Share

Kabanata 7

Penulis: Summer Blossom
Tumingin si Macie kay Edward, kinuyom ang kanyang mga kamao.

Suminghal siya ng tahimik.

Malubha ang injury niya, ngunit si Edward ay pinilit na gumawa siya ng hapunan upang makakain ang minamahal nito.

Masyado niyang minaliit si Edward. Talagang walang puso si Edward.

“Hindi ba kayo pwedeng umorder ng takeout? Sigurado ako na maraming mga restaurant na pwede magpadeliver. Hindi naman sa wala kang perang pwede gamitin,” Ang sabi ni Macie.

Tinikom ni Edward ang mga labi niya at umiwas ng tingin. Ilalabas niya na sana ang kanyang phone nang magsalita si Sharon. “May, nandito ako para bisitahin ka dahil sa intensyon na gumawa ng hapunan para sayo. Mukhang insincere naman para sa akin na umorder ng takeout…”

“Kung ganun, magluluto ka ng hapunan?” Ang malamig na sagot ni Macie.

“Hindi ako pamilyar sa kusina. Nabasag ko ang plato kanina. Nag aalala sa akin si Edward,” Ang sabi ni Sharon, kumukurap ng inosente. “Paano kung ganito, May? Tutulungan kita sa paghahanda ng mesa. Isipin mo na lang ito bilang paggawa ko ng hapunan, okay?”

Ngumiti siya ng makinang, ngunit kay Macie, ito ay talagang insincere.

Mukhang determinado si Sharon na pahirapan si Macie sa araw na yun sa pagpilit kay Macie na magluto habang injured.

“Hindi na. Magluluto na ako para sa inyo,” Ang sabi ni Macie.

Naisip niya na kumain na lang sina Edward at Sharon at lumayas. Hindi gusto ni Macie na magpatuloy na harapin sila.

“Hindi, hindi, tutulungan kita. Magluluto tayo ng magkasama,” Ang sabi ni Sharon. Pagkatapos ay nagsimula siyang utusan si Edward. “Ed, ihanda mo ang mesa. Magbuhos ka ng juice.”

Nagbigay siya ng mga utos na para bang siya ang ilaw ng tahanan, habang si Macie ay isang kusinera lamang.

Noon, magseselos si Macie tungkol dito. Ngunit ngayon. Nanatiling walang emosyon ang ekspresyon niya.

Simula noong bumalik si Sharon sa bansa at tumakbo si Edward papunta sa tabi niya, si Macie ay nawalan na ng pag asa kay Edward.

Sa tabi ni Macie, sina Sharon at Edward ay nagbubulungan ng malapit sa isa’t isa. Hindi tumingin sa likod si Macie.

Masunuring ginawa ni Edward ang mga utos ni Sharon. Naghanda sila ng mesa ng magkasama, romantic ang mood sa pagitan nila.

Kumapit ng malandi si Sharon sa braso ni Edward, sinasadya na nagpapakita ng palabas kay Macie. Gusto niyang ipakita kay Macie na siya talaga ang tunay na mahal ni Edward.

Gayunpaman, bumaba ang tingin ni Edward at dahan-dahang hinila palayo ang braso niya.

“Ah, pasensya na, Ed. Lagi kong iniisip ang panahon noong magkasintahan tayo, kaya napakapit ako sayo,” Ang sabi ni Sharon, kagat ang kanyang labi.

“Ayos lang,” Ang sabi ni Edward.

Tumingin siya patungo sa kusina, ngunit nakita niya na hindi man lang tumingin si Macie. Ito ay para bang hindi sila naririnig ni Macie.

Pagkatapos ay naglakad si Sharon papunta sa kusina. Habang hinuhugasan ang mga gulay, nakipag kwentuhan siya, kaswal na pinapaalala kay Macie ang mga gustong pagkain ni Edward.

Para kay Edward ito ay para bang tinuturuan ni Sharon si Macie kung paano pasayahin si Edward. Napuno ng irita si Edward.

“Hindi mo ito kailangan sabihin sa akin,” Galit na sabi ni Macie, hindi na mapigilan ang sarili. “Dalawang taon na akong nagluluto para sa kanya.”

Paanong hindi niya alam kung ano ang mga gustong pagkain ni Edward? Hindi niya kailangan si Sharon para sabihin sa kanya ang lahat ng ito.

Ang mga “mabuti” na paalala ni Sharon ay patagong paraan lamang upang ipagmalaki ang kanilang relasyon ng tatlong taon.

Sa oras na sabihin niya ito, agad na mukhang nasaktan si Sharon. Tumingin sya kay Edward at sinabi ng mapait, “Patawad, nakalimutan ko. Sanay na siguro si Edward sa luto mo ngayon—”

“Hindi!” Agad na sumingit si Edward, ang boses niya ay malakas na puno ng denial. “Ang pinakamagandang luto niya lang ay pagkain na hindi papatay sa akin. Ang luto niya ay lasang karton!”

