Rhia
SIMULA nung araw na yun ay lagi na siyang dumadalaw sa bahay namin.
Isang araw pagkalabas ko ng gate ng school ay nandun siya, akala ko sundo ko yung makikita ko dun pero siya pala, wala si Rain dahil sophomore pa lang siya at ang klase nila ay pang-umaga.
"Hi." sabi niya, umirap lang ako pero siya preskong nakangiti lang.
"What are you doing here?" tanong ko.
Lumapit siya. "Akong maghahatid sayo pauwi, wala akong klase kasi ngayon kaya sabi nila Papa na sunduin na kita."
"You don't have to do this you know."
"But I want to."
"Why?" tinaasan ko siya ng kilay.
"Gusto kita Rhia." kumunot ang noo ko sa narinig ko sa kanya.
"Gusto? Agad-agad? Saka sinong nagbigay sayo ng karapatan na tawagin akong Rhia? Sinabi ko na sayo di ba, hindi tayo close," ngumiti lang siya lalo sa akin, nakita ko yung ibang mga babae na lumalabas mula sa gate ay kinikilig pag nakikita siya.
"Ang gwapo," bulungan na sabi nila, ang mokong naman parang mas nagugustuhan at mas lumalaki ang ngiti.
"Halika na nga!" ibinato ko sa kanya yung bag ko na nasalo naman niya kaagad, bubuksan niya sana yung pinto sa tabi ng driver's seat ng pigilan ko."Kaya ko, may kamay ako oh!" itinaas ko pa yung dalawa kong kamay.
Ngumiti lang ulit siya, inilagay niya yung mga gamit ko dun sa likod ng kotse, hindi ako pumasok dun sa tabi ng driver's seat kundi sa likuran, pangiti-ngiti ako habang siya ay napapakamot sa ulo.
Nang makabalik na siya sa loob ng sasakyan ay lumingon siya sakin. "Sigurado kang diyan ka?"
Tumango ako. "Pag sinusundo ako ni Manong Leo dito rin ako umuupo."
"Pero hindi mo ako driver," sagot niya, umirap lang ako.
"Edi sige, lalabas na lang ako at magta-taxi," narinig ko yung automatic na pag-lock ng mga pinto sa kotse niya ng akmang lalabas na ako, inistart na rin niya yung engine ng kotse. "Yun naman pala eh, dami pang arte."
Nakikita ko siyang patingin-tingin sakin sa rearview mirror.
"What?" iritableng tanong ko kasi habang tumatagal ay naco-conscious na ako. "May dumi ba ako sa mukha?"
Umiling siya at ngumiti lang, may nakita akong sign ng isang fast-food kaya napatili ako. "Ano yun?"
"Dumaan tayo roon!" tinuro ko yung fast-food.
"Saan?" natatarantang tanong niya.
Lumapit ako at mas itinuro pa yung sign, lumuhod na rin ako palapit sa kanya. "Ayun oh, yung fast food!"
"Akala ko naman ano na," Dali-dali na siyang kumambyo para makapasok doon sa drive-thru.
"Bilisan mo, bilis!" inuga-uga ko pa yung balikat niya.
"Oo na, nandito na tayo, parang first time eh," tumawa-tawa siya.
First time ko lang makakatikim ng fast food, how I wish kasama ko si Rain ngayon, hindi kasi kami pinapayagan kumain simula pagkabata sa kahit anong fast food, mas gusto kasi ni Mommy na siya ang magluluto o kung kakain man kami sa labas ay yung klase ng restaurant na gusto nila, na minsan ay di talaga namin type ni Rain, naiinggit kami dun sa mga bata na laging may dalang ice cream o fries, sabi ni Mommy hindi daw healthy yun.
"Ano pang ginagawa mo?" sigaw ko sa kanya ng tumigil siya at ibinaba yung front door glass. "Hoy! Anong ginagawa natin dito?"
"Ano ka ba oorder muna tayo," may nagsalita dun sa parang speaker.
"Sir may I take your order?" Nanlaki yung mga mata ko. Wow!
"Anong order mo?" bigla siyang humarap sa akin kaya ang lapit ng mukha namin sa isa't isa, parang bigla akong nahirapan huminga, parang biglang sumikip yung kotse niya para sa aming dalawa.
"Sir?" napaatras ako nung marinig kong muling nagsalita yung nasa drive-thru.
Tumikhim siya. "A-anong o-order mo?"
"Ahh, gusto ko ng...ng..." napaisip ako, ano nga bang oorderin ko? Hindi pa naman kasi ako naka-order ditto. "Ano bang meron dito?"
