Share

Chapter 4: Wedding

NABALOT nang Japan vibe ang hallway na kung saan pagpasok ng mga bisita ay sinalubong sila ng mga sakura trees na kung saan gaganapin ang kasal nina Ysabella at Axel na halos wala itong pinagkaiba sa vibe na binibigay ng sakura blossoms sa Japan. Lahat ng mga bisita ay hindi mapigilang mamangha sa ginawang preparasyon ni Axel para sa espesyal na araw na ito. Matapos na bagtasin ng mga bisita ang sakura hallway ay ang main hall naman ang bumungad sa kanila kung saan sumambulat sa kanila ang mala-forest vibe ng Yili Apricot Valley ng China at ang napakagandang falls ng Havasu Falls ng Arizona.

“Wow! This is really amazing,” wika ni Anika, ang magiging host para sa grandyosong kasal ng Santibanez-Montegrande.

“Nothing is truly beyond Montegrande’s capabilities. Look how well they spent for this fairytale-like wedding, hubby. This whole preparation that we made cost a lot of money,” manghang wika ni Blessie na ang buong team niya ang naghanda at nag-ayos ng lahat ng iyon.

“They’re the world’s wealthiest businessmen, baby. So, there is nothing they cannot do,” wika ni Kai, ang head chef, para sa wedding event na ‘to.

“Woah! There are no words to describe how lavish they are,” napapailing na wika ni Blessie.

Halos lahat ng naroon ay sumang-ayon sa sinabi ni Blessie at naging simula ng usap-usapan. Sa isang sulok, dinig na dinig ni Axel ang mga usap-usapan ng mga bisita dahilan para gumuhit ang ngiti sa kanyang mga labi.

“There is really nothing I can't do.”

Pumunta si Axel sa may entrance para isa-isa batiin ang kanilang mga bisita habang patuloy niyang naririnig ang mga pagpupuri ng mga ito sa event hall.

HABANG patuloy sa pagkamangha naman ang mga bisita nina Axel at Ysabella ay nagkakaroon ng gulo sa k'warto kung nasaan inaayusan ang bride.

“Ma’am Ysabella, you can't wear that,” nag-aalalang saad ng assistant na nag-aayos kay Ysabella.

“I’m the bride, I get to choose what I want to wear to my own wedding,” mariing saad ni Ysabella na pilit pinaninindigan ang kanyang suot na wedding gown.

“But—Ma’am Ysabella, as you have said, it’s your wedding, and no bride would want to wear a black gown on such an important day. So, Ma’am Ysabella, please take it off and put on this white gown,” pakiusap ng assistant sa dalaga.

Binigyan ni Ysabella nang matalim na tingin ang assistant. “I'm the bride, and this is what I want to wear.”

“But—”

Hindi natuloy ang sasabihin ng assistant nang dumating ang isang lalaki. “Ma'am—” Napahinto ito sa pagsasalita nang makita ang suot ng dalaga ngunit mabilis nitong ikinumpas ang sarili at ipinagpatuloy ang sasabihin nito—“Ma'am Ysabella, it's time to go,”

“Then, let’s go,” wika ni Ysabella at naglakad palabas ng k'warto.

“Ma'am Ysabella!” tawag ng assistant na natataranta dahil sa hindi na alam ang gagawin para baguhin ang isipan ni Ysabella at suotin ang puti nitong traje de boda.

“Ma'am Ysabella, please don’t do this,” pagmamakaawa ng assistant kay Ysabella.

Ngunit hindi ito pinansin ng dalaga at nagpatuloy sa paglalakad hanggang sa makalabas ng bahay. Napatingin sa kanya ang mga natitira nilang kasambahay ngunit nginitian niya lang ito at sumakay sa puting limousine.

“Let’s go,” saad niya sa driver na gulat din sa kanyang kasuotan ngunit mabilis din nitong naikumpas ang sarili at sinimulang paandarin ang kotse.

Napatingin si Ysabella sa bintana kung saan nakita niya ang kanyang sariling repleksyon.

“Today is not the day to celebrate. This is the beginning of the darkness that will consume my whole life.”

TATLUMPUNG minuto ang inabot bago nakarating sina Ysabella sa reception kung saan gaganapin ang kanilang kasal ni Axel.

“Narito na po tayo, Ma’am,” saad ng driver.

“Thank you, Hector,” nakangiting pasasalamat ni Ysabella.

“Ma’am…”

Nagpakawala nang mabigat na buntong-hininga si Ysabella at napayuko. “This will be the last time that someone will see my smile—" malungkot na saad ng dalaga at humarap kay Hector at muling binigyan ito nang malawak na ngiti. “So, please remember my smile.”

Matapos noon ay mabilis na bumaba ng kotse si Ysabella at naglakad papasok sa malaking building ngunit nang sandaling makapasok siya bahagya siyang nagulat sa kanyang mga nakita.

Sakura blossoms?

Nagpatuloy siya sa paglakad nang hindi pinapansin ang mga taong nakatingin sa kanya at naging simula ng mga bulong-bulungan.

