PAGKATAPOS kumain ay pumunta si Hebe sa bahay nila Gael, nang makarating ay sinabi ng mga katulong na nasa kwarto si Gael na nagmumukmok at nagkukulong, inisip niyang marahil ay dahil sa nangyari rito kahapon, inakyat niya ito sa kwarto at ng madatnan niya ito ay nakita niya ang magulo nitong kama, gising na ito at nakayuko, agad niyang nilapitan ito.
"Gael is everything Okay?" tanong niya rito at hinawakan ito sa balikat at hinimas-himas iyon.
"No, everything's wrong, everything's a mess," sagot nitong nakayuko pa rin, maya-maya'y gumalaw ito at tumingin sa kanya tumitig ito ng matiim sa kanyang mga mata, puno ng pagdududa at pagtatanong sa kanya, bigla ay ang pagbundol ng kaba sa kanyang dibdib.
"Alam mo na ba ang tungkol sa napagkasunduan ng mga pamilya natin?"
"Anong kasunduan?"
"Na ipapakasal nila tayo? Kanina nag-usap kami ni Daddy, I was shocked when he told me na magpapakasal tayo within 3 weeks, parang sobrang bilis at isa pa best hindi tayo, alam mo ba kung anong nangyari? Wala ka bang sinabi na kung ano?"
"Wala, basta pag-uwi ko kagabi tinanong ako ni Mama tungkol sa proposal mo then..."
"Then what?"
"I told her I said yes, na tayo na para takpan yung nangyari."
"Maybe she just misinterpreted what you said, maybe she thought it was a marriage proposal but then I didn't specify something I just said I'll propose to you, Oh God!" tumayo ito at humarap sa langit at tinakpan ang mukha nito. "This is all my fault, ang tanga-tanga ko!" sigaw nito at ibinato ang isang unan samantalang siya ay nakatayo lang at pinapanood ito.
Nasasaktan siya sa ipinapakita nito dahil alam niyang ayaw nitong mangyari ang bagay na gusto niya, all her life lagi silang nagkakasundo sa iisang bagay pero nag-iba iyon ng ma-inlove siya rito at doon na rin nagsimula ang pagtutol niya sa mga desisyong may kinalaman sa pakikipag-relasyon nito dahil ang gusto niya ay siya ang makatuluyan nito at ngayon ang lahat ng iyon ay magkakaroon na ng katuparan, bakit parang nasasaktan siya habang nakikita ang inis nito sa sarili dahil iniisip nitong ito ang may kasalanan dahil sa nangyari kahit na ang totoo ay siya ang may pakana ng lahat ng iyon?
Ito na lang ang nananatiling pag-asa niya upang maging sa kanya si Gael, lumapit siya kay Gael para yakapin ito ngunit umiwas ito at tumalikod sa kanya, dahil doon ay parang nadurog ang kanyang puso, iyon ang unang pagkakataon na halos ayaw siyang makasama ni Gael, hindi niya kaya pag ganoon ang asta nito, hindi niya alam kung kakayanin niya.
"Baka may magawa pa tayo," narinig niyang sabi nito. "Baka puwedeng umatras ka pa at hindi na matuloy ito," pagpapatuloy nito.
"I can't," sagot niya.
"But why?" humarap ito at tumitig ulit sa kanya na puno ng pag-asang matulungan niya ito.
"Because... itatakwil ako ni Mama, hindi niya na ipapamana sa akin ang Love Pastries and you know it's my dream," pagsisinungaling niya rito. Dahil ang totoo niyang pangarap ay ang makasama si Gael at ito ang hindi niya bibitawan mawala man ang lahat.
"I also can't, papatayin ako ni Papa," nakita niyang nalungkot ito at nalungkot rin siya dahil sa nakikitang naghihirap ito.
Sorry Gael but I have to do this, I can't let you go and be with someone else, sabi nga nila 'wag mong bibitawan ang isang bagay na ayaw mong makitang hawak ng iba, at ikaw ang gusto kong hawakan habang buhay, at hinding-hindi kita ipamimigay, this is the only chance I have and I need to grab this.
