Share

Chapter Four

Rhia

"RHIA!" katok lang ng katok si Mommy sa pinto habang ako hindi magkamayaw sa pag-iri, grabe na ang sakin ng tiyan ko talaga, kinakalampag niya na ang pinto, kahit pa sumigaw ako ay hindi niya rin naman ako maririnig kaya mas pinipili ko ng manahimik. "Rhia open the door!"

    Sobrang lakas na sigaw na yun ni Mommy para marinig ko pa, narinig ko ang pag-click na tunog ng pinto tanda ng pagbukas nito. "Mommy no!"

    Bago pa ako makatayo at pigilan sila ay nakapasok na siya at yung isa sa mga katulong namin, kitang-kita ko na napatakip sila ng ilong. "Anong amoy 'yon Rhia?"

    "Mom I told you masakit tiyan ko, bakit pati ba naman dito? Wala na ba akong privacy?"

    "Sorry anak, sorry," bigla nilang sinarado yung pinto, napapa-iling na lang ako sa pagkapahiya, quotang-quota na ako sa kahihiyan simula nung nakilala ko yung Jared Yael Simonne na yun na sabi niya nga sa akin ay Jay ang nickname niya, pagkahaba-habang pangalan andami pang arte babagsak din pala sa Jay.

    Pagkalabas na pagkalabas ko ay itinaas muli ni Mommy yung uniform ko,."Now young lady, explain this thing to me."

    Huminga akong malalim. "Sobrang big deal ba niyan Mommy, wala lang yan?"

    "Wala lang?" nanlaki yung mga mata niya. "Anong wala lang, anak napakabata mo pa! Ilang taon pa bago ka ikasal at kahit pa papakasalan mo na si Jared ay hindi ka dapat nagpadalos-dalos," Napakunot ako ng noo.

    "Mom? Seriously?" Tumayo ako at kinuha ang uniform ko, "Anong padalos-dalos, anong napakabata ko pa, iba nga diyan mas bata pa sa akin eh."

    Tinampal ni Mommy yung noo niya. "You don't have to be like them Rhia!"

    "Then ano?" naiiyak na ako, dahil lang sa ice cream, dahil lang sa kumain ako sa fast food eh ganito na agad si Mommy sa akin. "Why can't I be like them? Dahil ba ako si Rhianelle Angeles?"

    "Dahil bata ka pa at ang ganitong mga bagay ay para sa matatanda lang at mag-asawa!" Tinaasan na niya ako ng boses pero mas napatulala ako dun sa huling sinabi ni Mom.

    "Matatanda? Mag-asawa? Hindi ba minsan may mga bata namang kumakain ng ice cream sa mall?" parang sa sinabi ko ay napatulala din si Mommy sa akin.

    "Ice cream?" tumango-tango ako, bakit ano ba dapat? Creamed Ice? Okay alam kong korni pero yung seryoso ano bang inisip ni Mommy? Napaamin tuloy ako, ngayon tuloy alam na niyang kumain ako ng ice cream.

    "Mom?" tawag ko sa kanya dahil parang natigilan siya, maya-maya ay inayos niya ang postura niya at nagsalita.

    "Hindi ba kabilinbilinan ko sa inyo, bawal ang ice cream, bawal ang kumain sa fast food, bawal ang laging meat, bawal ang fried foods..." yumuko na lang ako habang sige pa rin sa salita si Mommy ng mga bawal para sa amin na paulit-ulit ko na rin namang naririnig, "..Idinamay mo pa talaga ang kapatid mo rito."

    "Sorry Mom."

    "Hindi na ito mauulit nagkakaintindihan ba tayo anak?" nagbigay ako ng pilit na ngiti kay Mommy at tumango.

    Nung araw na yun nasermunan din si Rain pero wala naman kaming pakialam kasi sanay na kami, ang mahalaga nakakain na kami sa fast food. Ang saya lang!

"GUSTO mo ulit roon?" tanong sa akin ni Jay, wala na naman kasi siyang pasok kaya siya na naman ang nagsundo sa akin para ihatid ako pauwi, umiling-iling ako.

    "Ayoko ng sakitan ulit ng tiyan saka nasermunan na kami ni Mommy eh, baka mamaya pati ikaw madamay pa lalo't alam nila na kasama kita sa pag take-out noon."

    "Paano nalaman? Sinabi mo?"

