HABANG abala si Axel sa pagbati sa kanilang mga bisita ni Ysabella ay biglang tumunog ang kanyang cellphone. Tawag iyon mula sa head stylist na kanyang kinuha para ayusan ang kanyang magiging asawa.
“Please, excuse me,” pasintabi niya sa mga bisita na kanyang kinakausap.
Lumayo siya sa mga bisita at pumunta sa isang sulok saka sinagot ang tawag.
“Yes?”
“Sir, si Ma’am Ysabella…”
Napaangat ng kilay si Axel. “What happened to her?” seryosong tanong ng binata.
“Sir, hindi po sinuot ni Ma’am Ysabella ang wedding gown na gusto niyo,” sumbong ng head stylist.
“Then, what did she wear?”
“Isang itim na wedding gown, Sir. Ginawa naman po ng assistant ko ang lahat para ‘yong gown na pinagawa niyo ang ipasuot kaso nagmatigas po si Ma’am Ysabella,” paliwanag ng stylist. “I’m sorry, Sir.”
Hindi umimik si Axel at isang ngisi ang gumuhit sa kanyang labi.
“You have already done your best. You are not required to apologize.”
“Pero, Sir—”
Pinutol ni Axel ang sasabihin ng stylist. “Stop apologizing for what has already happened.”
Matapos noon ay binaba na ni Axel ang tawag nang makita niya ang puting limousine na pumarada sa harap ng kanyang building.
“There she is,” mahina niyang saad na may ngisi pa rin sa kanyang labi matapos niyang mailagay sa bulsa ang cellphone.
Hindi pa man ito bumaba sa kotse ay tanaw na tanaw ni Axel ang gandang taglay ni Ysabella.
“I didn't make a wrong choice,” nakangiti niyang saad.
Nang sandaling makababa si Ysabella sa kotse ay nakuha nito ang atensyon ng mga taong naroon dahil bukod sa ganda nitong taglay ay inagaw ng suot nitong itim na wedding gown ang atensyon ng lahat.
“She is quite stubborn in her own right,” mahinang usal ni Axel at napangisi.
Sinundan nang tingin ni Axel si Ysabella at habang pinapanood ang bawat hakbang ng dalaga ay malinaw niyang narinig ang mga samu't saring reaksyon ng mga tao sa suot ng babaeng kanyang papakasalan: pagkamangha at pambabatikos ang lumalabas sa iba't ibang mga bibig. Ngunit tulad ng pagkakakilala niya sa dalaga ay hindi nito pinatulan ang mga pasaring at paninira sa kanya ng mga taong naroon kahit na labis-labis na ang mga sinasabi nito laban sa pagkatao ni Ysabella.
“She is, as expected, the unbothered princess.”
Sinundan ni Axel ng tingin ang dalaga at nakita ang biglang pagbago ng reaksyon sa mukha nito nang makita ang entrance. Muli, gumuhit ang ngisi sa labi ng binata ngunit nawala din ito nang marinig niya ang pasaring ng isang grupo ng mga kadalagahan kay Ysabella.
“I can’t believe Montegrande accepted this lower-class woman into their family. That’s such a shame!” mariing sabi ng dalaga sa napakasopistakada nitong tono habang binibigyan nang mapanlait na tingin si Ysabella.
Napataas ng kilay si Axel habang pinagmamasdan ang babaeng nanlalait kay Ysabella.
“You’re right, Vivienne! She's a great insult to us!” pagsang-ayon ng isa nitong kaibigan.
Vivienne? Vivienne Collins?
“Vivienne, you’re much better than that piece of shit. You’re better suited to be Mrs. Montegrande than she is!”
“I’m far superior to her. No girl can compete with my talent or match my level of quality,” taas-noong saad at pagmamalaki ni Vivienne sa kanyang sarili.
Nanatili si Axel sa kanyang kinatatayuan at naghintay sa gagawin ni Ysabella. Alam niyang hindi papalampansin ng dalaga ang ganoong pag-uugali. Alam niyang bibigyan nito ito ng leksyon ang dalaga.