"Leave me alone," narinig niyang usal nito.
"What?" pagpapa-ulit niya sa sinabi nito.
"I said, Leave me alone, I have to be alone," iyon ang unang pagkakataong itinaboy siya ni Gael at ngayong kaharap niya ito't nakatingin sa kanya pakiramdam niya ay ibang tao ito dahil sa tono ng pananalita nito at pagtingin sa kanya, dahil doon ay inisip niyang umalis na nga at iwan itong mag-isa.
NANG makabalik na si Hebe sa kanilang bahay ay umakyat agad siya sa kanyang kwarto at doon ay ibinuhos niya ang lahat ng sakit na naramdaman niya, kanina'y gusto na niya talagang umiyak sa harapan ni Gael dahil kitang-kita niya ang pagtutol nito, ayaw man niyang saktan ito ngunit isa lang ang naiisip niyang paraan para mapasakanya si Gael at hindi na ito masaktan at mainsulto ng ibang tao katulad ng nangyayari rito ngayon.
Batid niyang hindi niya kayang patayin ang pag-ibig na nararamdaman dito kaya ngayon ipaglalaban na niya iyon, umiyak siya ng umiyak, ibinuhos niya lahat ng sakit na nararamdaman, pagkatapos noon ay tumayo siya at hinarap ang salamin. "Hebe, ginusto mo yan, dapat maging masaya ka na dahil nagkaroon ka ng pagkakataon na mapasayo si Gael, na makasama mo sya maaring mas masaktan ka pa kapag naging mag-asawa na kayo, pero ito ang pinili mo kaya panindigan mo," pagkasabi noon ay tumalikod siya.
Nakita niya ang picture nilang dalawa ni Gael sa tabi ng kama niya, naalala niya yun ang mga panahon na sobrang saya nila habang nasa Isla Simonne sila, nagpapicture sila na nakatingin sa karagatan, magkalayo sila ngunit magkahawak ang kanilang mga kamay, meron pang isa nakaakbay ito sa kanya, napangiti siya ng maalala iyon.
Twenty-first birthday nito at siya ang nagbake ng cake na hugis puso at dark chocolate ang flavor, sinabi nito na iyon ang pinakamagandang gift na natanggap nito at iyon ang isa sa mga hindi niya makakalimutan, sumunod niyang tinignan ang solo picture nito, naka-suot ito ng tuxedo dahil iyon ang 18th birhtday niya at ito ang naging escort niya.
Thirteen siya at fifteen ito ng ipaalam nito sa kanyang bakla ito at ngayon ay sampung taon na mula ng magtapat ito tungkol sa totoong kasarian nito, kaya't noong mga panahon na iyon na inaya niya itong maging escort ay tumutol ito, kaya lang nga ginipit niya ito, sasabihin niya sa parents nito ang tungkol dito kaya't ayaw man nito ay napilitan itong pumayag, alam niyang mali ang ginawa niyang pamba-blackmail dito ngunit ng mga panahon na iyon ay bata pa sila.
That time hindi pa niya alam kung in-love siya kay Gael, ang iniisip niya lang ng mga panahon na iyon ay ayaw niyang may ibang maging escort siya maliban dito, tinitigan niya ang gwapong mukha nito at hindi niya maiwasang isipin na baka nga hindi talaga ito bakla ngunit alam niyang niloloko niya lang ang kanyang sarili.
Gael ang gusto ko lang ay sumaya ka na kapiling ako, ang gusto ko lang ikaw ang makasama ko hanggang sa pagtanda ko, I've realized that being just your best friend and shoulder to cry on is not enough, araw-araw akong naghahangad na mapansin mo ako, but it's useless to wait, araw-araw man tayong nagkikita ay nami-miss pa rin kita, the hardest way of missing someone is when you're with them but you know you can't have them, at iyon ang nararamdaman ko sa'yo noon, pero ngayong may pagkakataon na ako gagawin ko na ang lahat makuha lang iyon, pagkausap niya sa larawan nito, maya-maya'y narinig niya ang tunog ng doorbell, inisip niyang baka si Gael iyon kaya't dali-dali siyang bumaba, ngunit hindi si Gael iyon kundi ang Mama niya at ang parents ni Gael.