    "Hindi, nakita yung ice cream dun sa damit ko," napasimangot ako. "Tapos syempre napaamin na ako."

       "Ang takaw mo kasi, parang  kang mauubusan, pwede naman kasing pakonti-konti lang," inirapan ko siya, kahit kailan talaga nakakainis siya.

    Nang makarating na sa bahay namin ay may nakita akong isang lalaking nakatayo sa tapat, alam ko na agad kung sino yun, si Dan.

    Dali-dali akong bumaba ng kotse at tinapik siya sa balikat, lumingon siya sa akin at ngumiti. "Oh, hi Rhia, kanina pa kita hinihintay, sabi kasi nung maids niyo nasa school ka pa raw."

    Ngumiti rin ako sa kanya at kinikilig, hinintay niya pala talaga ako. "Bakit 'di ka sa loob naghintay at saka anong sinadya mo rito?"

    "Nakalimutan mo na yata," napakamot siya sa batok, shocks! Ang cute talaga niya lalo na pag pati yung mata niya ngumingiti. "Birthday ko na this coming saturday, dati pa sana kita ii-invite kaso naging busy ako at 'di kita maabutan para sana iabot ito," binigay niya yung isang envelope sa akin.

        Tingin ko ay invitation card iyon para sa birthday niya. "Punta ka ah, hindi na ako pumasok kasi inabangan talaga kita para personal kong maibigay sa'yo yan."

Nagulat na lang ako nung may humapit sa beywang ko, pagtingin ko si Jay pero teka bakit may pahapit-hapit pa? Ganun na ba kami ka-close?

    Nailang ako kasi nasa harap kami ni Dan at parang nagulat siya nung makita niya kaming magkasama.

    "So bro, magkakilala na pala kayo ng fianceé ko," napalingon ako agad sa sinabi ni Jay, parang gusto ko siyang sikuhin sa dibdib, sabihin ba naman niya yun sa harapan ng crush ko? Parang gusto kong maglupasay at umiyak, pero teka tinawag siyang bro ni Jay?

    Nakita ko ang pag-ngiti ni Dan. "Siya pala yung kinukwento mo sa akin sa chat, nakabalik ka na rin pala mula sa bakasyon mo sa States?"

    "Oo kailangan kasi na dito ako nag-aaral eh, minsan binibisita ko lang dun si Mama, antagal na rin nating 'di nagkita, last time yung nandito pa kami nakatira sa village," nagtaka lalo ako, dati ng nakatira dito si Jay sa village namin? Bakit parang wala yata akong kaalam-alam tungkol dun? Baka naman hindi ko lang siya nakita noon.

    "Oo nga, naalala ko pa nung tamaan mo ng bola itong si Rhia," tumingin sa akin si Dan at ako naman ay napakunot ang noo, yung Jay na kaibigan niya na tinutukoy niya ay ang Jay na nasa tabi ko ngayon at siyang fiancé ko. "Akalain mo nga naman, siya pa talaga ang magiging fiancé mo, kung paano man nangyari yun 'di ko na alam basta ako masaya lang talaga para sa inyo."

    Ngumiti siya sa aming dalawa. "Sige Rhia, punta kayo ni Jay ah, mauna na ako," tinapik niya yung balikat ni Jay at nagkamayan sila. "Sige bro."

    "Sige, ingat," sagot ni Jay.

    Nung makaalis na si Dan ay agad kong tinanggal yung kamay ni Jay sa beywang ko. "You didn't have to tell him that!" pinalo ko sa kanya yung bag ko na sinangga naman niya ng dalawa niyang kamay.

    "Why? What's wrong? Anong mali sa sinabi ko at nagkakaganyan ka ngayon?"

    "You don't know what's wrong? Sinabi mo sa kanya na fiancé kita, yun ang mali mo!" parang may nakita akong sakit na rumehistro sa mukha niya nung sinabi ko yun.

    "Totoo naman ah," mahinahon yung boses niya at may halong kalungkutan, para tuloy akong na-guilty sa nagawa ko. "Fianceé naman talaga kita 'di ba? Anong mali na sabihin yun?" yumuko siya bago muling nagsalita. "Dahil ba gusto mo siya?"

    Ako naman ang napatanga at nag-isip ng pwedeng isagot sa kanya. "Jay, bata pa ako at sana maintindihan mo na hindi pa ako handa sa ganitong bagay, hindi pa ako sanay, halos tatlong beses pa lang nga tayong nagkita eh, sana naman maintindihan mo na hindi madali sakin na mag-adjust sayo, sa sitwasyon natin."

