"Please let me do this," wika ni Mia kay Jacob. "Kaunting bagay lang ito kompara sa mga ginagawa mo para sa akin. Please!" Lumabi siya. "Bahala ka. Kapag 'di mo ako pinayagang maghugas ng pinggan, mahihiya na akong kumain."Napangiti si Jacob. "Okay," aniya. "Baka lang kasi pagod ka dahil nagluto ka.""Hindi ako pagod," tugon ni Mia. Ngumiti siya. Sa wakas ay hinayaan na siya ni Jacob. Napalingon siya nang marinig ang boses ni Isabel. "Bakit hindi pa siya umaalis? Gabi na. Saan ba siya umuuwi?""Sinasamahan niya si Lola sa kwarto," tugon ni Jacob. "Sinabi sa akin ni Mang Vic na simula nang ma-diagnose ng stage 5 dementia si Lola, in-advise na kailangan lagi siyang may kasama. Kaya naghanap kaagad sila ng caregiver para kay Lola. Luckily, nahanap nila si Isabel. She's a registered nurse. She's the best caregiver they could find for Lola. Single siya kaya wala pa siyang masyadong hustle sa buhay kaya pumayag siyang magtrabaho rito nang stay-in. She lives thirty minutes away from here."
Nagising si Mia sa marahang pagkatok sa pinto ng kaniyang kwarto. Alas sais na ng umaga. Dali-dali siyang bumangon upang buksan ang pinto. "Jacob!" nakangiting bulalas niya nang ang gwapong mukha ng binata ang bumungad sa kaniya.Nanlaki ang mga mata niya nang biglang magbaba ng tingin si Jacob. Nakalimutan niyang manipis na satin dress lang ang kaniyang suot. Kaagad siyang nagtago sa likod ng pinto."I have some t-shirts and pants here for you," wika ni Jacob. "These are mine. Makakapal ang tela ng mga ito kaya kahit wala kang panloob ay hindi mahahalata." Iniabot niya iyon sa dalaga na malugod naman nitong tinanggap."S-salamat," wika ni Mia. "Aalis na ba tayo?"Jacob nodded. "Are you hungry already? Sa labas na lang tayo mag-agahan. Lola is still asleep. Pagbalik natin, baka gising na siya. Tapos aalis na tayo papunta sa beach.""Okay. Salamat ulit, Jacob. Lalabas na lang ako kapag tapos na akong magbihis."Jacob nodded and left. Nailing at natawa siya habang ipini-play sa kaniyang
Finally, they reached the beach! Parang batang nagmamadaling bumaba si Anita mula sa kotse pagkabukas ni Jacob ng pintuan niyon. "Dahan-dahan lang, Lola. I booked three days in the hotel. We have plenty of time to spend here," nakangiting wika ni Jacob."Hindi na ako makapaghintay na maligo sa dagat," wika ni Anita. Kumikislap ang mga mata nito habang nakatingin sa payapang dagat. "Kailangang may kasama kayo kapag naligo kayo.""Sasamahan ko ho siya," wika ni Isabel. Nagmamadali nitong hinubad ang suot na cover up. Jacob looked away because she was wearing a very skimpy red bikini. Halos kapiranggot lang ang telang nakakatakip sa maseselang bahagi ng katawan nito.Mia couldn't help but roll her eyes. Hindi talaga pinalampas ni Isabel ang pagkakataon na ibalandra ang katawan nito. Alam niyang sinadya nito ng magsuot ng sobrang revealing na bikini upang magpapansin kay Jacob. Pasadya siyang umubo. "Isabel, I think you should keep wearing your cover up," aniya."At bakit?" tugon ni Isa
"Hindi mo naman ako kailangang kargahin," wika ni Mia kay Jacob habang papasok na sila sa room nila ni Isabel."I want to. Okay?" tugon ni Jacob. Hindi na umimik pa si Mia. Marahan niyang ibinaba ito sa kama. "Stay here. Babalikan ko lang si Lola at si Isabel." Tumango ang dalaga.Ngunit pagkalabas pa lang ng kwarto ay nasalubong na ni Jacob ang abuela at si Isabel."Sir Jacob," ani Isabel. Bagsak ang mga balikat nito pati ang magkabilang sulok ng labi, "kailangan ko hong umuwi."Nagsalubong ang mga kilay ni Jacob. "Bakit?" aniya. "I mean, nasa kalagitnaan tayo ng bakasyon. Hindi ba pwedeng tapusin muna natin ang bakasyon? Tutal, tatlong araw lang naman tayo rito.""Emergency, Sir, eh," tugon ni Isabel. "Tumawag sa akin ang tatay ko. Naaksidente raw ang bunso kong kapatid."Nagulat si Jacob sa narinig. "Gano'n ba? Saglit lang, ihahatid kita sa inyo," aniya."Hindi na ho. Kailangan kayo ni Lola Anita. Naisugod naman na sa ospital ang kapatid ko." Yumuko ito. "Pera ho sana ang kailangan
