Share

Chapter Two

Rhia

10 years ago...

FIFTEEN pa lang ako ngayon pero engage na ako sa isang lalaking kilala ko pa lang sa pangalan, his name is Jared Yael Simonne.

    I looked at my sister who is two years younger than me, naiingit ako sa kanya dahil siya ang bunso, lahat siguro ng bagay ay umaayon sa kanya, she doesn't have to be engage with someone she doesn't know.

    "Rain are you happy with this kind of life?" wala sa sariling tanong ko, kahit pa ba minsan naiinggit ako sa kanya ay kapatid ko pa rin siya, kasangga at siya lang maituturing kong bestfriend ko.

    "What do you mean retard?" pang-aasar niya sabay tawa binato ko siya ng unan.

    "I'm serious Rainielle," inirapan ko siya habang siya ay tinaasan naman ako ng isang kilay. "Siguro hindi mo ako maiintindihan kasi bunso ka." 

    Sumeryoso ang mukha niya at ngumiti sakin, yung ngiti na para bang naaawa siya sa kalagayan ko. "Ate Rhianelle I know it is hard to be you at thankful ako na kahit papano bunso ako at ikaw ang sumalo ng mga bagay na ito pero at the same time I am also sad, I know you don't like this kind of life na nakakasakal, kahit naman kung akong nasa posisyon mo."

    Lumapit siya sakin at hinawakan ang kamay ko. "Salamat kasi ikaw ang ate pero mahirap ding maging bunso kasi kailangan kitang pantayan, para kasing may mga bagay na nagawa mo na pero ako wala pa, they expect me to be as good as you are, now about you question a while ago, I am happy with our life pero may kulang."

    Tama siya ganun din ang nararamdaman ko, may kulang, siguro nga kasi bata pa naman kami, batang pinilit na tumanda agad dahil maraming inaasahan ang mga tao sa paligid namin sa amin, masyado kaming pressured sa expectations, masyadong nasasakal sa buhay na gusto nilang gawin namin, nakakapagod ding sumunod palagi.

    Gaya ngayon, I so hate this life, pati ba naman sa senior prom sila pa ang pumili ng escort ko, ang prom kasi sa school namin ay once in your high school life lang, pag senior ka na, kaya kami puro senior lang na magpoprom.

    Nag-aaral ako sa isang private all girls school kaya pag ganitong event mas gusto ng school na imbes na gawing Junior-Senior prom ay puros senior lang para yung mga ini-invite namin na escort namin ay sigurado silang galing sa isang maayos na school din, para mas ma-monitor din nila kami.

    At ganun na nga, ang parents ko ang pumili ng escort ko at wala ng iba kundi si Jared Yael Simonne, ngayon pa lang kaming magkakakilala tapos escort ko na agad, hindi ko pa talaga kilala ang pagkatao niya maliban sa family background at iilang impormasyon sa kanya.

    They told me he is three years older than me, isa na siyang second year college sa isang University, I've never seen his picture dahil sabi nilang mas magandang sa personal ko na lang daw siya makita but I never thought na sa mismong prom ko pa siya makikita at escort ko pa.

    Kaya ako nabubwisit ngayon dahil naisipan ko ng i-invite yung crush ko para maging escort ko sana, si Dan na nakitira din sa Village namin, isang block lang ang pagitan ng bahay nila at sa amin, minsan ko siyang nakilala nung 13 ako at naglaro kami sa park ni Rain, nagsa-soccer sila dun sa mini football field, natamaan ako ng bola sa ulo nung kaibigan niyang si Jay yata yun, natumba ako at ang walangyang kapatid ko ay tinawanan lang ako.

    Parang prince charming naman siya na tinulungan akong tumayo kahit pa parang naalog yata ang utak ko nun.

    "Bro ingat-ingat din." Narinig kong sabi niya dun sa kaibigan niyang tinamaan ako ng bola sa ulo, inihagis niya dito yung bola sabay lumingon sa akin, "Okay ka lang ba bata?"

    Bata?'

    Tinawag niya akong bata? Eh sa tingin ko nga matanda lang siya sa akin ng dalawa o tatlong taon. "Hindi ako bata ano!"

    Tumawa siya at nakita ko ang mapuputi niyang ngipin, ang cute niya, chinito siya. "Sorry, sige na di ka na bata, I'm Dan at yung nakatama sayong kaibigan ko ay si Jay, pag pasensyahan mo na ah."