"Ma I thought you'll be back for dinner, It's still 4:30."
"Yes we know pero sabi nila na ngayon na daw mamamanhikan ang pamilya ni Gael, kaya ito nandito kami."
"Oo nga Helena, sandali lang at susunduin ko na si Gael upang makapamanhikan na kami," saad ng Mommy nito.
"Bakit parang ang bilis naman yata?"
"Bakit pa patatagalin eh sa simbahan din naman ang bagsak, at saka mahirap na baka magbago pa ang isip mo," sagot sa kanya ng Daddy ni Gael.
"Oh sige babalik na lang kami mamayang 6 is that fine?" tanong nito.
"Yes of course," sagot ng Mama niya sa mga ito, nang makalabas na sila ay sa kanya naman bumaling ang paningin ng kanyang ina.
"Now you go get dress, darating sila mamaya, kailangang maganda ka para ma-inlove pa lalo sa'yo si Gael," ngumiti siya at umakyat na ng kwarto upang mag-ayos.
NAGSUOT siya ng white dress at naglugay ng buhok na nilagyan ng puting headband, nalagay din siya ng make-up na sobrang light lang at walang hikaw o kwintas pang nilagay, nagsuot lang din siya ng white sandals, pagkatapos noon ay tinignan niyang mabuti ang sarili sa salamin, sa paningin niya at tama na iyon, nang may marinig siyang doorbell ay agad na siyang bumaba, tinignan niya ang orasan, almost 1 and a half hour na pala siyang nag-aayos ng sarili, kanina kasi ay hindi niya alam kung ano ang dapat suotin, pinagbuksan ng katulong ang kanilang bisita at pumasok doon ang parents ni Gael, sumunod ay ito, nakita niyang terno pala sila ng suot, puti rin ang suot nitong polo at pants pati na sapatos at mas lalo pa itong nag-mukhang gwapo dahil naka gel ang mahaba nitong buhok, naging mukhang malinis ang itsura nito, inaya na sila ng Mama niya na maghapunan.
Habang nasa table ay napag-usapan ng mga magulang nila kung paano ang kasal, sabi ng mga ito na wala na silang dapat abalahin dahil ito na ang bahala sa lahat simula sa susuotin nila hanggang sa wedding reception nila at honeymoon, samantalang si Gael ay tahimik lang na kumakain at hindi umiimik, siya naman ay ngumingiti lang at sumasagot pag kinakausap siya ng mga ito.
"You know what? I always knew that you and Gael would end up together," sabi ng Daddy nito.
"Well alam naman nating simula pa pagkabata ay silang dalawa na talaga ang para sa isa't isa," dagdag ng Mommy nito.
"When Hebe told me that Gael proposed to her I wasn't surprise dahil sinabi na rin naman ni Gael 'yon, but I thought it was just a simple proposal para maging official ng sila, but Hebe told me that it was a marriage proposal, na-shocked talaga ako, but inisip ko na maganda rin naman kung 'wag na nating patagalin iyon, at mas makakabuti para sa mga business natin," nang dahil sa sinabi ng Mommy niya ay napatingin sa kanya si Gael, nakita niya ang galit sa mga mata nito, bigla itong tumayo.
"Excuse me, may gagawin pa ako," hindi nito hinintay ang sasabihin nila at lumakad ng palayo at lumabas.
"Ah, sasamahan ko po sya," sabi niya at sinundan ito palabas.
