Caleb...
"I'M glad Mr. Simonne na tinuloy-tuloy mo ang therapy kahit pa nga naalala mo na ang lahat."
"Well Doc kayo na rin ang nagsabi na lacunar ang case ko, kahit na akala ko magaling ako hindi natin masasabi." Ngumiti ako.
"Kaya nga may good news ako, sa mga recent tests na sinagawa namin lahat ay naging maayos ang kinalabasang resulta. I can finally say that you have completely recovered."
"Thank you Doc."
"GOOD news?" Huminga ako ng malalim at kunwari ay malungkot na umupo sa sofa, lumapit si Tracy sa akin at yumakap, "Okay lang naman, pwede mo pa namang ituloy yung therapy, gagaling ka rin, maniwala ka lang."
A/N: Salamat sa lahat ng nagbasa at nakaabot sa part na ito, sana nagustuhan niyo ang story ni Tracy at Caleb. Sa tuwing nagsusulat ako ng walang outline nagkakaroon ako ng separation anxiety sa mga character, minsan ayoko pa silang bitiwan, ayoko pang tapusin kasi nalulungkot ako, halos 2 years din bago ko naisulat ito dahil halos 2 years bago ako naka move-on kayla Jay at Rhia, kaya nga nagsulat ako ng panibagong storya na hindi sila masyado kasama kasi kung isusulat ko kaagad ito baka maging sila na rin ang laman ng story, gusto ko ang focus ay sa bida. Pagkatapos nito ay LHAM na at pag natapos siguro iyon ay saka ko masusulat si Ivan at Rain pero I'm sure matagal pa si Neon, wala pa kasi akong malinaw na plot sa kanya, basta black sheep siya ng pamilya Simonne hahaha! Salamat ulit sa lahat ng nagbasa!
Caleb... "I'Mglad Mr. Simonne na tinuloy-tuloy mo ang therapy kahit pa nga naalala mo na ang lahat." "Well Doc kayo na rin ang nagsabi na lacunar ang case ko, kahit na akala ko magaling ako hindi natin masasabi." Ngumiti ako. "Kaya nga may good news ako, sa mga recent tests na sinagawa namin lahat ay naging maayos ang kinalabasang resulta. I can finally say that you have completely recovered." "Thank you Doc." "GOODnews?" Huminga ako ng malalim at kunwari ay malungkot na umupo sa sofa, lumapit si Tracy sa akin at yumakap, "Okay lang naman, pwede mo pa namang ituloy yung therapy, gagaling ka rin, maniwala ka lang."
Tracy...NAKAUPOsi Caleb sa sofa habang nilalagyan ko ng pain relieving patch ang balikat niya na may pasa dahil na nga rin sa naging paghampas ng tungkod sa kanya ni Lolo Anastacio.Sumandal siya at ang sa bandang tiyan naman niya ang sunod na nilagyan ko, bahagya siyang napaigik sa nangyari kaya iniatras ko ang mga kamay ko at tumingin sa kanya, "Ayos ka lang ba? Baka kailangan ka ng dalhin sa ospital."Tumawa siya, "Ospital agad? Hindi ko naman ikamamatay ito.""Huwag ka ngang magbiro ng ganyan. Hindi mo alam kung anong nararamdaman ko pag nasasaktan ka, ilang beses ka na rin namang naisugod sa ospital at tuwing nangyayari iyon nag-aalala ako sa'yo."
Caleb...NARINIGko ang ringtone ng cellphone ko na may tumatawag, inaantok na pinatay ko iyon at inabot ng kamay ko ang katabing parte ng kama, nangunot ang noo ko ng wala akong mahawakan kaya't bahagya akong nagmulat ng mata. Wala si Tracy.Napabangon na ako at kinusot-kusot ang mata ko sabay napangiti sa sarili ko dahil naisip ko na siguro naghahanda na si Tracy ngayon ng agahan namin.Tinignan ko ang phone ko at nangunot ulit ang noo ko sa nakita.'10 messages? 3 missed calls?'Lahat ng iyon ay galing kay Neon.Binuksan ko iyon bawat isa, ang nakalagay sa pinakahuling message niya ay kung ayos lang ba kami at bakit hindi ko sinasagot ang tawag. Tinignan ko ang pinakaunang message niya.'Kuya Caleb hinahanap kayo ng mga Cysco, galing sila dito sa Hotel Simonne kanina at nagbanta na kung hindi natin ibabal
Tracy...NAGISINGako at napatingin sa salamin ng kotse dahil gumagalaw ang paligid. Napabangon ako at napansin na may kumot ng nakatakip sa katawan ko, "Good morning love."Lumingon ako sa likod kung saan naroroon si Caleb at nagda-drive. Napangiti ako sa naging endearment niya, gaya iyon nung nasa isla kami."Good morning." Tumingin siya sa akin mula sa rearview mirror at ngumiti."How's your sleep?" Nagkibit-balikat ako habang nakangiti pa rin, "You look beautiful."Mas lumaki ang pagkakangiti ko at wala sa sariling hinawi ang buhok ko't nilagay sa likod ng tenga."Pero parang may kulang." Bigla akong napatingin sa kanya na ikinatawa niya.Ngumuso ako, "Ano na naman iyon?" Umiling siya habang nangingiti, sa inis ay ibinato ko sa kanya yung isang unan."Trace ano ba?! Nagda-drive ako!""Eh i
Tracy..."READYka na ba?" Napatingin ako kay Marc mula sa vanity mirror na nasa labas ko, "The party will start in a few seconds. Lalabas muna ako."Tumango ako at nagbigay ng pilit na ngiti. Nakatitig lang ako sa sarili ko sa salamin, kahit pa gaano kaganda ang nakikita kong naging ayos sa akin ay alam kong kitang-kita pa rin sa mga mata ko ang lungkot.Pagkatapos ng araw na ito ay magbabago na ang buhay ko, hindi na kami magkikita pa ni Caleb kahit kailan. Napatingin ako sa singsing na nasa kamay ko at hindi ko na napigilan ang pagpatak ng luha mula sa mata ko, he hates me, siguradong hindi na rin naman niya gugustuhing makita pa ako.Pwede na ring ma-annul ang kasal namin dahil naikasal siya sa akin habang wala siya sa tamang pag-iisip niya at wala naman akong karapatan pang tumutol kung sakaling magdesisyon nga siya na ipawalang bisa na iyon.
Caleb..."WHAThappened Kuya Caleb?" Napatingin ako kay Neon ng bigla na lang siyang pumasok ng opisina ko ng hindi man lang kumakatok, "Ano na namang nangyari? Bakit wala si Trace? Malapit na yung event, kung may personal issues kayo pwede bang 'wag niyo na munang dalhin sa trabaho? Ngayon natin siya pinaka kailangan."Nagtagis ang bagang ko at matalim na tumingin kay Neon, "We don't need her, matutuloy ang event kahit wala siya dahil hindi naman siya kawalan, now leave, I'm busy."Nangunot ang noo niya, "Busy? Eh nakatulala ka nga lang diyan pagpasok ko, saka bakit ganyan ka magsalita? Si Tracy iyon Caleb, kaibigan mo.""Just stop.""Alam mo kung galit kayo sa isa't isa at nag-away na naman baka pwedeng isantabi niyo muna. Wait I'll call her.""I said stop!" Tumayo na ako at napasuntok sa lamesa, tumingin lang siya sa akin