    Tumango-tango na lang ako dahil nahiya din naman ako sa ka-cute-an niya, kumindat pa siya habang ako ay pinulot na ang bike ko na nakabalandra sa sahig, lumapit naman sakin si Rain at siniko ako. "Ikaw Ate Rhia landi na!"

    "Rain anong pinagsasabi mo diyan baka marinig ka pa nakakahiya, ang bata bata mo pa kung ano-ano ng sinasabi mo."

    "Bata lang, bata-bata ka diyan, baby na yun," tatawa-tawa siya habang ako naman ay napapangiti nun.

    Simula nung araw na yun pabalik-balik na ako sa park para makita siya pero hindi na naulit yun, minsan nakita ko siyang naglalaro na lang mag-isa, nilapitan ko siya kasi parang malungkot siya.

    "Bakit parang malungkot ka?" hindi ko kasama si Rain noon kasi sabi niya ayaw niyang mag-bike muna kaya mag-isa ako, umupo ako sa tabi niya pero may distansya dahil nahihiya ako.

    "Umalis na kasi sila Jay, lumipat na sila ng ibang bahay, magka-college na kasi kami kaya yun, dun sila sa malapit sa University nila kaya ito mag-isa ako," ngumiti siya sakin pero alam kong may lungkot na itinatago yun.

    "Hindi ka mag-isa ah, nandito kaya ako," tumawa siya at natuwa naman ako dahil ako ang dahilan nun.

    "Marunong ka bang mag-soccer?" napailing ako pero ngumiti lang siya, "Hindi ko pa pala alam yung pangalan mo."

    Tumitig siya sakin kaya napayuko ako. "Uhmm, R-Rhia, y-yun yung panga-lan k-ko."

    Naiinis ako kasi bigla akong na-conscious at nautal-utal sa harap niya, pakiramdam ko pinapahiya ko ang sarili ko sa kanya.

    "Ahh, Rhia, nice to meet you, wala na rin naman yung kaibigan ko dito kaya pwede bang ikaw na lang?" tumingin ako sa kanya at tumango-tango bilang pagsang-ayon, magmula nun lagi na kaming nagkikita sa park at naging close.

    Maliban na lang nitong nag second year college siya dahil paminsan-minsan ko na lang siya nakikita, siguro dahil nagiging busy na rin siya sa pag-aaral kaya nga naisipan kong siya na lang ang i-invite ko na maging escort ko kaso nga panira sila Mommy at Daddy.

    Napapasimangot ako habang nakatingin lang sa pintuan ng bahay namin, sabi nila parating na daw yung Jared Yael na yun pero halos isang oras na ay wala pa siya pero naisip ko, mabuti din kung di siya makakarating pwede ko pa ring maging escort si Dan kung sakaling nasa kanila siya, dumaan si Rain sa harap ko habang may hawak na juice.

    "Pinagdadasal niya na hindi makadating para si Dan na escort niya."

    "Hoy! Marinig ka nila Mommy at Daddy diyan eh!" inis na sabi ko sa kanya, bahagya lang siyang tumawa, wala siyang pasok ngayon dahil nga sa parehas lang ang school na pinapasukan namin at prom namin ngayon.

    "Anak nandito na si Jared," narinig kong sabi ni Daddy. Napapikit ako at halos mapamura kung hindi lang kasalanan.

    Lumakas naman ang halakhak ni Rain na mas kinainis ko, hinampas-hampas ko nga yung hita niya na itinaas niya sa naman sa sofa. "Sige ka bubuhusan kita ng juice!"

    "Ako pa tinakot nito, sige lang!" hamon ko sa kanya.

    "Sus, pagnasira kasi yung gown mo hindi ka na tutuloy, ayaw mo lang umalis eh pero sorry ka wala akong planong mapagalitan," muli siyang humalakhak, tama naman siya, wala naman kasi akong dahilan para umatras, dati pa ako nagpaalam na gustong-gusto kong sumali ng prom kasi nga iniisip ko na mai-invite ko si Dan pero last week lang parang nagbago ang isip ko ng nalaman ko na sila na ang pumili para sa akin, kung mabuhusan man ang gown ko ni Rain alam kong may magagawa pa rin sila, wala na rin akong magagawa pa.

    Tumayo na ako ng sinabi ni Mommy na salubungin ko siya, nakayuko ako ng makita ko ang pares ng sapatos na huminto sa tapat ko, napalingon ako ng halos mabulunan si Rain sa iniinom niyang juice.