Tumingin si Ysabella sa direksyon nina Vivienne at tulad ng kanyang inaasahan ay binigyan ito ng dalaga nang tingin mula ulo hanggang paa at pagtaas ng kilay na may nais iparating. At matapos nang ilang segundong pakikipatitigan kay Vivienne ay pumalatak ito nang may pang-iinsulto saka tinalikuran ang mga ito.
Tumawa si Axel. “She remained the same. She’s still the most powerful tigress I’ve ever encountered,” wika ng binata na tuwang-tuwa sa ginawa ni Ysabella kay Vivienne.
“Did she make a snide remark about me?” napasinghap na tanong ni Vivienne sa kanyang mga kaibigan na hindi makapaniwala sa ginawa sa kanya ni Ysabella.
“That bitch!” At umarte ng pagkahimatay dahilan para pagkaguluhan at maituon ang pansin ng mga bisita kay Vivienne.
“Vi, get a grip of yourself,” wika ng isa nitong kaibigan na nakaalalay kay Vivienne.
Napahawak si Vivienne sa ulo na hawak ang ulo Na umaarte ng nahihilo. “That girl… her audacity!” hindi makapaniwalang saad nito na nanggigigil kay Ysabella.
“Don’t be troubled, Vi. We’ll make her realize where she originally belonged,” saad ng isang babae. “Vi, we’ll make her pay! We are going to— ”
Hindi natapos ng babae ang sasabihin nito nang magsalita si Axel.
“You’ll make her pay?” pag-uulit ni Axel.
Sabay-sabay naman napalingon ang tatlo nang makarinig ng boses ng lalaki. Nanlaki naman ang mata ng tatlo nang makita si Axel sa kanilang harapan at bigla naman napatayo si Vivienne nang wala sa oras na tila nawala ang pagkahilo na nararamdaman kani-kanina lang.
“A-axel,” nauutal na sambit ni Vivienne nang makita ito.
“Lab Zendejas, Allaine Desaculo, and Vivienne Collins, right?” nakangiting tanong ni Axel.
“Y-yes,” sagot ng tatlo.
Ang ngiting kaninang nakapaskil sa mukha ni Axel ay biglang nagbago at binigyan nang seryosong tingin ang tatlo. “Try to lay your fingers her, and I’ll make sure you pay—not just double, but tenfold the amount of what you’ve done,” pagbabanta ni Axel.
Hindi nakaimik ang tatlong dalaga sa sinabi ni Axel at parang nabato sa kanilang mga kinatatayuan.
“Do you get it?” pagkaklarong tanong ni Axel.
Tumango nang sunod-sunod ang tatlo sa labis na takot.
“I can’t hear you. Louder,” utos ni Axel.
“Y-yes, A-axel,” utal-utal na tugon ng tatlo.
Matapos noon ay iniwan na ni Axel ang tatlo at pumasok sa main lobby at iginala ang kanyang mga mata. Kitang-kita niya ang pagkalito sa mukha ni Ysabella habang pinagmamasdan ang buong paligid kaya dahan-dahan niyang nilapitan ito.
“Ysabella,” tawag ni Axel sa dalaga.
Nang sandaling marinig nito ang kanyang pagtawag ay mabilis na naikumpas nito ang sarili saka lumingon sa kanya na may iba ng reaksyon. Reaksyon na may pagkadisgusto at suklam.
“Let us get started. I want to put an end to this right now,” mariing utos ni Ysabella.
“You’ve just arrived and want to get this party over with as soon as possible? Can’t you just take it in a little slower?” tanong ni Axel. “I've spent a lot of time and effort preparing for our wedding.”
Hindi nagbago ang reaksyon sa mukha ni Ysabella at tinignan sa mata sa mata si Axel. “I’d like to get this over with as soon as possible. I’ve been feeling nauseous after spending a long time with you,” saad ng dalaga.
Pagkukunwaring napakunot ng noo si Axel. “Why are you feeling nauseous?” nagtatakang tanong ng binata na binigyan lang nang malamig na tingin ni Ysabella.
Muli, pagkukunwaring nanlaki ang mga mata ni Axel dahil sa gulat. “Don’t tell me you’re pregnant with our child?” maang-maangang tanong ng binata sa malakas na boses.
