Kalmadong sinabi ni Farrah, "Kung manalo ako, huwag kang magpakita sa harap ko sa natitirang panahon ng kasunduan sa pagitan namin ng nakatatanda mong pinsan. Nakakainis ka."“At ikaw rin,” dagdag ni Farrah habang nakatingin kay Lara.“Sige!” sagot ni Xiara habang nagngangalit ang mga ngipin. “Paano kung ikaw ang matalo?”“Kung matalo ako, eh ‘di talo ako,” tahimik na sagot ni Farrah.“E-eh ‘di ka naman magbabayad ng kahit ano kung matalo ka? Gusto mo lang makalamang nang walang kapalit. Marunong ka talagang samantalahin ang sitwasyon!”Kampanteng sumandal si Farrah sa isang haligi malapit sa kanya at bahagyang iniangat ang kanyang paningin, “Kung hindi ka masaya, hindi mo kailangang makipagpaligsahan sa akin sa flower arrangement.”Nakakainis! Galit na galit sina Xiara at Lori na gusto na talaga siyang sugurin. Sobrang pinipiga sila ni Farrah!"Iba rin si Miss Farrah," bulong ni Yen noong pasimple itong lumapit kay Hector."Ngayon mo lang ba napagtanto?"Hindi nakalagpas sa mga mara
"Sure." Mabilis na sagot ni Farrah. Hinayaan niyang hawak ni Hector ang kamay niya habang naglalakad sila. Halos takasan ng kulay ang mga mukha ni Xiara at Lori dahil sa nangyari. "Xiaxia, ano nang nangyayari? H'wag mong sabihin na nahuhulog na ang pinsan mo sa babaeng iyon? Kung ganoon ano nang gagawin ko?" Parang namumula na ang mga mata ni Lori noong sinasabi iyon. Para na siyang maiiyak. "H'wag mong masyadong paganahin 'yang imahinasyon mo. Hindi naman bulag ang pinsan ko. Paano niyang magugustuha ang Farrah na iyon?" "Pero bakit binilhan niya ng gaanong kamahal na damit si Farrah? Paano mo iyon ipapaliwanag?" "Sa tingin ko ay ginagawa lang ito ni kuya Hector para sa reputasyon niya at para hindi siya maipahiya ng babaeng iyon." "Pero hinawakan niya ang kamay ng babaeng iyon, at hindi pa siya humawak ng kamay ng kahit sinong babae. Ni hindi niya nga nahawan ang kamay ko. Paano mo naman ipapaliwanag iyon?" Malungkot pa ring tanong ni Lori. Hindi alam ni Xiara kung pa
Hinanap ng paningin ni Farrah ang nagsalita. Nakita naman agad niya si Xiara. Nakataas ang kilay niya at parang kumikinang ang mga mata. "Akala ko ba gawa ni Designer Hans ang isusuot mo? Naaalala ko na pinagmamalaki mo noong isang araw na iyon ang isusuot mo. Bakit iba yata ang suot mo? Kitang-kita sa pagtangis ng ngipin ni Xiara ang gigil sa kausap. Kung puwede niya lang kagatin iyon. Ay kinagat niya na ito. "Huwag kang mayabang! Alam kong kaya suot mo 'yang damit na 'yan ay dahil sa koneksyon ni Kuya Hector, 'di ba? Wala ka namang kakayahang makakuha niyan!" Tumaas ang isang sulok ng labi ni Farrah, at nabahiran ng pagkamangha ang kanyang magagandang uri ng mata. "Ang talino mo talaga. Galing nga ito sa Kuya mo. Pinaghandaan at pinagkagastusan talaga ng fiancé ko ito para sa akin. Sinabi ko sa kamya na h'wag na akong pagkaabalahan pang gastusan pero hindi siya marunong makinig. Wala na akong nagawa roon." Umasim at hindi na matimpla ang mukha ni Xiara, mas lalo ang mukh
Maingat bumaba ang dalaga sa bawat baitang ng ng hagdan. Bahagyang nakaangat ang layalayan upang maiwasang matapakan. Mistula ito isang anghel na lumabas mula sa langit o isang napagandang karakter sa isang obra maestra. Napakaganda nito, walang kaparis na salita upang mailarawan ang babae. "Hi-hindi ba't ito ang natatanging gawa ni Designer Hans mula sa kanyang mga koleksyon?" Halos manginig ang boses na bulalas ni Yen. Noong marinig iyon ni Hector ay doon niya lang nabigyang pansin ang suot nitong dress. Parang ito nga ang pinakamagandang design ni Christian Hans, na ilang beses niyang sinubukang mabili. Lumakad si Farrah sa pagitan ng dalawang taong pareho pang mangha. "Oo, tama kayo. Ito nga ang pinakamagandang gawa ni Designer Hans." "Paanong nasa iyo yan?" Nanlilit ang mga matang tanong ni Hector. "I got it with my own efforts. " May katotothanang sagot niya Farrah. "Ang alam ko, ang nakakuha ng damit na iyan ay ang chairman ng TF Designs." Nanalalalim at nanliliit
Halos sumigaw si Xiara noong sinagot nito ang tawag. "Ready na ang dress ko?" "I'm sorry Miss Hontiveros, tungkol po ito sa order niyo. Pero nagdesisyon po ang company namin na i-cancel po ang inyong reservation." "What?!" Hindi makapaniwalang bulalas ni Xiara. Halos mamilog ang nanlalaki niyang mata. "Paano? Paano niyo nagagawa sa'kin 'to?! I've already paid for my deposit!" "Pasensya na po kayo, pero ang top management po namin ang may desisyon rito. H'wag po kayo mag-alala ibabalik po namin ang binayad niyo at tutupad kami sa aming breech of agreement." "Sinong nagsabi na gusto ko ang bayad niyo? Ang dress ang gusto ko! I want the dress by Designer Hans!" Sumisigaw na si Xiara sa sobrang frustration. "Naideposit na po namin sa account niyo ang refund at bayad, you can check it." "Hindi ako payag! H-hello? Hello!" Naibaba na pala ang tawag. Sa sobrang galit ni Xiara ay halos ibato niya na ang phone niya. "Damn that TF Design Company! Ganun, ganun lsng iyon at magbabago na l
Gaganapin na naman ang taunang dinner ng pamilya Hontiveros. Magarbo ito. At taon-taong ginaganap. Lahat ng babae sa pamilya ng Hontiveros ay kanya-kanyang pagpapasadya ng kanilang mga kasuotan. Una sa lahat upang maipagmalaki na bahagi sila ng pinakamayamang angkan ng Hontiveros, ikalawa ay para kunin ang spotlight sa nasabing pagtitipon. Bago pa man maganap ang selebrasyon ay nilapitan ma agad ni Xiara at Lori si Farrah. "Farrah, remind ko lang sa'yo, fiancée ka ng pinsan ko, Don't you dare embarrass him with your dress in that family dinner! Kung wala kang maisuot dahil hindi mo afford, you can always beg for me. Marami akong mga nagamit nang damit sa closet. Kahit medyo old styles ay mga famous designers ang may gawa noon. Baka hindi pa nga nakakapagsuot ng ganoon kamahal na mga damit. Ano? Baka gusto mo nang magmakaawa sa'kin na pahiramin kita. Basta ba magmakaawa ka sa'kin pahihiramin kita ng complete outfit." Mahaba at mayabang na sabi ni Xiara. "Hindi ko kailangan magma