Share

Kabanata 6

Penulis: Summer Blossom
Hindi natulog ng mabuti si Edward sa buong gabi. Ang tiyan niya ay naging sensitibo, at kahit ang gamot ay nagbibigay lang ng konting ginhawa. Malayo ito sa paggaling o ginhawa.

Gumising siya ng maaga bago tumunog ang alarm. Habang lumabas siya ng kanyang kwarto, halos bumunggo siya kay Macie, na siyang umalis ng kwarto na nasa kabilang corridor.

“Ano ang ginagawa mo?” Ang tanong ni Edward.

“Gumagawa ng agahan,” Ang simpleng sagot ni Macie habang hirap na maglakad patungo sa kusina.

Nakatayo sa lugar si Edward. Lagi siyang gumigising at kumakain ng agahan ng hindi binibigyang pansin kung sino ang naghahanda ng pagkain. Hindi niya naisip na gumigising si Macie ng 5:00 am bawat umaga para magluto.

Habang pinapanood ang hindi matatag na katawan ni Macie, sinabi ni Edward, “Hindi mo na kailangan.”

Tumigil si Macie sa kanyang ginagawa, at lumingon siya.

Sa dalawang taon, pinagsilbihan niya si Edward. Kailangan niyang bumangon at magluto kahit na may lagnat siya. Pinahirapan ni Edward si Macie sa bawat posibleng paraan. Ito ang unang beses na sinabi ni Edward kay Macie na hindi kailangan magluto ni Macie.

Habang nakatingin sa injured na paa, iniisip niya kung sa wakas ay nagkaroon na ng konsensya si Edward pagkatapos makita ang ginawa ni Edward sa kanya.

Ngunit hindi nagtagal ay idinagdag ni Edward, “Hindi mo na rin kailangan maghanda ng hapunan. Kakain ako sa labas kasama si Sharon.”

Pagkatapos, naglakad si Edward palabas ng pinto ng hindi tumitingin sa likod.

Tumingin si Macie sa pinto at tinikom ang kanyang mga labi at ngumiti na para bang pinupuna ang sarili. Ngumisi siya sa loob. Iniisip niya kung may konsensya ba si Edward at naisip na puno lang siya ng delusyon.

Ang hindi pagluluto ay ayos lang sa kanya. Pagod naman na siya na pagsilbihan si Edward.

Bumalik si Macie sa pagtulog at gumising siya ng 8:00 am para palitan ang dressing sa kanyang mga sugat, ngunit napagtanto niya na ang mga gastric pill ay nawawala mula sa first-aid kit.

Kumunot ang noo niya nang maalala niya na ang pinto niya ay hindi nakakandado nitong umaga nang buksan niya ito. Nakalimutan niya ba na isara ito kagabi? O ninakaw ba ang gamot tulad ng dati?

Hindi niya ito pinag isipan masyado. Sa halip, umupo siya sa living room carpet dala ang kanyang laptop.

Nag-login siya sa isang online learning platform nitong umaga para mag review sa kanyang university coursework. Sa hapon, nag practice siya ng coding at nagtrabaho siya sa character designs at scene illustrations sa kanyang graphics tablet.

Sa dalawang taon, nanatili siya na hindi nakikita ng publiko. Kahit na nakalimutan niya na ang ilang advanced concepts, ang foundational art skills iya ay nanatiling mahusay.

Tumanggap pa siya ng freelance commission paminsan-minsan, kumikita ng extra at nakakuha ng maliit na fanbase.

Lumipas ang oras. Pagsapit ng paglubog ng araw, tumayo si Macie para kumuha ng tubig at umorder ng takeout. Ngunit sa oras na yun, nag click ang door lock.

Tumingin siya.

Makalipas ang ilang segundo, bumukas ang pinto. Nagpakita ang nakangiting mukha ni Sharon.

“May, nandito ako para bisitahin ka! Kamusta ang paso mo?” Ngumiti ng malaki si Sharon habang pumasok siya.

Sa likod niya ay si Edward, may dalang mga grocery.

Nanatiling malamig ang ekspresyon ni Macie habang lumingon siya palayo.