Narinig ko yung bahagya niyang pagtawa. "Meron fries, burger, fried chicken, softdrinks, ice cream, salad."
"Eew," sabi ko dun sa huling suggestion niya. "Kahit pala fast food meron nun, kasawa."
Kumunot yung noo niya, siguro iniisip na niya na parang first time kong kumain sa ganito kaya di ko alam, well totoo naman eh.
"Sir? Oorder po ba sila?" muling narinig ko yung tanong na yun.
"Ah oo saglit lang," sagot niya.
"Ah alam ko na!" sagot ko, "Gusto ko yung pinakamahal na klase ng fries, burger, fried chicken, ice cream, everything except salad. Make that two!"
"Halimaw ba yang bituka mo!" tatawa-tawang sabi niya.
"Paki mo?" pagtataray ko. "Bilis sabihin mo na!"
"Ok," umiling-iling siya sabay nagsalita na. "Two orders of Large crisscut fries, Triple Cheeseburger, A bucket of fried chicken and extra gravy, two orders of sans rival ice cream and chicken salad."
"Para kanino yung salad?"
"Sa akin," napa-eww ulit ako, maya maya pa ay pumunta kami dun sa pangalawang window, iniabot sa amin yung mga orders ko.
Ang saya-saya lang, umorder ako ng dalawa para ibigay kay Rain yung iba, hindi ko man siya kasama at least makakakain pa rin siya, iniabot ko yung card ko pero bayad na pala.
"Babayaran ko yun," sabi ko.
"Hindi na kailangan," sabi niya habang nagi-start na ulit mag-drive, nagbilang ako ng pera sa wallet.
"Hindi nga, magkano ba?" tanong kong ulit.
"3,078 kasama na yung tax, minus na yung chicken salad na in-order ko."
Nagbilang ako sa wallet ko, three thousand pesos lang ang meron ako, iniabot ko yun sa kanya, saglit na lumingon siya sa akin, "Kulang yan ah, 3k lang."
"Utang muna," hindi niya inabot yun kaya inilagay ko yun sa may bulsa sa dibdib niya sabay tapik. "Yan! Now let me eat and don't you dare bother me."
Nagsimula na akong kainin yung mga in-order ko, grabe ang sarap ng fast food! Worth it talaga lahat ng itataba ko sa pagkain nito. Alam kong magugustuhan din ito ni Rain.
"May bukas pa," narinig kong sabi nung driver ko este ni Mr. Yabang sa harap ng sasakyan.
"I told you don't bother me right?" punong-puno ang bibig ko kaya kandahirap akong sabihin yun, kakainis kumakain ako dito, nananahimik tapos mang-aasar siya, palibhasa di niya alam feeling ng first time kumain sa fast food kasi malamang sa malamang bata pa lang siya todo lamon na siya dun at malaya siyang pumili nung gusto niyang kainin kaya naman di niya maintindihan pinagdadaanan ko.
Tumawa lang siya, maya-maya pa ay nasa tapat na kami ng bahay, hindi ko pa ubos yung ice cream pero sobrang busog na ako, parang di ako natunawan.
Nakita ko si Rain na palabas ng bahay, siguro kasi nakita niyang huminto itong sasakyan sa tapat ng bahay at alam niyang nandito ako.
Ibinaba ko yung salamin ng sasakyan. "Rain, sakay dali!"
"Bakit naman? Bakit ‘di ikaw ang bumaba dito?" sagot niya.
"Dali na! May take out kami galing sa fast food, bilis!" nanlaki yung mga mata niya sabay dali-daling pumasok nung kotse.
"Penge!" Nagsimula na rin siyang kumain, nakita kong napapangiting tumitingin samin si Jared Yael, ang haba naman ng pangalan niya kakainis banggitin.
"Tinitingin-tingin mo?" tanong ko, umiling siya.
Nakaramdam ako ng sakit sa balikat, ang walangya kong kapatid nilibre ko na at lahat-lahat nagawa pa rin akong hampasin. "Ate maging mabait ka naman sa fiancé mo, binilhan ka na nga niya ng mga ito."
"Aba't nagtanong ka ho ba? Ako kaya ang bumili niyan!"
"Ganun ba? Edi thank you," ang patay gutom kong kapatid todo kain lang, nagsasalita pa habang puno ang bibig. "Grabe Ate bakit ngayon lang tayo kumain nito, ang sarap pala."