Mia was catching her breath when her and Jacob's lips parted."I've wanted to do that for a long time," anang binata.Mia did not know what to feel. Matagal niya na ring inasam na mahalikan ni Jacob. Ngunit ngayon na nangyari na ito, nakakadama siya ng pagdadalawang-isip. "I'm sorry," aniya. Yumuko siya. "I... I couldn't do this. It's just too fast."Jacob sighed. "Give me a chance, please. You like me. It's a good start," aniya."It's not enough. Ayaw kong gawin kang rebound. You don't deserve that. Please understand, Jacob. Don't make this hard for me."Tumango si Jacob. "I respect your decision," aniya. "Ayaw kitang pilitin. Mas mahalaga sa akin ang nararamdaman mo." Pinilit niyang ngumiti. "Eat, please. I worry about you. At least eat."Mia nodded. "Thank you, Jacob," aniya. Bagsak ang mga balikat na lumabas ng kwarto ang binata. Napabuntong-hininga siya nang mawala na ito sa kaniyang paningin. Nasapo niya ang kaniyang ulo. "Ano'ng ginawa mo, Mia? After you told him you like him,
"I'm sorry, dude," wika ni Bram nang biglang mapatawag sa kaniya si Jacob. "Amelia Alcantara Ferrer is all over the news. And I was surprised that she was big. Anak pala siya ng nag-iisang Vincent Ferrer. D@mn, dude! You should have seen my face when I found out who she was. Hinahanap siya ng pamilya niya. And his father went to my bar. Alam mo namang hindi ako marunong magsinungaling. I told him I saw her here. But I did not tell him she left with you. He asked me about the security cameras in my bar. Mabuti na lang at saktong nang araw na iyon ay under repair ang mga iyon. Or else I'd be fvcked." He paused. "No. You'll be fvcked.""Kung gano'n paano natunton ni Oliver si Mia rito? Paano niya nalaman na nasa Zambales si Mia?""That, I don't know Jacob. Basta ang alam ko, hindi kita nilaglag," tugon ni Bram. "Pero sa yaman ng pamilya ni Mia, they have all the resources to find her."Jacob nodded. "I'm sorry, Bram. I'm just worried about Mia," aniya."Sabihin mo nga sa akin, Jacob. Ano
Tahimik ang buong kwarto nang biglang may kumatok sa pintuan. Dali-daling tumayo si Mia upang buksan iyon. "Isabel..." halos pabulong niyang wika."O, nandito ka pa pala!" wika ni Isabel."Ano ang ibig mong sabihin na nandito pa pala ako?" tugon ni Mia. Naningkit ang mga mata niya. "Sandali. Ikaw ba ang nagturo kay Oliver kung nasaan ako?""Oo, bakit?" Tumaas ang kilay ni Isabel. "Dapat magpasalamat ka sa akin. Gusto ko lang tulungan ka na makabalik sa inyo," aniya."Sino ang nagsabi sa iyo na gusto kong bumalik sa amin? At higit sa lahat, sino ang nagsabi sa iyo na kailangan ko ng tulong mo?""Nangyari na ang nangyari. Wala nang silbi pa kung magagalit ka sa akin.""Atat na atat ka yatang mawala ako," wika pa ni Mia. Napabuntong-hininga siya.Lumapit sa kanila si Jacob. "Ikaw pala ang nagsabi kay Oliver kung nasaan si Mia. Bakit mo ginawa iyon?" aniya.Napalunok si Isabel. "Sir Jacob, gusto ko lang naman makatulong," tugon niya."Sino'ng maniniwala sa iyo?" Umigting ang kaniyang panga
"I'm sorry, Isabel. I was just stressed. A lot of things are going through my mind, especially with Lola's condition. I don't know what to do. Hindi kita dapat pinagbuntunan. I could've said everything that I told you in a better and calmer way.""Mabuti nga ho sinabi ninyo sa akin iyon sa gano'ng paraan. Sa ginawa ninyo, parang nauntog ang ulo ko. Para akong natauhan," tugon ni Isabel. "Paano n'yo nga naman magugustuhan ang kagaya ko? Eh ang layu-layo ko kay Mia.""Walang kinalaman si Mia rito. Kahit wala si Mia, gano'n pa rin ang maramdaman ko."Napayuko si Isabel. "Okay na, Sir. Tanggap ko na ho. Pasensya na lang ho ulit sa nagawa ko. Maling-mali ho na nakialam ako. Kulang pa nga ang galit ninyo sa ginawa ko kay Mia. Hindi ko dapat pinanghimasukan ang buhay niya." Tumango si Jacob. "Kung hindi nga lang sa ibinigay n'yong tulong sa akin, ayaw ko na sanang magpatuloy pa sa pagtatrabaho sa inyo," wika pa ni Isabel. "Parang ang sikip-sikip na ho ng mundo para sa akin. Mahihirapan na ho