    Dahil doon ay napatingin na ako sa lalaking nasa harap ko at literal na nanlaki ang mga mata ko, holy sh- masama nga palang magmura pero parang gustong bumagsak ng bibig ko sa lupa, pinigilan ko lang ang sarili kong mapanganga.

    Gwapo. Yun ang unang rumehistro sa isip ko pero hindi lang basta gwapo, tingin ko nga kulang ang salitang yun para i-describe siya, yung mga mata niya, yung mahaba niyang buhok na nakaayos, sa tingin ko ay nakagel siya at slicked back hairstyle yata ang tawag dun.

    "Sino ka?" napatanong ako sa kanya, mukha na yata akong tanga, para kasing hindi tao ito at mukhang anghel, hindi ako magugulat kung sasabihin niyang siya si Angel Gabriel sa itsura niya, tumikhim naman ang Papa ko.

    "Anak si Jared Yael Simonne."

    "Hi," narinig kong sabi niya, mas lalo akong napatulala, siya ang fiancee ko?

    Napatingin ako kay Rain na nakanganga din, agad kong sinara yung bibig niya at pasikretong nagsalita. "Baka pasukan ng langaw yan."

    Bumalik ako ng tingin sa kanya na nakangiti lang at ngumiti din ako ng pagkatamis-tamis. "Dad pwede bang ako na lang ang magpakasal."

    Nagulat ako sa sinabi ni Rain kaya agad kong binatukan. "Rhia, Rain, ano ba kayo sa harap pa ba kayo ng bisita natin magga-ganyan?"

    Nasita na tuloy kami ni Mommy pero mas sinermunan nito si Rain. "Ikaw nga umasta ka ng tama para kang hindi babae, ‘di ka na nahiya magsalita ng ganyan nasa harap mo pa si Jared."

    Nagkamot lang sa ulo yung loka-loka kong kapatid. "Oh sige na, mamaya eh malate pa kayo, sige Jared ikaw na ang bahala dito sa panganay namin ah, pinagkakatiwala na namin siya sayo, take care of her at iuwi mo na lang mamaya."

    "Yes po Pa," wow ha! Papa agad ang tawag niya kay Daddy, napataas ang kilay ko ng hawakan ni Daddy ang kamay ko at ibigay sa kanya na inabot din naman niya.

    Napaigtad ako, ano yun? Kuryente?

    "Why?" tanong niya sa akin.

    Umiling-iling ako. "Yung kamay mo para kasing m-may ano-"

    "Ah, ganun ba, pasensya na ah, kinakabahan kasi ako eh," sabi niya habang iginigiya ako palabas ng bahay namin at papasok dun sa kotse niya.

    Tumango-tango na lang ako kasi naman pag kinakabahan dapat mararamdaman ko ng nanlalamig yung kamay niya pero iba."Tayo na?"

    "Ha?" Ambilis naman niya, agad-agad?

    Napangiti siya, napakapit ako dun sa kwintas na nasa dibdib ko na kanina ay sinuot ko para ibagay sa gown na suot ko, umiwas din ako ng tingin sa kanya, para kasing nakakatunaw na ewan. "A-anong ta-tayo n-na? Ambilis naman y-yata."

    Narinig ko ang paghalakhak niya at dahil doon ay nairita ako. "Bakit mo ako tinatawanan?"

    Umiling-iling siya. "Hindi yun yung ibig kong sabihin, ibig kong sabihin aalis na ba tayo ngayon?"

    Ramdam kong namula ang mukha ko sa pagkapahiya. "Oo! Alangan naman dito lang tayo habambuhay!"

    Inirapan ko siya, sobrang gwapo sana, antipatiko lang at mayabang at nakakabwisit at nakakainis at...at...nasabi ko na bang sobrang gwapo niya kaso nakakainis siya?

    "Ok, s-sorry," ngumiti siyang ulit sa akin pero umirap lang ako ulit.

    "You should be," dagdag na sabi ko pa.

    Wala namang masyadong nangyari dun sa prom, sumayaw ako kasama yung mga kaibigan kong nagkagusto sa escort ko na nasa isang tabi lang, hindi ko pinayagan na isayaw niya ako kahit pa ilang beses siyang nag-aya, tama lang yun sa kanya, nakakainis na ipinahiya niya ako sa sarili ko.