"Alam mo namang ‘di pwede, bantay sarado tayo kahit kay Mang Leo, kaunting maling gawin report agad kay Mommy at Daddy."
"Kung gusto niyo ulit kumain sa fast food, sabihin niyo lang sa akin ah," narinig kong sabi nung epal na lalaki sa harap namin.
"Kausap ka?" sabi ko.
Kinurot naman ako ngayon nung lecheng kapatid ko. "Aray ano ba! Sumosobra ka na ah, babawiin ko yan!"
"Ang sama mo kasi kay Kuya Gwapo," lumingon ito kay Jared Yael sabay ngiti, kala naman niya kinaganda niya yun eh mukha siyang baboy na hindi mapairi, puno ba naman ang bibig tapos ganun,."Pasensya ka na Kuya ah, ganyan talaga si Ate kasi po pa menopause na."
Binatukan ko nga ang gaga. "Anong pinagsasabi mo?"
"Si Ate napakasama talaga ng ugali, kumakain ako eh," todo kain pa rin siya. "Nagmamagandang loob na nga yung tao sinasamaan mo pa."
Lumingon ulit siya dun sa Kuya Gwapo kuno niya. "Pag naging asawa mo siya pagpasensyahan mo ah, mangkukulam kasi siya."
Sinabunutan ko na, ang daldal kasi, ito namang isa humalakhak lang kaya inirapan ko. "Kumain ka lang ng kumain malay mo mamaya bitayin na kita, una kong ibibigti yang matabil mong dila."
Inirapan ako ni Rain, natawa lang ako, saglit na nagkatinginan kami ni Jared Yael pero binawi ko din ang tingin ko.
Unang lumabas nung sasakyan si Rain na masakit din ang tiyan, kaya naiwan ako at siya.
"Ahm Jared Yael," tawag ko sa pangalan niya. Lumingon siya sa akin
"Jay, Jay na lang," ngumiti siya. "Ano yun?"
"Salamat ah, kung pwede sana ikaw na rin magtapon nito kasi baka mahuli kami nila Daddy at Mommy, pasensya ka na rin kung nasusungitan kita, salamat ulit," pagkasabi ko noon ay bumaba na ako ng kotse niya, narinig ko pa ng tinawag niya ang pangalan ko.
"Rhia," napalingon ako. "Yung sinabi ko kanina, totoo yun!"
Kumunot yung noo ko. "Alin doon?"
"Yung gusto kita," kumindat siya sakin. "I like you a lot Rhianelle Angeles."
Itinaas na niya yung salamin ng sasakyan at agad na pinaandar na.
Matagal akong nakatulala dun at nakatayo, napakagat-labi ako na parang gusto kong tumili na ewan, parang gusto kong sumigaw, napapikit ako at napasipa-sipa sa sahig. "Iiihhh!"
Nagulat ako pagmulat ko ng mata, nasa harap ko si Rain at nanlalaki ang mata habang may ngiti ng pang-aasar. "Kunwari nagsusungit pero kinikilig, si Ate lumalandi na!"
"Hoy!" tumakbo ako palapit sa kanya, tumakbo din siya at naghabulan kami, maya-maya may parehas kaming naamoy na mabaho.
"Ano yun?" sabay naming tanong at sabay din kaming nagtakip ng ilong, naramdaman ko ang pagkulo ng tiyan ko, sabay din kaming napatingin sa mga tiyan namin at nagtitigan ilang saglit bago nag-unahan sa CR.
Nung nasa pinto na ay humarang siya nung ipipihit ko na pabukas. "Rain ano ba ako nauna panganay ako!"
"Ate ‘di ko na kaya at saka bunso ako dapat pagbigyan mo ako!"
"Hindi sa lahat ng bagay lalo na pagtae ang sakit na ng tiyan ko! Taeng-tae na ako Rain!" sumisigaw ako pero hindi pa rin siya pumapayag.
"Ako rin naman ah! Puputok na yung pwet ko Ate maawa ka naman!" parehas kaming tumitili kaya nagulat kami ng makita si Mama na papunta sa amin.
"Girls ano ito?" tanong niya.
"Mommy nasi-CR ako si Rain oh ‘di ako pinapapasok!"
"Rain?" lumipat ang tingin niya rito.
"Mommy ako rin eh!"
"Bakit ba kayo nagkaka-ganyan? Ano bang nakain niyo?"
“Yung pagkain po na tinake out ni--" tinakpan ko yung bibig niya.
"Nagtake-out po ako galing sa resto Mommy, kasama ko po si Jay."
