Share

Chapter 3: Contract

SAMU’T SARING emosyon ang kumakain sa buong katawan ni Ysabella nang sandaling makapasok siya sa opisina ng taong kanyang kinamumuhian. Pero heto siya ngayon sa harapan nito at binibigyan siya nang kakaibang ngisi na siyang mas lalong nagpapakulo ng kanyang dugo. Nanariwa sa kanyang alaala ang mga sandali nilang dalawa sa tuwing nakikita niya ito. Ngunit wala siyang magagawa kung ‘di ikalma ang kanyang sarili dahil wala ng ibang makakatulong sa kanya kung ‘di ang taong labis niyang kinamumuhian.

“So, have you made up your mind?”

Kinuyom ni Ysabella ang kanyang kamay para kontrolin ang kanyang emosyon.

“You haven’t changed. You have the guts that I despise since then,” wika ni Ysabella na umupo sa couch na hindi na hinintay na paupuin siya ng binata.

Tumawa si Axel at tumayo sa pagkakaupo nito at lumipat sa couch na kaharap ng inuupuan ni Ysabella.

“Is that how you intend to treat the person who will save your ass in death?” preskong tanong ni Axel nang maisandal nito ang likod sa upuan sabay upo ng naka-de kwatro habang preskonh pinagmamasdan ang dalaga.

Napatiim-bagang si Ysabella ngunit hindi niya iyon ipinahalata kay Axel ngunit matalas ang mga mata ng binata at hindi nakaligtas sa paningin nito kahit na maliit na pag-angat ng muscle ng mukha ng dalaga.

“Ysabella, you haven’t changed either. Make an extra effort. I can still see the expressions on your face,” wika ni Axel na gumuhit muli ang ngisi sa labi nito.

Napapalatak si Ysabella. “What happens next? What are your terms and conditions for providing assistance to me?” pagdidiretsa ng dalaga na nakataas ang isang kilay.

“Ysabella, what’s the rush? What’s a little time to catch up with each other when we’ve only just met?”

Muling napapalatak si Ysabella at napatingin sa ibang direksyon ngunit mabilis din na ibinalik ang tingin kay Axel. “I'm not here to waste your time with nonsense, Axel. I'm here to make a deal,” monotonong saad ng dalaga.

“Ysabella, I won't hurt you so loosen up a bit, will you?” pagpapakalmang suhestisyon ni Axel sa dalaga.

Napairap ng kanyang mata si Ysabella. “I can’t afford to let down my guard, especially with you around. You’re nothing more than a moving red flag. ”

Biglang tumawa si Axel nang marinig nito ang sinabi ni Ysabella na siyang ikinataas ng kilay ng dalaga.

“Oh, come on, Ysabella!  Is that the kind of person you think me to be?” natatawang tanong ng binata.

“My thoughts are unimportant; your actions speak for themselves,” buwelta ni Ysabella.

Muling napatawa si Axel sa sagot ng dalaga. “Ysabella, you've remained the same. You still have that smart and sharp mouth of yours.”

“Look at who's saying something.” At muling tinaasan ni Ysabella ito ng kilay.

Nagpakawala ng ilang halakhak si Axel bago nitong muling hinarap si Ysabella nang may mga seryosong mga tingin. “So, let's get down to business,” panimula ng binata na biglang nagbago ang tono ng pananalita.

Hindi nagsalita si Ysabella at sinenyasan lang si Axel ng ‘Go’. Tumayo si Axel sa pagkakaupo nito at kinuha ang itim na folder sa mesa nito saka iyon inilapag sa mesang nasa tapat ni Ysabella. 

“That’s the contract,” maikling saad ni Axel bago naupo. “There are only two conditions I want. First and foremost, we must marry. Last but not least, you will listen to everything I say.”

Nawala sa pagkakasandal ang likod ni Ysabella matapos marinig ang huling kondisyon ni Axel.

“What? Follow every word you said? What the hell do you think of me? A dog?” hindi makapaniwalang tanong ni Ysabella.

“I'm not saying you’re a dog, Ysabella. And when did it go wrong following orders from your boss?” tanong ni Axel matapos maipagdaop ang mga kamay nito at ipinatong iyon sa hita na naka-de kwatro.

“Boss?”

“Yes. I’m the boss and you are my subordinate. What else do you think our relationship will be?” tanong ni Axel at biglang gumihit ang nakakalokong ngisi nito sa mga labi. “Are you thinking that we can have more than a boss-subordinate relationship?”

“Damn your illusiveness, jerk!” gigil na mura ni Ysabella.

“Woah! I know how beautiful you are, Ysabella, but it’s not nice to hear a lady like you cuss. You’re causing a man to lose interest in you,” wika ni Axel na may kasamang pag-iling.