    Kaso mukhang umayon sa kanya ang tadhana ng itanghal akong prom queen, hindi naman sa nagmamayabang pero alam kong maganda naman ako at mas pinaganda pa ng suot kong gown, sa school kung sino ang prom queen ay isasayaw ng escort niya sa harap ng ibang estudyante, wala ng prom king pa dahil kung sinong prom queen ng gabing yun ay automatic na ring king ang escort niya kung sino man yun at sa kalagayan ko nga ay itong escort slash fiancee kong antipatiko.

    Pangiti-ngiti pa siya ng tapakan ko ang paa niya. "Aw!"

    Ngumiti ako ng panguuyam sa kanya sabay irap, tingin ba niya nagtagumpay siya kasi naisayaw niya na ako, bakit pa ba kasi ang ganda ko at ako pa ang prom queen?

    Sumabay siya sa pagtugtog ng musika, kumanta siya, bakit ba minsan ang daya ng tadhana? Kaya siguro ang yabang ng lalaking ito dahil may ipagyayabang naman talaga siya.

    Sometimes words just ain't enough, for this love that's more than love.

    Napaiwas ako ng tingin sa kanya, I feel like melting kaya inilipat ko yung tingin dun sa mga kaibigan kong halos mahimatay na sa kilig na para bang sila yung sinasayaw. Halos tumaas lahat ng balahibo sa katawan ko ng mas lumapit siya, yung boses niya mas rinig ko.

    've stood there in awe as your date for the prom, I'm blessed as a man to have seen you in white but I've never seen anything quite like you tonight.

    Napaatras ako pero hinapit niya ang baywang ko at ngumiti, yung ngiti na hindi pang-aasar, yung ngiti na parang para lang sa akin. Pakiramdam ko umiikot ang paningin ko at nahihilo kahit pa hindi naman ako uminom ng kahit anong alcoholic drinks dahil bawal din yun.

    What is happening to me? Bakit ganito parang kami lang dalawa ngayon? Bakit sa kanya lang nakasentro ang lahat? Ito ba yung sinasabi nilang 'someday you'll find a guy who will sweep you off your feet'.

    Siya na ba yun? Siya na ba ang the-

    Napatigil ako sa pagmumuni-muni ng tumikhim siya at bahagyang tumawa, napatingin ako sa paligid ko, bumalik na yung mga tao, yung ibang mga kaibigan ko nagsisipag hagikhikan, "Ganoon ba ako kagwapo na kahit tapos na yung music gusto mo pa ring sumayaw?" napayuko ako sa muling pagkapahiya. "Kaninang inaaya aayaw-ayaw ngayon naman gusto mo na."

    "Shut up, nakisama lang ako," muli akong umirap sa kanya at iniwan siya sa gitna ng dance floor, nakita ko sa gilid ng mata ko na humabol siya.

    "I was just kidding," sabi niya ng makaupo na kami.

    "Well I'm not, hindi tayo close ok, ngayon lang nga kita nakilala kaya ‘wag kang feeling close," nakita kong itinikom niya ang bibig niya at umirap akong muli, I am starting to hate him more, napakayabang na nga, lagi pa akong pinapahiya.

    "Oh Anak how was it?" salubong ni Mommy sa amin at humalik ako sa pisngi niya.

    "I'm tired," sabi ko sa kanya. "I'll go to bed."

    Hindi ko siya nilingon pero narinig ko pa na kinumusta siya ni Mommy kung anong nangyari sa lakad namin, inaya pa siyang magjuice pero tumanggi siya. Marunong din pala mahiya ang antipatiko o baka nagpapa good shot lang sa parents ko, napangiwi ako at dire-diretso ng umakyat sa kwarto.

    "How was it Ate?" tili ng kapatid ko na agad kong sinabunutan dahil sa gulat, sino ba namang gaga ang biglang tatalon sayo habang naka-gown ka, nadaganan tuloy niya ako. "Aray ko peste ka!"

    "Hoy nagmumura ka na ah? Ako pa na ate mo? Makasalanan ka!" tinatanggal na niya ang kamay ko sa buhok niya at pilit tumatayo, hindi ko naman nilalakasan ang pagsabunot sa kanya, tumawa-tawa ako.

    "Maka makasalanan ka naman bakit santo ka?" tinanggal ko na yung kamay ko sa buhok niya at tinulungan naman niya akong tumayo.

    "Bakit gising ka pa ah? 2 am na ho iha."

