Share

45- The deal

Matamang tinititigan ni Vincent ang anak na si Mia. Dumating ito mga ilang minuto na ang nakararaan ngunit nananatili itong tahimik at walang imik. "Pwede mong sabihin sa akin kung ano ang tumatakbo sa isipan mo. May problema ba, anak?" tanong niya rito.

Pinilit ngumiti ni Mia. "I'm okay, Dad. Hindi ko na ho kayo dapat binibigyan pa ng ibang alalahanin," tugon niya.

"It's okay. Tell me," ani Vincent. "Gusto kong maramdamang ama mo ako. Gusto kitang tulungan. Sabihin mo sa akin, ano ba ang gumugulo sa isipan mo?"

Nagbuntong-hininga si Mia. "I still love Jacob, Dad," sa wakas ay tugon niya.

"Mahal ka rin ba niya?"

Tumango si Mia habang nangingilid ang mga luha.

"So, what's the matter? Then you should be together again," ani Vincent.

"Dad, paano ka?"

"Anong paano ako?"

"He can't forgive you, Dad. Anong klaseng relasyon ang magiging relasyon namin kung hindi kayo okay?"

Nagbuntong-hininga si Vincent. "Love is between two people, Amalia. And nothing should come between them," wika niya.
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status