NANG lumabas siya ay hinanap niya si Gael ngunit hindi niya nakita ito sa paligid kaya't ilang minuto na siyang naglalakad ng makita niya ito sa park ng village nila, nakaupo ito sa isang bench maya-maya'y nilapitan niya ito."Gael," tawag niya rito, alam niyang galit ito."What do you need?" tanong nito na halata ang galit sa boses, tumayo ito at tumapat sa kanya, napayuko siya."Ba't ka nagsinungaling? Ba't mo sinabing nagpropose ako sayo ng kasal?""Gael, ito lang ang naiisip kong paraan para maging okay ang lahat.""Okay? Tingnan mo nga ako ngayon Hebe, sa tingin mo okay ba ako?" tiningnan niya ito at nakita niya ang luha nito sa mga mata."Gael, ayokong masaktan ka, ito lang ang paraan na wala ng mang-aapi sa'yo.""Hebe, hindi ko alam kung bakit mo ginagawa 'to, pe
ANG saya ng araw ni Hebe dahil pinansin na siya ni Gael at hindi lang iyon, hindi na niya ramdam ang galit nito sa kanya, nakakita siya ng pag-asa na baka nga may panahon pa silang magka-ayos at magtiwala ulit ito sa kanya, posible ring matutunan na siya nitong mahalin, noong mga unang araw ng kasal nila ay hindi niya alam kung may panahon pa nga talagang mangyari ang mga bagay-bagay na iyon pero ngayon ay parang nakakita siya ng liwanag at nahalata iyon ng matandang katulong. "Uy si Ma'am sobrang saya," pagpuna nito sa kanya, wala siyang ibang sinagot kung hindi ngiti.Maya-maya'y may pumasok sa isip niya kaya't bigla niya iyong naisatinig. "Yaya, pag may bakla kang kaibigan, sa tingin mo may posibilidad na ma-inlove yun sa'yo?" tanong niya rito."Ba't nyo po natanong Ma'am?""Wala lang, bigla lang pumasok sa isip ko," ayaw niyang sabihin sa katulong ang totoo na si Gael ay isang bakla dahi
NAGUGULUHAN si Hebe, hindi niya alam kung anong dapat gawin, nagulat siya sa mga pangyayari. Hindi niya inaasahan na magiging ganoon ang tugon ni Gael sa mga pang-aasar niya, ang gusto lang naman niya ay malaman kung may tsansa nga itong magpakalalaki, pero it turns out na sa ginawa nito ay binigyan na siya ng sagot na oo. Nakakapit lang ang kanyang mga braso sa batok nito, nakadampi lang ang labi nila sa isa't isa walang gumagalaw, parang nagpapakiramdaman lang sila. Maya-maya'y naramdaman niyang kumilos si Gael, tinanggal ang kanyang mga braso, ayaw pa sana niya itong pakawalan, she wants more pero ito na mismo ang umiwas, tumalikod ito sa kanya. "Sorry, hindi ko alam kung bakit ko ginawa 'yon," yun lang at lumakad na ito paalis. Samantalang siya ay nanatili doon na nakatunganga at wala sa sarili na nangingiti, hinalikan si
HABANG naglalakad si Hebe papunta sa isang bar ay nakita niya si Gael sa may dalampasigan at nakaupo lang.Tiningnan niya itong mabuti, para bang ang lalim ng iniisip nito habang nakatingin sa malayo, tumago siya.Sa isang puno na malapit doon at mas tinitigan pa ito ng matagal, ngayon niya napagtanto na ang lapit lang ni Gael sa kanya pero parang ang hirap nitong abutin, parang ang layo nito sa kanya, nakita niyang may lumapit na isang lalaki dito matipuno at gwapo, nakita niyang ngumiti si Gael dito at ang sumunod ay hindi niya na alam kung anong mararamdaman.Yumakap ang lalaki kay Gael, hindi niya alam kung ano ang meron sa dalawang iyon, pero para sa kanya hindi naman.Normal para sa dalawang lalaki ang magyakapan doon kung saan maraming tao, naramdaman niya ang selos sa dibdib.Ang sakit, at ang pagdududa, nais niyang malama