Humigpit ang hawak ni Macie sa spatula nang marinig niya ito.

Karton. Dalawang taon ng pagluluto para sa kanya, at ito lang ang review na natanggap niya.

Hindi niya man lang gusto makipagtalo para sa sarili niya. Mas pipiliin niya na lang na isipin na lahat ng pagluluto niya ay tinapon sa basurahan nitong nakalipas na mga taon.

Lumaki ang ngiti ni Sharon nang marinig niya ang sinabi ni Edward at nagpatuloy siya sa pagsasalita.

“Bakit ka nag aaksaya ng hininga mo? Hindi siya nararapat na malaman ang lahat ng yun,” Ang malamig na sabi ni Edward.

“Gusto ko lang siguraduhin na alagaan ka ng mabuti ni May sa darating na panahon,” Ang sabi ni Sharon, tumingin kay Edward. Dumila siya sa ng mabilis kay Macie.

Pagkatapos, nagpakita siya ng malungkot na ekspresyon. “Alam kong wala na akong chansa na makasama ka, kaya gusto ko maging masaya ka kahit na sinuman ang makasama mo.”

Tumitig si Edward kay Sharon, talagang problemado.

Ang babaeng minsan niyang pinakamamahal ay nakatayo sa harap niya, ngunit kasal na siya sa iba.

“Magdivorce na tayo.”

Biglang humarap si Macie. Ang boses niya ay malamig.
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • Sino Ang Nagsisisi Ngayon   Kabanata 100

    Sa totoo lang, walang magawa si Nathan.Ang tanging tao na kayang macontact si Macie ay si Yosef. Sa kasamaang palad, walang paraan si Edward para macontact si Macie.Nang umagang yun, ang manager ay dumating dala ang product planning proposal para kay Edward. Ngunit pagkatapos ng mabilis na pag uusap, naging klaro na wala si Edward sa tamang kondisyon. Ang mga mata niya ay namamaga, kaya walang magawa ang manager kundi ang umalis.“Mr. Levy, alam mo ba kung ano ang problema ni Mr. Fowler?” Ang tanong ng manager kay Nathan sa Assistant Deparment’s office.“Oh, nasa gitna siya ng isang breakup,” Ang walang iniisip na sagot ni Nathan habang lumingon siya mula sa kanyang computer.Ngunit doon niya lang napagtanto na hindi ito tama. Kasal sina Macie at Edward. Hindi sila mag-boyfriend-girlfriend, kaya hindi ito breakup. Ito ay parang…Tama, isang divorce.Naku… Ang isang bagong divorce na lalaki ay magulo ang buhay, lalo na at dinala ito ni Edward sa sarili niya.Umiling lamang si

  • Sino Ang Nagsisisi Ngayon   Kabanata 99

    Ang isa sa mga interviewer ay ngumiti at sinabi, “Ms. Smith, ang professional expertise mo ay bukod-tangi. Ang leadership sa maraming team competition sa oras mo sa college ay rason para talagang nararapat ka sa posisyon ng director.”Tinikom ni Macie ang mga labi niya sa komento at tumingin siya kay Julian. “Pasensya na, sa tingin ko ay hindi ako kwalipikado para doon. Masaya ako para sumama sa design department bilang isang staff member.”Ang mga interview ay sandaling nabigla sa pagtanggi niya.Nagpatuloy si Macie, “Salamat sa kumpiyansa niyo sa akin. Ang mga competition noong college ay mga team event, at ang leader noon aysi Mr. Atkins, hindi ako. Assistant lang ako, kaya hindi ko matatanggap ang credit para doon.”“Alam ko ang kahinaan ko. Ito ang unang trabaho ko, at marami akong dapat matutunan, lalo na pagdating sa pag lead ng isang team. Kapag napromote ako, gusto ko magsimula mula sa simula.”Pagkatapos ng marinig ang kanyang sagot, ang mga interviewer ay natuwa sa kany