"Sino si Jay?" nagtatakang tanong ni Mommy, pigil na pigil na ako pero ‘di pa rin ako nagpaparaya kay Rain.
"Si Jared Yael Simonne po, Jay mo nickname niya."
"Ahh, eh baka hindi maganda yung pagkain dun."
"Mom mamaya ka na magsermon! Rain paunahin mo naman ako!" hinihila ko pa rin yung pinto.
"Bakit ba kayo nag-aagawan diyan eh lima ang CR natin sa bahay?" napaisip kami, oo nga, napailing ako at tumakbo paakyat ng kwarto namin, hinayaan ko na si Rain dun sa CR sa baba.
Ah! Heaven! Yan yung pakiramdam ko ng ma-withdraw ko na sa banko de inodoro yung kailangang mai-withdraw, nang matapos ako ay naghugas ako ng kamay at nilinis ang ano mang-trace ng pag-withdraw ng dumi ng aking tiyan.
Paglabas ko ng banyo ay nakita ko si Mommy na kinukuha yung uniform namin, kanina kasi ay hinubad ko na lahat iyon, tinitigan niya yung damit ko, meron doong malapot na puti, nakita ko rin yung panlalaki ng mata ni Mommy.
Lagot, malalaman na niyang kumain ako ng ice cream, patay!
"Rhia!" tumitig siya sa akin ng matalim.
"Mom," bumilis yung tibok ng puso ko sa kaba, yung paraan kasi ng pagtitig ni Mommy parang kakainin ng buhay na tao.
Ganun ba kabigat ang kasalanan ko dahil kumain ako ng ice cream, dati nga nung nakipagsabunutan ako sa school kalmado lang siya at pinagsabihan lang ako pero bakit ngayon ganito?
"Ano ito?" tanong niya sabay pakita nung marka nung ice cream dun sa damit ko.
"A-ano, M-mommy a-ano p-po." literal na nanginginig na ako sa takot.
"What? Explain to me!" tinaasan niya ako ng boses kasabay ng pagtaas ng kilay niya, ngayon ko lang nakita na ganito kagalit si Mommy.
Mapapalo ba ako sa pwet dahil kumain ako ng Ice cream?
Patay talaga. Parang pakiramdam ko matatae ulit ako ng wala sa oras, wait oo nga natatae pala ulit ako.
Jay Ican see Rhia crying right now. Tinititigan ko lang siya habang nakatitig sa malaking monitor sa kasal namin ngayon. Yung laman ng USB na tinago ko sa kanya ang nagpi-play ngayon. Lumapit ako sa kanya pero tinampal niya ang balikat ko, "Bakit ngayon lang?" Niyakap ko na siya. "Bakit ngayon pa sa kasal natin?" Umiiyak siya sa bisig ko, "Nakakainis ka naman eh, baka ang pangit ko na eh." Natawa ako sa sinabi niya, maging ang Mommy niya na karga-karga si Janelle at si Rain ay umiiyak din, may iilang bisita kaming galing ng Pilipinas ang naiiyak din. Yung kasal namin ay ginanap pa rin sa Alsace gaya ng naunang plano na namin at ang mga naimbitahan lang ay yung mga taong malalapit sa amin gaya ng mga pinsan ko at asawa nila. Sa mismong Vauclain castle ito ginanap at para kaming mga prinsesa at prinsepe sa mga suot namin dahil ito na rin ang napili naming theme na babagay para sa lugar na i
RhiaWELLI guess hindi ko na kailangang malaman pa ang sasabihin ni Jay dahil sa paraan pa lang ng pagkakahalik niya sa akin ngayon ay alam ko na, "I miss you wife." He said in between kisses.Hindi ko namalayan na nakalapat na pala ang likod ko sa wall art na kanina lang ay tinitignan namin, "Jay." Napatingin ako sa paligid, kokonti na lang ang tao pero ayoko naman na makaagaw ng pansin, "Huwag dito." Hinila niya ako papunta sa isang kwarto at tumigil sabay tingin sa akin."May tao nga pala sa loob." Nangunot ang noo ko."Tao?" Lumayo ako sa kanya,"Huwag mo sabihing may dinala kang iba?""What?" Napasigaw na siya, "Hindi! Si Caleb kasama niya si Tracy.""Tapos?""Alam mo na yun." Sabi niya na parang natatawa pa at doon ko lang na-gets ang ibig sabihin."Hindi ba?" Sabay na rin kaming tumawa.~~~~~Isinama niya na ako pauwi sa bahay niya, sandali lang, kung iisipin bahay na rin nami