Si Sharon ang rason kung bakit napaso ang balat ni Macie. At ngayon, may lakas ng loob si Sharon na magpakita sa pinto ni Macie. Ang mga kilos ni Sharon ay parang isang lobo na nagpapanggap na nag aalala sa biktima nito.

“May…” Ngumuso si Sharon nang hindi siya pansinin ni Macie.

“Anong klaseng ugali yan?” Pinagalitan ni Edward si Macie, nakakunot ang noo. “Pumunta si Sharon para bisitahin ka at nag alok pa siya na magluto para sayo. Wag kang maging walang utang na loob.”

Humarap pabalik si Macie, ngumisi. “Bahala kayo. Wala akong gana, kaya hindi ako kakain ng hapunan.”

Pumunta siya sa coffee table para itabi ang kanyang laptop.

Mukhang naiinis si Edward, ngunit kumapit si Sharon sa braso niya at sinabi nito, “Edward, injured si May. Maging mabait ka sa kanya. Tara na at magluto tayo ng hapunan, at sasabihin natin sa kanya kapag handa na.”

Kumilos si Macie na para bang hindi niya narinig ang matamis na boses ni Sharon. Nagpatuloy siya sa paglipit ng kanyang mga gamit, handa nang bumalik sa kanyang bedroom.

Masayang binuhat ni Sharon ang mga groery papunta sa kusina. Habang nilampasan ni Macie si Edward, kumunot ang noo ni Edward.

“Ano ang ginagawa mo sa laptop mo?”

“Nanonood ng mga drama,” Ang sagot ni Macie ng hindi tumitingin.

“Paano naman ang graphics tablet mo?” Tanong niya.

“Isa itong wrist rest.”

Isa itong kasinungalingan. Tutal, ang isang wrist rest ay hindi kailangan ng data cable na konektado dito.

Simula kahapon, partikular na naging malamig ang ugali ni Macie kay Edward. Nairita si Edward sa hindi malamang rason.

“Edward, tulungan mo ako sa mga gulay…” Ang matamis na tawag ni Sharon mula sa kusina.

Sumagot si Edward at pumasok sa loob. Hindi niya alam na si Macie, na nasa bedroom na ngayon, ay narinig itong lahat.

Tumawa siya ng mapanglait. Hindi siya makapaniwala na papasok si Edward sa kusina.

Dati ay naghahanda siya ng pagkain para kay Edward at minsan ay direkta pang hinahain kay Edward. Kahit kailan ay hindi tumulong si Edward ng kahit konti.

Minsang naniniwala si Macie na si Edward ang isa sa mga lalaki na hindi lalapit sa kusina dahil sa pagiging tradisyonal. Ngunit sa huli ay masayang nagluluto si Edward para sa babaeng mahal niya.

Ang kwarto ni Macei ay may mabuting soundproofing, ngunit narinig niya pa rin ng malakas at klaro ang boses ni Sharon. Halata na sinasadya ni Sharon na laksan ang kanyang boses.

May walang tigil din na tunog ng mga utensil. Ito ay para bang ang kusina ay sinisira.

Walang pakialam si Macie na ang isang taong hindi parte ng bahay ay pumasok sa bahay na para bang ito ang nagmamay ari ng lugar. Naisip niya lang na maingay ito.

Sinubukan niya mag focus sa kanyang video tutorial nang biglang tumunog ang isang malakas na tili. Sa irita, sinuot niya ang kanyang headphones.

Pagkatapos, may taong kumatok ng malakas sa kanyang pinto.

“Macie, lumabas ka,” Ang utos ni Edward.

Mahigpit na nakakuyom ang kamao ni Macie. Binigyan niya na ng space sina Edward at Sharon. Hindi niya alam kung ano pa ang gusto nila.

Nagpatuloy ang pagkatok na para bang hindi ito titigil hangga’t buksan ito ni Macie.

Tumayo si Macie, huminga ng malalim at tahimik na pinaalala sa sarili, “28 na araw na lang. Magtiis ka lang…”

Binuksan ni Macie ang pinto.

Ang unang bagay na sinabi ni Edward ay, “Gumawa ka ng hapunan. Hindi sanay si Sharon sa kalan at nabasag niya ang isang ceramic plate. Muntik na siyang masaktan.”

