Share

Simonne Series 1: Cakes With Love
Simonne Series 1: Cakes With Love
Author: Jane Vauclain

Chapter One

"GAEL ano na naman bang problema?" tanong ni Hebe sa kaibigan habang nakaupo sila sa sofa sa may loob ng kwarto nito.

    "Wala lang," sagot nito sa kanya.

    "Wala lang, sigurado ka? Eh sa itsura mo para kang pinagsakluban ng langit eh."

    "Kasi..." bigla siyang niyakap nito at inilagay sa kanyang balikat ang ulo nito, maya-maya'y may naririnig na siyang hikbi mula rito, kapag ganon si Gael ay alam na niya agad na may dinadala itong problema at walang makatutulong dito kundi siya lang ang tinuturing na best friend nito, niyakap niya rin ito. Hinaplos niya ang ulo nito na para bang sinasabihan niyang tumahan na.

    â€śAno ba kasi 'yon?" usisa niya rito.

    "Si Jhed kasi, akala ko meron na kaming something kasi ang sweet niya yun pala nakikipaglapit lang siya dahil sa'yo."

    "Anong para sa akin?" naramdaman niyang mas humigpit pa ang yakap nito sa kanya.

    "Gusto ka niya at nagpapalakas lang siya sa akin para maipakilala kita sa kanya at sa ganon maligawan ka niya."

    "Alam mo kahit sino naman ang magka-gusto sa akin basta't ikaw ang inagrabyado hindi ko talaga magugustuhan," pagkasabi niya n'yon ay inalis na nito ang ulo sa kanyang balikat at pinunasan ang luha, pagkatapos noon ay ngumiti na ito hindi iyon ang unang beses na umiyak si Gael sa kanya, maraming beses ng naging shoulder to cry on sya nito pag may problema ito, alam niyang siya lang ang pinaka close na tao dito dahil mismong ang pamilya nito ay hindi alam ang kasarian nito, sa kanya lang iyon sinabi ni Gael, pag kumilos naman ito ay hindi naman talagang parang bakla, kung magsalita din ito ay parang lalaki, minsan na niyang naitanong dito kung nai-imagine ba nito ang sarili na naka-dress, ang sagot lang nito ay naiilang ito at nahihiya kaya't hindi nito gagawin iyon kahit kailan.

    "Bakit kaya sa tingin mo walang nagmamahal sa akin sa kung sino ako? Nang buong-buo?" tanong nito ng mahimasmasan na.

    Meron, ako Gael, mahal kita ng buong-buo, kahit ano o sino ka pa, bulong ng kanyang isipan.

    "Naniniwala akong merong isang taong magmamahal sa iyo ng totoo."

    "Talaga?" parang nakaaninag ng pag-asa na tanong nito.

    "Oo naman."

    "Nakakaiinis lang isipin na kahit saan ako maghanap wala pa rin akong matagpuan na karapat-dapat sa akin, minsan ikaw ang nagugustuhan at ginagamit lang akong tulay, minsan naman pinagti-tripan lang ako," malungkot na pahayag nito.

    "Alam mo 'wag ka kasing magpaloko, at isa pa ang pag-ibig 'di basta-bastang nakukuha, hindi rin dapat hinihintay kasi baka sa kae-expect mo eh mamuti yung mata mo, naniniwala akong darating yun sa pinaka unexpected time, yun bang hindi mo alam basta bigla na lang mare-realize mo at masasabi mong ay in-love na pala ako."

    "Bakit ikaw best nangyari na ba sa'yo yon?" lumingon siya dito at nakita niyang nakatitig ito sa kanya, pakiramdam niya ay gusto na niyang mahimatay sa mga titig na iyon, alam niyang naghihintay ito ng sagot ngunit hindi niya naman alam kung makakaya niyang sabihin dito na "Oo, dahil yan ang nangyari sa akin ng main-love ako sayo," alam niyang hindi dapat dahil tatangihan lang siya ni Gael at hindi niya makakaya yon.

    "Ewan ko sa'yo!" yun na lang ang nasagot niya at ibinato ang isang unan dito, tatayo na sana siya ng hawakan nito ang braso niya.