JayANGtagal na simula nung magkita kami at hanggang ngayon hinihintay ko pa rin siya.I'm giving Rhia the time to heal. Hindi ko kasi alam kung makakabuti ba sa kanya na nandun ako pero sinisiguro ko naman na maayos siya, sila ng anak ko.Kinausap ako nung Daddy niya, nalaman ko nun na siya na ang magdo-donate para kay Rhia at nalaman ko rin nun na may malala siyang sakit.Ang hirap-hirap lang sa kalooban ko na wala akong makagawa para sa mga taong importante sa akin, una kay Caleb na naka-coma, pangalawa kay Rhia at sa kundisyon niya noon, pangatlo kay Daddy na tumayo ng pangalawang ama ko at unti-unting pinapatay ng cancer.Nung makita ko siya sa hospital bed awang-awa ako sa itsura niya na parang gusto ko na lang ipikit yung mga mata ko para hindi ko makita, malaki yung pinayat niya at alam kong pagod na rin siya sa pakikipaglaban sa sakit niya."Jay alam ko naman kaya mong gawin ito pero sasabihin ko
RhiaHINDIko mapigilan ang sunod-sunod na pagdaloy ng luha ko.Just when I thought I am in the worst situation now hindi pala."Dad, we can't let you go." Sabi ko sa kanya habang hawak ko ang kamay niya.Isa din sa inilihim nila Rain at Mommy sa akin ay ang kundisyon ni Daddy. Sabi nila nasa business trip siya pero ang totoo matagal na siyang nandito sa ospital.Nung araw na umalis kami papuntang France, yun din daw yung araw na dinala ni Mommy si Daddy sa ospital, matagal na siyang nandito pero hindi nila sinabi sa akin dahil ayaw nilang mag-alala ako.Nung una si Mommy lang ang nakaalam pero dahil sa napansin na rin ni Rain na hindi na pumapasok si Daddy ay naghinala na siya. Ayaw pa sana nilang sabihin sa akin ang kalagayan ni Daddy dahil alam nila na mas lalo akong malulungkot at alam din nila na buntis ako.Kung pa siguro hiniling ni Daddy na makausap ako ay itatago nila talaga ito sa akin. Isa din
JayKAILANGANmalaman ng pamilya ni Rhia ang tungkol sa kalagayan niya dahil mas mahihirapan akong sabihin sa kanila yung kung mas patatagalin ko pa pero bago ko magawa yun kailangan ko munang sabihin na kay Rhia na matagal na rin niya akong kasama para maiuwi ko na siya sa Pilipinas.Tungkol naman sa resulta ng test sa akin, kung sakali man na magkamatch kami ng cornea ni Rhia ay mabuti ng kasama niya ang pamilya niya at sa Pilipinas gagawin ang surgery dahil may mga magagaling na doctor naman na kayang gawing successful yung magiging operasyon.Nakatayo lang siya ngayon sa terrace. Kung iisipin para siyang nakatingin sa kawalan pero alam ko na may malalim siyang iniisip. May dala siyang tasa, umupo siya at inilapag iyon sa tabi niya.Nakita ko ang pangungunot ng noo niya ng lumuhod ako sa tapat niya para pagmasdan siya. Natabig ng kaliwang kamay niya yung tasa kaya sa pagkagulat ay nasalo ko yun, nagulat ako ng hawakan niy
JaySOBRAna ang pag-aalala ko para kay Rhia. Alam kong may mga itinatago siya sa akin."Grig please tell me!" Ilang beses ko ng nasisigawan ang pinsan niya sa telepono dahil alam kong maging siya ay marami ding itinatago sa akin."I'm sorry Jay but I promised Rhia--""What the hell!" Ibinaba ko na ang tawag. Ilang araw ko na ulit siyang hindi nakakausap, alam kong may mali dahil maayos naman kami nung nasa Alsace kami at nung unang mga araw na umuwi ako dito sa Pilipinas.Bigla na lang siyang nanlamig sa akin at sa madalas na pagtawag ko ay isang beses lang niya sinagot yun.Hindi kaya nagtampo siya dahil ang gusto naman talaga niya ay sumama na sa akin pauwi o di kaya ay dahil hindi pa ako nakakabalik dun.Mababaliw na ako sa kaiisip. Ang dami kong tinapos na trabaho dito dahil natambak yun nung umalis kami, pati nga yung pagbubukas ng restaurant ko ay namove na rin ang araw.Masyado ding nag-al