“Well, I don't mind, especially since it's you. It will be a huge help on my end,” tugon ni Ysabella na kita ang pagkadisgusto sa kanyang reaksyon.

Pinagmasdan ni Axel ang dalaga nang ilang saglit bago ngumiti. “Is that so?”

“Enough of the chit-chat. Now let’s get back to business,” pagkukumpas na saad ni Ysabella.

Ipinatong ni Axel ang ulo nito sa kamay at tinignan si Ysabella nang diretso sa mga mata nito. “You’ve already heard my terms; now it’s up to you to decide whether or not to accept my offer.”

Hindi sumagot si Ysabella at pinagmasdan si Axel na tila inaaral ang buong kilos nito. “What is the purpose of your actions? What is the point of giving your financial support to me?” seryosong tanong ng dalaga.

“Is it necessary for me to have a reason to help you?” inosenteng tanong ni Axel.

Napakuyom ng kanyang kamay si Ysabella. “Axel, stop pretending. You’re aware that you’re acting in this manner for a reason,” mariing saad ng dalaga.

Napahawak si Axel sa kanyang baba at bahagyang hinimas-himas iyon na para bang nag-iisip ng irarason kay Ysabella.

“Let’s just say it’s a charitable gesture on my part.”

“That's totally absurd!”

“You'd never know unless you were in my shoes. It is difficult to have a lot of money. You had no idea how you were going to spend it, and no matter how much you spent, it was never consumed.”

Alam ni Ysabella na hindi basta-basta kikilos si Axel nang walang rason. Kilala niya ito kung gaano ito ka-metikuloso pagdating sa mga bagay-bagay at hindi ito gagawa ng isang plano na hindi ito makikinabang at iyon ang kailangan niyang malaman bago siya mahulog sa patibong nito.

“Come on, Ysabella. Are you suspecting me that I’m doing this for a purpose?” hindi makapaniwalang tanong ni Axel nang maramdaman nito ang pag-aagam-agam ng dalaga.

“You are, indeed, suspicious.”

Napailing si Axel at napatingin sa ibang direksyon. “Do you truly think you have the time, Ysabella, to question my intentions? Your family’s company had already declared bankruptcy. Your father requires heart surgery, and you do not have the funds to pay for it. Do you believe you have the right to suspect me in this manner?” seryosong tanong ng binata. “You’re really a brazen lady.”

Hindi umimik si Ysabella at nakipagtitigan kay Axel. Ilang minuto silang binalot ng katahimikan ngunit binasag ng binata ang katahimikang iyon.

“My intentions don’t matter here, Ysabella. What matters is that your father and the company are going to be saved. That is why we came up with this arrangement. If you still have doubts, you can leave this room and watch your father die and lose the company that he worked so hard to build,” saad ni Axel. “It doesn’t matter if I don’t close this deal; unlike you, I have nothing to lose.”

Napakuyom ng kamay si Ysabella nang mahigpit. Gipit siya at walang ibang tao ang gustong tumulong sa kanya maliban ang lalaking nasa kanyang harapan. Nilapitan niya na ang lahat ng taong maaaring makatulong sa kanila at ginawa niya na ang lahat ng makakaya niya ngunit wala ni isa doon ang nangyari—lahat ay iniiwasan siya na tila ba may nakakahawa siyang sakit.

“Kasal lang naman ang gusto niya, Ysabella, at mga utos niya na kailangan mong sundin kapalit ng perang sasalba sa buhay ng iyong ama at ng inyong kompanya. Ano pa ba ang ikinadadalawang-isip mo? Tanggapin mo na,” wika ng kanyang isipan sa kanya.

Alam niya na maililigtas sa kapahamakan ang kanyang ama at maibabangon niyang muli ang kanilang kompanya pero hindi siya mapalagay sa kung anong plano ni Axel sa kanya. Ayaw niyang malagay sa panganib ang kanyang buhay sa pabigla-bigla niyang desisyon. Mahalaga sa kanya ang kanyang ama at ang kompanya ngunit mahalaga rin para sa kanya ang buhay niya.

“What should I do?” tanong niya sa kanyang sarili.

NANATILING walang imik si Ysabella habang isa-isa niyang inaaral ang bawat posibilidad sa p’wedeng mangyari sa sandaling tanggapin niya ang alok ni Axel. Nasa kalagitnaan siya ng pag-aanalisa nang biglang tumunog ang kanyang cellphone na mabilis niyang kinuha sa kanyang bag at nakita niya sa screen ang tawag na galing sa kanyang ina.

“Why don’t you go ahead and pick it up? It appears to be important,” wika ni Axel.

Napatingin si Ysabella kay Axel at binigyan lang siya nito ng senyas na ‘Go, you can answer it’. Bahagya siyang tumagilid saka sinagot ang tawag ng kanyang ina.