Nanlaki ang mga mata ni Ysabella at mabilis na tinakpan ang bibig ni Axel. “What on earth are you spewing nonsense? Pregnant? I haven’t even had sex with you, you idiot!” mariing saad ng dalaga na pabulong magsalita.
Inalis ni Axel ang kamay ni Ysabella na nakatakip sa kanyang bibig at mas inilapit ang mukha sa dalaga.
“For the time being, you haven’t, but we’ll get to it soon,” nakangising saad ni Axel sabay kindat kay Ysabella.
Nanlaki naman ang mga mata ng dalaga at itinulak nang malakas ang binata papalayo sa kanya.
“As if it were going to happen! That will never happen!” mariing tutol ni Ysabella na kitang-kita ang galit sa maganda nitong mukha.
“Have you forgotten what we discussed last week? Then allow me to refresh your memory,” saad ni Axel sabay inilapit ang kanyang bibig sa tainga ni Ysabella at bumulong, “You will listen to everything I say.”
Napakagat ng labi si Ysabella nang mag-sink in sa utak nito ang ibig sabihin ng binata.
Inilayo ni Axel ang kanyang mukha sa tainga ni Ysabella at nakipagtitigan nang malapitan. “And believe me when I say we will have sex. We're having sex. Do you get it, Ysabella?”
NAGKAGULO ang mga tao nang makita ang bombang nakakabit sa katawan ni Allan. “Diyos ko po!” Nagsisihiyawan ang mga tao sa loob ng courtroom at hindi makamayaw at nagtulukan palabas ngunit bigo ang mga ito nang hindi nila magawang buksan ang pinto. Naka-lock ang pinto sa labas at ang tanging paraan lang na makalabas ay buksan ito ng taong nasa labas. “Open the door, you, asshole!” sigaw ng isang lalaki. “Kung gusto mo magpakamatay, ‘wag mo kaming idamay!” wika ng isang ginang. “No! Everyone will die in this place! If this is the only way to end it, everyone should die together with me!” mariing saad ni Allan. *** NAPABALIKWAS si Axel sa kanyang pagkakaupo nang makita niya sa monitor ang bombang nakakabit sa katawan ni Allan habang nagwawala sa loob ng courtroom. “Fuck!” malutong nitong mura. Gumapang ang galit sa katawan ni Axel nang sandaling makita niya ang nagaganap sa courtroom dahilan para dali-dali niyang kinuha ang kanyang cellphone at tumawag kay Arthur—ang head ng Disp
“The defendant admits and deeply regrets what he did. But I’d like you to understand that there were mitigating circumstances,” makabagbag damdaming saad ni Allan.“Please elaborate, Counsel,” saad ni Judge Lopez.“The defendant was a sensitive, lonely child his entire life. Isn’t it true that all children are supposed to be raised with their parents’ love?”“Of course. How could it be any other way?”“Exactly!” mariing saad ni Allan at humarap sa mga manunuod na naroon. “Unfortunately, the defendant was forced to give up his parents for the sake of society. His father, a public official, and her mother, a pillar of the economy, both devoted their lives to this country and were unable to be there for him.” At muli itong humarap sa judge.“That must have been difficult,” tumatangong saad ni Judge Lopez.“Axel is correct, so this is how they will end the show,” wika ni Ysabella na masinsing nakatingin sa direksyon nina Luigi.“Your Honor,” tawag ni Prosecutor Gerona sa atensyon ng judge