    "Napansin ko lang sa dami ng nakakagusto sa'yo bakit wala ka pang b.f? Buti ka pa may nag-aaksaya ng panahon sa'yo."

    "Kasi ayoko pa, at saka wala namang matino sa kanila, ikaw ang gusto ngayon pero bukas iba na, at saka 'di ba sabi ko pag in-love ka mararamdaman mo na lang 'yon eh sa kanila hindi ko naramdaman 'yon."

    "Ano ba kasing gusto mo sa isang lalaki?" lumapit ang mukha nito sa kanya, para bang tinatantiya kung magsi-sinungaling siya, napatitig siya sa mga mata nito.

    "Ikaw," wala sa sariling nasambit niya

    "Ano?!" napatayo ito dahil nagulat sa sinabi niya.

    "Ang ibig kong sabihin gusto ko yung katulad mo, mabait, mapagmahal, maunawain, masipag."

    "Tama ka dyan best," pagsang-ayon nito at umupo ulit sa tabi niya.

    "Matulungin, gwapo at–"

    "Teka, teka, gwapo ba kamo?" pagputol nito sa sasabihin niya.

    "Oo, totoo namang gwapo ka."

    "Alam mo konti na lang iisipin ko ng type mo ko, ay Best hindi tayo talo," nasaktan siya sa sinabi nito ngunit pinilit niyang 'wag ipahalata iyon.

    "Alam mo sa sobrang emo mo eh hindi ka na makapag-isip ng diretso, tatanungin mo 'ko tapos manunukso ka at magi-interrupt hindi ka ba masaya na ikaw-este-katulad mo ang gusto ko."

    "Sorry na po, pero teka baka mamaya bakla din ang makita mo, at isa pa wala ng katulad ko noh, nag-iisa lang si Gaeil."

    Wala talaga dahil ikaw lang ang minahal ko ng ganito, kung meron sana e 'di dapat hindi ako nahihirapan ng ganito. "Basta, bahala ka na nga sa buhay mo, alis na ako Gael."

    "Wait lang saan ka pupunta?"

    "Uuwi muna, magbe-bake ako ng cake ipapatikim ko kay Mommy baka maisipang idagdag sa cake     collections namin."

    May-ari sila Hebe ng isang sikat na pastry shop sa bansa, ang Lovely Pastries at isa siyang pastry chef, marami rin ang branch ng shop ng pamilya nila at sikat ito hindi lang sa Pilipinas pati na rin sa buong Asya, samantalang ang pamilya ni Gael ay may-ari ng isang isla sa palawan na ang pangalan ay Isla Simonne, meron silang resort doon na ang pangalan ay Heaven's Paradise Resort at nakatakdang mag-manage roon ay si Gabriel Simonne, ang nag-iisang lalaking anak nila Thomas Simonne at Nadine Simonne, isa sa mga shop ng pamilya Bernadine ay nakatayo sa Isla Simonne, matalik na magkaibigan ang pamilya Bernadine at Simonne kaya't simula pagkabata ay magkakilala na si Gael at Hebe, close din sila sa pamilya ng isa't-isa.

    "Bigyan mo ko ha!!" narinig niyang pahabol na sigaw ni Gael.

    "Kahit 'di ka humingi bibigyan pa rin naman kita," sagot niya rito, yun lang at umalis na siya.

    Habang nagbe-bake ay hindi maipaliwanag ni Hebe ang nararamdaman, sobrang saya niya na halos walang paglagyan iyon, naaalala niya kanina habang nag-uusap sila ni Gael, ang pagyakap nito sa kanya, nang ilapit nito ang mukha sa kanyan na animo'y hahalikan na siya, napansin iyon ng kanyang ina kaya't agad siyang kinausap nito.

    "Hi Mom!" bati niya rito at pagkatapos noon ay niyakap niya ito at hinalikan sa pisngi.

    "Parang ang saya ng unica hija ko ah," puna nito sa kanya, ngumiti lang siya. "At Ano namang dahilan?" ngumiti ito at itinaas ang isang kilay.

