi man lang nag-atubiling magsalita ng kahit ano. Kapag ganito kasing tahimik siya, alam kong malalim ang iniisip niya or mayroong something na gumugulo sa kaniya.“Ken?” Diniinan ko ang pagkakahawak ko sa kaniyang kamay matapos kong tawagin ang pangalan niya. Nakatingin ako sa mukha niya na ngayon ay nakaside view sa akin dahil nga sa magkatabi kami ngayong nakaupo rito sa likuran ng sasakyan habang si Mang Calix ay nagmamaneho. Siguro ay kailangan ko lang siyang daldalin para matuon sa iba ang atensyon niya.“What?”Naramdaman kong ililingon niya ang ulo niya sa akin kaya kaagad kong iniwas ang tingin ko sa kaniya. Baka kasi ako naman ang hindi makapag-focus dahil sa mga titig niya kaya naman mas pinili kong sa rear view mirror na lang siya silipin. Hindi nga ako nagkamali. Ngayon nga a
“ANO NA naman ba ang ginagawa mo rito, Cia? Wala ka bang ibang pinagkakaabalahan sa buhay mo kundi ang buwisitin ako!?” bulyaw sa kaniya ng lalaki.“Hindi naman kita binubuwisit, ah!” nakangusong sabi ng babae sa kaniya. “Sabi ko naman sa iyo ay pupuntahan kita rito kapag may vacant time ako, hindi ba?”“Oras-oras ba iyang vacant mo? T*ngina!” Mababakas sa hitsura ng lalaki ang pagkainis. Para kasi sa kaniya ay walang ibang ginagawa ang babaeng ito sa buhay niya kundi ang manggulo at pataasin ang dugo niya.“Huwag mo na lang kasi akong pansinin, Love. Saka, bakit hindi ‘Love’ ang tinatawag mo sa akin, ha?!” kunwari pang naggagalit-galitan ang babae sa kaniya.Tanging masasamang tingin lamang ang iginaganti niya sa babae para maiparating dito ang pagkainis niya sa presensya nito. Ilang beses na niya itong itinaboy sa buhay niya pero hindi ito marunong sumunod.“Tingnan mo na, ang sama-sama na naman ng tingin mo sa akin, hindi naman kita inaano!” sabi ng babae na kulang na lang ay sabita
“MAG-AAPPLY KA sa AlPerez Hotel para sa OJT natin? Okay ka lang ba? Masyadong bigatin ang hotel na iyon, siguradong magbabayad ka nang malaki para tanggapin ka nila,” sabi sa akin ni Gwen.Narito kami ngayon sa isang bench na nasa ilalim ng lilim ng malaking puno. Nasa quadrangle kami ng school at inaasikaso ang mga curriculum vitae namin habang lunch break. Pinag-uusapan na rin namin iyong tungkol sa mga companies na puwede naming puntahan para sa on-the-job training namin.Hindi siya naniniwalang matatanggap ako sa hotel na iyon for OJT. Hindi ko kasi sinabing si Ken mismo ang nagsabi sa akin na gawin iyon. Kagabi kasi, bago matulog ay napag-usapan namin ang tungkol sa bagay na iyon.Speaking of kagabi. Pucha, hindi pa rin ako maka-move on sa isiping buong magdamag na nakadikit sa akin ang katawan ni Ken. Ayokong magpaka-manyakis ngayon pero kasi . . . ugh!“Oh, tingnan mo na, namumula na ang mukha mo sa hiya mo sa sarili mong pangarap, ano? Wala na bang mas mataas pang hotel kang bi
“IT’S TOO early, papasok ka na kaagad?” tanong sa akin ni Ken nang magkasabay kami sa elevator.Papunta na ako ngayon sa San Carlos University para ihatid itong letseng papel na ito. It’s just seven o’clock in the morning at alam niyang ten o’clock pa ang klase ko.“Oo eh,” sagot ko sa kaniya. “May dadaanan din kasi ako.”“Saan?” Nakapamulsang tanong niya. Hindi siya sa akin nakatingin kundi sa pababang numero sa elevator tanda na bumababa na kami ng floor. Nakaitim siyang sweatshirt at pants na pinartneran ng puting low cut converse shoes. May suot din siyang itim na cap. Batay sa ayos niya ngayon, mukhang hindi sa coffee shop ang punta niya.“Basta . . . school stuff,” simple kong sagot na sinabayan ko pa ng pagngiti.Ayoko nang malaman pa niyang sa San Carlos University ako pupunta dahil baka wala siyang ideya tungkol sa school na iyon pagkatapos ay bigla siyang sumugod. Baka mabugbog pa siya. Ano namang magiging laban niya kung sakali?“Do you want me to accompany you? Off ko ngayo