    "Hinintay kaya kita, ano na kwento dali!" sabi niya sabay tumalon doon sa kama ko.

    "Umalis ka diyan, kay Mommy nga di ako nagkwento, sayo pa kaya, pagod ako ano ba?" umiling-iling siya at nanlaki ang mga mata ng marealize ang nakalagay na sash sa akin, kakulay kasi ng gown ko kaya di siguro masyadong pansinin.

    "Oh my! Prom Queen ka?" alam kasi niya yung patakaran dun sa school pag prom, "Sinayaw ka ni Kuya Gwapo."

    "Kuya Gwapo?" tinaasan ko siya ng kilay.

    "Ang gwapo kaya ng fiancé mo," sabi niya na parang kinikilig-kilig pa at humiga sa kama ko kaya tinapik ko yung hita niya.

    "Ang bata mo pa talandi ka na!" pilit ko siyang tinutulak pababa ng kama ko. "Umalis ka nga diyan ‘di mo kama yan hoy!"

    "Ang gwapo naman talaga ng fiancé mo eh, hindi nga yata sapat yung basta gwapo eh, ayyiiieee si Ate," kiniliti-kiliti pa niya ako sa tagiliran.

    "Ano ba Rain!" pinanlakihan ko siya ng mata pero tuloy lang sa ginagawa niya. "Isa pa babatukan na kita!"

    "Sige na kwento na," nilakihan niya rin ako ng mata.

    "Anong ikukwento ko?"

    "Yung kayo ni Kuya Gwapo. Dali na!"

    "Wala, capital W-A-L-A, wala akong ikukwento," nag-pout siya ng pasimangot kaya sinupalpal ko nga yung mukha niya ng palad ko, "Ang pangit mo, matulog ka na anong oras na oh."

    Lumipat siya dun sa katabing kama, yung kama niya, nagulat ako ng bigla niya akong itulak dun sa kama, nahirapan akong tumayo kasi di pa ako nakahubad ng gown ko, "Gaga ka talaga!"

    "Hoy sabi mo bawal bad words ah!" tumawa-tawa siya at tinulungan ako kaya bigla ko siyang binatukan, natigil lang ang paghaharutan namin nung kumatok si Mama at binuksan ang pintuan ng kwarto namin.

    "Girls tulog na ah, Rain bakit gising ka pa?" tumingin si Mama kay Rain at nag-sign ako sa kanya ng lagot ka. "May pasok ka mamaya ah, si Ate mo wala yan dahil walang pasok ang seniors bukas."

    "Yes Mommy, I'll go to sleep na po, good mornight!" sabi niya habang nagkukumot sa sarili at tumalikod na sa akin.

    "Ikaw din Rhia magpahinga ka na ah," tumango ako kay Mommy at dahil doon ay sinarado na niya ang pinto, napatingin ako sa kapatid ko, malalim na ang paghinga niya kaya siguro nakatulog agad, alam kong hinintay lang talaga niya akong makauwi.

    Pagkatapos kong ayusin ang sarili ko at magsuot ng pajama ay umupo na ako sa kama ko, inisip ko yung mga nangyari kanina.

    Tumingin ako sa kabilang kama at ganun pa rin ang posisyon ni Rain, mahimbing na natutulog. "Rain gising ka pa?"

    Wala siyang sagot kaya sigurado akong tulog na tulog na siya.

    "Alam mo ba," huminga akong malalim. "Aaminin ko naman ang gwapo niya eh kaso nga may mga kinaiinisan ako sa kanya, imagine ngayon pa lang kami nagkakilala, he is not like Dan."

    Napatingin akong muli para i-check kung tulog pa rin siya. "He is not like Dan, hindi ako kumportable pag kasama siya, I don't understand how I felt a while ago, maiinis ako na parang mapapahinto, lalo na nung sinayaw niya ako parang iba, parang ang daming kaba tapos biglang parang kami lang dalawa tapos nainis na naman ako, hindi ko maintindihan, para akong nakasakay sa roller coaster. Whatever, kahit naman anong sabihin ko hindi mo maiintindihan at ‘di ka rin sasagot kasi tulog ka naman," ngumiti na lang ako. "Goodnight dear sister."

    Lumapit ako sa kanya at hinalikan ang noo niya, ngumiti ako at lumipat na sa kama ko, I feel so tired yet so alive, I don't know why, siguro ganito lang talaga pagnagdadalaga na.

    I smiled and fell into a deep sleep.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status