Tumitig si Macie kay Edward at hindi makapaniwala, inisip niya, “At ano naman ang kinalaman nito sa akin? Binasag niya ang plato ko at muntik masaktan. Bait ko kailangan magluto?”

Malamig at malakas niyang sinabi, “Injured din ako.”

Sa oras na yun, doon lang tila naalala ni Edward. Tumingin siya sa paa ni Macie.

Naisip ni Macie na baka—baka lang—may konting pagiging makatao pa si Edward.

Pagkatapos, sinabi ni Edward, “Pero ayos lang ang mga kamay mo. Tumayo ka lang sa lugar habang nagluluto ka.”
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • Sino Ang Nagsisisi Ngayon   Kabanata 100

    Sa totoo lang, walang magawa si Nathan.Ang tanging tao na kayang macontact si Macie ay si Yosef. Sa kasamaang palad, walang paraan si Edward para macontact si Macie.Nang umagang yun, ang manager ay dumating dala ang product planning proposal para kay Edward. Ngunit pagkatapos ng mabilis na pag uusap, naging klaro na wala si Edward sa tamang kondisyon. Ang mga mata niya ay namamaga, kaya walang magawa ang manager kundi ang umalis.“Mr. Levy, alam mo ba kung ano ang problema ni Mr. Fowler?” Ang tanong ng manager kay Nathan sa Assistant Deparment’s office.“Oh, nasa gitna siya ng isang breakup,” Ang walang iniisip na sagot ni Nathan habang lumingon siya mula sa kanyang computer.Ngunit doon niya lang napagtanto na hindi ito tama. Kasal sina Macie at Edward. Hindi sila mag-boyfriend-girlfriend, kaya hindi ito breakup. Ito ay parang…Tama, isang divorce.Naku… Ang isang bagong divorce na lalaki ay magulo ang buhay, lalo na at dinala ito ni Edward sa sarili niya.Umiling lamang si

  • Sino Ang Nagsisisi Ngayon   Kabanata 99

    Ang isa sa mga interviewer ay ngumiti at sinabi, “Ms. Smith, ang professional expertise mo ay bukod-tangi. Ang leadership sa maraming team competition sa oras mo sa college ay rason para talagang nararapat ka sa posisyon ng director.”Tinikom ni Macie ang mga labi niya sa komento at tumingin siya kay Julian. “Pasensya na, sa tingin ko ay hindi ako kwalipikado para doon. Masaya ako para sumama sa design department bilang isang staff member.”Ang mga interview ay sandaling nabigla sa pagtanggi niya.Nagpatuloy si Macie, “Salamat sa kumpiyansa niyo sa akin. Ang mga competition noong college ay mga team event, at ang leader noon aysi Mr. Atkins, hindi ako. Assistant lang ako, kaya hindi ko matatanggap ang credit para doon.”“Alam ko ang kahinaan ko. Ito ang unang trabaho ko, at marami akong dapat matutunan, lalo na pagdating sa pag lead ng isang team. Kapag napromote ako, gusto ko magsimula mula sa simula.”Pagkatapos ng marinig ang kanyang sagot, ang mga interviewer ay natuwa sa kany

  • Sino Ang Nagsisisi Ngayon   Kabanata 98

    Lumingon si Julian para tumingin kay Macie. Naglagay si Macie ng light makeup na may soft red lips na hindi masyadong bold. Ang itsura ni Macie ay simple at fresh, elegante pa.“Hindi. Maganda ka.” Hindi pinigil ni Julia ang papuri.Ngumiti si Julian at dinagdag niya, “Noong sa college, ikaw ang top beauty ng department natin at isa sa pinaka namumukod na estudyante. Ang bilang mga lalaking nanliligaw sayo ay baka kayang libutin ang buong lungsod ng Williamford.”“Tumigil ka nga sa panunukso.” Ang sabi ni Macie, nagblush siya ng konti.Tumawa si Julian. Nang makita kung gaano kadali magblush si Macie, naisip niya na bumalik sila sa oras nila sa college.Gusto niyang itanong kung may boyfriend si Macie, ngunit naisip niya na masyado pang maaga dahil kakabalik lang ng koneksyon nila. Kaya naman, nagdesisyon siyang hindi magtanong ngayon.Habang nagkwentuhan sila, dumating ang elevator sa 12th floor.Nauna sa daan si Julian habang pinakita niya ang lugar. “Tingnan mo, ito ang compa