“Mama,” bungad niyang sagot.

“Ysabella, asan ka ba?” lumuluhang  tanong ng kanyang ina.

“Why? Is there something happened?” tanong ni Ysabella na biglang nakaramdam ng kaba.

“Inatake na naman ang papa mo,” umiiyak na sabi ng kanyang ina. “Sabi ng doktor, kapag inatake muli ang papa mo wala na silang magagawa at ibig sabihin noon ay tuluyan na siyang mawawala sa atin,” dugtong nito sa pagitan ng pag-iyak at nahihirapang paghinga.

Nang marinig ni Ysabella ang lahat ng iyon ay tila binuhusan siya nang malamig na tubig. Nang sandaling iyon ay nanariwa sa kanyang alaala ang mga katagang sinabi sa kanya ng kanyang ina noong mga nakaraang araw.

 “Hindi importante kung gusto o mahal mo siya, Bella, ang importante ang Papa mo—siya na lang meron tayo hahayaan mo bang mawala siya sa atin?”

Bumagsak na ang kompanyang pinundar ng kanyang ama at ngayon nasa bingit ng kamatayan ang kanyang ama dahil sa eskandalo na kanyang kinasangkutan. Dahil sa kanya nagkaganito at nagkandagulo-gulo ang kanilang buhay kung hindi sana nangyari ang lahat ng iyon hindi magkakaganito ang kanilang buhay at hindi malalagay sa panganib ang kanyang ama.

Habang naglalaro sa isipan ni Ysabella ang lahat na mga nangyari ay doon lamang siya natauhan.

“This is all my fault,” saad niya sa kanyang sarili. “This would not have happened if I had not let him go.”

“Bella, I’m begging you save your father. Kahit siya na lang ang iligtas mo kahit ‘wag na ang kompanya. Please, Bella. Siya na lang ang meron tayo ‘wag mong hayaan na mawala siya sa atin,” humahagulgol na pakiusap ng kanyang ina.

May kung anong bigat sa dibdib na naramdaman si Ysabella nang bitawan ng kanyang ina ang mga katagang iyon. Pilit niyang itinago ang kanyang nararamdaman nang sandaling iyon. Ayaw niyang makita ni Axel ang kahinaan niya.

“Okay, Mama. I will talk to you later,” paalam ni Ysabella at pinatay ang tawag ng kanyang ina.

Napapikit ito at humugot nang isang malalim na paghinga bago tuluyang hinarap si Axel na nakatingin lang sa kanya nang sandaling iyon.

“Bella, it’s just a marriage. You are capable of carrying out everything he says,” saad niya sa kanyang sarili. “You can do anything for Papa. You must go to any length to save him,” mariin niyang saad sa kanyang sarili.

Muli humugot nang isang malalim na paghinga si Ysabella. “Let’s forget about it all. The most important thing in this situation is to save my father.”

“I’ll accept it,” lakas loob na saad ni Ysabella. “I’m accepting your help.”

Gumuhit ang isang mala-demonyong ngisi sa labi ni Axel nang marinig ang sagot ni Ysabella.

“Then sign the contract,” wika ng binata.

Kinuha ni Ysabella ang ballpen sa mesa at hindi na nagdalawang-isip na pirmahan ito dahil nang sandaling iyon wala siyang ibang inisip kung ‘di ang iligtas ang kanyang ama.

“Done,” saad ni Ysabella nang matapos niyang  mapirmahan ang tatlong pahinang kontrata.

Kinuha ni Axel ang itim na folder at isa-isang tinignan ang pirma ng dalaga.

“Then everything became clear. You’ll receive all possible help you need,” wika ni Axel matapos isara ang folder at inilahad nito ang kamay sa harap ni Ysabella ngunit hindi iyon pinansin ng dalaga.

Tumayo si Ysabella sa kanyang pagkakaupo. “You must,” malamig na saad ng dalaga saka tumalikod para umalis ngunit biglang nagsalita si Axel.

“And, by the way, our wedding will be next week, so get plenty of rest. I don’t want my bride to look unattractive.”

Napapikit ng kanyang mga mata si Ysabella at hindi umimik saka tuluyang lumabas sa opisina ni Axel at nang sandaling nasa labas na siya ay sumabog na ang galit sa kanyang mukha na kanina niya pa pinipigilan. Ang rason kung bakit siya nasa ganitong sitwasyon, kung bakit nasa bingit ng kamatayan ang kanyang ama at ang pagkakalugi ng kanilang kompanya ay dahil sa lalaking iyon. 

“You’ll definitely pay for this Luigi Marco! I'll do whatever it takes to make you and your family pay for this! I swear!”

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Sanaan A. Tanog
naiinis ako sa babae Ang yabang yabang
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status