Simonne Series 3: Amnesia For Love

Simonne Series 3: Amnesia For Love

last updateLast Updated : 2021-09-27
By:  Jane VauclainCompleted
Language: English_tagalog
goodnovel16goodnovel
10
1 rating. 1 review
35Chapters
3.2Kviews
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

Synopsis

Tracy Martinez applied as a secretary to the Simonne's with them not knowing that she is one of the family members of their rivals, The Cysco's. Her job was to spy on them, but she didn't expect to fall in love with Caleb Simonne, they became best of friends; she knew he was gay but she was okay with it, loving him and just being near him was enough, but when things went rough and her family was planning on introducing her as one of their own, she had to leave and break their friendship, Caleb wanted to know her real reasons only to find out the whole truth, their huge fight turned into a huge accident which cost Caleb's memories. Tracy felt guilty and wanted to be there for him until he gets better, she just didn't expect Caleb's family to think they were together as a couple, but she went with the flow, she's in love with him, she'd do everything to be with him. But what will happen when all his memories come back?

View More

Chapter 1

Prologue

"KAILANGAN ko pa bang gawin ito Marc?" tanong ko sa lalaking kaharap ko.

"Well you have to Ana," ngumiti siya sa akin. "You have to prove yourself worthy of the Cysco surname."

Hinawakan ko yung papel na nasa mga kamay ko. "Hindi madali itong pinapagawa mo sa akin."

"Walang bagay na madali. In fact mas madali pa nga yan kaysa sa trabaho ng iba diyan. Wala kang ibang gagawin kundi maging secretary lang. Anong mahirap dun? Hindi ko naman sinabi na pikutin o dapat mapakasalan ka ng isa sa mga Simonne," huminga siyang malalim. "Napakaliit na pabor kumpara sa pwede mong makuha."

Tinignan ko ang mga papeles na nasa kamay ko at muling binasa ang nakalagay doon. Naroon ang pangalan ng bawat isa sa mga tagapag-mana ng mga Simonne.

Gabriel Simonne, known as Gael: inheritor of Hotel Simonne.

Jared Yael Simonne, known as Jay: Inheritor of Simonne Clothings.

Calvin Criebo Simonne, known as Caleb: designer for Simonne Clothings, has equal shares in Hotel Simonne and Simonne Clothings.

Marami pang negosyo ang nakasaad doon na under naman ng mga magulang nila at hindi pa sinasabi kung kanino ba ipapamana.

Ang sumunod doon ay ang profile ng dalawa pa sa pinsan ng tatlo. Sila Ivan at Neon na siyang namatay ang mga magulang dahil sa naging trahedya sa buhay ng mga ito ilang taon na ang nakararaan.

"Wala akong pakialam dun sa dalawa," narinig kong sabi niya ulit. "Alam ko namang wala ring mamanahin yung dalawa dahil sa family background nila, para lang silang utusan ng tatlong pinsan nila. They do the errands, kaya ang gusto ko mag-focus ka doon sa tatlo, do everything you have to do para malaman ang mga whereabouts nila."

"You want me to be a spy?"

"If that's what you call it then yes."

"Hindi mo ba alam na pandaraya itong ginagawa mo?" ibinagsak ko sa harapan niya ang mga papeles na hawak ko. "That's illegal."

"Huwag kang mag-alala. If something happens hindi ka madadawit, Ana matagal mo ng ginusto na matanggap ka ng mga Cysco hindi ba? Ito ang pinakamagandang paraan para mangyari yun," lumapit siya at tinapik ang balikat ko. "Pag ginawa mo ito matatanggap ka agad sa pamilya at maa-appreciate lahat ng efforts mo."

"Paano ko gagawin ito? Wala akong proper background. Eighteen pa lang ako at alam mong hindi pa ako nakakatapos ng college, 2 years pa lang ang ginugol ko dun at huminto na ako simula nung namatay si Tatay. Isa pa dala ko pa rin ang apelyido ni Nanay na Cysco, imposibleng hindi nila malaman iyon."

Umupo siya sa harap ko na nakangiti dahil alam niyang napapayag na niya ako sa gusto niya. Hinawakan ang kamay ko. "Don't worry madali lang naman doctorin yang mga yan Ana. Nakahanda na lahat ng kailangan mo. About your age, hindi naman natin pwedeng dayain yun but I have faith in you, matatanggap ka sa trabaho dahil may tiwala naman ako sa kaya mong gawin. Madadala mo sila ng talino mo."

May kinuha siyang folder at ibinigay sa akin.

"Tell me when you're ready at ipapahanda ko na ang lahat pero bilisan mo lang. Balita ko kasi ibibigay na yung pamamahala sa Hotel Simonne kay Gabriel dahil sa nakatakda niyang kasal kay Helena Bernadine. Naghahanap sila ng bagong secretary at sa tingin ko isa ito sa opportunity na hindi mo dapat palampasin."

"Naiintindihan ko," tumango ako at nagbigay ng pilit na ngiti.

"Good," tinapik-tapik niya ang kamay ko. "That's what I like about you. Madali ka kausap. Ang kailangan mo lang pumunta roon sa Hotel Simonne at ako ng bahala sa lahat basta sumunod ka lang."

Muli akong tumango, sunod ay binuksan ko yung folder na ibinigay niya kanina lang at nakita ko na nakalagay ang larawan ko sa pangalang: Tracy Martinez.

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters

Comments

user avatar
Potterhead Muggles
One of my faves from you Author ...
2021-09-24 18:33:01
0
35 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status