Share

Chapter Four

NANG lumabas siya ay hinanap niya si Gael ngunit hindi niya nakita ito sa paligid kaya't ilang minuto na siyang naglalakad ng makita niya ito sa park ng village nila, nakaupo ito sa isang bench maya-maya'y nilapitan niya ito.

    "Gael," tawag niya rito, alam niyang galit ito.

    "What do you need?" tanong nito na halata ang galit sa boses, tumayo ito at tumapat sa kanya, napayuko siya.

    "Ba't ka nagsinungaling? Ba't mo sinabing nagpropose ako sayo ng kasal?"

    "Gael, ito lang ang naiisip kong paraan para maging okay ang lahat."

    "Okay? Tingnan mo nga ako ngayon Hebe, sa tingin mo okay ba ako?" tiningnan niya ito at nakita niya ang luha nito sa mga mata.

    "Gael, ayokong masaktan ka, ito lang ang paraan na wala ng mang-aapi sa'yo."

    "Hebe, hindi ko alam kung bakit mo ginagawa 'to, pero alam mo namang hindi ko gusto 'to, kung sinabi nila sa'yo na para sa business 'to sana tumanggi ka, sabihin mo nga, ginagawa mo ba 'to para sa Love Pastries? Para ipamana na sa'yo 'yon?" hinawakan siya nito sa magkabilang balikat at tinitigan sa mga mata.

    "Please tell me, iyon ba ang kapalit ng pagpapakasal mo?"

    "Yes," pagsisinungaling niya at biglang pumatak ang kanyang mga luha, hindi dahil sa nagsinungaling ulit siya ngunit dahil sa sakit na nararamdaman niya, hindi pa siya handang sabihin na mahal niya ito, dahil takot siyang tanggihan nito iyon.

    "Pinagpalit mo ang pagkakaibigan natin dahil doon," binitawan siya nito. "Pinagpalit mo ang pinagsamahan natin dahil sa pangarap mo!" sigaw nito at nagwala ito kaya't pinigilan niya, nagpumiglas ito at umiwas sa kanya.

    "Makasarili ka Hebe, hindi mo na inisip kung anong mararamdaman ko, alam mong tututol ako pero ano? Ginawa mo pa rin ang gusto mo para sa pangarap mo at kaligayahan mo, kahit na kapalit pa noon ay ang taong pinagkakatiwalaan ka at itinuturing kang pinakamatalik na kaibigan!"

    "Makasarili? kung makasarili ako 'di sana pag umiiyak ka at may problema wala ako, na sana pag may pinupuntahan ka at kahit ayaw kong sumama gagawin ko pa rin dahil kaibigan kita, dahil pinapahalagahan kita, hindi mo ba naisip na kinalimutan ko ang sarili ko at ang lahat ng bagay na dapat pinagkakaabalahan ko para sa'yo, na may ibang bagay na dapat ginagawa ko pero ginugol ko sa pagiging bestfriend mo, Gael 'wag mong sabihing makasarili ako dahil may ibang mga bagay akong gusto ko pero pinagpalit ko makasama ka lang at maging kaibigan mo, kaya kahit ito lang ibigay mo na sa akin, sana naman kahit sa harapan lang nila magpanggap ka na masaya ka, na masaya tayo kahit hindi totoo," nakita niyang natahimik ito, nakatingin sa kawalan na animo'y may malalim na iniisip.

    "Kung ito ang kabayaran sa lahat ng ginawa mo para sa akin, sige gagawin ko, but don't expect me to be a perfect husband to you, magpapanggap akong masaya sa harap nilang lahat pero 'wag kang mag-asam na ganon din ang gagawin ko pag tayong dalawa na lang," saad nito at walang lingon likod na iniwan siyang umiiyak pa rin.

    Nang hindi na niya matanaw ito ay doon na siya napaluhod at umiyak ng sobra-sobra, hindi niya inaasahan na magiging ganito kasakit ang lahat, na magiging ganito kahirap ngunit mas pipiliin na niyang masaktan habang kasama ito kaysa ang maging miserable dahil hindi niya kasama ito at nakikita niyang nasasaktan, mas okay ng siya na lang ang masaktan

    Sorry Gael, sorry, hindi ko na alam kung ilang beses akong dapat humingi ng tawad sa'yo, ang alam ko lang ay nagmamahal ako at lahat ng nagmamahal ayaw na nakikitang miserable ang mahal nila.

    Naupo siya sa bench na naroon at tumingin sa langit ,alam niyang nagalit sa kanya ang kaibigan niya, ang taong tinuring siyang bestfriend, ang lalaking mahal niya, but this is a gamble, love is a gamble.

    Kailangan niyang tumaya para makapiling ito, dahil baka sa huli siya ang mag-sisi, alam niya ring pag ikinasal sila ay hindi na magiging katulad ng dati ang lahat, maaring hindi na siya pansinin nito pag sila na lang ang magkasama pero sa simula lang iyon dahil gagawin niya ang lahat maging katulad lang ng dati ang lahat, mapagkatiwalaan lang siya nito ulit.

MATULING lumipas ang tatlong linggo at hindi namalayan ni Hebe na kasal na pala sila ni Gael, paspasan kasi ang nangyari naganap lang ang kasal sa Isla Simonne, ang reception ay sa loob ng hotel, ang imbitado lang ay ang mga close friends at mga kamag-anak, naaalala pa niya ang kasal na nangyari, hindi ito katulad ng napanaginipan niya.

