Share

Book 2 Chapter16

Nagulat siya nang dalawang naka-uniform ng Romano Shipping Line ang sumundo sa kanila ni Jace sa airport. Naka-coat and tie pa ang dalawa na pakiramdam niya'y anak ng Presidente ang dumating. Ang usapan nila ni Jane ay ito ang susundo sa kanila dahil hindi naman na ito pumapasok sa opisina.

"Naikarga na ho ba lahat, Ma'am Janine?" tanong ng isa. Binuksan nito ang backseat saka sila pinasakay ni Jace.

Ipinikit niya ang mata at isinandal si Jace sa dibdib niya. Gusto niyang maging panatag ang kanyang kaisipan. Pero kahit anong kalma niya sa sarili ay kumakabog pa rin ang dibdib niya sa hindi malamang kadahilanan. Nagtataka pa rin siya kung bakit ang empleyado ng Romano Shipping Line ang sumundo sa kanila.

"Saan ho tayo papunta?" tanong niya nang makitang hindi naman sa bahay nila ang tinutumbok ng sasakyan.

"Sa Pasay ho. Doon ho naghihintay si Sir Patrick."

"Sir Patrick?! Bakit doon tayo pupunta?!"

"Iyon po ang utos niya, Ma'am Janine."

"Siya ang nag-utos?! Oh, God. Sandali!" Kinuha n
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status