HINDI pa man sumisikat nang mataas ang araw, trending na ang pangalan ni Damon Blackwell sa lahat ng social media platforms. Sa Faceboök, Twïtter, Instaägram, at TikTök ay puro siya ang laman. Ang mga litrato niya kasama si Cassandra at ang batang si Cobbey na kuha sa Smith Medical Center, kumalat na parang wildfire.Nasa million views na ang video post, libo-libong shares, at walang tigil ang comments section. Lahat ng nakasulat, puro panlilibak sa pamilya Blackwell."Kawawa naman si Cassandra, siya pala ang totoong misis!""Si Luna Herrera pala ang kabit! Gold digger vibes!""Kaya pala parang hindi sincere ‘yang babae, pumapel lang sa buhay ni Damon."Habang binabasa ni Luna ang mga comments, pakiramdam niya ay unti-unting gumuho ang mundo niya. Siya raw ang mistress, siya raw ang sumira sa pamilya ni Cassandra. Mas matanda si Cobbey kay Callyx, kaya sa mata ng lahat, siya ang homewrecker.Hawak niya ang phone, nanginginig ang kamay. Sa gilid, nakaupo si Nanay Rina, na ngayon pa la
DAY-OFF ni Luna, pero kahit walang pasok, hindi siya mapakali. Isang linggo na mula nang mahulog sa kanya ang mga larawan sa email, mga litrato na tumuldok sa tiwala niya kay Damon. At isang linggo na rin mula nang nagsimula ang katahimikan sa pagitan nilang dalawa. Hindi sila nag-uusap, hindi sila nag-aaway sa harap ng bata, pero bawat kilos ay may lamat na hindi maitatago.Kung titingnan ng iba, normal ang buhay nila. Si Damon pumapasok, siya naman sa hospital. Pagdating ng gabi, kumakain silang tatlo kasama si Nanay Rina at si Callyx. Nagkukuwentuhan sa hapag, pero lahat ng iyon ay acting lang. Sa loob ni Luna, bawat tingin niya sa asawa ay parang karayom na bumabaon. Hindi dahil may anak ito kay Cassandra. Kung tutuusin, kaya niyang tanggapin iyon. Ang hindi niya kaya ay ang pagsisinungaling.---Pag-alis ni Damon, nagpasya si Luna na i-general cleaning ang kwarto. Nagsuot siya ng simpleng shirt at shorts, tinali ang buhok, at kumuha ng mga kahon at basurahan. “Maybe if I keep my
KINABUKASAN, magkakasabay na dumulog sa dining table ang buong pamilya. Si Luna at Damon ay parehong nakaupo, kaharap si Callyx na masiglang kumakain ng pancake at naglalaro pa ng syrup sa plato. Sa unang tingin, parang normal. Pero sa ilalim ng ngiti ng bata, ramdam ang malamig na tensyon ng dalawang magulang. “Daddy, tingnan mo oh!” masiglang sabi ni Callyx, sabay pakita ng ginupit na paper rocket na ginawa niya kagabi. Napilitang ngumiti si Damon, kahit may mabigat sa dibdib. “Wow, buddy. Ang galing mo talaga. Parang totoong rocket ship na.” Natawa si Callyx, proud na proud. Si Luna, sinubukan ding ngumiti para hindi mahalata ng anak, pero hindi niya nagawang tingnan si Damon nang diretso. Iwas ang mata, iwas ang puso. Sa gilid, si Nanay Rina ay nag-aayos ng tasa ng kape. Tahimik siya pero hindi bulag. Ramdam niya ang lamig na kumakain sa pagitan ng dalawa. Sandaling nagtagpo ang mga mata nila ng anak pero umiwas ito. Matapos ang almusal, sabay nilang inihatid si Callyx sa sch
TAHIMIK ang buong bahay, pero hindi matahimik ang loob ni Luna. Kanina pa siya paikot-ikot sa kama, hawak ang cellphone, paulit-ulit na chine-check kung may text o tawag si Damon. Wala.Napatingin siya sa orasan. 12:17 AM. Lagpas alas-dose na, pero hindi pa rin umuuwi ang asawa niya. Hindi rin ito nag-update. Normal kay Damon na late, pero kahit ganoon, hindi ito nakakalimot na mag-text kahit simpleng “On my way” lang.Naramdaman niya ang bigat ng dibdib niya habang hawak ang phone. Ang dami nang pumapasok na tanong sa isip niya. Busy lang ba talaga siya? O may ibang dahilan kung bakit hindi siya nagrereply?Muling nag-vibrate ang cellphone niya. Akala niya si Damon na. Pero nang makita, hindi ito message. Isang email.“Anonymous sender?” bulong niya, kunot-noo habang pinindot ang notification.Pagkabukas, nanlaki ang mga mata niya. Halos mabitawan niya ang cellphone sa nakita.Mga larawan. Mga stolen shots. Si Damon, nasa loob ng ospital. Katabi si Cassandra. At sa ibang frame, may k
Blackwell Corporation — 10:00 AMTahimik ang buong opisina pero ramdam ang pressure sa hangin. Dumiretso si Damon sa boardroom, dala ang laptop at ilang folders. Nakasuot siya ng navy suit, crisp ang white shirt, pero kahit malinis ang anyo niya, halata ang pagod sa mga mata. Kahit anong pilit niyang magmukhang composed, hindi niya maitago ang bigat na bumabagabag sa isip.“Good morning, Sir Damon,” bati ni Chase nang pumasok siya. May dala itong tablet, nakaayos na ang schedule ng araw.“Morning,” tipid na tugon niya. Agad siyang umupo, nag-scroll sa laptop, at nagkunwaring abala.Pero habang tumatagal, halos wala siyang maintindihan sa mga slides na pinapakita. Ang utak niya, paulit-ulit bumabalik sa imahe ng batang nakahiga sa hospital bed kagabi. Cobbey. Ang mga tanong na iniwasan niya kagabi, mas maingay ngayong umaga.Napansin iyon ni Chase. Maingat itong lumapit, inilapag ang tablet sa mesa. “Sir, are you okay? Parang… distracted po kayo today.”Saglit na natigilan si Damon. Hi
CHAPTER: The Son I Never Knew---VIP Ward, Smith Medical Center — 12:07 AMTahimik ang paligid. Walang maririnig kundi ang mahinang beeping ng vital monitors at ang sipol ng air conditioning. Sa isang kwarto ng VIP wing ng ospital, dahan-dahang binuksan ni Damon ang pinto, at agad na bumungad sa kanya ang imahe ng isang batang lalaki na mahimbing ang tulog sa hospital bed.Si Cobbey.Hindi alam ni Damon kung ano ang mararamdaman habang dahan-dahan siyang lumalapit. May ilang segundo siyang nakatayo lang sa paanan ng kama, tinititigan ang bata. Kumalma ang dibdib niya nang unti-unting magsink in ang lahat. Pinagmasdan niya ito ng mabuti.Ang ilong, kapareho ng sa kanya, maging ang shape ng bibig, at salubong na kilay. Pero may kakaiba rin dahil brown ang mga mata nito, hindi tulad ng kay Callyx na grey. Ang buhok nito’y medyo wavy, parang kay Marcus noong bata pa ito.Pero kahit gaano ka-obvious ang resemblance, wala siyang maramdamang "lukso ng dugo" gaya ng sinasabi ng matatanda. Wa