  • Sino Ang Nagsisisi Ngayon   Kabanata 97

    Sa passenger seat, narinig ni Nathan ang mga iyak at sigaw ni Edward.Kumunot ang noo ni Nathan, nagbuntong hininga siya sa loob. Kung alam ni Edward na mangyayari ito, bakit sigurado siya sa sarili niya noon?Noong ilang araw ang nakaraan, binalaan ni Nathan si Edward na maging tapat sa sarili, ngunti pinilit ni Edward an hindi niya pagsisisihan ang mga desisyon niya.Kahit anong pagmamakaawa o pag iyak ni Edward sa Fowler residence, tumanggi si Yosef na sumuko. Ang anumang ideya na pagbalikin sina Edward at Macie ay tuluyang naglaho.Ang call ay natapos ng walang awa. Bago ibaba ang phone, isa lang ang sinabi ni Yosef. “Hindi ka nararapat para kay May.”Sa backseat, nagredial si Edward, ngunit tumanggi ang lolo niya na sagutin ito. Sa oras na yun, doon lang nabasag ng tuluyan ang puso ni Edward, at napuno siya ng pagsisisi.Ang lalaki na may malamig na ugali at laging mahinahon ay nagdurusa na ngayon. Ang mga iyak niya ay desperado, parang isang tuta na inabandona sa tabi ng ka

  • Sino Ang Nagsisisi Ngayon   Kabanata 96

    “So… totoo it?” Ang tanong ni Yosef.Sa kabilang linya, hindi pa rin siya makapaniwala kahit na narinig niya ang mga sagot.“Hindi lang po ito totoo. May higit pa,” Ang sagot ni Nathan. “Ilalagay ko po ang lahat sa isang message at isesend ko sa inyo.”Pagkatapos ibaba ang phone, mabilis na nagtype si Nathan tungkol sa lahat ng alam niyang pagdurusa ni Macie at ang insidente ng pagdala ni Edward kay Sharon sa bahay nila.Kahit na divorced na sina Edward at Macie, naisip ni Nathan na mahalaga pa rin para kay Yosef si Macie at maaaring makatulong kay Macie na makakuha ng hustisya.Tahimik ang biyahe.Nakaupo si Edward sa backseat, malalim ang iniisip. Hindi pa rin siya makapaniwala na divorced na sila ni Macie.Kasabay nito, pinoproseso niya pa rin ang katotohanan mula sa dalawang taon na ang nakaraan—na ang lolo niya ay pinilit si Macie na pakasalan siya. Inosente pala si Macie sa simula pa lang, ngunit kinasuklaman siya ni Edward ng dalawang taon.Tinaas ni Edward ang kamay niy

  • Sino Ang Nagsisisi Ngayon   Kabanata 95

    “May, alam ni Ed na mali siya. Hinahanap ka niya nitong nakalipas na mga araw,” Ang sabini Yosef.Nagpatuloy siya, “Kukuha ako ng tao para harapin si Sharon. Pwede mo ba siyang pagbigyan kahit ngayon lang? Bigyan mo siya ng isa pang pagkakataon.”“Nahulog na si Ed para sayo, pero hindi niya ito napagtanto hanggang ngayon. Kakasabi niya lang sa akin na ayaw niya ng divorce, at umiyak pa siya. Nangangako ako na magiging mabuting asawa siya sayo simula ngayon.”Sa kabilang linya, nanatiling malamig si Macie at hindi apektado sa mga salita ni Yosef. Alam niya na dapat na hindi siya umasa kay Yosef na ayusin ang problema sa divorce. Hindi niya na dapat sinagot ang tawag.Ngayon, mukhang nagmamakaawa pa si Yosef para kay Edward.Lumilipad man ang mga baboy, gumuho man ang mundo, o sumikat man ang araw mula sa kanluran—ang anuman sa mga ito ay mas kapanipaniwala kaysa sa pagbabago ni Edward.“Mr. Fowler Senior, sinasabi niyo po sa akin na bigyan siya ng isa pang pagkakataon. Pero pwede

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status