Good morning po. Stay tuned for more updates!
Ella’s POVKatatapos ko lang maligo nang marinig kong may tumatawag sa cellphone ko. Basa pa ang buhok ko at balot pa ng tuwalya ang katawan ko. Agad kong kinuha ang telepono sa ibabaw ng kama.Pagtingin ko sa screen, para akong nabuhusan ng malamig na tubig. Pamilyar na number iyon. Si Neil.Mabilis kong pinindot ang end call button. Ayoko siyang sagutin. Pero ilang segundo lang, nag-vibrate ulit ang phone ko. This time, may text na pumasok.“Ella, don’t forget our deal. The date, or the hospital goes down. I’m not kidding.”Para akong pinipiga ng kaba at galit. Dumilim ang paningin ko. Binuksan ko agad ang call log at tinawagan siya.Pagkarinig ko pa lang ng boses niya, halos pasabog na ang tono ko.“Neil, putangina mo! Tigilan mo na ako. Hindi mo ba ako titigilan kahit isang beses?!”Narinig ko siyang tumawa, mababa at nakakairita.“Relax, Ella. I’m only reminding you. You don’t want to see St. Augustine fall, do you? Lalo na’t nandun ang fiancé mong si Rowan.”“Bwisit ka! Wala kan
Ella’s POVKumakain ako mag-isa sa isang fast-food restaurant. Gusto ko lang ng mabilis na pagkain para makabalik agad sa opisina. Habang nagbubukas ako ng fries, bigla kong napansin ang isang pamilyar na lalaking papasok sa loob.Namilog ang mga mata ko nang makumpirma kong si Blake De Leon iyon.Parang humigpit ang dibdib ko. Ang dami kong naalala. Siya ang lalaking minsan kong nakasama sa isang madilim na bahagi ng buhay ko. Dati siyang addict, may sakit sa puso, naoperahan na, at naging sobrang aggressive at possessive sa akin noon. Hindi ko makakalimutan ang mga sigawan, ang mga pilit na hawak, at ang scandal na kumalat dahil sa amin.Pero ang lalaking nakita ko ngayon ay ibang-iba. Maayos ang suot, formal, parang galing sa opisina. Malinis ang gupit, halatang alaga ang katawan, at may aura ng propesyonal. Para bang hindi ko na siya makilala.Biglang kinabahan ako. Nanginig ang mga kamay ko sa takot. Gusto ko sanang tumayo at lumabas, pero huli na—nakatagpo na ng tingin ang mga m
Ella’s POVNakatanggap ako ng email mula sa Archangel Group. Pinapapunta nila ako. Ayoko sanang pumunta pero dahil isa sila sa mga pinakamalaking investor ng Vantare Creative Studios, wala akong choice.Pagdating ko sa building, sinalubong ako ni Michael, ang secretary ni Neil.“Good afternoon, Ms. Navarro,” bati niya. “This way, please. Naghihintay na si Mr. Archangel.”Tahimik lang akong sumunod. Diretso kami sa conference room. Pagbukas ng pinto, tumambad sa akin si Neil. Nakaupo siya mag-isa sa dulo ng mahabang mesa, may hawak na dokumento. Nang tumingin siya sa akin, agad akong nagsalita.“Sabihin mo nga, Neil,” madiin kong tanong. “May kinalaman ka ba sa pag-pull out ng Archangel Group at ng iba pang investors ng St. Augustine Hospital?”Tiningnan niya si Michael. “Leave us.”Tumango lang si Michael at lumabas, isinara ang pinto.Tumayo si Neil at humakbang papalapit sa akin. Hindi siya nagtagal sa mesa, diretsong tumapat sa akin.“Yes,” proud niyang sagot. “Ako ang nagdesisyon.
Ella's POV Hindi ko maitago ang kaba nang mabalitaan kong nag-pull out ang Archangel Group bilang isa sa pinakamalaking investors ng ospital na pinagtatrabahuan ni Rowan. Kagagaling ko lang sa project sites pero imbes na umuwi, dumiretso agad ako sa ospital. Ramdam kong may mabigat na nangyayari. Pagpasok ko sa opisina niya, nadatnan ko siyang nakaupo sa swivel chair, nakatitig lang sa mesa na para bang wala siyang naririnig sa paligid. “Rowan…” maingat kong tawag habang marahan kong isinara ang pinto. Hindi siya tumingin. Ilang segundo pa bago siya sumagot. “They pulled out, Ella. Not just Archangel, pero pati ‘yung ibang investors. Parang domino effect. Once they heard Archangel left, lahat nag-alisan.” Nilapitan ko siya at hinawakan ang balikat niya. “I’m sorry… Alam kong ang hirap nito. Pero kaya natin ‘to. Makakahanap tayo ng paraan.” Umiling siya. “You don’t understand. This hospital relies heavily on those investments. Kapag hindi natin naayos agad, maraming empleyado ang
Neil’s POV Tinawagan ko si Michael habang nasa opisina ako. Hawak ko ang ballpen, pinipindot iyon sa mesa habang pinipigil ang inis. “Michael, I want you to stop our investments sa ospital kung saan nagtatrabaho si Dr. Rowan Guerrero. Effective immediately. I don’t care kung gaano kalaki ang mawawala. I don’t want our money there.” Saglit na natahimik sa kabilang linya bago nagsalita si Michael. “Sir, sigurado po ba kayo? That hospital has been with us for years. Malaking part ng portfolio ng Archangel Group.” “I said withdraw,” madiin kong sagot. “I don’t want to repeat myself.” “Yes, Sir. I’ll prepare the documents.” Hindi pa man ako nakakahinga ng maayos ay bumukas ang pinto ng opisina. Si Savannah. Kita ko sa mukha niya ang galit. “Neil!” sigaw niya. “What the hell did you just do?!” Umirap ako. “I’m busy. Lumabas ka kung sisigaw ka lang dito.” Lumapit siya at itinulak ang mga papel sa mesa ko. “Do you even realize kung anong ginawa mo? The board just called me. They said
Neil's POV Pagkarating ko sa mansion, sinalubong agad ako ng malamig na tingin ni Ate Savannah at ng mga magulang ko. Ramdam ko pa lang sa mga mata nila, galit na agad. “Neil!” sigaw ni Savannah. “Do you even realize what you’re doing?!” Hindi pa ako nakakaupo nang agad na nagsalita si Papa. “How many times do we have to tell you? Hindi ka puwedeng lumabas mag-isa. You had a heart operation four years ago. Mino-monitor pa rin ang kondisyon mo. Ayaw mo bang mabuhay pa?” Humugot ako ng malalim na hininga. “I just visited Ella.” Biglang sumiklab ang mga mata ni Savannah. “Ella? Are you insane? Do you even know kung gaano kalaking gulo ang pinasok mo sa pagbalik mo rito? She’s about to marry someone else. Nilagay mo pa siya sa alanganin.” “Savannah,” singit ni Mommy, medyo naiiyak ang boses niya. “Hindi mo ba nakikita? Your brother never stopped loving her. Sa Spain pa lang, halos araw-araw naririnig natin siyang umiiyak. Paulit-ulit niyang sinasabi ang pangalan ni Ella. Minsan nga h