NAGISING si Ysabella dahil sa alarm ng kanyang cellphone kung kaya mabilis siyang napabangon sa kanyang pagkakahiga lalo na at ito ang araw kung kalian muling lilitisin si Luigi. Inunat niya ang kanyang dalawang braso para magising lalo ang kanyang diwa ngunit mangilang segundo lang lumipas ay bigla siyang nakaramdam nang pangangasim sa kanyang sikmura dahilan para mapatayo sa kanyang pagkakaupo at mapatakbo sa banyo para sumuka. Sunod-sunod ang kanyang naging pagsuka na hindi niya malaman kung sa anong dahilan.Narinig naman ni Axel ang pagsusuka ni Ysabella nang sandaling makapasok ito sa kanilang k’warto dahilan para mabilis ito mapatakbo sa banyo para tignan ang kanyang asawa.“Ysabella, are you okay? What happened?” sunod-sunod na tanong ni Axel sa kanyang asawa na may labis na pag-aalala habang hinihimas ang likod nito para pagaanin ang nararamdaman nito.Umiling si Ysabella habang hinahabol ang kanyang paghinga. “I have no idea what actually happened. I came out feeling sick,”
NANG GABING iyon ay sabay-sabay na naghapunan sina Axel at ang mga magulang ni Ysabella. Naging maayos naman ang lahat kahit na walang sandaling hindi naalis ang mga tingin nito sa kanya.“Thank you for the food, Hijo,” pasasalamat ni Rosetta matapos na punasan nito ang kanyang bibig. “I had no idea you were such a talented cook.” Dagdag nito.“I’m glad that you like it, Tita,” nakangiting tugon ni Axel.“It’s too bad our daughter doesn’t know how to cook,” saad ni Rosetta na bahagyang nahihiya.“Ma—”Hindi nagawang maituloy ni Ysabella ang kanyang sasabihin nang magsalita si Axel.“Tita, don’t say anything like that. Ysabella is also a fantastic cook,” nakangiting pagdedepensa ni Axel sa kanyang asawa. “She even prepared my favorite foods on my birthday.” Dagdag nito na may labis na pagmamalaki.Nagulat naman si Rosetta sa kanyang narinig. “Really?” hindi makapaniwala nitong saad.“Yes, Tita,” paninigurong tugon ni Axel. “And, as her husband, I really enjoy her cooking.”“Stop it, Ax
LUMIPAS ang oras sa bahay ng mga Marco na balot ng paghahanda at tensyon. “Do you really have to do that, Miguel?” tanong ni Irina na bahagyang hindi mapalagay dahil sa iniisip na plano ng kanyang anak. “If this problem can be resolved, we should eliminate everything that draws attention to it,” desididong saad ni Miguel habang nakatingin sa labas ng kanyang bintana at pinagmamasdan ang bilog na buwan. “Then there will be no more problems.” *** SA BAHAY ng mga Santibañez, “Sa ulo ng mga balita, ang kilalang anak ni Senator Miguel Marco na si Luigi Marco ay muling kinasuhan ni Ysabella Santibañez sa kasong cyber-libel dahil sa eskandalong kumalat tungkol sa dalaga noong ika-labing-dalawa ng Pebrero. Ayon sa dalaga ay ang anak ng senador ang siyang nasa likod ng pagpapakalat ng malaswang mga video nito sa internet. At sa isinagawang pagdidinig ngayong araw ay napag-alaman na hindi lamang paninira ang ginawa ng binata dahilan para magbigay ng desisyon si Judge Lopez na hindi cyber-li
“WHAT kind of game is this shit playing right now?” malutong na tanong ni Luigi na may kasamang mura. Napatingin ang prosecutor kay Luigi sabay ngisi. “You little—” Hindi natuloy ni Luigi ang kanyang sasabihin sa labis na pagkainis at pagkasiphayo. Nahagip ng tingin ng binata ang mga tingin ni Ysabella habang ito’y napapailing. Nakipagtitigan siya sa dalaga na ngayon ay nakangisi na rin sa kanya. “It’s almost as if those accusations have been proven,” saad ni Prosecutor Gerona. “ Ilang saglit ang lumipas at walang salitang lumabas sa panig ni Luigi at nabalot nang maliliit na bulong-bulungan ang korte. “Then, I have nothing to say, Your Honor,” saad ng prosecutor at bumalik sa kanyang pagkakaupo. Nagpatuloy ang mga bulong-bulungan ng mga taong naroon. “Petitioner, do you have anything to say?” tanong ni Judge Lopez. Tumayo si Ruru at tumingin sa mga taong naroon. “As the prosecution, prove the alleged accusations against the defendant—” at tinuro si Luigi— “do you believe he’