    When the priest said you may now kiss the bride, isang napakabilis na halik lang ang ibinigay nito sa kanya, he didn't even look at her, at ng nasa reception na sila ay halata rito ang pagka-disgusto sa mga nagaganap dahil hindi man lamang ito ngumingiti, hindi nito alam na lihim siyang nasasaktan, ngayon ay nakatira sila sa kabilang isla na malapit lang sa Isla Simonne, ang Isla Bernadine na regalo sa kanila ng mga magulang nila, dito sila titira habang bago pa lang silang kasal ngunit pag dumating ang panahon na mag-kaanak na sila ay lilipat sila sa siyudad, ang bahay nila na tinitirhan ay magiging bakasyunanbngunit habang wala naman silang mapagkaabalahan ay dito muna sila sa Isla, niregaluhan din sila ng yate ng mga magulang nila, ito ay pag gusto nilang pumasyal sa karagatan, sa ngayon ay nasa kabilang isla si Gael at siya naman ay ipinaghahanda ito ng hapunan dahil alam niyang sa pag-uwi nito ay pagod ito sa unang araw nito sa pagtatrabaho sa hotel.

    Tatlong oras na siya sa kusina ng mapansin niya ang oras, within 30 minutes ay darating na si Gael, sinabi nitong uuwi ito ng 8:30 kaya dali-dali siyang nag-shower upang maging mabango naman siya para sa asawa, sumunod ay nagpabango siya at nagsuot lang ng shorts at t-shirt na puti, pagkatapos niya roon ay lumabas na siya at nasilip niya si Gael na bumaba sa yate at papasok na sa bahay kaya't sinalubong niya ito.

    "Ah, Gael nagluto ako ng hapunan para sa'yo, sigurado kasing gutom ka na," dire-diretso lang ito at hindi siya pinansin.

    "Hindi ka ba kakain? Niluto ko yung paborito mong kalderetang baka at camaron rebusado."

    "Kumain na ako sa restaurant sa kabilang Isla," yun lang at bigla na itong pumasok ng kwarto, dati-rati walang luto niya na hindi kinain ni Gael, lagi itong nanghihingi at nagre-request sa kanya na ipagluto niya ito ngunit ngayon ay todo iwas na talaga ito sa kanya, pakiramdam niya ay hindi talaga sila mag-asawa ni Gael.

    Totoo naman ah, hindi talaga kayo mag-asawa dahil sa papel lang iyon! Hindi ka niya mahal Hebe, nahihibang ka lang talaga! Sigaw ng kanyang isip sa kanyang sarili, wala siyang ibang nagawa kung hindi ay matulog na rin, nawalan na rin siya ng ganang kumain dahil sa nangyari kaya't iniligpit niya na lang ang hapag-kainan at pumasok na sa kanyang kwarto.

    Magkaiba sila ng kwarto ni Gael, pero katapat lang ng kwarto niya ang kay Gael, habang nakahiga ay kung ano-anong pumapasok sa isip niya.

    Gael ano bang dapat kong gawin mapatawad mo lang ako at mahalin?

    Ang sakit nang nararamdaman niya at nagagalit siya sa sarili niya ngunit hindi niya rin masisisi ang puso dahil nagmahal lang naman ito.

    Ang talagang may kasalanan ay siya dahil ginamit niya ang kahinaan ni Gael upang ipitin ito, nakatulog siya na may luha sa mga mata.

    Ilang gabi pa ba ang titiisin niya para indahin lang lahat ng sakit? Kailangan pa bang dumating ang araw na namamanhid na siya at wala ng maramdaman?

NAGISING si Gael ng maaga at nag-ayos ng sarili niya para sa pangalawang araw sa trabaho, kahapon talaga ay hindi pa siya nakakain, pilit niya lang ipinaramdam kay Hebe na iniiwasan niya ito, lumabas siya ng kwarto at papasok na sana ng makita niya ang katulong nila.

    "Si Hebe po?" tanong niya rito.

    "Ang alam ko po nasa kwarto pa at tulog, gusto niyo ho bang mag-almusal na?" lumapit siya sa lamesa at nakita ang nakahain doon ang mga paboritong ulam, naalala niya si Hebe pala ang naghanda noon kagabi ngunit hindi niya kinain, naramdaman niyang naiinis siya sa sarili dahil sa ginawa niya, siguradong nalungkot ito kagabi, walang niluto nito ang hindi niya kinain, naalala niya noong bata sila siya ang nakatikim ng unang-unang sunog na cake na ginawa nito, ipinangako nito na balang-araw ay magiging pastry chef ito at igagawa siya ng pinakamasarap na cake sa buong mundo, napangiti siya dahil doon, ang sumunod niyang ginawa ay umupo na at nagsimulang sumandok ng kanin, na-miss niya ang mga putaheng iyon at lalo na ang luto ni Hebe, lihim siyang napapangiti pag naiisip niyang pinaghirapan nitong iluto iyon, hindi niya maipaliwanag ang tuwa na nararamdaman, maya-maya'y narinig niya ang tunog ng pintuan sa kwarto ni Hebe, nakita niya itong nakatayo sa labas ng kwarto nito at halatang nagulat ng makita siya.

    "Akala ko hindi na kita maaabutan."

    "Kain ka na," aya niya rito, umupo na ito at nakita niya na ngumiti ito, ilang araw niya na palang hindi natitigan ito,  na-miss niya ang ngiti na iyon, ipinagpatuloy na niya ang pagkain, nang matapos ay nagpaalam na siya at sumakay na ng yate, nandoon ang ini-hire na magda-drive noon, masaya siyang pumasok ng hotel at binati ang mga tao doon, kitang-kita ng mga ito ang saya sa kanyang mukha, maging siya hindi niya maipaliwanag iyon at napapailing pa siya.

    Hindi niya na maalala kung kailang ang huling beses na naramdaman niya iyon pero ang mahalaga ay na-realize niya sa sarili niya na marunong pa pala siyang ngumiti.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status