    "I do understand, sorry," kahit na sabihin kong mayabang siya, antipatiko o ano pa man, may isang bagay akong gusto sa ugali niya, marunong siyang tumanggap ng pagkakamali, pag may nagawa siya nagso-sorry siya at alam ko, ramdam kong sincere yun, kahit nga minsan ay hindi niya pagkakamali kagaya ngayon ay nagso-sorry pa rin siya, ngumiti siya sa akin bago humalik sa pisngi ko at nagpaalam.

    Nung makaalis na yung sasakyan napahawak ako dun sa kanang pisngi ko, unang beses na may humalik sa pisngi kong lalaki at iba yung naging pakiramdam ko, parang hihikain ako kahit wala naman akong asthma, ano bang nangyayari sa akin? Nababaliw na ba ako?

    Hindi ko alam kung crush ko ba si Jay dahil una sa lahat alam kong si Dan ang crush ko, oo mas gwapo si Jay pero hindi ko maramdaman sa kanya yung nararamdaman ko para kay Dan pero may mga bagay na naipaparamdam siya sakin na kahit kailan ay di ko naman naramdaman sa kahit kanino at sa kanya pa lang.

    Napailing-iling ako, siguro nga crush ko din si Jay, hindi naman siguro masamang magka-crush sa dalawang lalaki hindi ba?

    Lumipas ang ilang araw at birthday na ni Dan, gabi yun dun sa bahay nila, pumayag sila Mommy at Daddy dahil kilala naman na nila si Dan at isa pa kasama ko rin si Jay, tumawag sa telepono namin si Jay, sabi niya aattend siya pero mauna na daw ako kasi baka malate siya ng konti kasi katatapos lang ng klase niya.

    Pagpasok ko pa lang ng gate ng bahay nila ay winelcome na ako agad ni Dan, may iniaabot pa siya sa aking inumin pero di ko tinanggap kasi alam kong may alak yun, hindi naman ako mang-mang para hindi maamoy yun, sabi niya wala daw ang parents niya at sa Lunes pa ang balik, nasa Cebu daw.

    Habang nagkakasiyahan ang lahat ay dinala niya ako dun sa may kitchen, binigyan niya ako ng juice at hinainan ng iilang pagkain, napangiti ako sa kanya.

    Hindi ko masyadong naubos ang pagkain ko dahil nakatitig lang siya sa akin. "May dumi ako sa mukha?"

    Umiling siya at ngumiti, nagulat ako ng hawakan niya ang kamay ko. "Sigurado ka na bang magpapakasal ka kay Jay? Hindi ka ba nape-pressure? Ang bata mo pa pero engage ka na tapos planado na ang lahat sa buhay mo."

    Binawi ko yung kamay ko at napayuko. "It's not like I can anything about it, bata pa lang ako planado na ang lahat, mas ok siguro kung naging lalaki ako eh 'di sana magtitiwala si Daddy sa amin sa business at hindi kailangang ipakasal ako para iba ang mamahala."

    Hinawakan niya yung baba ko at iniharap sa mukha niya, ang lapit namin sa isa't isa at parang kinakabahan ako na natatakot. "Rhia, gusto kita dati pa pero hinihintay ko lang yung tamang panahon kasi alam kong bata ka pa pero hindi ko kaya na malaman na ikakasal ka sa iba."

    Nakatitig lang ako sa kanya, hindi agad gumana ang brain cells ko sa pagprocess ng mga sinabi niya, para akong lutang na hindi mapakali.

    Unti-unting bumababa yung mukha niya sa mukha ko, teka hahalikan ba niya ako? Mas bumilis yung kaba ko na parang naparalisa ang katawan ko sa kinauupuan ko.

    Hindi ko alam kung ano ba ang tamang gawin kaya napapikit na lang ako, naramdaman ko ang paghinga niya malapit sa ilong ko, alam kong mas pababa na ang labi niya, ito na ba ang first kiss ko? Sa unang lalaking crush ko?

    Pero bakit parang may mali? Parang may hindi tama sa pakiramdam ko.

    Si Jay! Napamulat ako nang pumasok siya sa isip ko at nagulat ako ng biglang umatras si Dan at napadapa sa sahig. "Jay?"