“Oh my gosh! What is this?”

“Isn’t she Ms. Santibanez, the bride?”

“Why is she dressed in a black gown?”

“This is supposed to be a wedding, not a funeral!”

Samu’t saring mga reaksyon ang naririnig ni Ysabella ngunit wala siyang pakialam sa sasabihin ng sinuman dahil ang importante sa kanya ay ang matapos na ang araw na ito at nang makabalik na siya ng ospital.

“I can’t believe Montegrande accepted this lower-class woman into their family. That’s such a shame!” mariing sabi ng dalaga sa napakasopistakada nitong tono habang binibigyan nang mapanlait na tingin si Ysabella.

“You’re right, Vivienne! She's a great insult to us!” pagsang-ayon ng isa nitong kaibigan.

“Vivienne, you’re much better than that piece of shit. You’re better suited to be Mrs. Montegrande than she is!”

“I’m far superior to her. No girl can compete with my talent or match my level of quality,” taas-noong pagmamalaki ni Vivienne sa kanyang sarili.

Napatingin si Ysabella sa direksyon kung saan nanggagaling ang mga usapan ng mga dalaga sa kanyang pagkatao. Tinignan niya ito mula ulo hanggang paa sabay taas ng kilay at binigyan nang makahulugang tingin na, “Are you serious? You don’t even deserve it. You’re just like the other sluts who have leeched into wealthy families.”  Matapos ay pumalatak ito nang nakakainsulto saka tinalikuran ang mga ito.

“Did she make a snide remark about me?” napasinghap na tanong ni Vivienne sa mga kaibigan nito na hindi makapaniwala sa ginawa ni Ysabella sa kanya.

Hinayaan ni Ysabella na mag-hyperventilate si Vivienne hanggang sa maghimatayin ito dahilan para pagkaguluhan at ito ang naging sentro na ng atensyon.

Pumalatak siyang muli. “Exaggeration at its finest.”

Nagpatuloy si Ysabella sa paglakad hanggang sa nakarating sa main lobby kung saan gaganapin ang kanilang kasal ni Axel. Iginala niya ang kanyang mga mata sa buong paligid at nakita niya kung gaano ginastusan ni Axel ang okasyon na ito.

“Apricot Valley? Havasu Falls?” mahina niyang usal. Is this part of his plan or just a coincidence?

Biglang nanariwa bigla sa alaala ni Ysabella ang munti niyang alaala noong bata pa lamang siya.

“Lala, when you grow older where do you want to go?” tanong ni Ruru kay Ysabella.

Napaisip ang batang Ysabella bago sumagot. “I want to go in Japan!” nakangiting sagot ng batang babae.

“Japan?”

“Yes!” tumatangong paninigurong sagot ni Ysabella. “I want to see sakura tree blooms! Also, the Apricot Valley in China and the Havasu Falls in Arizona!” nasasabik na dagdag ng batang babae.

“Hmm… I see,” tumatangong saad ni Ruru. “Lala, do you love to travel?”

“I don't do much, but I enjoy watching beautiful things, particularly nature. They are quite appealing to me,” wika ni Ysabella.

Biglang napatayo naman si Ruru. “Then, when we’re old enough, we’ll go to the places you love and appreciate!”

“How come he knew this?” nagtatakang usal ni Ysabella.

Muling iginala ni Ysabella ang kanyang mga mata sa buong paligid at pinagmasdan kung gaano kaparehong-pareho ng mga nakikita niya ngayon sa mga larawang nakikita niya sa internet.

“Isn't he a bad person that I know, is it? Or, is it possible that I misunderstood everything about him?”

Hindi alam ni Ysabella kung ano ba ang mararamdaman niya nang sandaling iyon, tuwa? Galit? Hindi niya alam kung alin ang tama at dapat.

“Maybe…”

Biglang natauhan si Ysabella dahilan para mailing siya nang mariin.

“No! Ysabella, you need to stop thinking like that. He’s not going to be better! He will continue to be the despicable person you met 23 years ago. Remember you were hurt by Axel Montegrande!” mariin niyang pagpapaalala sa kanyang sarili. He will never be as nice as Ruru. Never!

“You should never feel anything from anything he does or says. Don’t fall into his trap; if you do, you’ll never be able to break free. Ysabella, don’t let your emotions take over your mind. Never, ever, ever!”

Ipinikit niya ang kanyang mga mata at huminga nang malalim bago idinilat ang kanyang mga mata. Ibinalik niya ang kanyang tingin sa pagmamasid ngunit sa pagkakataong ito ay nagbago na ang reaksyon sa kanyang mga mata. Galit. May kung anong mataas na pader ang nakapaligid sa kanya na hindi nakikita ng kahit na sinuman na tanging siya lamang ang nakakakita at nakakaalam.

“I’m only getting married for the sake of my father.”

“Don’t ever fall in love with him.”

“He’s a psychopath.”

“A demon!”

“Your number one enemy!”

Iyon ang mga salitang sumisigaw sa isipan ni Ysabella habang iginagala ang paningin at hinahanap si Axel.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status