  • Sino Ang Nagsisisi Ngayon   Kabanata 98

    Lumingon si Julian para tumingin kay Macie. Naglagay si Macie ng light makeup na may soft red lips na hindi masyadong bold. Ang itsura ni Macie ay simple at fresh, elegante pa.“Hindi. Maganda ka.” Hindi pinigil ni Julia ang papuri.Ngumiti si Julian at dinagdag niya, “Noong sa college, ikaw ang top beauty ng department natin at isa sa pinaka namumukod na estudyante. Ang bilang mga lalaking nanliligaw sayo ay baka kayang libutin ang buong lungsod ng Williamford.”“Tumigil ka nga sa panunukso.” Ang sabi ni Macie, nagblush siya ng konti.Tumawa si Julian. Nang makita kung gaano kadali magblush si Macie, naisip niya na bumalik sila sa oras nila sa college.Gusto niyang itanong kung may boyfriend si Macie, ngunit naisip niya na masyado pang maaga dahil kakabalik lang ng koneksyon nila. Kaya naman, nagdesisyon siyang hindi magtanong ngayon.Habang nagkwentuhan sila, dumating ang elevator sa 12th floor.Nauna sa daan si Julian habang pinakita niya ang lugar. “Tingnan mo, ito ang compa

  • Sino Ang Nagsisisi Ngayon   Kabanata 97

    Sa passenger seat, narinig ni Nathan ang mga iyak at sigaw ni Edward.Kumunot ang noo ni Nathan, nagbuntong hininga siya sa loob. Kung alam ni Edward na mangyayari ito, bakit sigurado siya sa sarili niya noon?Noong ilang araw ang nakaraan, binalaan ni Nathan si Edward na maging tapat sa sarili, ngunti pinilit ni Edward an hindi niya pagsisisihan ang mga desisyon niya.Kahit anong pagmamakaawa o pag iyak ni Edward sa Fowler residence, tumanggi si Yosef na sumuko. Ang anumang ideya na pagbalikin sina Edward at Macie ay tuluyang naglaho.Ang call ay natapos ng walang awa. Bago ibaba ang phone, isa lang ang sinabi ni Yosef. “Hindi ka nararapat para kay May.”Sa backseat, nagredial si Edward, ngunit tumanggi ang lolo niya na sagutin ito. Sa oras na yun, doon lang nabasag ng tuluyan ang puso ni Edward, at napuno siya ng pagsisisi.Ang lalaki na may malamig na ugali at laging mahinahon ay nagdurusa na ngayon. Ang mga iyak niya ay desperado, parang isang tuta na inabandona sa tabi ng ka

  • Sino Ang Nagsisisi Ngayon   Kabanata 96

    “So… totoo it?” Ang tanong ni Yosef.Sa kabilang linya, hindi pa rin siya makapaniwala kahit na narinig niya ang mga sagot.“Hindi lang po ito totoo. May higit pa,” Ang sagot ni Nathan. “Ilalagay ko po ang lahat sa isang message at isesend ko sa inyo.”Pagkatapos ibaba ang phone, mabilis na nagtype si Nathan tungkol sa lahat ng alam niyang pagdurusa ni Macie at ang insidente ng pagdala ni Edward kay Sharon sa bahay nila.Kahit na divorced na sina Edward at Macie, naisip ni Nathan na mahalaga pa rin para kay Yosef si Macie at maaaring makatulong kay Macie na makakuha ng hustisya.Tahimik ang biyahe.Nakaupo si Edward sa backseat, malalim ang iniisip. Hindi pa rin siya makapaniwala na divorced na sila ni Macie.Kasabay nito, pinoproseso niya pa rin ang katotohanan mula sa dalawang taon na ang nakaraan—na ang lolo niya ay pinilit si Macie na pakasalan siya. Inosente pala si Macie sa simula pa lang, ngunit kinasuklaman siya ni Edward ng dalawang taon.Tinaas ni Edward ang kamay niy

  • Sino Ang Nagsisisi Ngayon   Kabanata 95

    “May, alam ni Ed na mali siya. Hinahanap ka niya nitong nakalipas na mga araw,” Ang sabini Yosef.Nagpatuloy siya, “Kukuha ako ng tao para harapin si Sharon. Pwede mo ba siyang pagbigyan kahit ngayon lang? Bigyan mo siya ng isa pang pagkakataon.”“Nahulog na si Ed para sayo, pero hindi niya ito napagtanto hanggang ngayon. Kakasabi niya lang sa akin na ayaw niya ng divorce, at umiyak pa siya. Nangangako ako na magiging mabuting asawa siya sayo simula ngayon.”Sa kabilang linya, nanatiling malamig si Macie at hindi apektado sa mga salita ni Yosef. Alam niya na dapat na hindi siya umasa kay Yosef na ayusin ang problema sa divorce. Hindi niya na dapat sinagot ang tawag.Ngayon, mukhang nagmamakaawa pa si Yosef para kay Edward.Lumilipad man ang mga baboy, gumuho man ang mundo, o sumikat man ang araw mula sa kanluran—ang anuman sa mga ito ay mas kapanipaniwala kaysa sa pagbabago ni Edward.“Mr. Fowler Senior, sinasabi niyo po sa akin na bigyan siya ng isa pang pagkakataon. Pero pwede

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status