NAGISING si Hebe dahil sa pakiramdam na may nakayakap ng mahigpit sa kanya at humahalik halik sa kanyang balikat napatingin siya sa orasan na nasa tabi ng kama.Alas-tres pa lang ng madaling araw at sumasakit ang ulo niya dahil siguro sa hang-over napasinghap siya ng maramdaman sa leeg niya ang mga labi ng lalaking katabi niya at biglang nagbalik sa kanyang ala-ala ang lahat ng nangyari kagabi.Simula ng maglasing siya at ayain ng mga lalaking hindi niya kilala na sumama siya, naalala niya rin na dumating si Gael at nakipagsapakan sa mga ito matapos iyon ay nahilo siya, at kagabi ang namagitan sa kanila ni Gael medyo hilo pa siya noon at dala ng kalasingan ay nailabas niya ang sama ng loob.Kaya ngayon sigurado siyang si Gael ang humahalik sa kanya ngayon, imbes na lingunin ito ay isinubsob niya ang mukha sa unan dahil nahihiya siya dito, sa mga sinabi niya rito kahapon ay parang inamin niya
HINDInaging madali ang buhay ni Hebe, pakiramdam niya ay nag-aaral muli siya dahil ibang-iba sa Venice, hindi siya sanay na hindi kasama ang pamilya niya o si Gael, nasanay siyang tuwing may kailangan siya ay nagsasabi lang siya, iba na yun sa ngayon dahil wala siyang ibang maaasahan kung hindi ang sarili niya.Noong umalis siya ng Pilipinas ay may naipon siya at alam niyang hindi sapat iyon para mabuhay mag-isa kaya kinailangan niyang maghanap ng trabaho, maswerte naman at natanggap siya sa isang pastry shop, sa araw-araw na pamumuhay niya sa Venice ay marami siyang natutunan, hindi lamang sa salita o kultura kung hindi pati na rin sa trabaho at panlasa ng mga Italyanong nakakasalamuha niya, ibang-iba sa kung ano ang nakasanayan niya sa sariling bansa. Paminsan-minsan ay ginugusto niyang umuwi pag naaalala niya ang mga magulang pero pinapaalala niya sa sarili na kinailangan niyang gawin ito, bago pa man sila ikasal ni Gael ay gi
ANG boses na iyon, ang tagal niya ring inasam na marinig muli iyon, ang akala niya’y nananaginip lang siya ngunit nang marinig niya na ang mga salitang galing mismo sa bibig nito ay saka niya napagalamang hindi ito isang panaginip lang, tumikhim ito na agad nagpabalik sa kanyang huwisyo.“Hebe sabi ko kamusta ka na?” ipinikit-pikit niya ang mga mata na animo’y napuwing at agad na iniiwas ang mga mata rito upang dahil baka anumang sandali ay mahalikan niya ito.“Okay lang naman, teka anong ginagawa mo dito sa suite ko, paano kang nakapasok?”“Nang malaman ni Ivan kaninang umaga na ikaw pala ang darating dito agad niya akong tinawagan para ipaalam sa akin, sabi ko sa kanya na ipagamit sa iyo itong suite na ito and I have the key to this room kaya nakapasok ako.”“Ano? Bakit kailangan niya pang ipaalam sa&rsquo
LUMABASsi Hebe ng kanyang suite at pumunta sa isang restaurant sa loob ng Hotel na iyon, nang makaupo na ay agad siyang pinuntahan ng waiter ngunit hindi para kunin ang order niya dahil may dala na itong mga pagkain, nagulat siya kaya ng akmang aalis na ito matapos ilagay sa lamesa niya ang mga pagkain ay tinawag niya ito.“Waiter, hindi pa ako nag-oorder baka mali ka ng pinaglagyang table.”“Hindi po Ma’am para po talaga sa inyo yan, may nag-order na po niyan para sa inyo tapos ilagay ko daw po sa table niyo” matapos sabihin ng waiter iyon ay umalis na ito, tiningnan niya ang mga pagkaing nakahain sa kanyang harapan.Lahat iyon ay paborito niya, magmula sa pinakasimple hanggang sa pinakasosyal at hindi rin nakaligtas sa harapan niya ang isang pitsel ng guyabano juice na paborito nila ni Gael, dun pa lang ay alam na niya kung sino ang nagpa-order niyon, nagulat pa siya ng may big