    "Wala lang po, gusto ko lang na nagbe-bake," sagot niya rito.

    "Eh dati-rati hindi ka naman ganyan kasaya pag nagbe-bake, tell me, are you in love my daughter?" pag-uusisa nito sa kanya.

    "Ma!" pinamulahan siya ng pisngi dahil sa sinabi nito.

    "Sino kaya itong mystery guy mo? Siguradong masarap yang cake na yan dahil sa kanya, I can't wait to taste it."

    Nginitian niya lang ulit ito, matapos niyang mag-bake ay naghiwa na siya ng dalawang slice roon para kay Gael sumunod naman ay ipinatikim niya na iyon sa kanyang ina.

    "Uhmm, this is great anak, I can taste love," panunukso nito sa kanya.

    "Si Mama talaga, ano ka ba siyempre pag nagbe-bake ako may puso."

    "But this one's different, it has this not so sweet taste, tama lang, but you can taste love, I don't know I just can't explain it, all I know is I'm satisfied, good job my daughter, we can add this to our cake collections."

    "Thank you mom!" niyakap niya ulit ito, maya-maya'y may nag doorbell, pinagbukasan iyon ng katulong.

    "Ma'am si Sir Gabriel po!" sabi ng katulong upang ipaalam na si Gael ay naroon na sa bahay nila.

    "Hay Naku siguradong nandito yan para humingi ng cake, sige Ma puntahan ko muna siya."

    "Okay," yun lang at iniwan niya na ito, pinuntahan niya na si Gael at nakita niyang bihis na bihis ito.

    "Oh saan ka pupunta?" usisa niya.

    "Samahan mo naman ako best oh."

    "Saan naman?"

    "Pupunta akong bar, makikipag-meet sa isang cute guy," pabulong na sabi nito dahil baka marinig ito ng mga magulang niya.

    "Ha? Bakit kailangang kasama pa ako?"

    "Siyempre, Best kita eh, alam mo namang 'di ako papayagan kapag hindi ka kasama, andami lang nilang itatanong, kaya't sinabi ko nang kasama ka, eh di wala nang tanong-tanong pa sige na," tumingin siya sa ina niyang kumakain pa rin ng cake.

    "Wag kang mag-alala sigurado namang papayagan ka ni Tita eh," walang sabi-sabi na lumapit ito sa mama niya, nag-usap ang dalawa maya-maya'y nag ok sign sa kanya si Gael na ibig sabihin ay pinayagan na siya, umakyat na siya at nagbihis, pag-baba niya ay naabutan niya si Gael na kumakain ng  cake ngunit patapos na rin ito kaya't ng makita siya ay dali-dali nitong inubos iyon. "Let's go."

    "Okay," lumabas sila at pinagbuksan siya ng pinto nito sa sasakyan, sumunod ay ito naman ang pumasok ng sasakyan.

    "Masarap yung cake, the best! Sabi nga ni Tita made with love," lumingon siya rito.

    "Pati ikaw sasakyan pa si Mama,"

    "Totoo naman eh, it's the best cake I've ever tasted, sabi nga ni tita in-love ka na raw, ikaw ha best naglilihim ka na sa akin ngayon ah," parang may nahimigan siyang selos dito, pero alam niyang selos ng isang kaibigan lamang iyon.

    "Ano ka ba? wala akong nililihim sa iyo 'no, naapektuhan ka lang ng pinagsasabi ni Mama," dahil sa sinabi niya ay parang lumiwanag ang mukha nito at nabunutan ng tinik sa dibdib.

    "Basta best pag may nagustuhan ka dapat ako unang makakaalam ha."

    "Siyempre naman best friends tayo eh," ngumiti ito at siya man ay ngumiti rin dito, isang parte ng pagkatao niya ang nagsasabing kaya mo ba talagang sabihin sa kanya na gusto mo siya? umiling na lang siya at inalis iyon sa kanyang sistema, bakit ba hindi niya mabura ang nararamdaman para rito? Alam naman niyang walang patutunguhan iyon.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status