    Nasa harap ko ngayon si Jay, galit na galit, nanlilisik ang mga matang nakatingin kay Dan habang ito naman ay putok ang bibig sa ginawang pagsapak ni Jay dito. "You stay away from my fianceé bro, kung ayaw mong makalimutan kong minsan ay naging magkaibigan tayo."

    Natatakot ako ngayon sa pinapakita ni Jay, tumingin siya sa akin ng matalim. "Bata pa? Bata ka pa sa lagay na yun ah."

    Hindi ko alam ang sasabihin ko, yung ibang tao sa party ni Dan ay nakatingin na sa amin, kahit pa malakas ang music ay nakakuha pa rin kami ng atensyon sa iilang tao sa eskandalong nangyari, hinila ako ni Jay palayo sa lugar na yun pero saglit siyang tumigil at may inihagis sa mukha ni Dan, isang football uniform. "Happy Birthday na lang bro," binigyang diin pa talaga nito yung salitang bro.

    "Aray ko Jay masakit!" daing ko nung hinila niya ako papasok sa kotse niya, sa tabi ng driver's seat, nang makaupo na siya ay agad niyang pinaharurot yung sasakyan, walang nagsasalita sa aming dalawa, naiilang ako habang siya ay tutok lang sa pagda-drive.

    Dahil nga halos ilang block lang ang pagitan namin sa bahay nila Dan ay nandun agad kami sa tapat ng bahay, bubuksan ko sana yung pinto ng kotse kaso hindi ko magawa, narealize kong automatic nga pala ang kotse ni Jay at hindi ko mabubuksan yun kung hindi niya ako papayagang lumabas.

    Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kanya na lalabas na ako dahil ng alam kong galit pa rin siya, nakayuko siya at malalim ang paghinga, nakatitig lang ako sa kanya ng tumingin siya sa akin. "I'll ask you this again Rhia and don't you dare lie to me again, do you like Dan?" parang sobrang nangigigil siya sa galit sa paraan ng pagtatanong niya, punong-puno ng diin.

    Nakatitig lang ako sa kanya habang sobra-sobrang kaba ang nararamdaman ko, umiling-iling ako at hinampas niya yung manibela na kinagulat ko, pumikit siya habang ikinukuyom ang kamao niya. "Don't fucking lie to me Rhia! Magpapahalik ka ba kung hindi mo siya gusto?"

    "He didn't kiss me, ano bang kinagagalit mo diyan?" tumaas na rin ang boses ko, bakit ba kailangan kong magalit sa kanya, wala naman akong masamang ginawa.

    Inilagay niya yung kamay sa bibig niya sabay nilamukos yung mukha niya at ginulo ang mahabang buhok. "Hindi pero kung hindi ako dumating siguro naghahalikan na kayo o baka higit pa."

    Sinampal ko na siya pero mas nagulat ako ng hawakan niya yung kamay kong pinangsampal ko sa kanya at hinila ito, napalapit ako sa kanya, hinawakan niya ako sa batok kaya napanganga ako sa gulat.

    Bumaba yung labi niya sa labi ko habang ako ay nanlalaki lang ang mga mata, naramdaman ko yung paglilikot ng labi niya at ang paglalaro ng kung anong bagay sa loob ng bibig ko, saglit akong nakahinto lang dun at hinayaan siya bago ko siya itinulak at muling sinampal.

    Hindi ko na napigilan ang pag-iyak ko, pakiramdam ko ay sobra akong nabastos, pilit kong binubuksan yung pinto pero di ko pa rin magawa, "Let me out of here!" naghi-hysterical na ako at sumipa-sipa. "Mommy!"

    Naramdaman ko ng hawakan niya ang balikat ko kaya itinulak ko siya ulit. "Don't touch me!" Nagtitili na ako at narinig ko ng buksan niya ang pintuan, tumakbo na ako palabas habang pinupunasan ko yung labi ko.

    Sigurado na ako ngayon na ayaw ko sa kanya, ayoko sa taong kagaya niya, he stole my first kiss in a not so magical way, nakakabwisit lang na bakit siya pa ang kailangan kong maging fiancé.

    Dire-diretso lang ako sa kwarto at nang paghiga sa kama ay doon na ako humagulhol ng sobra, naramdaman ko na lang na may yumakap sa likod ko at alam ko na agad na si Rain yun, kahit papano ay naging okay na ako pero hindi pa rin mawala ang galit, inis at bwisit ko para kay Jay.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status